The School's Fairy | BxB

By perverted_banana

232K 13.1K 3.5K

[#1 in BoyxBoy as of 05-16-2020] Nagpanggap na bakla si Eden Carillo para mapalapit sa crush nyang si Selena... More

The School's Fairy
One - (Love-struck)
Two - (Prepping)
Three - (Welcome to EIS, Eden!)
Four - (Hate at second sight)
Five - (The Reckless Fairy)
Six - (Feisty Kitten)
Seven - (Patay kang bata ka!)
Eight - (Homophobic bullies)
Ten - (Finding out a different side)
Eleven - (The Eden kind of revenge!)
Twelve- (The Naughty little Eden)
Thirteen - (Are you really gay?)
Fourteen - (On the rooftop)
Fifteen - (Where's my hero?)
Sixteen - (Here's my hero)
Seventeen - (I'm not crazy!)
Eighteen - (Lost kitten)
Nineteen - (Another's point of view)
Twenty - (Under the same roof)
Twenty One - (Sepanx)
Twenty Two - (Meticulous Wife)
Twenty Three - (Commute)
Twenty Four - (Evil master)
Twenty five - (Oh no!)
Twenty Six - (Something Unexpected)
Twenty Seven - (Cross... Crossdressing?!)
Twenty Eight - (The School's Fairy)
Twenty Nine - (Raffle Winner)
Thirty - (Let it out)
Thirty One - (The fairy concedes defeat)
Thirty Two - (Personal Cat Genie)
Thirty Three - (You are busted)
Thirty Four - (Calvin's motive)
Thirty Five - (Operation: Capture Selena's Heart)
Thirty Six - (Catching the Culprit)
Thirty Seven - (End of Arc 1)
Thirty Eight - (First Lesson)
Thirty Nine - (Suspicion)
Fourty - (Friends)
Fourty One - (Two lost souls)
Fourty Two - (Cooking Lesson)
Fourty Three - (Calvin's Invitation)
Fourty Four - (You're really something)

Nine - (Colonel Carrot)

4.4K 277 12
By perverted_banana


[ Eden. ]

Tumigil lang ako sa pagngawa na parang bata nang may pumasok sa isip ko na dahilan para ikahiya ko ang sarili ko at gustuhin kong kaltukan ang ulo ko ng malupet!

Parang sinarang gripo ang pag-iyak ko dahil bigla itong tumigil. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa lapag at pinunasan ang mga luha ko saka ko tiningnan isa-isa sila France, Mello at Oreo.

"Okay ka na, Eden?" nag-aalalang tanong ni Selena dahilan para kiligin ako na syempre hindi ko pinahalata! Mahirap na at baka mabuking ako!

"Okay na, babe. S-Sorry nga pala. Nakakahiya yung pagngawa ko..." paghingi ko ng paumanhin at kinamot ang pisngi ko.

"Nako, keri lang bebe cheese. Di lang namin expect na magka-crayola ka ng super to the max dahil sa cellphone mo hahahaha!"

Hindi ko naintindihan yung sinabi nya pero nakitawa na lang ako.

"P-Pero... ikaw? Kayo? Okay lang ba kayo?" balik tanong ko sa kanilang tatlo nila Mello. Naalala ko kasi bigla yung mga pinagsasabi ng asungot na Jiro na yun at alam kong nasaktan sila France.

Ngumiti si France at umiling, "Sanay na kami sa bungangers ng Jiro Tolentino, bebe cheese. No need to be worried na sa'min."

"Oo nga. Yun yatang mga insulto nila ang kinakain naming almusal kaya manhid na rin kami sa masasakit nilang salita." segunda ni Oreo.

"Tangina! Eh umiyak ka nga!" pangaasar sa kanya ni Mello na ikinanguso ni Oreo.

"Mello naman!"

"Tsk. Hindi ko lang talaga malabanan ang mga punyetang yon dahil nung pinatulan ko ang mga kagaguhan nila, si Oreo ang ginantihan nila! Tangina nila! Pailalim pa naman tumira yung gagong kaibigan nilang si River!"

Napalunok at napaurong ako ng konti. Nakakatakot magalit si Mello >0<

"Sino si River?'' Takang tanong ko.

"Yung naka-salamin." sagot ni Selena. Ahhh.. mukha pa lang eh. Kung tingnan ako kanina parang alam nya lahat ng baho ko sa katawan. Geez.

"Anong ginawa niya?" Tanong ko kay Mello.

"Putanginang yon! Hinack ang system ng school para ibagsak si Oreo! Sarap basagin ng bungo ng hayop na yon! Basagin ko salamin nya tas isaksak ko sa mata nya yung bubog punyeta sya!"

Grabe, grabe.

"Hahahahaha! Yung ugat mo sa noo magsisiputukan na! G na G, bakla?! Baka mautot ka!"

"Tanginamo Francisco!"

"Back to you Emillio!"

Nakangangang pinanood ko silang magsigawan habang inaawat naman sila ni Oreo nang maramdaman kong may nagtakip ng dalawang tenga ko. Tiningnan ko kung sino yun at bumungad ang magandang mukha ng babe kong si Selena.

Hehe... ang kinis-kinis ng mukha nya.

Wala sa sariling napangiti ako habang nakatingin kay Selena na nakakunot ang noong pinapanood ang dalawang nagsasabong sa harapan namin. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng pisngi ko at ang malakas na kalabog sa dibdib ko.

Napapalunok na bumaba ang tingin ko sa natural na mamula-mula at manipis na labi nya.

Parang ang lambot... parang ang sarap hali---

"Selena."

Naputol ang pagpapantasya ko nang biglang may humigit palayo kay Selena.

Salubong ang dalawang kilay na tiningnan ko kung sino ang epal na 'yon---...

Tss. Jiro. 

Syempre sino pa bang asungot ang malaking epal sa love story naming dalawa ni Selena?

Nagtama ang mga mata naming dalawa at tila may koryenteng dumaloy sa pagitan ng tingin namin. He hissed then suddenly, he smirked. Yung ngisi na parang naghahanap ng sakit sa katawan. Aba, aba. Gusto yata nito mabugbog eh! Porket di kalakihan maskels ko, minamaliit nya na ko?!

Gusto yatang makagat ng malupet ng isang 'to!!!

"Anong tinitingin-tingin mo?! At bakit ka nandito?!! Gusto mong masampola---hmmfff muummfh--!!!!"

Bago ko pa maibitaw ang malupet kong linya ay tinakpan na ni Oreo ang bibig ko at hinila ako palayo.

Teka!! Kailangan kong iligtas ang babe ko mula sa kingkong na 'yon!!

Salubong na salubong at halos magyakapan na ang dalawang kilay ko habang pinapanood ko si Babe na hilahin ni kingkong palayo sa amin. Napanguso ako at napasimangot.

Ang prinsesa kooooo huhuhuhu!

"Bebe cheese, wag kang mag-worry. Wag ka nang sumimangot dyan. Hindi naman jojombagin ng Jiro ang Selena 'no." pagrere-assure ni France pero nakakunot ang noong napailing lang ako at tinanggal ang kamay ni Oreo na nakatakip sa bibig ko.

"Paano kayo nakakasiguro? Diba sabi nyo nga, siraulo yang si Jiro!" depensa ko.

"Gago nga yang si Jiro at mahilig manakit ng damdamin ng mga babae, pero kahit kailan hindi pa sya nanakit ng babae ng pisikalan." sagot ni Mello. Napakagat ako ng mariin sa ibabang labi ko at busangot na tumingin sa direksyong pinuntahan nila Selena.

"Yun na nga, eh... paano pag sinaktan nya yung feelings ng pri---- I mean... ni Selena? Hahayaan nyo bang mapunta si Selena sa ganung klaseng lalaki?"

Lumapit si France sa'kin at pinisil ang pisngi ko.

"A-Araaay!"

"Wag ka ngang OA dyan bebe cheese! You think hahayaan na lang din naming mahurt ang puso ng nagiisang pechay sa atin? Hahaha! Tsaka si Selena yun 'no! Takot ang mga lalaki dun! Kaya don'cha worry, hinding-hindi magagalaw ni Jiro hindi lang ang katawan, kundi maging ang puso ni Selena."

I just stared at him frowning then sighed in defeat. Nakangiting tinap ni Oreo ang balikat ko.

"Fine... If you say so." I pouted dejectedly.

✿*:・゚゚・:*✿

[ Selena. ]

Nakakunot ang noong pinagmasdan ko ang likod ng lalaking mahigpit ang pagkakawak sa braso ko at hinihila ako sa kung saan. Pinilit kong alisin ang tila bakal nyang pagkakapulupot sa braso ko pero ayaw nyang bumitaw. Hindi naman ganun kahigpit ang pagkakahawak nya, may pagkagentle parin para hindi na sapat na para hindi madurog anh braso ko.

"Jiro, ano bang trip mo? Sa'n mo 'ko dadalhin?" inis na tanong ko. Tama bang higitin nya ako biglaan habang nakita nya naman na kasama ko ang mga kaibigan ko? Tsk.

Huminto sya sa paglalakad kaya agad rin akong napatigil at napaatras pa ng bahagya nang bigla syang humarap.

"I want you to accompany me."

Mas lalong nagkasalubong ang dalawang kilay ko.

"What? Ah, seriously... bakit di mo yayain ang mga kaibigan mo? Kailangan ko nang bumalik sa school." sinubukan ko ulit higitan ang braso ko mula sa pagkakahawak nya pero para iyong kadena na nakapadlock. At hindi ko mapakawalan dahil na sakanya ang susi. "Jiro!"

"Please?"

Bahagya akong nagulat. Para syang batang nagmamakaawa sakin ngayon na wag siyang iwan.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

Itong side ni Jiro, ang pinakaayaw ko. Dahil hindi ko sya mahindihan!

"Fine. Whatever."

He grinned. "Come on." hinigit nya ako at pinapasok sa kotse nya na kanina pa pala nasa tabi namin.

Nakangiting pinaandar nya ang kotse matapos akong sabihan na ikabit ang seatbelt ko.

Tiningnan ko ang mukha nya at hindi ko maiwasang mapaisip.

Bakit nagustuhan ako ng lalaking 'to? Hindi ako kagandahan, hindi rin maganda ang ugali ko, at saka bitter ako. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang syang sumulpot sa pinto ng room namin ng araw na yun, at nakangiting inanunsyo na simula sa araw na yun, liligawan nya na ako.

Wala akong maisip na dahilan... dati nobody lang naman ako para sa kanya ah? Kilala ako bilang "man-hater" pero hindi nya naman ako pinapansin. Well okay lang naman sakin yun dahil galit nga ako sa lalaki. Hindi ko lang maiwasang magulat na bigla na lang syang nagkaroon ng "feelings" sakin, ayon sa kanya.

Anong ginawa ko?

Hindi rin naman ako naniniwalang love at first sight.

"What are you thinking about?"

Nagising ako mula sa malalim kong pag-iisip at napatingin kay Jiro. "Huh? Ah wala. Don't mind me."

"You looked so deep in thought." he cocked one of his eyebrows at glanced at me. "Are you thinking about other guys? Huh?"

Napairap ako, "Oo. Iniisip ko kung paano ko uubusin ang mga lalaki sa mundo."

He chuckled but didn't say anything. Hindi na rin ako nagsalita at nilibot na lang ng tingin ang loob ng kotse nya nang mapadako ang tingin ko sa backseat.

Doon nakaupo ang isang bunny stuffed toy na nakadamit na sundalo.

Ang cute!

"Hindi ko alam na mahilig ka sa stuffed toy?" baling ko kay Jiro.

"Hmm?" he looked at the rear-view mirror and chuckled. "Nah, it was from a friend."

"A friend?" tanong ko at inalala ang mga kaibigan nya. "Wala naman sa kanila ang mukhang mahilig sa manika ah?"

"Wala talaga sa kanilang mahilig sa manika. Galing yang si Colonel Carrot mula sa kaibigan ko nung elementary."

Natawa ako, "Colonel Carrot?"

"Yeah. He was the one who named it."

"Cute. So, where is he now?" tanong ko.

Nawala ang ngiti sa mga labi nya. "He disappeared."

Agad naman akong nagtaka. "Disappeared?"

"Yeah. An accident happened and then he just suddenly... vanished. I can't remember his name because of that accident so I can't look for him."

"Oh... that's sad. Pero do you still want to search for that long lost friend of yours?"

He shrugged his shoulders. "I don't know. Maybe, no."

"Why?"

He gave me a quick glance and smirked. "Why would I? When I already have you?"

"Tsk. I'm not yours."

"But soon you will be."

Yabang.

Continue Reading

You'll Also Like

50.4K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
1.9M 95.7K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
395K 26K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...