Goodnight Like Yesterday (MiH...

By DuBulilay

57.4K 1.9K 1.2K

"Goodnight Like Yesterday" Would you risk everything for a stranger? What if that stranger becomes your ever... More

"Goodnight Like Yesterday"
"Goodnight Like Yesterday" Short Vid
1: Imprisoned
2: Survival
3: Pajama
4: Inner Circle
5: High School Classmate
6: Party Party
7: Headphones
8: Pretty Girl
9: Disgrace
10: Human
11: A Princess
12: My Weakness
13: Kidnapped
14: It Can't Be
15: Dahyun's Pain
16: Mysterious
17: No Choice
18: My Death?
19: Risk
20: Her Name
21: I'll Be Fine
22: Realize
23: Turn Back Time
24: Break-Up
25: Perfect
27: My Hero
28: Who's That Girl?
29: The Gift
30: Her Magic
31: Jealous
32: Stay With You
33: Closer
34: Invisible
35: First Move
36: Happy Memories
37: City Lights
38: She's Magical
39: Sadness
40: Just A Dare
41: Protecting You
42: Secrets
43: Goodbye
44: Alone
45: Concerned
46: F R I E N D
47: A l i p i n
48: S a v e H e r
49: Hopeless
50: Myoui's Mansion
51: Leave Me Alone
52: A Letter From Yaya
53: I'll Protect You
54: You Don't Know
55: I'm Not Dahyun
56: Cause of Death
57: I'm Sorry
58: Feelings
59: A Bad Person
60: Here For You
61: Cup Noodles
62: O f f e r
63: Awkward
64: It's You
65: Don't Give Up
66: Another Poem
67: I'll Be That Person
68: Kiss Me Slowly
69: The Kiss
70: You & Me
71: It Hurts
72: Reasons
73: Chocolates
74: M a d
75: You Stole My Heart
76: With You
77: A Date ?
78: First Date
79: Crescent Moon Bracelet
80: Secret Love
81: One Sided Love ?
82: Dating
83: P L A N S
84: Hugs & Kisses
85: She's Mine
86: Stay Away From Dahyun
87: Secrets
88: My Everything
89: Remember That
90: Goodnight
91: Goodnight Like Yesterday
92: In Your Eyes
93: B r a v e
94: Dahyunie & Minari
95: Sacrifice
96: I Love You
97: Before You Go
98: Forget Her
99: Missing You
100: Kiss Me
101: Back To You
102: Wish You Were Here
103: Piano
104: Mean
105: Why?
106: Threats
107: Yourself
108: Forgiveness
109: Too Late
110: Rewrite The Stars
111: When You Look Me In The Eyes
112: Safe
113: A Night To Remember
114: Crazy In Love
115: Predator
116: Friends
117: Father-Daughter Bonding
118: Bike
119: Goodbye
120: Kailan?
121: 4 Years
122: Cheater
123: Chat
124: My Paradise
125: Stuck
About "GLY"
~ Questions ~
Next Story (Spoiler Alert)
Special Chapter #1
Next Story (Spoiler #2)
Next Story (Spoiler #3)
Special Chapter #2
H E L P 😙
Special Chapter #3
Special Chapter #4
Special Chapter #5
Next Story (Spoiler #4)
Special Chapter #6

26: Should I?

405 14 1
By DuBulilay

Dahyun's Pov:

Abala sila Chaeyoung sa pagkain sa bahay. Hindi rin naman ako makatulog ngayong gabi.

Mabuti pa, magpapahangin na lang ako sa labas. Kaysa naman maboring ako dito sa bahay.

Nagsuot na ko ng hoodie jacket. Nagsuot na rin ako ng salamin. Pati ng mask sa bibig. Bakit? Wala lang. Nasanay siguro ko ng ganito.

"Oy! Saan ka pupunta? Di pa magaling nang tuluyan yang sugat mo. Kami ang papagalitan ni Momo kapag hinayaan ka namin." Tanong sakin ni Jeongyeon.

"Magpapahangin sa labas. Kaya ko na 'to. Di niya malalaman kung di niyo sasabihin."

"Sama ko!" Sabi naman ni Chaeyoung.

"Wag na. Gusto kong mapag-isa."

"Sige na nga. Basta magiingat ka. Hayaan na natin siya, Chaeyoung." Saway ni Jeongyeon sabay hila kay Chaeyoung pabalik sa upuan.

"Sige. Maiwan ko muna kayo diyan." Lumakad na ko palabas ng bahay.

Sa pagpapahangin ko sa labas, nakita kong napadaan ang isa sa kilala kong gumagawa ng illegal na trabaho sa lugar namin.

Siguro may bibiktimahin na naman ang loko. Hindi parin pala himihinto sa gawain. Maraming tao ang nasisira ang buhay dahil sa kalokohan ng isang 'to. Binugbog ko na 'to noon, himdi parin pala nagtatanda. Aish.

Minabuti ko nang sundan siya nang palihim. Nakita ko siyang pumasok sa isang store kaya naman sumunod ako.

Nagkunwari akong namimili ng bibilhin. Pero ang totoo, minamanmanan ko siya. Napansin ko siyang may pinagmamasdan. Nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ang babaeng pinagmamansdan niya.

What? Bakit nandito ang babaeng 'yun? Bakit may dala siyang maleta? Naglayas ba siya? Pinalayas ba siya? Anong ginagawa niya sa lugar na 'to nang mag-isa? Gabing-gabi na ah.

Anong gagawin ko? Mabuti na lang at tago ang identity ko ngayon. Mabuti may shades ako ngayon. Aish. Sana hindi niya ko makilala.

Suot-suot niya yung headphones ko. Mukhang malalim ang iniisip niya. Pinagmasdan ko lang siya sa isang sulok hanggang sa itago na niya ang headphones. Paalis na sana siya nang bigla siyang lapitan ng lokong sinusundan ko.

So, siya pala ang next victim ng lokong 'yun. Dapat ba kong mangialam? Hahayaan ko na lang ba siya? Aish. Siguro naman aware siya na baka maloko lang siya sa offer sa kanyang trabaho.

Pinagmasdan at pinakinggan ko muna sila. Aish. Mukhang walang kaalam-alam ang babaeng 'yun sa pwedeng mangyari sa kanya. Saan ba talaga siya nanggaling? Mayaman ba talaga siya? Ang bilis magtiwala ng babaeng 'yun. Mapapahamak siya sa ginagawa niya.

Seriously? Tatanggapin niya yung trabaho nang ganun kadali? Aish. Akma na sana siyang pipirma sa kontrata kaya agad na kong kumilos. Di pwedeng wala akong gawin.

I won't do this for her. Gusto ko lang talagang turuan ng leksyon ang lokong sinusundan ko.

Lumapit na ko sa kanila't nakialam. Kung di pa ko kikilos, mapapahamak 'tong babaeng 'to nang wala sa oras.

Masyado ba talaga siyang inosente o talagang tanga lang siya? Aish.

Umalis din naman ang lokong sinusundan ko matapos ko siyang pagbantaan.

Napalingon ako sa babaeng walang kaalam-alam sa mundo. May dala siyang maleta. Tatanungin ko ba kung bakit nandito siya sa ganitong oras? Wag na nga! Ano bang pakialam ko sa kanya?

Matapos niyang magpasalamat, lumabas na ko ng store. Napahinto ako sa tabing kalsada nang makita kong lumabas na rin siya ng store.

Ano kayang nangyari sa kanya? Nacurious ako kaya palihim ko siyang sinundan. Hila-hila niya ang maleta niya. Bigla siyang huminto sa isang madilim na eskinita't kinuha ang nakita niyang karton.

Inilatag niya ito sa sahig at naupo na. Siguro napalayas siya ng bahay. Ang lakas ng loob ng babaeng 'to na magstay sa labas sa ganitong oras. Ni wala pa siyang kasama na magpoprotekta sa kanya. Ang tapang din talaga nito eh. Ni hindi man lang ata na-trauma sa pangingidnap sa kanya.

Pumikit na lang siya habang nakasandal sa pader. Di ba siya aware na delikado sa labas?

Aish. Ano bang pakialam ko sa kanya?! Makauwi na nga. Nagsimula na kong lumakad palayo sa kanya.

Pero paano kung may mangyari ngang masama sa babaeng 'yun? Should I help her?

Nakakainis. Ayoko ng ganitong situation. Bakit ko naman siya tutulungan? She's nothing. Wala siya sa inner circle ko kaya dapat lang na wala akong pakialam sa kanya.

Maliban na lang kung may reason ako. Aish. Dahyun, umisip ka ng reason.

Tama. Kung may mangyari sa kanyang masama, baka mapagbintangan ako dahil nagkausap kami kanina sa store. Baka kapag nagimbestiga sa pagkamatay niya, maging suspect ako.

Tama! Nagmadali na kong bumalik sa pwesto niya. Napahinga ako nang maluwag nang makita kong tulog na siya sa kanyang pwesto. Nakahiga na siya sa karton.

So, ano ngayon ang gagawin ko? Naupo na lang ako sa di kalayuan habang pinagmamasdan siyang matulog.

Wala naman sigurong masama kung maghihintay na lang ako dito hanggang sa lumiwanag. Kapag nagising siya, hahayaan ko na siyang mag-isa. Tama. Ganun nga. Relax lang, Dahyun. Di mo 'to ginagawa para sa kanya. Ginagawa mo 'to para sa sarili mo.

Ano nga ba ang name niya? Ayun! Naalala ko. Mina. Mina ang pangalan niya.

Nagstay ako sa kinauupuan ko. Mabuti na lang at sanay akong magpuyat. Mabuti na lang at marami-rami ang tulog ko kanina. Inabot na ko ng 4AM sa pagbabantay sa isang tabi.

Hanggang sa mapansin kong may kung sinong umaaligid sa kanya habang tulog siya. Nagtago ako sa isang sulok para magmanman.

May lalaking nagmamasid sa kanya. Magnanakaw ang lalaking 'yun. Bakit alam ko? Siyempre, masama akong tao. Kilala ko ang iba pang masasamang tao sa lugar namin.

Agad siyang lumapit sa pwesto ni Mina sabay kuha sa maleta nito. Sakto namang nagising si Mina.

"Hoy! Maleta ko 'yan!" Sigaw ni Mina sa magnanakaw sabay takbo.

Mukhang wala na kong choice kundi humabol sa magnanakaw na 'yun. Nagmadali na kong tumakbo. Nalagpasan ko si Mina sa pagtakbo. Pasalamat siya't mabilis ako tumakbo.

Inabutan ko ang magnanakaw malapit na maliwanag na spot ng lugar kung saan may poste ng ilaw. Nakipag-agawan na ko sa maleta na ninakawan niya.

"Yah! Buwisit ka! Pinapagod mo pa ko!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya sa sahig kaso natadyakan niya ko kaya natumba rin ako. Nabasag ang salamin na suot ko't natanggal ang mask sa bibig ko. Bahala na!

Nadali niya yung sugat ko kaya nagsimula na naman itong dumugo.

Muli na sanang tatakas yung magnanakaw dala ang maleta ni Mina, nagulat na lang ako nang sumulpot si Mina sabay hampas ng kahoy sa magnanakaw dahilan para matumba ito.

Nataranta na ang magnanakaw. Tumakbo ito't nabitawan na ang maleta ni Mina.

"A--Ayos ka lang?" Rinig kong tanong sakin ni Mina habang nakaupo ako sa sahig at nakayuko.

"A--Ayos lang ako." Nang iangat ko ang ulo ko para tumingin sa kanya, natigilan ako.

Sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Lumapit pala siya sakin.

"Aaahhh---Anong---?" Natigilang sabi ko.

"Ikaw?" Gulat na tanong niya nang makita ang mukha ko na naliwanagan ng ilaw.

"Ba--Bakit?"

"Ikaw yung nakilala ko sa Bar." Sagot niya sabay tayo na ulit.

"Hi-Hindi ko alam ang sinasabi mo." Ano nang gagawin ko? Baka makilala niya rin ako bilang yung taong bantay niya nang makidnap siya.

❤To Be Continued❤

A/N: Guys, Sorry kung lame. Hahaha.

Dont forget to leave some comments.

Continue Reading

You'll Also Like

13.7K 282 101
Ipagpatuloy nyo po ang pagbabasa baka na sa huli ang inyong hugot sa buhay.. Pasensya na po may hugot din hahahah.. Pero sana magustuhan nyo ito po a...
47.5K 1.2K 19
lihim ng train station.. pano kaya nila matatakasan ang bagsik ng taga bantay nito?? mailigtas kaya nila ang mga kaluluwang na trapped sa train stati...
25.5K 539 23
Why does it hurt to lose her, when she's not mine to begin with?
708 220 44
Gender doesn't matter of our love, as long as well felt love even we're still young at this age we know that this will gonna be forever.