Badass Detectives [COMPLETED]

נכתב על ידי LennieKookie

1.1M 33.4K 5K

We are badass, badass detectives. Crimes. Clues. Codes. Mystery. Action. and RomCom? Written by: LennieKookie... עוד

Chapter 1: First day, first case
Chapter 2: Another case?
Chapter 3: Meeting Bullet
Chapter 4: Who is unknown?
Chapter 5: Who is unknown [Part 2]
Chapter 6: Who is unknown [Part 3]
Chapter 7: The Transferees
Chapter 8: Confused
Chapter 9: Nameless Club
Chapter 10: Killer Couple
Chater 11: Killer Couple [Part 2]
Chapter 12: Killer Couple [3] / Venus
Chapter 13: Crime for lunch
Chapter 14: Party with a twist
Chapter 15: Missing books
Chapter 16: Missing books [2]
Chapter 17: Just logic
Chapter 18: Spice
Chapter 19: Malum
Chapter 20: Bomb and riddles
Chapter 21: Hug+Joke=Awkward
Chapter 22: Islandventure
Chapter 23: Islandventure [2]
Chapter 24: Islandventure [3]
Chapter 25: Unexpected Visitors
Chapter 26: New
Chapter 27: Affluent robbers
Chapter 28: Affluent robbers [2]
Chapter 29: OH Night
Chapter 30: Half-Iannie, Half-Venus
Chapter 31: Abduction
Chapter 32: Scandal
FAQ
Chapter 33: Scandal [2]
Chapter 34: Offer
Chapter 35: Amaluma
Chapter 36: Argument
Chapter 37: Suicide?
Chapter 38: Race
Chapter 39: Broken
Chapter 40: True colors
Chapter 41: Deal
Chapter 43: Rossa
Chapter 44: Rescue
Chapter 45: Despair
Chapter 46: Infos
Chapter 47: Stepping on their trap
Chapter 48: Allies
Chapter 49: Bullet's plan
Chapter 50: Monster named Venus
Chapter 51: Psychopath
Chapter 52: Beginning
Chapter 53: First kill
Chapter 54: Another problem
Chapter 55: Imperial
Chapter 56: Hell, not Heaven
Chapter 57: Ymson
Chapter 58: The real her
Chapter 59: Scared?
Chapter 60: Battle
Chapter 61: Mystery of Mystery Island
Chapter 62: Mystery of Mystery Island [2]
Chapter 63: Yakuza
Chapter 64: Start of their downfall
Chapter 65: Bloody construction
Chapter 66: Step One
Chapter 67: Shit happens
Chapter 68: Mare's nest
FAQ
Chapter 69: Unexpected
Chapter 70: Who's going to die?
Epilogue

Chapter 42: Thoughts

10.6K 340 19
נכתב על ידי LennieKookie

-

Iannie

Iannie, wag kang mag padala sa mga sinabi ni Pistol, wag mong hayaan na mawala ka sa focus. Paulit-ulit na bilin ko sa sarili ko. Hindi dapat ako basta nalang na maniwala sa mga sinabi ni Pistol.

Paano pala kung nahalata nyang ako talaga to at gusto nya lang na guluhin ang utak ko? Hindi dapat ako mawala sa focus. Tama. Hindi agad ako maniniwala sa mga sinabi nya, kailangan ko ng patunay na isa nga syang Amaluma gaya ng sinabi nya.

"Oh, by the way, hindi ako naniniwala sa mga sinabi mo kanina." wika ko habang naglalakad kami sa hallway ng condominium building na tinitirhan nya.

Lumingon sya sa akin at inakbayan ako. Damn. Konting tiis pa Iannie. Kahit sukang-suka ka na sa ginawa nya ay magtiis ka lang, mababali mo din ang buto ng braso nya mamaya. "Bakit naman hindi ka naniniwala, my Venus?" what the? MY VENUS? Gustuhin ko man na suntukin ang makapal nyang mukha ay hindi ko ginawa, patience Iannie, patience.

"Paano naman ako maniniwala? Duh. Amaluma is known as the demons of business industry tapos ikaw at ang magulang mo ay gagamit ng fake na apilyido for the sake of your security? Hindi kapani-paniwala ang reason mo." pairap na sagot ko sa tanong nya.

Pinisil nya ang pisngi ko gamit ang libre nyang kamay. "Bakit ba nakikita ko si Iannie sayo? Yang way ng pagsasalita mo, yang pagiging logical mo, yang pag babasa mo sa isip ko, parehas talaga kayo eh." wika nya. Damn. Kung magpapatuloy ang pagkukumpara nya sa katauhan ko ngayon at sa tunay na ako ay baka mabuko nya na ako. "Pero alam mo? Tama ka, ganon nga ang pamilyang kinabibilangan ko ngunit may isang pamilya na kabaligtaran namin, ang mga Mayhem at ang mafia nila. Hindi man kapani-paniwala ang dahilan namin ay totoo yon. Proteksyon para sa amin laban sa mga Mayhem. Mortal na magkalaban ang pamilya namin kaya ganon nalang ang pagpoprotekta sa amin ni lolo dahil anak lang sa labas ang papa ko, ayaw nyang madamay kami." paliwanag nya. Maniniwala na ba ako sa sinasabi nya? Alam ko kasi kapag nagsasabi ng totoo ang isang tao, at ang nakikita ko sa kanya ngayon ay nagsasabi sya ng totoo.

Saktong tinanggal nya ang braso nya sa pagkakaakbay sa akin kaya naman hinawakan ko ang kamay nya. In fairness huh, malambot ang palad nya. Pero wala naman akong pake kung malambot o puno ng kalyo ang palad nya dahil hindi naman iyo ang pakay ko. Hinigit ko sya papasok sa papasara ng elevator at dahil sa ginawa kong yon ay nakahawak na ako ngayon sa wrist nya. Kung sadyang magaling lang sya sa pag sisinungaling ay malalaman ko na yon ngayon.

"Hmm. Totoo ba talaga ang lahat ng sinasabi mo? Hindi ko kasi talaga makuhang maniwala." wika ko habang pinakikiramdaman ang pulso nya.

"Totoo lahat ng sinabi ko. Ako at ang magulang ko ay Amaluma. Si lolo mismo ang nagbigay ng Frost na apilyido kay papa hindi lang dahil sa mga Mayhem kundi pati na rin sa mismong mga anak nya. Alam kasi ni lolo na mamaliitin lang ng mga tunay nyang anak si papa o baka nga ipapatay pa kaya ganon ang nangyari." bakit ba willing na willing syang sagutin ang lahat ng tanong ko? Kasi kung halimbawang ako si Pistol at ganyan ang mga tanong sa akin ay hindi ko basta-basta sasabihin lalo na at hindi ko pa naman lubos na kilala ang kausap ko.

Masyado syang open, hindi dapat ganito ang inaakto nya ngayon. Bakit sinasabi nya sa akin ang totoo? Oo, totoo lahat ng sinasabi nya. Kaya nga takang-taka talaga ako. Fvck. Lalong nagugulo ang utak ko.

"Mag sabi ka nga ng totoo, bakit mo sinasabi ang mga ito sa akin? Paano kung isa pala ako sa kalaban nyo? Paano kung gusto ko lang palang kumuha ng impormasyong magagamit ko para pabagsakin kayo?" diretsang tanong ko sa kanya.

Bumukas ang pinto ng elevator kaya naman lumabas na kami. Nakapasok na kami sa unit nya pero hanggang ngayon ay hindi nya parin sinasagot ang mga tanong ko.

Inabutan nya ako ng isang beer in can. "Let's drink again." wika nya sabay upo sa couch kaya naman tumabi ako sa kanya. "Hindi ko rin alam kung bakit ko sinasabi ang lahat ng to sayo, alam kong hindi pa kita kilala pero hindi ko alam, siguro dahil sobra ang pagka-attract ko sayo. Nakikita ko kasi sayo yung first love ko, si Iannie." halos masamid naman ako sa sinabi nya. What the fvck? First love? AKO? Baliw ata tong si Pistol. May gusto sya sa akin? Paanong nangyari yun eh hindi ko naman sya nakakasama. Kung si Bullet pa ang kausap ko ngayon baka maniwala pa ako dahil si Bullet ay araw-araw kong nakakasama.

"Hey, wag kang ma-offend sa sinabi ko ha. Talagang nakikita ko kasi sya sayo. Hindi kayo mag kamukha pero yung galaw nyong dalawa ay iisa." wika nya nga mapansin nyang ang sama ng mukha ko. Letche. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak o sa sinasabi nya kaya hindi maipinta ang mukha ko ngayon. For the nth time, nakakadiri ang mga sinasabi nya.

"So ano connect ng pagiging resemblance ko sa Iannie na yon? Hindi mo pa rin nasagot yung tanong ko na bakit mo sinasabi ang lahat ng ito sa akin. Ano naman kung nakikita mo sya sa akin? Sapat na bang dahilan yon para sabihin mo sa akin ang mga yon?" mataray na tanong ko.

Napatawa sya at muling lumagok ng alak. "Dahil lahat ng sinasabi ko ay ang mga gusto kong sabihin sa kanya. Ang tagal ko na kasing gustong sabihin sa kanya ang lahat ng totoo, na isa akong Amaluma, na parte kami ng grupong kinasusuklaman nya at isa ang magulang ko sa pumatay sa kapatid nya pero hindi ko magawa. Inuunahan ako ng kaba at takot. Kaba dahil alam kong mag-iiba na ang turing nya sa akin at takot dahil pag nalaman ng magulang ko ang ginawa ko ay tiyak na papatayin nila ako." ngumiti sya ng mapakla. "Kapangyarihan at pera lang naman ang mahalaga sa kanila, wala silang pakialam sa nararamadaman ko. Kung gusto ko ba ang mga pinapagawa nila sa akin o hindi. Napipilitan lang ako sa lahat." dagdag nya.

Napalunok ako at biglang nakaramdam ng awa sa kanya. Alam kong totoo ang lahat ng sinasabi nya. Hawak ko ang wrist nya at pinakikiramdaman ang pulso nya kaya alam ko kung nagsasabi ba sya ng totoo or hindi.

"Ano ba ang mga pinapagawa nila na hindi mo gusto?" malumanay na tanong ko. Kung siguro ay hindi pa rin ako bumabalik sa dating ako ay kanina ko pa napatay tong si Pistol. Pinangako ko kasi noon sa sarili ko na ako mismo ang uubos sa Malum at gagawin ko yun sa pagtapos ng mga buhay nila, pero ngayon ay hindi na ako ganon. Gusto kong magdusa sila sa kulungan.

"Lahat. Ang pagbebenta ng letseng drugs na yan,ang pagsali sa Malum, ang pag re-recruit sa grupo, at higit sa lahat ay ang pag gawa ng nakakasakit at ikagagalit ng taong mahal ko." muli akong napalunok. Kung ganon ay hindi nya nga talaga gusto ang lahat ng ginagawa nya. "At dahil din doon kaya lalong mapapasama si Iannie. Inalis ako ng magulang ko sa pagbabantay kay Iannie, kung dati ay kaya ko pang bawasan ng kaunti ang mga balak ng Malum sa kanya, ngayon ay hindi na."  malungkot na sagot nya. So may kinalaman nga talaga ang Malum sa pagkamatay ni Alice. Dahil sa narinig ko ay muling nabuhay ang galit sa dibdib ko, kailangan ko ng umalis dito pero may gusto pa akong malaman.

"Sino ba ang Malum na yan? Sa pagkakaintindi ko kasi ay ang Malum na yan ang mafia na kinabibilangan mo. Pag-aari ba ng Amaluma ang mafia na yan?" tanong ko sa kanya. Ito nalang ang gusto kong malaman sa kanya, sa iba ko na aalamin yung iba dahil nararamdaman kong mabuting tao si Pistol at gaya nga ng sinabi nya kanina ay napipilitan lang sya sa mga ginagawa nya. Pero hindi ibig sabihin nun ay ligtas na sya sa akin, pagbabayari ko pa rin sya kahit na napipilitan lang sya sa mga ginagawa nya.

Tumingin sya sa kawalan, dire-diretsong ininom ang laman ng lata at ng maubos nya ito ay pinisa nya ito gamit ang kamay nya. "Kung ano man ang mayroon sa Malum at Amaluma ay hindi ko na sasabihin iyon sayo. Hindi porke hindi kita sinagot sa tanong mo ay oo na ang sagot ko. Tama na yung mga nalaman mo, ayoko ng may madagdag pa sa listahan ng mga papatayin ng Malum. Mapapahamak ka sa pagtatanong mo ng tungkol sa kanila." seryosong sabi nya. Damn. Hindi ko pa rin nalaman!

May isa pa akong gustong itanong. Gusto ko sanang itanong kung anong ibig sabihin nung sinabi nyang 'ang parents ko at ako ay hindi Frost', ito talaga ang gumugulo sa aki  kanina pa pero hindi maitanong dahil kapag itinanong ko iyon sa kanya ay tyak na mahahalat nya ng si Iannie ako.

Tanging tunog lang ng aircon at ng latang bahagya kong pinipisil ang naririnig ko. Hindi na kasi nag salita pa si Pistol at ganoon din ako. Sunod-sunod ang ginagawa nyang pag-inom ng beer, gusto atang lunurin ang sarili nya sa alak. Pulang-pula na rin ang mukha nya at halatang lasing na. Maya-maya ay lumingon sya sa akin at ngumiti, ngiting nakakaakit pero para sa akin ay ngiting nakakasuka. "Let's take a bath first before we start heating up the the night." malanding wika nya habang hinuhubad ang shirt na suot nya. Fvck. Magkakasala ang mata ko nito dahil sa makikita ko, sorry na agad Louis.

"Hindi ako sasabay sayo, gusto kong ma-excite ka sa kung anong makikita mo." patol ko sa kalandian nya. Ngumiti sya sa akin at hinalikan pa ang buko ng mga daliri ko bago lumakad papapunta sa banyo. Nang makasigurado ako na naliligo na sya ay agad kong inilabas ang liquid form ng bloody merry na dala ko. Hindi pala para makuha ang impormasyong gusto ko ang gamit nito, ang gamit pala nito ay para matakasan ang mahalay na si Pistol na may gusto pala sa akin.

Agad kong ibinuhos ang laman ng maliit na botelya sa beer na iniinom nya kanina. Sana lang ay inumin nya ito dahil kung hindi ay mapipilitan ako na patulugin sya gamit ang kamao ko.

Ilang minuto lang ang hinintay ko at lumabas na si Pistol na ang tanging mayroon lang sa katawan ay ang towel na nakatapis sa bewang nya. "Your turn, I'll wait you in my room." nakangising manyak na sabi nya sabay kuha nung beer na nilagyan ko ng bloody merry. Lihim na napangisi ako ng makita kong tinungga nya ito.

Dumiretso ako sa banyo kahit wala akong gagawin dito. I just want to check my make up. Hmm. Ayos pa naman. Hindi na ako nag tagal pa ng ilang minuto sa banyo at kaagad na akong lumabas doon. At kagaya ng inaasahan ko, blangko na ang mata ni Pistol habang nakaupo sa kama nya. Para syang robot na naubusan ng baterya dahil hindi talaga sya gumagalaw doon. Ganito pala katindi ang epekto ng blood merry.

Biglang pumasok sa isip ko ang tanong na kanina pa gumugulo sa akin. Chance ko na rin to para kahit papaano ay mabawasan ang iniisip ko.

"Sagutin mo ang lahat ng tanong ko. Gusto ko na ang lahat ng isasagot mo ay totoo, maliwanag ba?" tumango sya bilang sagot. "May kapatid ka ba? Si Bullet, kapatid mo sya diba?" tanong ko.

"Wala akong kapatid. Si Bullet ay hindi ko kapatid. Ampon lang si Bullet, hindi ko alam kung sino ang magulang nya." napatigil ako. Ampon si Bullet? Aish. Panibagong drop na naman ng bomba. Ano pa ba ang malalaman ko? Kailangan ko atang ihanda ang sarili ko para sa mga susunod ko pang lakad. Kung ito ngang si Pistol na mababa lang ang ranggo sa Malum ay madaming nakakagulat na impormasyong ibinigay sa akin yun pa kayang iba?

"Tungkol sa Amaluma atㅡ"

"Brad Pistol! Yuhoo!" Damn! Buti nalang at ni-lock ko yung pinto! Sino ba ang natawag na yon?Panira naman oh! Kaasar!

"Humiga ka at pumikit hanggang sa makatulog. Pag gising mo kinabukasan ay wala kang matatandaan sa nangyari, ang matatandaan mo lang ay natalo ka ng isang babae sa karera." tumango ang mala-robot na si Pistol at kaagad na humiga sa kama. Okay na, itong bwiset na istorbo nalang na nasa labas ng kwarto ang po-problemahin ko.

"Brad! Andyan ka ba sa loob? Papasok na ako ha? May nalaman ako tungkol doon sa babaeng nakalaban mo kanina sa karera." narinig ko ang pag click ng doorknob, tanda na natanggal na ito sya pagkaka-lock. Fvck! Bakit ba may susi ang bwiset na kung sino man na yon?

Iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto. Fvck. Mabilis na nagtago ako sa ilalim ng kama at tahimik na nakiramdam. Narinig ko ang papalapit na yabag. "Tss. Lasing na lasing ata ang loko." wika nya at lumabas na ng kwarto. Nakahinga ako ng maluwag. Phew. Muntikan na.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at sumilip sa siwang. Tsk. Nandito pa rin ang bwiset na lalaki. Pero ano ang nalaman nya tungkol sa akin? Nalaman nya kaya na nagpapanggap lang ako? Damn. Kailangan kong alamin yon.

Nag ring ang phone ng bwiset na kaagad nya namang sinagot. "Sa organizer po ng drag race ko nalaman boss...Hindi po boss, narinig ko lang...Iannie daw ang pangalan...Sige po boss, tulog po si Pistol eh,lasing na lasing...Okay boss..." fvck. Ang ingay naman ng organizer na yun! Imbis tuloy na wala na akong sabit ay nagkaroon pa.

Marahas ang naging paglingon sa direksyon ko ng lalaki at huli na para mag tago. "Sino ka? Ikaw yung babae!" nginisian ko lang sya. "Huli ka sa akin ngayon! Wala kang lusot!" malakas na sabi nya at malalaki ang hakbang na lumapit sa direksyon ko.

"Catch me if you can." sinalubong ko sya. Agad syang umamba ng suntok pero mabilis na nahuli ko ang kamay nya at tinapid ang paa nya kaya padapang bumagsak sya sa sahig. Hawak-hawak ko pa rin ang kamay nya, at dahil nga nakadapa sya ay mas pabor sa akin. Tinuhod ko ang siko nya kaya naman napahiyaw sya sa sakit. Hindi ko man nabali ang buto ni Pistol gaya ng balak ko kanina ay nagawa ko naman sa kanya ngayon.

"Mag papakilala muna ako bago kita tanggalan ng malay. Ako si Iannie Mayhem, president ng Nameless club na syang uubos sa grupong kinabibilangan nyo." hindi ko na hinintay na makapag react pa sya. Malakas na hataw ang ginawa ko sa leeg nya na naging dahilan upang mawalan sya ng malay.

Ni-text ko si Rhaiu na sunduin ako. Duh. Hindi ko naman maiaangkas sa motor tong bwiset na to no. Saktong 20 minutes ay tumawag sa akin si Rhaiu at sinabing nandoon na daw sya sa baba.

Pabalyang ipinasok ko sa kotseng dala ni Rhaiu ang bwiset na lalaki. "Sino naman ang isang yan?" tanong ni Rhaiu.

"Malay ko dyan, pero mukhang may mapipiga naman ako dyan sa isang yan. I-diretso mo sa HQ yan, pag nag karon ng malay ikaw na bahala." sagot ko sa kanya.

Napangiwi sya habang nakatingin doon sa lalaki. "Nga pala, sila Louis kanina pa nag aalala sayo. Gusto ngang sumama dito, di mo na daw kasi sila tinawagan, hindi ka rin naman daw nila ma-contact."

Oo nga pala, nakalimutan ko na sila dahil sa mga nalaman ko. Pinatay ko din pati kasi ang phone ko dahil alam kong tatawag sila, baka makita pa kasi ni Pistol. "Tatawagan ko sila pag naka-alis ka na." wika ko.

"Teka, hindi ka pa sasama sa akin pauwi? Bakit ka pa nag pasundo?"

"Baka may makita pa ako doon sa unit ni Pistol, hindi kasi ako nakapag halungkat dahil dyan sa istorbo na yan. Pakisabi nalang na may tatapusin pa ako dito. I-diretso mo yan sa HQ, haharapin ko yan mamaya."

Nang makaalis na sila ay agad kong tinawagan si Louis. Sinabi ko sa kanila na mamaya na ako mag kekwento, pinaalam ko lang sa kanila na ayos ako. Matapos ang pag-uusap namin ay bumalik na ulit ako sa unit ni Pistol.

Agad akong nag hanap ng pwedeng magamit na ebidensya pero wala akong makita kahit isa. Mukhang nandoon sa sinasabi ni Bullet na vault sa kwarto ng mama at papa nya ang mga ebidensyang hinahanap ko. Hinanap ko nalang ang phone ni Pistol at nung bwiset na lalaking istorbo, magagamit ko rin yun.

Papalabas na ako sa unit ng may masipa ako. Wallet? Ah. Baka kay bwiset na lalaki to. Ano ba naman yan, wala manlang cash. Puro cards lang ang nandito. Hmm. Namano Paws pala ang pangalan ng bwiset. Teka, Paws? Kaano-ano nya ang bruha na si Mena Paws? Kapatid nya? Hindi malabo, parte din ng Malum tong bwiset na to eh. So family goals pala ang trip nila? Idagdag pa yung babaeng sinasabi ni Maxine na tumawag ng ate kay Ms. Paws.

May isa pa akong card na kinuha. Ano bang card to? Hindi naman mukhang credit card o ATM ang isang to, hindi din naman mukhang VIP card sa kung saan. Tanging pinaghalong numbers at letters lang ang nandito. At dahil wala akong ideya kung ano ang isang to ay ibinalik ko nalang ito sa wallet at ibinulsa.

Habang nag mo-motor pauwi ay hindi ako pinatahimik ng mga tanong sa isip ko. May nabubuo na namang kung anong teorya at konklusyon. Amaluma sila Pistol at hindi Frost, si Bullet ay ampon lang, ang kumuha sa kapatid ko ay Amaluma, hindi kaya si Bullet ang kuya ko?

Kailangang makausap ko si dad tungkol dito. Ayaw kasi nilang ipaalam sa akin ang tungkol sa mga pag-iimbistigang ginagawa nila sa paghahanap sa nawawala kong kapatid. Tanging si dad, yung kambal at si Kenford lang ang nakakaalam ng lahat ng impormasyong nakukuha nila.

Isa pang gumugulo sa isip ko ay ang tatay ni Louis. Kahit hanggang ngayon ay hindi namin alam kung paanong napunta o kung saan nakuha ni Alice ang video na yon ay pinaniniwalaan ko ang napanood ko. Ayon na rin kasi kay Bullet ay hindi naman edited ang video, pinakita ko rin kay Kendall ang video na yon at sinabi nya rin na hindi peke ang isang yon.

Ang kaso nga lang ay si Louis, hindi nya matanggap ang tunay na kulay ng tatay nya. Miski naman siguro ako ay hindi ko matatanggap ng basta nalang ang nalaman ko, kaya nga hahanap pa ako ng ebidensya laban sa tatay nya.

Fvck! Mabilis na iniliko ko ang handlebar ng motor pakaliwa. Damn. Muntikan ko ng mabangga yung babae dahil sa bigla nyang pag tawid! Pasalamat sya at nagawa ko pang kontrolin ang motor. Itinigil ko ang motor at inis na bumaba.

"Mag papakamatay ka ba miss? Pasalamat ka at motor lang ang nakasalubong mo, paano kung truck ang dumaan kanina? Paniguradong good bye earth ka na." inis na sermon ko dun sa babae. Alam kong mas matanda sya sa akin pero hindi yun naging dahilan para pag sabihan sya.

"T-Tulungan mo ako...M-May humahabol sa akin..." mahina at hinahapong sabi nya. Ramdam ko din na takot na takot sya,kitang-kita rin pati sa mukha nya.

Itinayo ko sya at pinakalma. "Sinong humahabol sayo?" pinagmasdan kong mabuti yung babae, mukhang negosyante sya base sa suot nya o pwede rin naman naman na nag ta-trabaho sya sa opisina. Pinakinggan kong maigi ang ibinubulong nya, parang wala na sa sarili amg babaeng to. Panay ang linga nya sa paligid at panay din ang bulong.

"Hinahabol nya ako...May humahabol sa akin...Papatayin nya ako...Papatayin nila ako..." paulit-ulit nyang wika. Pero ang bulong ay unti-unting lumakas, hanggang sa halos marindi na ako dahil sumisigaw na sya.

"PAPATAYIN NYA AKO! PAPATAYIN NILA AKO! PAPATAYIN KA RIN NILA!" isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Ewan ko lang kung hindi ka magising sa sampal na yan. "Yung humahabol sa akin, papatayin nya tayong dalawa! Umalis ka na! Papatayin ka rin nila!" abat! Kulang pala yung sampal na binigay ko sa kanya.

Muli ko syang sinampal,mas malakas kumpara kanina. "Tangna. Kung hindi ka aayos talagang iiwanan kita dito. Umayos ka, pwede? Ngayon, sino ang humahabol sayo na gusto kang patayin?" inis na tanong ko.

"S-Si Mr. Carㅡ" fvck! Nanlaki ang mata ko sa nangyari. Bigla syang bumulagta ng dilat pa ang mga mata. Kitang-kita ko kung paano tumagos ang bala ng baril sa noo nya. Iginala ko ang mata ko, nasa malapit lang ang gumawa nito.

Ayun! May naaninag akong silweta na tumakbo papasok sa pinanggalingan eskinita nitong babae kanina. Mabilis akong tumakbo papunta sa eskinitang iyon pero nang makarating na ako doon ay wala akong nakita kahit anino manlang. Fvck! Ang bilis nya! Tinakbo ko hanggang sa kabilang dulo ng eskinita pero wala pa rin akong nakita. Damn!

Kaysa mag sayang ng oras sa eskinitang yon ay nag lakad nalang ako pabalik habang tumatawag ng pulis. Nang dumating ay pulis ay agad akong napasimangot. Bakit sa dinami-dami ng pulis ay itong dalawang ito pa ang nagpunta dito? Sino sila? Ang Magalang tandem. Hindi nga bagay ang apelyido nila sa kanila,mas bagay yung Mayabang kaysa Magalang.

"Ikaw ba ang tumawag ngㅡ Aba, akalain mo nga naman. Long time no see ah, how you are?" nakaasar na tanong ng nakakaasar na si PO1 Magalang.

"Psh. How are you, hindi how you are. Ayos naman ako, sumama lang ang pakiramdam ko ng makita ko ang mukha nyong dalawa." tamad na sagot ko sa kanya.

Sinamaan ako ng tingin nung dalawa. "You are still have bad mouth. Do not talk us like this." letche. Pengeng translator.

Inirapan ko sya at itinuro yung bangkay. "If I were you, I'll do my job now. Can you please hurry? You're just wasting my time." inis na sabi ko. Hindi naman kasi ako makakaalis dito hanggang hindi pa sila natatapos,baka nga pasamahin pa ako sa presinto ng dalawang to.

"Ano daw ang sabi Oca?"

"Aba malay. Job at time lang ang narinig ko ng ayos,masyado kasing mabilis. Pero sa pagkakaintindi ko ang sinabi nya ay mag hanap daw tayo ng part-time job." napatampal nalang ako sa noo. God, bigyan nyo pa po ako ng konting pasensya, ayoko pong makasuhan ng physical injury.

"Pwede bang kaysa mag daldalan kayo dyan ay gawin nyo nalang ang trabaho nyo? O baka gusto nyong ako nalang ang gumawa ng trabaho nyo para mapabilis lang?" inis na tanong ko sa kanila.

Buti naman at nakinig yung dalawa, ginawa na nila ang trabahong kanina pa dapat nila ginawa, at ng dumating ang kasamahan nila na kukuha ng bangkay nung babae ay pilit nila akong isinakay sa kotseng dala nila.

"Tsk. Hindi nyo ako kailangang pwersahin,okay?" bwiset na sabi ko. Tangna. Ginawa akong kriminal sa pag hila sa akin. "May motor akong dala, wag kayong mag alala dahil didiretso ako doon sa police station,mauuna pa ako." dagdag ko pa. Hindi na nga maganda ang mood ko dahil sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip tapos dumagdag pa ang dalawang to. Kaasar!

Hinayaan nila ako na i-drive ang motor ko papunta sa station. Ayaw pa ngang pumayag nung una at sinabing iwan ko nalang daw doon ang motor pero nung sinabi kong babayaran nila ako kapag nawala ang motor ko ay parang anghel na pumayag sila. At gaya ng sinabi ko kanina,nauna pa nga ako sa kanila.

"Iannie! Aba, buti naman at nagawi ka dito. Anong atin?" nakangiting wika ni Inspector Olivarez. Matagal ko ng kakilala si Inspector, sya kasi yung naka-assign dun sa dating school na pinapasukan ko at malapit na kaibigan din sya ni Dad at Tito Dan.

"Wala po akong sadya dito, Inspector. Yung mga bata nyo kasi,pinilit akong sumama dito kaso ay nauna pa ako. Inspector, pangaralan nyo nga yung Magalang tandem, mas inuuna pa yung daldalan kaysa sa trabaho nila." sumbong ko.

Napa-latak si Inspector at napailing. "Yung mga yon talaga, kaya imbis na mahuli ang kriminal ay nakakatakas pa eh. Pag pasensyahan mo nalang ang dalawang yon." wika nya. "Nga pala, eh bakit ka ba inimbita nung dalawa dito sa station?" tanong nya.

"Hindi po ako inimbita Inspector,pinilit po ako. Tignan nyo to oh." pinakita ko sa kanya ang namumulang braso ko na kagagawan nung dalawa. "So ayon nga, ako po kasi yung tumawag ng pulis kanina dahil may binaril doon sa Ur Road na nangyaring binaril habang kinakausap ko."

Kumunot ang noo nya. "Bakit ka naman nandoon? At ano ang pinaguusapan nyo?" buti pa si Inspector na hindi naka-assign doon sa kasong yun ay nag tatanong sa akin ng sensible na mga tanong,hindi katulad numg dalawa na parang hindi naman nag imbistiga ng ayos.

"Nag da-drive po ako pauwi then biglang tumawid yung babae,muntikan ko pa ngang mabunggo,buti nalang at naiwasan ko kaagad sya. Dala ng inis ay bumaba ako para sermunan sya then ayon, bigla syang humingi ng tulong sa akin,may humahabol daw sa kanya." sagot ko.

"Nasabi ba sa iyo kung sino ang humahabol sa kanya?"

"Hindi, Inspector. Pero paulit-ulit nyang sinabi na may humahabol sa akin, hinahabol nila ako,papapatayin nya ako , papatayin nila ako. Sinabi nya rin na pati daw ako ay papatayin nya,papatayin ka din nila. Ang gulo nya kanina, siguro dahil sa takot na rin kaya sya ganon, hindi ko tuloy maintindihan kung iisa lang ba ang humahabol sa kanya o madami."

"Wala ba syang nasabi kahit manlang kaunting salita na magpapatungkol sa killer nya?"

"Lalaki ang killer, nung sasabihin nya na kasi sa akin kung sino ang humahabol sa kanya ay hindi nya na naituloy, tanging 'Si Mr. Car' lang ang nasabi nya dahil namatay na sya sa tama ng baril sa noo."

"Hindi mo ba nakita kung sino ang bumaril sa kanya?"

"I only saw a silhouette, but masasabi kong lalaki sya. Hinabol ko pa sya pero hindi ko rin sya naabutan, masyado syang mabilis."

Tumango-tango si Inspector at hinawakan ako sa balikat. "Alam kong hindi ikaw ang gumawa nito pero sa ngayon ay ikaw ang magiging suspect dahil nandoon ka sa oras ng krimen, pero alam ko rin na kaya mong lusutan yan." nakangiti nyang wika. Nginitian ko rin sya at sinabing 'Ako pa ba'.

"Anong ginagawa mo sa crime scene?Bakit nandoon ka?" tanong sa akin ni PO1 Magalang number 1.

"As I said earlier, nandoon ako dahil bigla syang tumawid na naging resulta upang muntikan ko na syang mabangga. Kinausap ko sya, humingi sya ng tulong pero habang kinakausap ko sya ay bigla syang bumulagta ng nakadilat ang mata dahil sa pagtama ng bala ng baril sa noo nya na naging sanhi ng pagkamatay nya. At kung itatanong nyo kung paano ko mapapatunayan na inosente ako ay wag nyo ng tanungin. Bakit? Una sa lahat ay hindi ko sya kilala kaya wala akong motibo para patayin sya. Pangalawa, sa likod nya nag mula ang bala,makikita nyo sa autopsy yon. At isa pa, mapapatunayan yan ng damit ko at ng sapatos ko. Nakaharap sya sa akin nung barilin kaya naman tumalsik ang dugo nya sa damit ko at nung mapabagsak naman sya ay sumakto sya sa sapatos ko kaya may dugo din ito. At pangatlo, hindi ako tatawag sa pulis kung ako ang gumawa nito, bakit pa ako tatawag sa pulis kung alam ko naman na iimbitahan ako sa station para sumagot ng ilang katanungan. Kung halimbawang ikaw ang killer,tatawag ka ba ng pulis para imbistigahan ang krimeng ginawa mo at pati na rin ikaw? Alam ko ang sagot mo, ang sagot mo ay hindi." mahabang sabi ko dun sa dalawang Magalang.

Nakatunganga lang sila dahil sa dire-diretsong pagsasalita ko. "Oo nga pala, kung ako ang killer ay mayroon kayong makikitang gun powder sa katawan ko o kahit sa damit ko lang. Kumbinsido na ba kayo?" tamad na tanong ko.

"Sabi nga namin eh, hindi ikaw." napairap nalang ako. Psh. Isang oras din ang nasayang sa akin. Imbis na nandoon na ako sa mansyon at dini-discuss kila Louis ang mga nalaman ko ay nandito pa ako.

Nasa labas na ako ng station ng tawagin ako ni Inspector Olivarez. May ipapakita daw sya sa akin kaya naman bumalik ulit ako sa loob.

"Narinig ko sa tito mo na may iniimbistigahan ka daw na mga tao, hindi nya nasabi kung anong pangalan ng mga taong iniimbistigahan mo pero sa tingin ko ay may kinalaman itong nakita namin sa bag ng biktima." wika nya. Binigyan nya ako ng pares ng gloves at ibinigay sa akin ang isang envelope.

Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang picture naming apat nila Louis. Iba't-ibang anggulo at lugar pero pare-parehas na sa loob ng Olympus. Mayroon nasa classroom kami, nasa gym, sa cafeteria, sa garden at kung saan-saan pa.

"Mukhang kaibigan mo ang mga yan, tama ba ako? Mag-iingat kayo Iannie, sa tingin ko ay may mga taong nag babantay sa kilos nyong apat." seryosong sabi nya.

Napangisi ako. May nagbabantay pala sa amin at mukhang nasa loob sya ng Olympus, malaman ko lang kung sino ang taong yon ay isang malakas na suntok ang aabutin nya sa akin, pero sino ang nag uutos sa kanya para bantayan kami? Ang Malum ba?

"Thanks for your concern, Inspector. And yes, they are my friends. Hindi ko alam kung nabanggit na sa inyo ni tito, president po ako ng isang detective club sa school namin at ang tatlong kasama sa picture ay ang iba ko pang ka-myembro,wag po kayong mag alala Inspector, katulad ko din kumilos ang mga yan." nakangiting sabi ko.

"Wala ka talagang kinatatakutang bata ka." naiiling na sabi nya. "Osya, mauuna na akong lumabas ha? Kung tapos kana'y sumunod ka nalang." paalam nya at lumabas na.

Tinignan ko ang CCTV camera. Isang mabilisang galaw at hindi makikita sa CCTV ang gagawin ko. Kunwari ay tinitignan ko ang mga pictures pero ang totoo ay gumagapang ang kamay ko papasok sa envelope. May nakita akong maliit na sobre at sa tingin ko ay hindi iyon nakita ni Inspector. Nang makapa ko na ang maliit na sobre ay mabilis ko itong kinuha at ibinulsa. Mission done.

Nag paalam na ako kay Inspector at umalis na doon. Nang medyo malayo na ako ay itinigil ko ang motor at inilabas ang sobre na kinuha ko. Nang buksan ko ito ay napalunok ako. Bakit kami pinapabantayan ng tatay ni Louis? Ang laman ng maliit na sobre ay nakatuping papel at picture nya. Ang nakasulat sa papel ay parang kasunduan or kasulatan na nagpapatungkol sa pag subaybay sa amin. Sa pinakababa ng papel ay nakasulat doon ang pangalan nya at ang pirma nya, sa kabilang side naman ay pangalan ng isang lalaki,ito kaya ang taong sumusubaybay sa amin?

Muli kong ibinalik sa sobre ang laman nito at ibinulsa pero nananatili parin ako sa pwesto ko. Yung babae,bakit sya pinatay? Pati bakit nasa kanya ang envelope na yon? Mukhang hindi naman nya kaano-ano yung lalaking sa tingin kong sumusubaybay sa amin kaya paanong nasa kanya yon?

Biglang bumalik sa akin ang pangalang babanggitin sana nung babae, Mr. Car... Anong kadugtong nun? Nanlaki ang mata ko ng may pangalang pumasok sa isip ko. Carlos Taylor. Ang tatay ni Louis. Sya ba ang bumaril doon sa babae? Kung sya nga, bakit nya ginawa yon? May nalaman ba yung babae tungkol sa kanya kaya nya tinapos ang buhay nito? Kung ganoon ay ano yon?

-

המשך קריאה

You'll Also Like

4.8M 152K 54
Meet Cassidy Evans. 4th year Student. Sobrang saya ng pamumuhay niya kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Wala na siyang hahangarin pa kundi ang ma...
7.3M 372K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
1M 37.9K 61
Highest Ranks #1 in Thriller #2 in Mystery/Thriller "Kailangan mong pumatay kung gusto mo pang mabuhay. Kung hindi ikaw ang papatay? Ikaw ang mamama...
1.4M 46.4K 55
All along I thought I was just an ordinary teenage girl, living in an ordinary teenage life. Not until I entered this academy. Who could've thought t...