Take Me To Your Heaven (PUBLI...

By Miss_Sixteen

12.6M 104K 7.4K

(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong u... More

Take Me To Your Heaven
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Author's Note
NOT AN UPDATE
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Special - Take Me To Your Heaven
SOON ON POPFICTION

Chapter 39

162K 1.3K 101
By Miss_Sixteen

This day will be my day. I have to do this. Kelangan tatagan ko ang aking loob na magsalita sa harap ng lahat lalo na sa harap ni Andrei. Kahit na kinakabahan ako, I have to deliver my speech. Wala man akong ready-to-read na speech, pero meron na akong nais sabihin na magmumula sa puso at isip ko.

While Luke, is rendering his speech, hindi ko maiwasang pumikit at damhin lahat ng sinasabi niya. Napapailing na lang ako sa lakas ng iritan sa kanya kapag nagpi-pick up line siya. Kahit ako ay natatawa sa mga pick up line niya. Kung wala lang ako dito sa stage, sigurado isa ako sa mga hihiyaw sa kanya.

“Hindi naman ako gwapo…” Nag iritan na naman ang mga babae. Halos hindi na siya makatapos ng isang sentence dahil sa napuputol ito sa kakahiyaw ng mga audience. Humble talaga itong si Luke, eh ang gwapo gwapo nga niya. Ang sarap niyang kurutin.

“…athletic at sikat pero binoto niyo ako.” Ngumiti siya nagpakatamis. Kitang kita ko ang paglubog ng kanyang dimple.

“Ibig sabihin nun, binoto niyo ako hindi dahil sa gwapo ako, athletic at sikat. Iyon ay dahil nagtitiwala kayo sa kakayahan ko upang maging isang leader ng school at upang matulungan ang ating presidente.” Lalong lumakas ang iritan at kitang kita ko ang pagkakilig ng mga tao. Tumingin sakin si Luke at ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya.

Hindi nawaglit sakin, ang pagkuyom ng kamay ni Andrei. Kitang kita ko ito sa aking peripheral vision.

 

“At ngayon, ibibigay ko na ang panahon sa kanya. Miss President?”

Tumango ako at tumayo sa aking kinauupuan. Huminga ako ng malalim bago pumunta sa gitna para magsalita. Pero bago ako makarating sa gitna ay niyakap ako ni Luke ng sobrang higpit at bumulong siya, “Be strong”. Nagtaka ako sa tinuran niya. Tila may alam siya sa lahat ng nangyari sa akin nitong nakaraan.

Yinakap ko din siya pabalik. Binitawan niya ako at nagdiretso na ako sa unahan.

“Dalawang taon. Dalawang taon na akong naglingkod bilang Presidente ng Student Association. Hindi ko inaasahan na sa ika-pangatlong pagkakataon, ako ay muling mahahalal. Sinabi ko noon sa sarili ko na, tama na ang dalawang taon na nagsilbi ako sa mga kapwa estudyante ko at naging boses nila. Ngunit, muli ay may kumatok sa aking puso para muling tumakbo sa parehas na posisyon.”

Tumigil ako ng saglit at tiningnan ko ang aking paligid. Kelangan kong memoryahin at tandaan ang pangyayaring ito. Ang pangyayaring, nagbago at putuloy na magpapabago sa buhay ko.

 

“Lahat ng sinabi ng mga nahalal, ay tutuparin ng Student Association. From the tiniest information to bigger ones, ay ihahatid namin sainyo.”

Nagpalakpakan ang mga tao sa gym namin.  Kitang kita ko dito ang full support sakin nila Jen, Jana at Ara. May dala dala pa talaga silang placard.

 

“Ngayon, hindi ako manunumpa ngunit itataas ko ang aking kanang kamay.” Nakita ko ang pagtataka sa kanilang mukha. Dahan dahan kong itinaas ang aking kanang kamay bago bigkasin ang nais kong sabihin.

 

“I, Jessica Jasper Santos, SA President, is resigning from her position.”

Lumakas ang bulong bulungan ng mga tao hanggang sa naging isang ingay ito. Kitang kita ko ang pagyuko ni Andrei at pagkuyom ng kanyang kamao. Ang placard na hawak naman nila Jen ay unti unti na nilang binaba. Disappointment, pagtataka at tila inis ang ipinapakita sakin ng mga tao. Ngunit, ngumiti lang ako. I have to answer whatever it is in their mind.

“I lost in love.” Tumahimik ang paligid. Nangingilid ang luha ko. I know after this, maraming magtatakwil sakin.

“But that is not the reason for this resignation. Alam kong iniisip ng iba sa inyo na, ‘kakasimula pa lang ng term, nagresign na agad’. Hindi ko kayo masisisi kung ganyan ang iniisip niyo. Sa tingin ko kasi ay hindi na ako karapatdapat na tumayo sa harapan niyo. To tell you honestly, …“ Tila may pumipigil sakin na umamin ngunit hindi ko kaya. Alam kong ito ang ikakatahimik ng puso ko at ng anak ko.

“… I got pregnant.” Doon na tumulo ang mga luha kong kanina ko pang pinipigilan. Gusto ko na kahit sa huling pagkakataon, ay maging proud ako sa aking baby kahit wala na siya.

Kaingayan ang bumalot sa buong gym. Kung iniisip niyo na nakakahiya ang nagawa kong pag amin, wala na akong pakielam.

 

“But I lost it. I lost my child. She died.” Hindi ko na kaya. Iyak na ako ng iyak sa harap ng maraming tao. Nahihirapan na ako sa paghinga. Kahit na ang lawak ng gym ay tila ang sikip sikip nito na hindi talaga ako makahinga. Naramdaman ko na dinaluhan ako ni Luke at binigyan ng tubig. Nangingig ang aking kamay habang umiinom.

“Sinuway ko ang isa sa rules and regulation ng school kaya wala na akong karapatan pang maging president.” Binitawan ko microphone at pumunta sa pinakagitna ng stage. I face them with my head held up high. And I give my final bow.

Lumakad ako pababa ng stage at nakita kong nag aabang na sa akin ang aking mga kaibigan. Sinalubong din ako ng President ng school.

“In my office.” Sabi ng President at lumakad na palabas ng gym.

Yinakap ako ng aking mga kaibigan. Pati na rin ni Sir Gelo.

“I salute you for that, Jess. You are one of the greatest leader of this school.” Sabi ni Sir Gelo. Kahit papaano ay gumaan ang aking loob. Ngumiti ako kay Sir at yinakap ko siya.

“Jessica.” Isang malamig na boses ang nagpabitaw sakin sa pagyakap ko kay Sir. Tiningnan ko siya at kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. Bakit Andrei? Bakit? Bakit ka umiiyak? Hindi ba ito ang gusto mo at pinatay mo ang anak ko? Bakit?

Hinila na ako nila Jana palabas ng gym. Pilit nila akong iniiwas kay Andrei. Rinig na rinig ko naman ang tawag sakin ni Andrei. No, Andrei! I won’t look back. I can’t forgive you, not now!

Nagulat ako ng mahawakan ni Andrei ang braso ko. Kahit na ang bilis bilis ng lakad namin ay naabutan niya ako. Agad niya akong hinarap sakin at hinawakan ang aking mukha. Kitang kita ko ang luhang tumutulo sa kanyang mata hanggang pisngi.

“Baby, I’m sorry. I’m sorry. Please.” Iyak siya ng iyak. Ngunit hindi na ako magpapadala sa mga ganyang drama.

“You listen to me, please listen.” Rinig na rinig ko ang pagmamakaawa sa boses  niya.

 

“No. Everything is clear. And everything’s over.” Akmang tatalikuran ko na siya ngunit mabilis niya akong nahila papalapit sa kanya.

 

“No! You can’t leave me! It can’t be over! We can’t be over! Just please, listen to me.” Dahan dahan ko siyang tinulak palayo sakin. Ngunit ayaw niya akong bitawan.

“Let go.” Utos ko sa kanya. Andrei, please pakawalan mo na lang ako.

“No, I won’t. No, no!” Umiiling iling pa siya sakin.

“Pare, bitawan mo na –“ Agad pinutol ni Andrei ang sinasabi ni Luke.

“Hwag kang mangielam dito! Stay away from us! Gago!”

Nagulat na lang ako ng sinuntok ni Luke si Andrei. Agad na nadapa si Andrei sa sahig. Nais ko siyang ibangon ngunit mahigpit ang pagkakahawak sakin ni Ara. Andrei, bumangon ka dyan! Hindi pa nauntento si Luke at sinipa niya si Andrei.

“Luke!” Agad kong inawat si Luke at dinaluhan si Andrei. Shit! Ito ang ayaw ko, ang bilis kong bumigay. Ang bilis ko siyang kaawaan.

 

“Andrei, please let me go.” Hinawakan ko ang mukha ni Andrei na may bahid ng dugo sa lower lip niya. Hinawakan ko ang sugat niyang iyon. Baka sakali, baka sakali lang naman na mawala ang sakit nito.

 

“Masyado ng masakit ang lahat, Andrei. Hindi ko na kaya.” Hindi siya makaimik. Umiiling lang siya sakin at umiiyak habang hawak ang kamay kong nakahawak sa mukha niya. 

Naiinis ako na tila isang teleserye ang nagaganap samin. Nagagalit ako sa lahat. Pero kahit na anong sabihin kong galit ako kay Andrei, hindi kaya ng puso ko na patawarin siya. Ako kasi yung taong malambot ang puso kahit nasasaktan na.

Tumayo ako at tumalikod kay Andrei. Naglakad ako palabas ng gym at nagtungo sa Office ng president. Kasunod ko naman sila Sir at Jana at Luke. Hindi ko mapigilang lumuha sa lahat ng nangyari. Ang sakit, ang sakit sakit lang. Lord, kelan po ba matatapos ang lahat ng ito?

Bago ako makarating sa office ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.

 

From: Daddy

 

Take care, honey. Please go home early. I have a big announcement.

Daddy loves you.

Tinago ko agad ang cellphone ko matapos kong basahin ang text ni Daddy. Kung ano man ang big announcement niya ay hindi ko na muna pakakaisipin. Sa ngayon, kelangan kong pagtuunan ng pansin ang nangyari ngayon araw at ang pakikipag usap ko kay President Leo.

 

“We’re gonna wait for you here. Stay calm and strong. Just pray, Jess. Got it?” Hinalikan niya ako sa pisngi.

 

“I admire your honesty. Hwag kang mag alala. Kung magalit si Sir Leo, back up mo kami. At siguro naman hindi ka nya papagalitan kasi involve ang pamangkin niya.”

Tumango ako sa kanila at ngumiti ng bahagya. Kung ano man ang patutunguhan nito, tatanggapin ko ng maluwag.

 

Lord, guide me and be with me.

Continue Reading

You'll Also Like

190K 3.2K 16
Dahil sa kagustuhan ni Alexander na makabalik sa America ay naisip nyang gumawa ng hakbang para maipakita sa mama nya na mas makabubuti sa kanya ang...
888K 23.8K 23
Si Pinkie Diwata dela Rosa ay naniniwalang size doesn't matter. Aba, hindi na niya kasalanan kung maraming pagkain ang ref nila, 'no. Masarap kaya an...
5.9K 373 39
There's a reason in every season. Siguro nga may dahilan lahat ng nangyari sa atin, noong panahong iyon.
340K 18.1K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.