Mina's Pov:
Masaya ako na muli ko nang nakita ang taong nagparamdam sakin na may pag-asa pa palang mapansin ako sa paligid ng karamihang tao.
Masaya rin akong nalaman ko na ang pangalan niya. Kim Dahyun, tatandaan ko 'yan. Kahit naman 'di ko na tandaan, maaalala ko parin ang pangalan niya. Wala, masaya lang talaga ako na may katulad pa pala niya sa mundong 'to.
Nung unang pagkikita namin, iniligtas niya ko sa kalungkutan ko. Dahil sa pagbigay niya sakin ng headphones at mp3 player niya, pakiramdam ko special ako nung gabing 'yun.
Kanina naman, iniligtas niya rin ako sa tangkang pambibiktima sakin ng masamang tao na nagaalok ng illegal na trabaho. Iniligtas niya rin ako sa nagnakaw ng maleta ko.
Kahit na nasaktan siya't dumugo na naman ang sugat niya sa kaliwang braso, ipinagtanggol parin niya ko. Bigla ko tuloy naalala yung snob na bantay ko nung makidnapped ako.
May pagkakapareho silang dalawa. Yun nga lang, masungit 'yung bantay kong snob samantalang nice si Dahyun sakin. Pero pareho naman nila kong iniligtas. Someday, sana makita ko rin ulit yung bantay kong snob na 'yun. Gusto ko kasi siyang pasalamatan sa pagtulong sakin. Kumusta na kaya siya ngayon?
Masaya rin akong tinanggap ako ng mga kaibigan ni Dahyun. Mababait sila. Palakaibigan. Initatrato nila ko na parang bisita. Masaya akong may mga nakilala akong mabubuting tao na tulad nila.
Matapos naming kumain nang sabay-sabay, nagpahinga na muna ang lahat sa kinauupuan.
"Ahm. Dahyun, Salamat nga pala sa pagbibigay sakin ng headphones at mp3 player mo. Di bale, makakabawi rin ako sayo balang araw." Sabi ko kay Dahyun na nakaupo sa tabi ko.
"Wala 'yun. Wala kong hinihinging kapalit. Malamang lowbat na 'yun. Ibibigay ko sayo yung charger para sa mp3 player." Napalingon siya sakin sabay ngiti.
"Ta--Talaga? Thank you so much, Dahyun. Ang bait mo talaga sakin. Bibigyan kita ng gift someday bilang pasasalamat."
"Akin na. I-charge na muna natin." Sagot niya kaya naman agad ko nang ibinigay ang mp3 player. Inicharge na yun ni Dahyun. Bumalik siya sa pwesto niya sa tabi ko.
"Paano nga pala kayo nagkakilala sa Bar?" Biglang tanong nung isang kasama nila na si Momo.
"Nagsimula kasi yun sa da--" Di na naituloy ni Chaeyoung ang sasabihin nang batuhin na naman siya ni Dahyun ng dyaryo.
"Ouch. Dahyun, bakit ba?!" Tanong ni Chaeyoung. Siguro ganito sila magmahalan. Ang cute nila. Haha. Mukhang close na close na talaga sila sa isa't-isa.
"Ganito kasi 'yun, magkakasama kami nila Chaeyoung. Then, nakita ko si Mina na mag-isa. Naisip ko na naiingayan siya sa music at hiyawan ng mga tao kaya naman naisip ko na ilagay sa tenga niya yung headphones kasama yung mp3 player. That's it." Paliwanag ni Dahyun.
"Oh. Parang never pa kitang nakita na magcare ng ganun sa isang tao." Sabi ni Momo kay Dahyun.
"Talaga?" Napatanong ako.
"Ah--Di ka pa ba magtitinda, Momo? Maguumaga na." Sabi ni Dahyun kay Momo na agad na napatingin sa bintana.
"Magtitinda ako ng repolyo maya-maya." Sagot ni Momo. So 'yun pala ang trabaho ni Momo.
"Ano nga palang trabaho mo, Dahyun?"
Natigilan pa si Dahyun sabay tingin sa mga kaibigan niya.
"Ako? Ah. Wala akong permanenteng trabaho eh. Ah. Kasama ko sila Chaeyoung at Jeongyeon sa mga raket naming paiba-iba. Hehe." Sagot sakin ni Dahyun. Ngumiti na lang sakin sila Chaeyoung at Jeongyeon.
"Ikaw? Anong trabaho mo?" Tanong sakin ni Momo.
"Wala akong trabaho. Pero interesado kong magkaroon ng trabaho para naman kumita ako ng pera. Para narin makapagbigay ako sa inyo ng bayad sa pagpapatuloy sakin dito."
"No need." Sagot ni Dahyun sakin.
"No. Gusto kong tumulong. Trust me, kaya ko."
"Pwede kang tumulong kay Momo sa pagbebenta ng repolyo." Suggestion ni Jeongyeon.
"What?"
"May problema ba, Momo?" Tanong ni Dahyun.
"Wa--Wala naman. Sige. Pwede siyang tumulong sakin. Pero di kalakihan ang ibabayad ko sa kanya na sweldo." Sagot ni Momo sabay tingin sakin.
"Kahit wag mo na kong swelduhan. Gusto kong tumulong para makabawi sa inyo. Tutulong na rin ako sa paglilinis ng bahay at iba pang gawain dito. Kaya ko na rin namang maghanap ng trabaho sa labas eh."
"Sige. Ikaw ang bahala. Basta, hindi ka namin pinipilit ah." Sabi ni Chaeyoung.
"Alam ko. Maraming salamat sa lahat. Pangako, aalis din ako kapag nakahanap ako ng trabaho. Ilang araw lang akong magi-stay dito."
"Goodluck. Sana makahanap ka na ng trabaho para makaalis ka na." Sabi ni Momo sakin.
"Momo, lakad na nga. Magtinda ka na." Sabi ni Chaeyoung kay Momo.
"Oo na. Sandali lang." Napakamot-ulo na lang si Momo.
"Nakatulog ba kayo nang maayos? Buong gabi kayong nasa labas eh." Sambit ni Jeongyeon.
"Medyo nakatulog naman ako ng ayos sa kalsada." Sagot ko sa kanila sabay ngiti.
"Mina, dun ka matutulog sa kwarto ko. Ilagay na natin yung gamit mo sa loob." Sabi ni Dahyun sabay bukas sa pinto ng kwarto niya.
"Ayos lang ako dito sa sofa."
"Si Chaeyoung at Jeongyeon ang natutulog sa sofa."
"Paano ka naman?"
"Ayos lang ako sa sahig."
"Nako. Ayos lang na ako na sa sahig. Ikaw na ang matulog sa kwarto mo. Ayos lang ako."
"No. Ikaw na. Wag ka nang makulit. Ayos lang talaga ako." Makulit niyang sabi.
"Ano kaya kung sa bahay ko na muna si Dahyun?" Tanong ni Momo.
"Huh? Ako? Sa bahay mo matutulog?" Tanong ni Dahyun kay Momo.
"Oo. Pwedeng-pwede ka dun, Dahyun." Nakangiting sagot ni Momo.
"Para-paraan, Momo." Sabi ni Chaeyoung kaya agad siyang kinurot ni Momo sa tagiliran.
"Baliw. Tumutulong lang naman ako eh." Sagot ni Momo.
"Ganito na lang. Bakit di na lang magstay si Mina sa bahay ni Momo? Mas maayos ang bahay ni Momo kaysa sa bahay natin." Suggestion ni Jeongyeon.
"Nako. Wala saking kaso kung maayos ang bahay. Ayos lang sakin kahit saan ako. Wag niyo na kong problemahin." Nasabi ko na lang dahil mukhang nagkakagulo sila sa pagdedesisyon.
"Tama. Mas maganda kung sa bahay ni Momo si Mina." Sabi ni Dahyun sabay tingin kay Momo.
"Ano?" Tanong ni Momo.
"Ayos lang ba sayo?" Tanong ni Dahyun sa kanya.
"O--Oo naman. Tama. Sa bahay ko na muna si Mina. Maluwag naman sa bahay ko eh. May isa pa namang kwarto dun." Sagot ni Momo.
"Sige na. Dalhin na natin ang gamit mo sa bahay ni Momo. Wag kang mag-alala, magkapit-bahay lang kami." Sabi ni Dahyun sakin sabay bitbit ng maleta ko.
Sumunod na ko sa kanila. Nang makapasok sa bahay ni Momo, inilagay na ni Dahyun ang maleta ko sa kabilang kwarto.
"Panahon na para magtinda ako ng repolyo. Mauna na ko." Sabi ni Momo.
"Tutulong na ko."
"Magpahinga ka na muna dito, Mina. Bukas ka na tumulong kay Momo. Matulog ka na muna. Kulang pa yang tulog mo." Naghihikab na sabi ni Dahyun sakin.
"Si--Sige. Mukhang kailangan mo ring magpahinga. Matulog ka na rin muna."
"Tama. Magpahinga na muna tayo. Puntahan mo lang ako sa bahay namin kapag may kailangan ka." Sagot niya kaya tumango na lang ako.
Mukhang magkakasundo naman kami ni Momo kahit na medyo may pagka-masungit siya. Palagi kasing nakakunot-noo si Momo kapag titingnan ko siya. Di bale, gagawin ko naman ang best ko para makatulong sa kanila.
Umalis na si Dahyun sa bahay ni Momo. Umalis na rin naman si Momo para magtinda. Nahiga na lang ako sa kama't nakaidlip dahil sa pagod at kakulangan ng tulog.
❤To Be Continued❤
A/N: Ano na kaya ang mangyayari ngayong nagkrus na ang landas nila? Abangan.
Don't forget to leave some comments. Saranghae.💖 Bigay naman kayo ng feedback tungkol sa chapters na iu-ud ko para malaman ko kung anong reaction niyo. Hahaha.