Dahyun's Pov:
Masaya akong nasamahan ko si Mina kaninang tanghali para bisitahin ang puntod ng Mom niya.
Ramdam na ramdam ko yung sobrang kalungkutan niya. Namumuhay nga siya nang marangya, malungkot naman siya.
Miss na miss na niya ang Mom niya. Kitang-kita ko sa mata niya 'yun. Nakikita ko ring miss na rin naman niya ang Dad niya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Ngayon ko lang nakita yung emotional side niya.
Unang pagkakataon rin na niyakap ko siya dahil hindi ko alam kung ano pa ang ibang way na dapat kong gawin para patahanin siya sa pag-iyak. Bigla rin naman siyang yumakap sakin nang mahigpit. Maybe that's the reason kung bakit may nakikita akong kalungkutan sa mata niya simula pa noong una naming pagkikita sa bar.
Kinagabihan, Napagdesisyonan ko munang tumambay sa sofa sa bahay nang biglang tumabi sakin si Chaeyoung at Jeongyeon.
"Hey, Dahyun. Saan kayo nagdate ni Mina kanina?" Tanong ni Chaeyoung.
"Kayo na ba?" Tanong naman ni Jeongyeon.
"Pinagsasabi niyo na naman? Sinamahan ko lang siyang bisitahin ang Mom niya sa sementeryo."
"Close na close na kayo ni Mina ah. Forever na ba ito?" Pang-asar ni Chaeyoung.
"Close na close ka na rin sa paa ko mamaya. Tatadyakan na kita." Banta ko kay Chaeyoung.
"Bakit ba ang sungit mo na naman samin? Nagtatanong lang naman kami eh. Haha. Kapag kay Mina naman, sweet sweet mo!" Dagdag naman ni Jeongyeon sa pang-aasar sakin.
"Kasi binubuwisit niyo kong dalawa. Walang namamagitan samin ni Mina. Walang meaning lahat ng ginawa kong tulong para sa kanya kaya tigilan niyo ko."
"Talaga ba?"
"Oo nga! Kulit ng mga 'to. Si Mina, she's nothing. She's just a stranger. We're not even friends. Wala siya sa inner circle ko. Tigilan niyo na ko." Sagot ko sa kanila.
"Kunwari ka pa eh, bagay na bagay nga kayo nung ginawa mo yung dare mong i-approach siya' lagyan ng headphones." Sabi ni Chaeyoung sabay kiliti pa sa tagiliran ko.
"Kahit anong sabihin niyo, dare lang 'yun. Hindi ko naman siya lalapitan o kakausapin kung di niyo ko isinali sa letcheng game niyo."
"Mina." Narinig namin ang boses ni Momo na tumatawag kay Mina sa labas.
Nakarinig kami ng pagkabasag ng kung ano sa labas. Nagmadali kong binuksan ang pintuan ng bahay namin.
"Mi--Mina?" Nagulat ako nang makita si Mina sa labas ng bahay. Para siyang naiiyak habang nakatingin sakin nang paseryoso.
Sh*t! Narinig niya yata ang paguusap namin nila Jeongyeon. Plato palang may lamang pagkain ang nabasag sa labas.
"Ano bang nangyayari? Mina, Bakit?" Tanong ni Momo.
"Kailangan ko nang umalis." Sambit ni Mina sabay lakad pabalik sa bahay ni Momo.
"Aalis ka? Saan ka pupunta?" Tanong ni Momo kay Mina.
"Lagot na. Narinig ata ni Mina." Sabi ni Chaeyoung.
"Dahyun, what's happening?" Naguguluhang tanong ni Momo.
"Ie-explain namin sayo mamaya, Momo." Sagot ni Jeongyeon.
Hindi na ko tumunganga pa. Sinundan ko na si Mina sa bahay ni Momo. Mukhang narinig niya nga. Anong gagawin ko?
"Mina, wait." Naabutan ko siyang nag-aayos ng mga gamit niya.
"Thank you for everything, Dahyun. But I have to go." Sagot niya sabay hila na sa maleta niya.
"No. Don't---Don't leave. Narinig mo yung pag-uusap namin, diba? That's why you're leaving."
"Kahit di ko naman narinig 'yun, aalis parin ako. Thanks. Goodbye, Dahyun." Sagot niya sabay kuha sa headphones at mp3 player na nasa table.
"Stay here. Delikadong magpagala-gala sa labas sa mga oras na 'to. Gabi na."
"Here. It's yours. Salamat sa pagpaparanas saking importante din ako kahit ilang araw lang. Salamat padin. Aalis na ko." Sabi niya sabay balik sakin ng headphones at mp3 player. Inilapag ko muna ito sa isang tabi't sinundan na si Mina sa labas.
"Wait, Mina. Let me explain." Hinabol ko siya sa labas ng bahay. Naglalakad na siya paalis kaya naman hinawakan ko na siya sa kamay.
"Don't worry. You don't have to. I'm nothing. I'm not even your friend, right? I'm just a stranger. It's too dangerous to talk to a stranger so just let me leave." Sagot niya kaya natigilan na lang ako sa kinatatayuan ko.
"But Mina-----"
"Thank you for everything, Guys." Sambit ni Mina sabay tingin kila Jeongyeon na hindi maka-react sa isang tabi.
"I'm Sorry." Sabi ko sabay tingin kay Mina na nagpatuloy lang sa paglalakad palayo.
Nakaramdam ako ng kirot habang pinagmamasdan siyang unti-unting nakakalayo nang tuluyan mula sakin.
Ano ba 'tong nagawa ko? Masyado ba kong naging insensitive? Masyado ba kong naging self-centered? Aish. Paano ko aayusin 'to?
"Dahyun, ngayon lang ulit kita narinig na mag-sorry." Sabi ni Momo.
"Dapat lang naman na mag-sorry ako sa kanya." Naupo na lang ako sa isang tabi sabay hawak sa ulo ko.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Momo.
"Nakilala namin si Mina sa Bar. Naglaro kami ng Rock Paper Scissor. Ang matalo ay may dare na gagawin. Nung matalo si Dahyun, ang dare namin sa kanya ay ilagay kay Mina ang headphones. Hindi alam ni Mina na dare 'yun." Paliwanag ni Jeongyeon kay Momo.
"So, wala talaga kayong something?" Tanong ni Momo sakin.
"Wala. Pero alam kong nasaktan siya."
"Tama. Mali nga 'yung ginawa niyo. Kung ako 'yun, masasaktan din ako." Sagot ni Momo.
"Guys, Diyan na muna kayo." Tumayo na ko't kinuha ang jacket ko dahil medyo malamig sa labas ngayong gabi.
"Saan ka pupunta?" Tanong nila.
"Susundan ko siya." Nagmadali na kong tumakbo para habulin si Mina.
Ako 'yung tipo ng tao na hindi marunong magsorry. Pero this time, alam kong hindi ako matatahimik hangga't di ako nakakahingi ng tawad kay Mina sa nagawa ko. Aish.
Nasaan na ba siya? Ang bilis naman niyang mawala. Kailangang mahanap ko na siya bago pa siya mapaano. Delikado na sa labas ngayon.
Nanlaki ang mata ko nang makarinig ng mga lalaking nagtatawanan sa isang eskinitang madilim.
"Parang awa niyo na, huwag niyo kong sasaktan." Nakita ko si Mina na pinalilibutan ng dalawang lalaking mukhang adik.
"Hoy!" Sigaw ko sa kanila kaya napalingon sila sakin.
"Da--Dahyun? What are you doing here?" Tanong ni Mina sakin.
"Protecting you." Sagot ko sabay sugod sa dalawang lalaki. Nagsimula akong makipaglaban sa kanilang dalawa. Aminado kong masyado silang malakas dahil nag-iisa lang ako't hindi pa tuluyang gumagaling ang sugat ko.
"Dahyun, Umalis ka na. Baka mapahamak ka lang dito." Sabi ni Mina sakin na nanatiling nasa sulok habang nakikipaglaban ako.
"Kaya ko 'to. Sinabi ko na sayong delikado ngayon sa labas!"
"Mag-ingat ka." Rinig kong sabi ni Mina. Nagawa kong patumbahin yung isa sa kanila kaso habang abala ko sa pagpapatumba sa isang 'yun, inatake na naman ng isa si Mina.
"Bitawan mo siya!" Hinila ko palayo kay Mina yung isang lalaki. Nagulat na lang ako nang biglang may mahawakang pahabang kahoy ang isa sa dalawang lalaki.
Balak niyanv hampasin si Mina kaya naman agad na kong humarang para maprotektahan si Mina. Sa mabilis na oras na 'yun, nakaramdam ako ng pagkahilo.
"Dahyun? Dahyun! No. Wake Up." Rinig kong sabi ni Mina sabay alalay sakin nang tuluyan na kong bumagsak sa sahig dahil sa pagkakatama sa batok ko.
Maya-maya, narinig ko rin ang boses nila Chaeyoung. Pero masyado na kong nahilo kaya naman napapikit na lang ako't nawalan ng malay.
💙To Be Continued💙
A/N: Guys, Salamat sa walang sawang pagsuporta sa story ko na 'to at iba ko pang stories. Fighting.
Don't forget to leave some comments.