The short story is dedicated to Claire Citti Tolentino. Thank you for helping me during the muting days!
9 – HMS Bounty 1787
"Claire, bakit hind ka pa umuuwi?" tanong sa akin ni Airene. Nagkibit ako ng balikat at pinagpatuloy ko ang paghalumbaba sa lamesa.
We're inside 7- eleven, tinatamad pa akong umuwi sa apartment.
"Gusto mo samahan muna kita sa apartment mo? You know, wala pa naman akong gagawin. We can watch movies."
"Hindi na, dito na muna ako. My other friend, Crishia Mae just borrowed my apartment keys. She's probably making out with her new boyfriend. Ayokong maging abala."
"Oh,"
"Yeah," tamad kong sagot. Lumingon na rin ako sa kanya. "What about you? Ang balita ko ay nagpaparamdam sa'yo si Cael, the student council president."
"No way, may girlfriend 'yong tao." She rolled her eyes.
"Paano kung panakip butas lang ang babae? Ikaw naman talaga ang gusto ni Cael." Ilang beses siyang umiling sa akin.
"No, I don't like the idea and please stop the rumors that Cael is into me. Papaano kung ipapatay pala ako ng girlfriend niya? I can't, mahal ko pa ang buhay ko. Besides, that woman killed me once." Sa pagkakataong ito ako naman ang nalito sa sinabi ni Airene.
"Killed you once?"
"Oh, just don't mind me."
Magpapatuloy pa sana kami ni Airene sa pag-uusap nang may tumawag sa telepono niya.
"Oh my gosh, I'm really sorry Claire but I need to go. May emergency."
"It's alright, babalik na rin ako sa apartment. Tapos na naman siguro si Krishia." Ngumiti kami sa isa't-isa at nagmadali nang lumabas sa 7-eleven si Airene.
Mabagal ang paglalakad ko papunta sa aking apartment, I was hoping that they're done already.
Kailangan ko tuloy, magpa-laundry mamaya para naman kumportable pa rin ako sa gagamitin kong kama.
Pumasok na muna ako sa aking apartment, it's quite big compared with normal apartment na malapit sa school namin. Ayoko kasi ng maliit.
Halos mapamura ako nang nagkalat ang damit ni Krishia at ng lalaki sa sala, naupo ako sa sofa at sinimulan kong buksan ang tv.
I can't help but to roll my eyes when I heard my friend's voice, moaning the guy's name.
"Oh my god! Lathan!"
Tinakpan ko ang aking tenga habang tutok ang aking mga mata sa tv. Tumagal yata silang dalawa ng isa pang oras bago nila maisipang lumabas na aking kwarto.
Nagulat pa ang lalaki nang makita ako.
"I am the owner of this apartment, hindi mo ipapakilala ang lalaki mo Krishia?" ngumisi sa akin ang malandi kong kaibigan.
Well, his boyfriend is quite hot. Sabog pa ang buhok nito dahil malamang napagsabunutan ng kaibigan ko.
"Lathan, meet Claire. She's my bitter friend."
"Hi Claire!" tumango lamang ako.
"Nilinis nyo ang kwarto ko?"
"Yeah, a little bit."
"Gross," iritadong sabi ko.
"Do you have foods or something?" tanong ni Krishia.
Pa-venue ko na nga silang dalawa, pakain pa.
"Bayaran nyo na ako, walang pang-hotel?"
"I can pay you, I'm sorry if we did barge your place. Kailangan ko lang suyuin si Krishia." Umawang ang bibig ko.
Ganoon na pala ang pagsuyo sa ngayon.
"Nah, I was just kidding. Magtingin na kayong dalawa sa ref," tipid na sagot ko.
Muling umikot ang aking mga mata nang halos magharutan pa sila papuntang kusina.
Mag-be-break rin kayo. Kumento ko.
Akala ko ay pababayaan na nila ako nang marinig kong nagsalita si Lathan.
"Claire, I have my brother. Check him out."
Hindi na ako sumagot at nagpatuloy ako sa panunuod ng tv. Humiga ako sa sofa, hanggang sa mapansin ko na hindi na pala inilalagay ni Krishia ang kanyang pinagkainan sa kusina.
The small plate and the fork she used was still in the center table. Damn this friend of mine.
Tutok ako sa tv nang biglang may mag-commercial. Unusual commercial na hindi ko pa napapaunod noon, it was a small little girl with a straw hat. May hawak siyang puting kumot habang tumatakbo siya at nililipad ito ng hangin.
What's with this commercial? Brand ng kumot?
What?
Bigla akong nakaramdam ng antok, hanggang sa biglang nag-zoom ang camera sa bata. Bigla akong kinabahan sa hindi ko maintindihang dahilan.
"Welcome aboard,"
Nang sandaling sabihin niya ito sa akin ay kusa nang pumikit ang aking mga mata.
"Shit! What's that?!" sigaw ko nang may kasamang pagbangon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang wala akong saplot sa katawan at tanging puting kumot lamang ang nasa katawan ko.
"Oh my god!" lalong lumakas ang sigaw ko nang may lalaking nasa tabi ko na nakadapa at mukhang katulad ko rin hubad.
"Oh my god! What happened?!"
"Fuck, you're noisy." Marahas niya akong hinila pabalik sa kama.
He immediately went on top of me and gave me his grin.
"What are you doing? You are very much willing last night Claire."
"W-What? Who are the hell are you?" nakarinig ako nang malakas na pagtawa sa kanya.
"I am your lover, Jonas. You are my mistress." Lalong umawang ang bibig ko. Mistress? Tang ina niya.
"Anong mistress?! Hayop ka!" ngumuso siya sa sinabi ko.
"Claire? Hindi ba kita napaligaya kagabi? I told you, mas mahal kita kay Krishia. I never touched her, I married her for wealth. I married her because of my parents. Ikaw ang mahal ko."
Napatitig ako sa sinabi ni Jonas.
Who is he? Why my friend's name involved? Jonas? Jonas!
"Do you have a brother named Lathan?"
"That foolish half-brother! Yeah, of course. The fuck who killed my father. Alam kong hinahabol niya ngayon sa Krishia sa pag-aakala niyang mahal ko ang asawa ko. Little did he know, I was just using my wife to finally kill him for justice."
"Kill? No Jonas, killing is not a justice."
"Hindi mo ako mapipigilan Claire, just support me. Alam mong uhaw ako sa hustisya, that Lathan killed my father."
If I am really from the past, I should stop Jonas from killing his own brother.
"Kailan mo siya papatayin?"
"Tonight, alam kong nasa kanya na ang inutil kong asawa."
Huminga ako nang malalim at nag-isip ako ng pwede kong gawin para pigilan siya ngayong gabi.
Maghapon kaming magkasama ni Jonas, we eat together, talk, kiss and make out. I used this Claire's body from the past to enjoy Jonas company, mabuti naman siyang tao huwag lamang ipapaalala si Lathan.
Sumapit na ang gabi, nasa likuran ko na ang posas na siyang ilalagay ko sa kamay niya.
I should stop him, I should. I will change the past.
Nag-sasapatos na siya nang marahan akong yumakap mula sa likuran niya.
"Let's do it again Jonas, just few minutes please? Wag mo muna akong iwan." Bumuntong hininga siya.
"I have to go, Claire."
"Ilang minuto lang, please?"
"Alright,"
Lumapat na ang likuran ko sa kama habang nagpapalitan kami ng halik sa isa't-isa. Mabilis kong pinagpalit ang posisyon namin, I held his hand up at nang sandaling kinukuha ko na ang posas mula sa ilalim ng kama ay muling nabaliktad ang aming posisyon.
"Shit," nausal ko na lamang.
"It's a no Claire, wait for me love. Babalikan kita." Hinalikan niya ang aking noo at iniwan niya ako sa kama.
But that was the last time I saw him from the past. I almost died starving myself on the bed, magta-tatlong araw na bago ako natulungan ng mga tao.
I just found out that I was inside a ship named HMS Bounty.
And the news just broke my heart, nang araw din umalis si Jonas sa aking tabi ay ang araw ng kanyang kamatayan.
Jonas during this time was a powerful man with influence. Hindi man ako ang Claire na totoong mahal niya, hindi ko maipaliwanag ang sakit at kurot sa dibdib ko.
I went to his funeral, nakita ko si Krishia na nakaputi at pugto ang mga mata. My friend was with Jonas brother, pero naging mag-asawa sila. Nasaan si Lathan sa panahong ito?
Lahat ng mga tao ay nakatitig sa akin, tanging ako lamang ang nakaitim. Hinayaan kong may belong magtakip sa aking mukha.
I can hear words from them, kabit. Lumabas na ang kabit ni Johanes!
I was expecting Krishia to shout at me, katulad ng mga inaasahang gagawin ng isang asawa pero hindi man lang ito gumalaw.
Nakarating ako sa kabaong ng lalaking bumihag sa akin sa nakaraan at kusa nang tumulo ang aking mga luha nang may makita akong itim na tinta sa kanyang kamay.
My name, Claire.
Isinubsob ko ang sarili ko sa kabaong at hinayaang mabalot ng aking hagulhol ang buong lugar na siyang hindi ako nakikilala.
Mabigat ang pakiramdam ko nang magising ako, nasa apartment ko pa rin si Krishia at si Lathan. Nakaupo silang dalawa sa iisang sofa at nakakalong sa lalaki ang kaibigan ko.
"Lathan, I want to try your brother. Is he hot?"
"I'm hotter,"
"Just call him, ibigay mo ang address na ito."
"Sure,"
Gabi na at ako na lamang mag-isa. Hinihintay ko na lamang ang katok sa aking pintuan.
I am not wearing anything. Nakabalot lamang sa aking katawan ang lumang kumot na nakuha ko sa bagahe na ibinigay sa akin ng aking lola.
Still, white and clean. I can't risk using the same comforter that Krishia and her boyfriend used.
Halos mapatalon ako nang makarinig ako ng katok sa pinto. Hawak ko ang buhol sa aking kumot habang naglalakad na ako sa pintuan at nang sandaling buksan ko ito agad akong natulala sa nakikita ko.
It's him! My Jonas.
Ilang beses siyang napalunok nang makita niya ang kabuuan ko.
"I'm sorry, basa pa ang lahat ng damit ko." I lied of course.
"Come in," tumikhim siya at nagsimula na siyang pumasok sa apartment ko.
Nang sandaling magsarado ang pinto ay agad ko nang binitawan ang buhol sa aking kumot at kusa na lamang itong bumagsak sa sahig.
I pushed him against the door, mabilis kong kinuha ang belt na inihanda ko na nakasabit sa doorknob at agad itong isinabit sa leeg ni Jonas.
"This time, I won't let you escape. Not anymore Jonas." Mariin ang aking mga matang nakatitig sa kanya.
Wala na akong pakialam kung anong iisipin niya.
I was about to tell him something when I heard his heart melting laughter. Marahang humaplos ang kanyang mga kamay sa aking katawan.
"Ang tanong, tatakas pa ba ako Claire?"
--
VentreCanard