Momo's Pov:
Finally, lumabas na rin ng kwarto si Dahyun. Pero mukhang may kakaiba sa kanya. Bumalik na naman siya sa cold na Dahyun, parang katulad dati noong nagmukmok din siya sa kwarto dahil sa break-up nila ni Sana.
Mukhang may lakad si Dahyun kaya hinayaan na muna namin siya.
"Ahm, Momo. May bibilhin lang ako. Babalik din kaagad ako." Pagpapaalam sakin ni Mina.
"Oh Sige. Bumalik ka agad. Mag-ingat ka na lang." Lumakad na si Mina paalis. Naiwan akong mag-isa sa stall.
Nakakastress ang mga nakaraang araw na nagdaan para saming lahat. Mukhang kailangan namin ng pahinga. Kailangan naming ayusin ang awkward na atmosphere na namumuo sa tuwing kasama ang isa't-isa.
Nakakagulat pa yung revelation ni Dahyun. Kaya naman pala sinasabi niya sakin noon na imposibleng bumalik pa si Sana. Kasi wala na siya. Kasi patay na siya. Hindi ko nagets yun noon.
Ang tagal niya ring inilihim samin yung tunay na dahilan at nangyari. Ngayong alam na namin, naiintindihan na namin kung bakit nasasaktan parin siya hanggang ngayon.
Napaub-ob na lang ako dahil sa stress at pagod. Maya-maya, may kumalbit sakin kaya naman napa-angat agad ako ng ulo.
"Kung napapagod ka, magpahinga ka na muna sa bahay mo. Hindi 'yung gaganyan-ganyan ka diyan." Si Jeongyeon pala.
Matapos naming mag-usap tungkol sa namamagitan saming dalawa, hindi na kami gaanong nag-usap o nagpansinan. Mukhang iniiwasan niya nga ko eh. Kaya bakit nandito siya ngayon?
"Why are you here? Kaya ko naman eh."
"Matulog ka na sa bahay. Ako na dito." Dagdag niya sabay pwesto sa tabi ko.
"Hindi na. Kaya ko na 'to. Maniwala ka."
"Hirai Momo, Magkaibigan tayo. Nagtutulungan ang magkakaibigan." Sagot niya sakin.
"Jeongyeon, About what happened. I'm sorry." Seryosong sagot ko pero ngumiti lang siya sakin.
"I'm fine. No need to worry. Magkaibigan parin naman tayo eh. Wala namang nagbago. I'll still do my best just to protect you." Sagot niya nang nakangiti.
"Alam kong kahit na nakangiti ka, nasasaktan ka padin."
"Aminado kong nasasaktan parin ako pero hindi ang sakit na nararamdaman ko ang makakatalo sakin. Kaya ko 'to. Mawawala rin yung sakit. Trust me. Nandito parin naman ako para suportahan ka kay Dahyun." Dagdag niya.
"No. Hinayaan ko nang si Mina ang mag-alaga kay Dahyun." Ngumiti na lang din ako kay Jeongyeon.
"What do you mean?"
"Si Mina, alam kong makakatulong siya para muling makabangon si Dahyun. Matutulungan nila ang isa't-isa. Saka, sa kanya naman komportable si Dahyun. Tanggap ko nang hanggang kaibigan lang talaga ako para kay Dahyun. Pero, hindi rin naman magbabago yung nararamdaman ko para sa kanya. Tulad ng gagawin mo para sakin, Susuportahan ko rin si Dahyun." Paliwanag ko kay Jeongyeon.
"Good to hear that. I'll protect you and you'll protect Dahyun. And then there's Dahyun willing to protect Mina." Nakangiting sagot ni Jeongyeon sakin.
"Kung ganun din lang naman, let's protect each other."
Habang tumatagal ang usapan namin ni Jeongyeon, nawawala na yung nakakairitang awkward atmosphere.
"Tama. Magkakaibigan naman tayo eh. Mas marami, mas masaya. Alam mo, maganda kung magkakaroon tayo ng bonding paminsan-minsan eh." Dagdag ni Jeongyeon.
"Tama. Stressed kasi tayong lahat sa mga problemang kinahaharap natin. Mabuti pa, magbakasyon muna tayo sa stress."
"Tama 'yan. Pag-usapan natin 'yang bakasyon na 'yan kapag magkakasama na tayo." Tumango na lang ako kay Jeongyeon. Masaya ako na unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat. Mukhang bumabalik na ang pagka-komportable namin sa isa't-isa.
Excited na ko para sa bakasyon namin nang sama-sama. Sigurado kong makakatulong 'yun para maging maayos na ang lahat ng gulo sa bawat isa samin.
"Guys, Nandito na ulit ako." Sabi ni Mina.
"Akala ko ba may bibilhin ka?" Wala kasi siyang dala.
"Wala pala kong dalang pera. Hehehe." Napakamot siya sa ulo.
"Here. Take it." Iniaabot ko sa kanya ang pera pero hindi niya tinanggap.
"No need. Mukhang may pinaguusapan kayo ni Jeongyeon. Mabuti pa, pumunta muna ko sa bahay. Maiwan ko na muna kayo." Sabi ni Mina.
"No, It's o--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang magsalita si Jeongyeon.
"Sige, Mina. Magpahinga ka muna sa bahay. O kaya kausapin mo si Chaeyoung. Nakatambay lang 'yun doon." Sabi ni Jeongyeon kaya wala na kong nagawa.
Lumakad na si Mina papunta sa bahay. Napangiti na lang sakin si Jeongyeon.
"May pag-uusapan pa ba tayo? Haha." Natatawang tanong ko sa kanya.
"Wala na. Pero gusto kong magstay dito sa tabi mo. Ituloy mo lang ang pagtatrabaho mo. I'll just sit here para protektahan ka." Nakangiting sagot niya kaya napailing na lang ako.
"Grabehan. Haha. Sige na. Magtatrabaho na ulit ako." Natatawang sagot ko sa kanya. Nagpatuloy na lang ako sa pagtatrabaho.
Nanatili si Jeongyeon sa tabi ko kahit na ilang oras na ang nakakalipas. Maya-maya, dumating na si Dahyun. Dumaan siya sa stall ko. Napatingin kami ni Jeongyeon sa kanya. Nakasuot siya ng hoody jacket.
"Hey Dahyun, Where did you go?" Tanong ni Jeongyeon sa kanya.
"Ginawa ang dapat na ginagawa ko." Seryosong sagot niya sabay suot ng face mask.
"Nangholdap ka na ulit?" Tanong ko sa kanya. Kitang-kita namin sa mata niya na punong-puno na naman siya ng kalungkutan.
"Ba--Bakit?" Tanong ulit ni Jeongyeon.
"Cause I'm a bad person." Sagot niya samin.
"You're not a bad person, Dahyun. It's not you. Kilala ka namin eh." Paliwanag namin sa kanya.
"Wala na kong pakialam kung anong sasabihin sakin ng iba. Pag sinabi kong masama ako, maniwala kayo." Tumuloy na siya sa paglalakad pabalik sa bahay nang nakaganung suot.
Nagkatinginan kami ni Jeongyeon.
"Paano kung makilala siya ni Mina?" Nag-aalalang tanong ko.
"Inaalala ko rin 'yan eh." Sabi ni Jeongyeon sakin sabay isip nang maigi.
"Kagabi habang naglilinis kami sa kwarto ni Dahyun, nakita ni Mina 'yung puting tela na may blood stains. Di kaya magtaka siya?"
"Ganun ba? Malalaman natin 'yan. Huwag muna tayong makialam sa kanila ngayon. Sa oras na malaman ni Mina, nasa kanya na kung anong magiging tingin niya kay Dahyun. Doon natin malalaman kung anong magiging reaksyon ni Mina sa buhay na meron si Dahyun." Paliwanag ni Jeongyeon sakin.
"Yun nga ang inaalala ko eh. Ganun din yung nangyari sa kanila ni Sana. Nung nalaman ni Sana, naging cold siya kay Dahyun. Pa--Paano na lang kung isipin ni Mina na masamang tao si Dahyun?"
"Maghintay lang tayo't magtiwala sa kanila." Napatango na lang ako kay Jeongyeon. Sana lang hindi mahalata ni Mina kahit na magkita sila ngayon sa bahay. Sana maging maayos na ang lahat.
💖To Be Continued💖
A/N: Guys, Kumusta na? Sorry sa bitin at short update ko. Hahaha. Inaantok kasi ako. Lol. Fighting.
Don't forget to leave some comments.