Mina's Pov:
Hapon na nang magising ako. Agad akong bumangon para mag-ayos na muna ng sarili. Nagpalit na muna ko ng damit.
Ini-charge ko na muna ang phone ko dahil lowbat ito. Ano na kayang nangyayari sa mansion? Gumagawa kaya ng action si Dad para hanapin ako? Aish. Bakit naman niya ko hahanapin eh hinayaan nga lang niya kong umalis?
Maya-maya, dumating na si Momo. I smiled at her.
"Hello, Momo." Bati ko sa kanya.
"Hi din." Matipid na sagot niya. Siguro pagod na siya.
"Gusto mo bang ipaghanda na kita ng makakain? Ibibili kita sa labas."
"Wag na. Baka sabihin pa ni Dahyun ginagawa kitang kasambahay."
"Gusto kong makatulong."
"Sasabihin ko kapag may ipagagawa ako sayo. Sa ngayon, magpahinga ka na muna diyan."
"Si--Sige. Diba bukas na ko tutulong sa pagtitinda ng repolyo?"
"Pwedeng oo. Pwedeng hindi. Depende sayo." Sagot niya sabay upo na sa sofa.
"How's your day?"
"Ayos lang naman."
"Matagal na kayo magkakilala ni Dahyun?" Tanong ko sa kanya.
"Listen, Mina. Hindi sa sinusungitan kita, pero gusto ko munang magpahinga."
"Ah. Naiintindihan ko. Pasensya na, Momo. Sige, Lalabas na muna ko ng bahay. Pahinga ka na." Akma na sana kong lalabas ng bahay nang tawagin niya ko.
"Wait! Saan ka pupunta?"
"Kay Dahyun."
"Bakit?"
"May nakalimutan akong kunin sa kanya."
"Fine. Pagkatapos mong kunin ang dapat mong kunin, Come back here. Hayaan mong makapagpahinga nang maayos si Dahyun." Sagot niya kaya tumango na lang ako.
Nakalimutan ko kasi yung mp3 player at headphones na nakacharge sa bahay nila Dahyun. Lumabas na ko ng bahay ni Momo. Dumiretsyo ako sa bahay ni Dahyun. Nakita ko si Chaeyoung at Jeongyeon na nakatambay sa labas.
"Oh, Mina. Nakapagpahinga ka na?" Tanong ni Jeongyeon.
"Oo. Maraming salamat sa pagtanggap sakin."
"Wala 'yun. Mabait kasi kami." Proud na sabi ni Chaeyoung.
"Asus! Dumali na naman si Chaeyoung sa kayabangan niya." Sabi ni Jeongyeon sabay batok kay Chaeyoung nang slight.
"Aish. Totoo naman eh." Nakakunot-noong sabi ni Chaeyoung.
"Mabait ka naman talaga, Chaeyoung. Haha. Naniniwala ako sayo." Tinapik ko siya sa balikat.
"Kita mo? Naniniwala si Mina sakin." Proud na sabi ni Chaeyoung kay Jeongyeon.
"Baka pagod parin si Mina kaya nasabi niya 'yun. Mabait ka man, Maliit ka parin." Pang-asar ni Jeongyeon kay Chaeyoung.
"Porket matangkad ka eh. Aish. Ang daya talaga. Bakit di ako nabiyayaan ng height?!" Nakasimangot na sabi ni Chaeyoung.
"Don't worry, You're cute. Haha." Sabi ko na lang sa kanya para mapagaan ang kalooban niya.
"Cute naman talaga ko." Proud na namang sabi ni Chaeyoung kaya napailing na lang si Jeongyeon.
"Where's Dahyun?"
"Nasa loob. Gising na ang loko. Pumasok ka na lang." Sagot ni Jeongyeon kaya pumasok na ko sa loob.
Naabutan ko si Dahyun na hawak ang mp3 player habang suot ang headphones.
"Dahyun." Napatingin siya sakin.
"Oh, Mina. Gising ka na pala."
"Yes. Salamat sa pagtanggap sakin dito. Ikaw? Nakapagpahinga ka na ba?"
"Yes. Kagigising ko lang. Here's the mp3 player and headphones. Fully charged na kasi yung mp3 player. Nakinig lang ako sandali ng music." Sagot niya sabay akmang ibibigay sakin ang mga gamit na 'yun.
"No. Gamitin mo muna. Ikaw naman talaga may-ari niya eh. Take your time. Di ko pa naman gagamitin."
"O--Okay. Sabi mo eh." Sagot niya sabay balik sa tenga niya ng headphones. Naupo na lang muna ko sa tabi niya' tumahimik lang.
Lumingon ako sa buong bahay niya. Maliit man ang bahay niya't simple, aminado naman akong puno ng happy memories ang lugar na 'to. Bakit? Kitang-kita ko kung gaano sila kasaya at ka-komportable sa isa't-isa.
"Okay ka lang?" Tanong ni Dahyun sabay tanggal sa tenga niya ng headphones.
"Oo naman. May naisip lang ako habang pinagmamasdan ang bahay niyo."
"Ano 'yun?"
"Naisip ko na kahit maliit at simple ang bahay niyo, meron kayong masayang pagsasama-sama. Masaya kayo. Samantalang ako, nakatira sa mansion na puno ng pasakit at kalungkutan." Napayuko na lang ako nang maalala ko ang mga masasakit na memories sa mansion kasama na ang pagkamatay ng Mom ko sa di ko parin nalalamang dahilan. Alam kong hindi totoo ang sinasabi ni Dad na nagpakamatay si Mom. She wouldn't do something like that. Nararamdaman ko. May hindi sinasabi si Dad sakin. At handa akong alamin 'yun kahit na anong mangyari.
Nagsisimula na kong maging emosyonal nang biglang isuot ni Dahyun ang headphones sakin.
"W--Why?"
"Stop thinking about those negative stuffs. Just listen to music." Sabi niya sabay play sa mp3 player. Kasabay ng pagtugtog ng musika ang pagngiti niya sakin.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba nang dahil sa sinabi't ginawa niya. Nakadagdag pa ang ngiti niya na parang nagsasabing "Wala kang dapat ipag-alala. Nandito ako para sayo."
Naisip ko, ang swerte ko pala na nakilala ko si Dahyun. Sobrang bait niya sakin. May katulad pa pala talaga niya sa mundong 'to. Maaari ngang marami nang masasamang tao ngayon sa mundo pero masasabi kong meron parin talagang katulad ni Dahyun.
Napayuko na lang ako habang nakikinig sa music na tumutugtog.
"You with a sad eyes
Don't be discourage
Though I realize,
It's hard to take courage
In a world full of people
You can lose sight of it all
The darkness inside you
can make you feel so small
Show me a smile then,
Don't be unhappy
Can't remember when
I last saw you laughing
This world makes you crazy
And you've taken all you can bear
Just call me up
'Cause I'll always be there."
Alam ko ang kantang 'to. "True Colors" ang title nito. Naalala ko na kinakanta sakin 'to ni Mom noong mga panahong buhay pa siya.
"Kinakanta sakin 'to ni Mom noong nga panahong buhay pa siya." Bigla ko na lang nasabi. Alam kong hindi nagtatanong si Dahyun. Ewan ko ba, basta pumasok na lang sa isipan ko na kailangan kong ilabas 'to.
"Ta--Talaga? Baguhin natin 'yung kanta. Di ko alam eh." Sabi niya. Akma niyang iibahin kaya naman pinigilan ko na siya.
"Don't. Hindi na kailangan. Ayos lang ako. Wag kang mag-alala. Thank you, Dahyun."
"Welcome, Mina. Are you really okay?"
"Yes, I'm fine. Mabuti pa. Babalik na ko sa bahay ni Momo." Agad na kong tumayo.
"Si--Sige. Sabi mo eh. Basta sabihin mo lang kapag may kailangan ka."
"Dahyun, May itatanong ako." Tumingin siya sakin. Alam kong nonsense ang itatanong ko.
"Can I just stay with you?" Nagulat siya sa initanong ko.
"Anong sinabi mo?"
"Ahm. Nevermind. Wala 'yun. Haha. Kalimutan mo na." Lalabas na sana ko ng bahay niya kaso bigla siyang nagsalita.
"Yes." Natigilan ako sa sinabi niya.
"Da--Dahyun. Just forget about it."
"Fine. I'll forget about it. But I just wanna let you know this, you're free to do what makes you happy. Don't be afraid to show your true colors. Smile, Mina." Hindi ko alam kung anong sasabihin sa mga narinig ko sa kanya.
'Yung mga sinabi niya. Never ko pang narinig yun sa ibang tao pwera kay Mom noon. My true colors? Pareho sila ni Mom. Gusto nilang gawin ko kung anong makapagpapasaya sakin. My freedom.
"Thank you, Dahyun." Napangiti ako sa kanya.
"Welcome." Matipid pero makahulugang sagot niya. Tuluyan na kong lumabas ng bahay niya.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa mga narinig ko mula sa kanya. Kim Dahyun, mas namamangha pa ko sa kabutihang ipinapakita mo sakin ngayon.
Parang ayoko na tuloy umalis dito, parang ayoko nang umalis sa tabi mo. Pero alam kong kailangan ko, ayokong maging pabigat sa inyo. Gagawin ko ang best ko para makatulong at makahanap ng trabaho. Fighting!
❤To Be Continued❤
A/N: Guys, What's Up? How are you? How's my update? Sorry kung medyo lame, Guys. Ginawa ko kaninang 3AM 'yan eh. Medyo antok na ko. Tapos wala pa kaming kuryente. Haha. Nilalamok ako't naiinitan habang ginagawa 'yan.
Don't forget to leave some comments. Thank you.
Ps: Guys, Just be yourself. If you're not enough for other people, be enough for yourself.