Dahyun's Pov:
Wala nang mas sasaya pa sa moment na gigising ka tapos yung taong mahal mo 'yung una mong makikita.
Nang magising ako, nakita kong mahimbing parin ang tulog ni Mina sa tabi ko. Pinagmasdan ko muna siyang matulog. Wala na talagang mas gaganda pa sa kanya. Kahit tulog, ang ganda parin niya.
Nakakalungkot lang na kailangan kong magdesisyon para masiguradong patuloy lang na magiging mahimbing ang tulog niya sa araw-araw.
Napaisip ako na kung magmamatigas ako kay Tzuyu, malaki ang posibilidad na hindi lang si Tzuyu ang saktan niya. Madadamay din sila Chaeyoung. Hindi pa siya nakuntento. Nasali din si Nayeon na inituturing na bestfriend ni Mina ngayon.
Ayokong may mamatay na namang mahal sa buhay si Mina. Alam kong sobrang sakit na para sa kanya ang pagkawala ng Mom at Yaya Jihyo niya. Ayoko nang madagdagan pa 'yung sakit na naramdaman niya noon. Ayoko nang sisihin na naman niya ang sarili niya.
Aminado kong hirap na hirap na kong mag-isip ng paraan kung paano malulutas ang problemang 'to. Alam kong wala akong magagawa kahit na isumbong ko sa mga pulis na ang Dad ni Tzuyu ang nagpakidnap kay Mina noon. Wala akong kapangyarihan para paniwalaan ng ibang tao. Hindi sila maniniwala sa isang tulad ko na wala namang pera. Alam kong kayang-kaya ng Dad ni Tzuyu na gamitan ng pera ang problemang 'to.
Kailangan kong umisip ng paraan. Kailangang may gawin ako. Kailangang malutas ko 'to nang walang nasasaktan o nadadamay.
"Mina, I'm sorry." Nasabi ko na lang habang pinagmamasdan siyang matulog. Kumain na muna ko ng agahan dahil nagugutom na ko.
Nagprepare na rin muna ko ng breakfast para may makain din si Mina sa oras na gumising siya.
"Hey! What's Up?" Bumalik na si Jeongyeon sa bahay.
"Kumusta naman ang lambingan niyo ni Mina? Nakailang games kayo?" Tanong naman ni Chaeyoung na halatang kagigising lang.
"Anong games?"
"Diba nagkmuah-muah chup chup kayo kagabi ni Mina." Dagdag ni Chaeyoung.
"Tama! Kaya umalis na kami kaagad." Sabi naman ni Jeongyeon.
"What the hell? Yun 'yung nasa utak niyong gagawin namin all this time?" Mga green-minded talaga 'tong mga kaibigan ko. Mga gague!
"Oo. Eh, yun ang pagkakaintindi namin nila Momo." Sabi naman ni Chaeyoung.
"Hindi ganun! Gusto ko lang na makasama si Mina kagabi. Walang kakaibang nangyari. Nagpicture-picture lang kami' nagkwentuhan. That's it." Paliwanag ko sa kanila. Para tumigil sila, ipinakita ko pa 'yung picture namin ni Mina sa phone ko.
"Haha. Wow! May pa-selfie pala ang dalawa." Sabi ni Jeongyeon sabay kamot sa ulo.
"Eh, kayo? May ginawang masama ba kayo kay Momo?! Kunwari maglalaro ng boardgames pero ang totoo, may masamang balak kayo?!" Tanong ko sa kanila sabay glare.
"Baliw! Naglaro lang talaga kami ng boardgames. Palagi nga kaming talo. Ang galing pala sa boardgames ni Momo! Saka, nakatulog na din naman kami ni Jeongyeon sa sofa dahil sa antok. Asa pa kayong ipagpalit ko si Nayeon!" Paliwanag ni Chaeyoung.
"Saka, papayag ba naman akong pagsamantalahan ni Chaeyoung si Momo? Omg! No way. Suntok abot nito sakin." Dagdag ni Jeongyeon.
"Ganun ba? Mabuti nang nagkakaintindihan tayong lahat." Sabi ko habang nag-aayos ng pagkain.
"Uy! Mukhang masarap yang niluto mo ah." Sabi ni Chaeyoung.
"Para kay Mina 'to."
"Penge naman kami." Sabi naman ni Jeongyeon.
"Basta wag niyong ubusan si Mina. Para sa kanya 'yan eh!"
"Ayos! Huwag kang mag-alala. Ayan na si Mina oh. Sabay-sabay na kami." Sabi ni Chaeyoung sabay turo kay Mina na kalalabas palang ng kwarto ko.
"Good Morning, Mina!" Bati nila Jeongyeon sa kanya.
"Good Morning, Guys" Bati ni Mina na gulo-gulo pa ang buhok.
"Good Morning, Mina. Ready na ang breakfast mo." Sabi ko sa kanya.
"Uy! Salamat. Wait, magaayos lang ako ng sarili." Pumunta muna siya sa cr para maghilamos.
Nang lapitan niya kami, naupo na rin siya sa upuan. Ready na rin siyang kumain.
"Enjoy your meal." Sabi ko habang nakatayo sa tabi nila.
"Hindi ka sasabay samin?" Tanong ni Mina.
"Nauna na kong kumain kanina. Nagready naman ako ng food para sayo." Nakangiting sagot ko.
"Ang sweet naman. Thank you, Dahyun." Nakangiting sagot ni Mina kaya napangiti na lang din ako.
Habang kumakain sila, nagpunta na muna ko sa living room para magpahinga. Napapalingon na lang ako kay Mina na masayang nakikipagkwentuhan kila Jeongyeon habang kumakain. Masaya akong makita na maganda ang simula ng araw niya ngayon. Wala nang mas sasaya pa sa tuwing makikita ko siyang masaya.
"Oy, Dahyun." Biglang pumasok si Momo sa bahay.
"Why?"
"Kumusta na ang lambingan niyo ni Mina kagabi?"
"What the hell? Mali ang iniisip niyo. Nagkwentuhan lang kami't nagselfie kagabi. Baliw!" Paliwanag ko.
"Awwwwie. Akala ko naman nag-ano kayo."
"Nag-ano?"
"Di bale, alam kong maga-ano din naman kayo someday. Haha." Dagdag niya sabay tawa.
"Nagbreakfast ka na ba?"
"Hindi pa nga eh." Sagot niya sabay hawak sa tiyan niya.
"Ayun! Sumalo ka na sa mga 'yun. Ako yung nagprepare ng pagkain." Sabi ko sabay turo kila Chaeyoung na kumakain na sa dining area.
"Oh! Talaga? Salamat! Sige, makikikain na muna ko dun. Haha." Nagmadali na si Momo para makisalo kila Mina. Pinagmasdan ko lang silang masayang kumakain habang naguusap-usap.
Kapag ba nawala ako sa tabi ni Mina, ganyan parin sila kasaya? Masaya akong makita na nagkakasundo si Mina at ang mga kaibigan ko. Kahit paano, kampante ako na may mag-aalaga at magpapangiti sa kanya kung sakaling mawala ako sa tabi niya.
Nandiyan din naman si Nayeon para suportahan at pangitiin si Mina sa oras na kailangan niya ng kaibigan.
Ang daming thoughts na pumapasok sa isipan ko. Hindi parin ako makapagdesisyon sa ngayon pero alam kong as soon as possible, kailangan ko nang magdesisyon. Hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa lahat ng mahalaga sa buhay ko.
Sana palagi na lang katulad nung kagabi. Kung pwede sanang habang-buhay na kaming ganun ni Mina. Kung pwede lang sana na siya palagi ang kasama ko sa pagtulog. Kung pwede lang na siya ang palaging kayakap ko. Kung pwede lang sana na siya palagi ang makikita ko sa tuwing imumulat ko ang mata ko.
Kung pwede lang sanang "Goodnight" na lang palagi ang sabihin ko sa kanya. Kung pwede lang sanang maiwasan kong sabihin sa kanya ang salitang "Goodbye". Kung pwede lang sanang maging selfish ako para sa sariling kasiyahan ko. Pero hindi eh, hindi pwede.
Bakit? Dahil nakataya sa desisyon ko ang kaligtasan ng mga mahal ko sa buhay.
Alam niyo kung anong nakakainis? Kung ano yung strength ko, yun din yung weakness ko. Oo! Matapang akong tao. Pero kapag mahal ko na sa buhay ang nakataya, nanghihina ako. Willing akong i-risk ang sariling kasiyahan ko para sa kanila. Bakit? Dahil mahalaga sila sakin. Mahal ko sila. Kapag mahal ko, sinisigurado kong hindi mapapahamak.
Sa huli, desisyon ko parin 'yung inaasahan ng lahat. Kahit mahirap, alam kong kailangang gawin ko.
💋To Be Continued💋
A/N: Guys! Iready na ang mga tissue. Oopps, mas iready pala yung puso. Hahahaha. Lol. Kumusta na ang feels?
Excited na ko sa comeback ng Twice. Omg! Yung feels ko.
Don't forget to leave some comments.