Dahyun's Pov:
Alam kong may hindi magandang nangyayari sa pagitan namin ni Mina. Ayoko nang patagalin pa ang pagsusungit ni Mina sakin pero hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Habang namomroblema ako, lumabas ng bahay si Chaeyoung habang kumakain ng chocolate na dala ni Tzuyu.
"Dahyun, Nasaan na si Mina? Kala ko may lakad kayo kanina." Tanong niya habang kumakain. Nagawa pa niyang umupo sa tabi ko.
"Ikaw talagang bwisit ka!" Nanggigil ako't akma siyang kukurutin kaya naman napatayo siya't napalayo sakin.
"Bakit ako na naman?"
"Bakit kasi umextra ka pa kanina? Ayos na eh. Sasama na sakin mag-agahan eh. Ni-mention mo pa yung chocolate na galing kay Tzuyu."
"Ah. Yun ba? Hahaha. Pasensya na! Nagpapaalam lang naman ako na kakainin ko na 'to." Tatawa-tawa pa. Kasora talaga. Hindi ko tuloy alam kung paano susuyuin si Mina.
"Ano na namang kaguluhan 'to?" Sumulpot si Jeongyeon na kumakain din ng chocolate.
"Sana bumisita ulit si Tzuyu. Para palaging may pasalubong dito sa bahay." Sabi ni Jeongyeon.
"Isa ka pa eh. Buwisit kayo pareho." Nakakunot-noo kong sabi.
"Relax, Dahyun. Alam kong gigil ka samin. Tutulungan ka naman namin eh." Sabi naman ni Chaeyoung.
"Tutulungan? Baka nga ipahamak niyo pa ko lalo eh."
"Magtiwala ka samin. Effective 'to." Dagdag naman ni Jeongyeon.
"Mag-uusap lang kami ni Jeongyeon sandali para sa planong pagtulong sayo." Sabi ni Chaeyoung sabay hila kay Jeongyeon. Nagbulungan silang dalawa.
Hindi ako sigurado kung tama bang magtiwala sa advice nila. Kinakabahan ako eh.
"Okay na! May plano na kami." Sabi nila sabay lapit na ulit sakin.
"Oh. Ano namang plano niyo?"
Ibinulong nila sakin kung anong plano nila.
"Wth? Bakit gagawin ko 'yun? Ayoko! Ang corny."
"Hindi corny 'yun, Dahyun. Maniwala ka samin. Kaya mo 'yan." Sagot nila sabay apir pa.
"Pinaglalaruan niyo ba ko?"
"Hindi. Tinutulungan ka namin. Basta gawin mo lang 'yung sinabi namin. Kaysa naman tumunganga ka diyan." Sa bagay, may punto din naman sila. Kaysa tumunganga, kailangang may gawin ako.
Nagulat na lang ako nang bigla akong suutan ng shade ni Chaeyoung. Pinagsuot naman ako ni Jeongyeon ng cap at mask.
"Anong kalokohan 'to?" Tanong ko sa kanila.
"Ipaalala mo lang sa kanya kung anong halaga ng samahan niyong dalawa." Sabi ni Jeongyeon sakin.
"Huh?"
"Nakawin mo ang puso niya!" Sabi naman ni Chaeyoung.
"Ang corny niyo."
"Aish. Gawin mo na lang kasi." Dagdag nila sabay tapik sa balikat ko.
"Paano kung hindi effective?"
"Kaya mo 'yan! Maging totoo ka lang sa kanya." Napatango na lang ako sa kanila't lumakad na.
Nang marating ko ang stall ni Momo, naabutan ko silang nagtitinda ni Mina.
"Ahem Ahem." Tumayo ako sa harapan.
"Oh! Hi Dahyun. Bakit nandito ka?" Tanong ni Momo.
"Gu--Gusto ko sanang kausapin si Mina."
"May trabaho ko ngayon." Biglang sabi ni Mina kaya natigilan kami ni Momo.
"Ahhhh----Importante 'to."
"Sasabihin mong bumalik ulit si Tzuyu?" Cold na tanong niya.
"Hindi. Gu--Gusto nga kitang yayain kumain ng agahan."
"Tamang-tama! Di pa kumakain ng agahan si Mina." Sabi naman ni Momo.
"Oh! Sabi mo kumain ka na. Hindi pa pala. Kumain na tayo nang sabay." Mukhang may something nga talaga. Nagsinungaling pa siya na nag-agahan na siya. Malamang ayaw niya lang akong kasama. Aish. Mukhang galit nga siya sakin.
"Ayos lang ako. Wala akong gana." Sagot ni Mina nang di man lang lumilingon sakin.
"Please. Bakit ba ayaw mo?"
"Wala lang."
"Kakain lang tayo sa restaurant tapos pwede ka nang bumalik sa pagtitinda."
"Tama si Dahyun. Ayos lang sakin. Kumain ka na muna, Mina. Masamang magpalipas ng gutom." Sabi naman ni Momo.
"Eh, Ayoko nga."
"Ayaw mong kumain o ayaw mo kong makasama?" Tanong ko sa kanya.
"Ayaw kitang makasama." Prankang sagot niya kaya natigilan ako.
"Wait, Magkaaway ba kayo? What's happening here? Saka, Sinong Tzuyu?" Tanong ni Momo.
"Pinsan ni Mina. Pumunta kasi kanina."
"Huh? Bakit?" Tanong ni Momo.
"Pumunta para bisitahin si Dahyun. Ang sweet nga nila eh." Sagot ni Mina.
"Talaga? May bago kong kaagaw? I mean, close sila ni Dahyun?" Tanong ni Momo.
"Kanina ko nga lang nalaman na close pala sila eh. Pero ayos lang, masaya ko para sa kanila." Sagot ni Mina habang nakakunot-noo sakin.
"Mabuti naman nagkita kayo ng pinsan mo. Malamang namiss mo ang pinsan mo." Sabi ni Momo kay Mina.
"Sa totoo, hindi ko siya namiss. She's a spoiled brat who only wants to ruin my life. I don't like her." Sagot ni Mina.
"Oh. Bad naman pala siya. Eh, Bakit kasama ni Dahyun?! May relasyon kayo, Dahyun?!" Tanong ni Momo sabay glare sakin.
"Re--Relax. Wala kaming relasyon ng spoiled brat na 'yun. Hindi ko din alam kung bakit pinuntahan niya ko. Promise! Wala akong kasalanan."
Ano ba naman kasing gulo 'to? Bakit pinagtitripan ako ng Tzuyu na 'yun? Anong gagawin ko?
"Kim Dahyun, may di ka ba sinasabi samin?" Tanong ni Momo sakin.
"Wa--Wala. Maniwala kayo. Inosente ako!"
"Okay lang. Wala naman sakin kung magdate sila o hindi." Extra ni Mina.
"Are you jealous?" Tanong ni Momo kay Mina.
"Hindi!" Sagot ni Mina nang pasigaw.
"Ahhh----Nagtatanong lang naman ako." Napakamot sa ulo si Momo.
"So--Sorry sa pagsigaw. Si--Siguro stressed lang ako." Sagot ni Mina sabay tingin sakin.
Natigilan siya nang mapansin ang itsura ko.
"Mina, Kumain na tayo sa labas. Please."
"Bakit ka naman nakaganyan? May hoholdapin ka ulit?" Tanong ni Mina sakin.
"Hindi na ko nanghoholdap. Ayoko na. Tuluyan na kong nagdesisyon na itigil na ang gawaing 'yun."
"Bakit naman?" Tanong niya habang nag-aayos ng mga repolyo.
"Dahil sayo." Bigla niyang nailaglag yung hawak niyang repolyo.
"A---Ako?"
"Oo. Hindi ko rin alam kung bakit eh. Basta alam ko simula nang makilala kita may nagbago na sakin. Mas naisip ko na ang kahalagahan ng buhay. Naisip ko na hindi pala lahat ng mayayaman masaya sa buhay nila. Kaya kahit mahirap lang kami, dapat kong isipin na maswerte kami dahil masaya kami kasama ang isa't-isa." Sagot ko sa kanya.
"Tama na ang drama. Kumain na kayo kung kakain kayo." Extra ni Momo.
"Ayoko padin." Sagot ni Mina kaya naman napahinga ako nang malalim.
"Myoui Mina, Gusto kong mas makilala mo kung sino ba talaga ako. Gusto kong mas makilala ka rin." Seryosong sabi ko sa kanya kaya naman napalingon siya sakin.
"Bakit ako?"
"Kasi------" Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin 'to.
"Ano?" Tanong niya sakin.
"Cause you stole my heart." Kinakabahang sagot ko.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumawa.
"Bakit ka tumatawa?"
"Ang cheesy kasi" Sagot niya sakin.
"Pasensya na. Na--Napagutusan lang akong sabihin 'yun eh." Napakamot-ulo na lang ako.
"Pero sige na, papayag na ko." Sagot niya sakin kaya napangiti ako.
"Talaga?!"
"Oo. Tara na. Bago pa magbago ang isip ko." Sagot niya sakin kaya naman kumilos na ko.
"Sasama din pala. HAHAHAH." Sabi naman ni Momo.
Shet. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nakapagpapayag sa kanya. Pero ang mahalaga, pumayag na siya. Makakapagexplain na ko nang maayos kung ano ba talagang namamagitan samin ni Tzuyu.
"Bakit nakaganyan ka?" Tanong niya habang naglalakad kami.
"Huh? Ah. Wala naman. Gusto ko lang na ipaalala sayo yung mga panahong kasama mo ko bilang snob mong bantay."
"Di mo na kailangang ipaalala. Never ko namang nakalimutan. Tulad ng sinabi ko na si Dahyun na nameet ko sa Bar o si Dahyun na snob kong bantay ka man, masaya akong nakilala kita." Nararamdaman kong nawawala na ang pagkamasungit niya.
Mukhang effective nga ah. Sana mawala na ang toyo niya sakin. Hahaha.
💕To Be Continued💕
A/N: Guys, Sorry ngayon lang ako nakapagUD. Maaga na nga kasi akong natutulog ngayon. Tapos nagm-ml pa ko. Laro tayo hahahaha. Sorry kung bitin na naman. Masanay na kayo.