The Ultimate Heartthrobs & Me

By Steph_Gapol

1.4M 39.2K 4.5K

" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Sub... More

PROLOGUE
Chapter 1- A Bad First Day
Chapter 2- Tigre at Unggoy
Chapter 3 - His Payback
Chapter 4- Her Punch
Chapter 5 - New Friendship
Chapter 6- A Flashback
Chapter 7- Got Your Back
Chapter 8- Double Trouble
Chapter 9- Not a Date
Chapter 9- Not a Date (Part 2)
Chapter 10- Operation: Avoid The Breakers
Chapter 11- The Past Accident (Part 1)
Chapter 11- The Past Accident (part 2 )
Chapter 12- Peace
Chapter 13- Worried
Chapter 14- Unexpected visitor
Chapter 15 Still my Enemy
Chapter 16 - Cold but caring
Chapter 17 - Say What?!
Chapter 18- Mall
Chapter 19- Ice Cream
Chapter 20- Confession
Chapter 21- Haha!
Chapter 22- Unless
Chapter 23- Meet the Huskies
Chapter 24- Mall take two
Chapter 25- We Meet Again.
Chapter 26- Trouble
Chapter 27- For you
Chapter 28- Meet Kim
Chapter 29- I doubt it.
Chapter 30- Heartbreaks
Chapter 31- Mad
Chapter 32- Why so cold?
Chapter-33 I Don't Know You
Chapter 34- Help from the boys
Chapter 35 Basketball Game
Chapter 36 - Ultimate Nurse
Chapter 37 - Old Members
Chapter 38 One Team
Chapter 39- Ultimate MakeOver
Chapter 40- Former Nerd turns into Goddess.(P1)
Chapter 40 - Former Nerd turns into Goddess (P2)
Chapter 41 - Saved by Prince Charming
Chapter 42- Missing
Chapter 43- I'll Be There
Chapter 44- The Truth
Chapter 45- Fridate
Chapter 45 (Pt.2)
Chapter 46 - Tagaytay Getaway (Pt.1)
Chapter 46 - Tagaytay Getaway (Pt.2)
Chapter 46 -Tagaytay Getaway (Pt.3)
Chapter 46- Kiss under the rain. (TG Pt. 4)
Chapter 46- Tagaytay Getaway (Pt.5)
Chapter 47- Co-incidence
Chapter 48 - The Ultimate Hearttrob's Feelings
Chapter 48- His Ultimate Confession
Chapter 49 - Unexpected Farewell
Chapter 50- Comfort
Chapter 51 - Hurt
Chapter 52 - Inbetween
Chapter 53- Bad Timing
Chapter 54 - Now or Never
Chapter 55- Too Late?
Chapter 56- Ultimate hearttrob's effect.
Chapter 57- New Arrival
Chapter 58- Lovers or Quarrel Experts
Chapter 59 - Unexpected Evening
Chapter 60 - The worst but best day ever.
Chapter 61- Baby
Chapter 62- A Sweet Irony
Chapter 63 - This is it
Chapter 64 - Family first
Chapter 65- Cool off
Chapter 66- You are my exception
Chapter 67 - Double Date, Double Trouble
Chapter 68 - Kendall's Girlfriend
Chapter 69 - White Lies
Chapter 70 - Birthday Date
Chapter 71 - The Great Party
Chapter 72- Promise
Chapter 73- Trial
Chapter 74- Collision
Chapter 76 - Missing him
Chapter 77 - Because of you

Chapter 75 - Aftermath

4K 143 80
By Steph_Gapol


Palakpakan at naka update nadin ako after sooo many days! Sorry guys, medyo nag procastinate ako ng konti at nablanko ang mind ko, nawalan ako ng ideas sa chapter na ito. Pero luckily, by reading your guys' comments and feedbacks naganahan ako.

Nagprocastinate. Naganahan. Nagupdate din!

Hope you enjoy! Love you all!




ALEX

Tahimik lang kaming apat sa kotse. Walang kumikibo at tanging nakatingin lang sa bintana minamasdan ang paligid habang papunta kami sa puntod niya.

Panandalian ko tinitignan ang mga itchura nila at bakas sa alinlangan at lungkot ang nababasa ko. I sighed. Parang hindi ako sanay sa katahimikan, walang kumikibo ni isa sa amin.

Sabagay...Hindi ko naman sila masisisi.

Pagkatapos nangyari ang aksidente, bihira na kami magbiruan at magtawanan tuwing magkasama, hindi nadin kami lumalabas masyado. Siguro dahil hindi na namin kasama ang leader naming abnormal kaya naging payapa na ang buhay namin.

Sht. Napapaiyak na naman ako tuwing naiisip ko siya. Napabuntol hininga ako.

Dalawang linggo na lumipas na hindi siya namin nakakasama, hindi naririnig ang pagmamakdol niyang boses. Kahit ulol yun, namimiss ko padin siyang kausap.

2 weeks na lumipas pero klarong-klaro padin sakin ang trahedya, nagigising padin ako sa hating gabi tuwing naaalala ko yun sa panaginip. Tumatayo padin ang balahibo ko tuwing naalala ko ang tunog ng pagwasak ng kotse na sinasakyan namin.




" We're here." bumalik ako sa realidad sa ani ni Kysler.


Napatingin ako sa bintana at tila bumalik lahat ng alala nung araw na nilibing namin siya. Mga iyakan at hinagpis lalo ng mama niya, bumalik lahat sa isip ko.


Hininto ni Ginno ang kotse at nag park di kalayuan sa entrance ng sementeryo. Lumabas kaming apat habang bitbit ko ang sariwang bulaklak na bibigay namin para sa kanya.

Bumaba naman si Jacob habang may dalang kandila at sumunod nadin samin si Ginno at Kaysler.

Malakas ang simoy ng hangin at maaraw ang kalangitan. Perfect weather sa pag dalaw namin sakanya. Not to mention, bukas nadin pala ang pasko kaya ngayon kami nagpasya pumunta dahil may sarili naman kaming plano para mag celebrate bukas.

" Sana sinama natin si Stella."

Narinig kung sabi ni Ginno.

" I'm sure hindi naman siya papayag. Sabi nga ng mama niya ni hindi na siya lumalabas ng kwarto. Kawawa na best friend ko." mas lalong na depress ang vibe namin sa sinabi ni Jacob habang nakatingin siya sa kandila na dala-dala niya.

" You can't blame her. She's still traumatized. She needs more time to move on from the accident." dagdag naman ni Kysler.

I couldn't help but feel bad even more kay Stella. Dahil maliban sa pamilya ni Kendall, isa pa siya lumuluksa sa resulta ng aksidente. Sobra siyang nasaktan, lalo pa hindi niya matanggap-tanggap ang nangyari kay Kendall.

Naalala ko nung huling dalaw namin sa bahay niya, namumula at namamaga ang mga mata niya sa kakaiyak, hindi maipinta ang itchura niya, ni hindi niya magawang bumangon sa kwarto niya. Hindi siya yung tipong masayahin at positibong Stella.

Dahil sa nangyari kay Kendall, naghihinagpis siya at nawala ang kasiyahan niya sa buhay.

I wish we could do something to help her ease the pain she's going through. Pero alam naming lahat tanging si Kendall lang ang makakatulong sa kanya, kaya wala kaming magagawa dahil kahit anong gawin namin hindi namin siya kayang magigising.

Pilit kung tinatanong sa diyos bakit pa sakanya nangyari to? Bakit kami okay, bakit siya, ganon ang napuna? May dahilan ba ang diyos?

Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating nadin kami sa harap ng puntod niya. Sumikip ang dibdib ko.


Nilagay ko ang bulaklak sa harap nito at nag sign-of-the cross.

I sighed...

" Kamusta bro. Pasensya ngayon lang kami nakadalaw sayo." mahina kung sabi na para bang ini-imagine ko nasa harap lang namin siya nakikinig. " Kamusta kana diyan?" para akong tanga na naghihintay na sasagotin niya ako, parang dati lang.

Patay na siya Alex paano ka niya masasagot niyan?


" Sino may lighter?" tanong ni Ginno. Lumapit si Jacob sakanya at nginuso nito ang bulsa niya sa pantalon.


" To' kunin mo." sabi niya.

May hawak kasi siyang kandila, tapos ang isa namang kamay niya ay may cast, kaya ayun si Ginno na mismo kumupit ng lighter galing sa bulsa niya at sinindihan ang kandila.

Swerte kami ni Jacob. Dahil nadislocate lang ang kamay niya at senimentohan ako naman, galos at sugat lang ang natamo sa aksidente.  Hindi ko alam kung dalat ba ako masaya...


Dahil siya...


" Merry Christmas man. Putcha namimiss ka namin. Kamusta ang langit? Madami bang hot babes diyan?" nagawa pa ni Ginno magbiro at napatawa naman kami ng mahina.

Napayuko ako at hindi mapigilan isipin yung araw na nawala siya sa buhay namin. Bumabalik sa utak ko ang pangyayari. Na kung sana, hindi namin hinabol ang stoplight, siguro buhay padin siya ngayon. Siguro masaya kami ngayon.

" Miss mo na din ba kami bro? Magparamdam ka nga kung Oo." dinadaan na lang ni Jacob sa biro ang tunay niya nararamdaman. Napatawa siya ng konti at sakto naman ang pag patak ng luha galing sa mga mata niya.

Nakita ko napatingin si Ginno sa pwesto ni Kysler. Tumango siya sakanya.


" Kysler baka gusto mo ding kausapin pinsan mo? Mapapanis yang laway mo sa katahimikan eh." ani ni Ginno kay Kysler na nakatayo lang sa gilid.


Hindi ko mabasa ang expressyon niya. Siguro mas masakit ang nararamdaman niya kesa samin, malamang kadugo niya kasi yan.


Napabuntol hininga siya at lumapit sa harap ng puntod. Parang nagdadalawang isip pa siya sa gagawin at sasabihin niya kasi napakamot pa ito sa ulo niya.


He sighed one more time at nakatitig sa lapida ng pinsan. " Merry Christmas cous." mahina niyang sinabi.



Napayuko ako habang nakikinig sa kanya.


" I know were not that close, but we had some fun memories back then, especially in States. I hope your somewhere in paradise. We all miss you. You were gone too soon." hinawakan niya ang lapida ng pinsan at nag sign of the cross siya.

Umatras ito ng konti at inakbayan siya ni Ginno. Minasdan namin ang litratong naka lagay sa ibabaw ngpuntod niya.

Siguro kung nasa harap namin siya ngayon, hahampasin niya kami sa kadramahan namin. Parang dati lang, naiinis siya tuwing sweet kami sa kanya at tinatratong bata.

Napaisip ako, kung buhay sana siya ngayon, ano kaya itchura niya? Ano kaya magiging ugali niya? Katulad din ba sa kuya niya?

Sandali lang linuhod ko ang isa kung tuhod sa harap ng puntod niya.

Ngumiti ako.


" Charlie. Bago kami umalis, may hihingin sana ako sayo." huminga ako ng malalim. "Kausapin mo si God sa langit at sabihin na wag niya muna kunin ang kuya mo ah?" hindi ko namalayan tumutulo na naman pala ang mga luha ko. " Alam kung namimiss mo na din si kuya Kendall mo. Pero hindi pa siya pwede mawala sa buhay namin. Hindi pa pwede..." kahit abnormal ang lalaking yun, masakit sa ulo kausap, importante parin siyang parte ng buhay namin. Mahal namin siya.



Hinawakan bigla ni Ginno ang balikat ko. Nakatitig siya sa litrato ng batang kapatid ni Kendall.

" Charlie, bro..Pass mo yung message kay papa God ah. Para sa next visit namin sayo, kasama namin ang kuya mo." mahina niyang sinabi.


Dati pa lang nabubuhay si Charlie, parang tunay nading kapatid ang trato namin sa kanya. He was Kendall's precious brother kaya minahal nadin siya namin na parang pamilya, sariling kapatid.

Pero nung nawala siya dahil sa car accident noon sa States, parang nawalan narin kami ng pamilya. Sa States siya namatay, pero dahil nasa Pinas lahat ng pamilya nila, dito na siya nilibing.


Kilalang walang puso, mayabang, maangas ang kuya niyang si Kendall. Pero kahit ganon siya, ni isang beses hindi niya nakalimutang bisitahin ag puntod ng kapatid niya especially before mag pasko. Kaya kaming apat na mismo ang dumalaw sa puntod ng kapatid niya ngayon habang hindi padin siya gumigising sa ospital.

Pasensya kana Charlie, hindi namin kasama kuya mo ngayon. Andun siya sa ospital, nagpapagaling. Kaya sana ipasa mo ang mensahi ko kay God sa langit ah? Pagisingin niya na kuya mo.

God. Kung naririnig mo kami ngayon, please...Wag niyo muna kunin si Kendall, kinuha niyo na si Charlie, pagbigyan niyo naman kami ngayon. Pagisingin niyo na siya...Madaming naghihintay sa kanya. Hindi pa siya pwedeng mawala sa buhay namin.



Pagkatapos ng ilang segundo, tumayo ako at inayos ang sarili. Tumanggo ako kay ginno pagkatapos niya ako binigyan ng concerned-looked.

"Tara na?" sambit ni Jacob. Tumango kami sabay ni Kysler. Sandali lang tumunog ang cellphone ko.

Nagkatinginan kaming apat, bago ko ito sinagot.

Hindi ko alam pero bigla na lang bumilis tibok ng puso ko.


" H-hello?"

[ Alex asan kayo? Something is happening to Kendall its bad, pumunta na kayo dito!!]

Nanlaki ang mata ko sa sigaw ng ate niyang si Kailey.

Sht. Anong nangyayari kay Kendall???

Napatayo ang balahibo ko sa kaba.

" Oh bakit? Anong nangyari?" tanong agad ni Ginno.

" Si Kendall..."

" What? Is he awake?!" may malaking question mark ang mukha ni Kysler.

Umiling ako. " I-m not sure...Pero kailangan natin siyang puntahan." sabi ko.

Nagpaalam na kami kay Charlie at agad tumungo papuntang hospital.

Lord wag siyo siyang kunin please!


STELLA


Narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa kwarto ko. Agad kung tinapon ang mukha ko sa harap ng unan at pinulupot ang sarili ng kumot.

" Anak, kain na tayo..." nadinig ko ang mahinang boses ni papa at naramdaman kung umupo siya sa kama ko.

Hindi ako kaagad sumagot sakanya.

"Tara na anak..." bulyaw ulit ni papa.

" Wala po akong gana." mabilis kung sinabi pero hindi padin gumagalaw sa pwesto ko.

Napabuntol hininga siya. " Hindi kana nag almusal, tapos pati tanghalian iiwasan mo din. Hindi na yan maganda anak."

" Wala nga po akong gana." walang emosyon kung sabi at pinikit na lang ang mga mata ko. Wala akong lakas para bumangon o kahit kumain.

May konting katahimikan. Ganito na araw-araw, simula nung paglabas ko sa ospital, bihira na akong lumabas ng kwarto, kahit pumunta sa labas ng bahay hindi ko nadin nagagawa. Oo galos a sugat lang ang natamo ko, pero feeling ko namatay na ang bawat ugat sa katawan ko.

Hindi nadin ako kumakain kasama sila. Wala na akong gana bumanagon pa, actually nasa punto nako ng buhay ko na wala na akong gana pang mabuhay.

Alam kung masama, pero hindi ko mapigilan. Hindi ko padin matanggap ang nangyari sa kanya.


" Sige na anak, kumain kana. Hindi yan magugustuhan ni Kendall na lagi ka na lang nagmumukmuk sa kwarto mo, tapos hindi ka pa kumakain." giit naman ni mama habang naramdaman kung hinihimas niya ang likod ko.

Kendall...

Dahil narinig ko na naman ang pangalan niya, automatikong tumulo na parang ulan ang mga luha ko. Kumikirot na naman ang puso ko. Para bang may milyon na karayum ang nakatusok dito.

Simulang nalaman ko na comatose siya, parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi nga siya namatay, pero parang ganun nadin yun diba? Hindi ko na siya nakakasama, nakakausap.

Bwisit. Ang kulit ng mga mata ko.

Sabi ko hindi na ako iiyak, tatahan na ako, pero sa tuwing naalala ko siya hindi ko mapigilang umiyak sa lungkot.

Sa tuwing gumigising ako sa umaga, lagi ko naalala na nasa ospital padin siya ngayon, walang malay. Nakapikit padin ang mata niya. Bago ako matulog sa gabi, inaasam ko na kinabukasan, magigising na siya. Pero kailanman wala pa akong natanggap na balita na ganon.

Bakit ba kasi? Dalawang linggo na bakit hindi padin siya gumigising?? Naririnig ba ng diyos ang dasal ko?

"Anak, shh..." malambing na sabi ni mama.

Naririnig na naman nila ang hikbi ko.

Naramdaman kung uminit ang pisngi ko dahil sa walang katapusang pag patak ng luha ko.

Naiinis ako sa sarili ko. Sa dalawang linggo wala akong nagawa kundi iyak ng iyak. Sakto lang ako magmukmuk sa kwarto ko.

Akala ko mauubos ang mga luha ko sa ginagawa ko, nagkakamali pala ako.

Dalawang linggo na ako naghihinagpis sa lagay niya. Naghihintay na sana gumising na siya. Dalawang linggo na ako nangungungila sa kanya.

Naminiss ko ang boses niya, ang tawa niya, maramdaman ang yakap niya. Sana andito siya sa tabi ko, sana gumising na siya at patahanin ako.

Kendall bukas na ang pasko.

Ang daya mo....Sabi mo sabay natin I-cecelebrate.

Eh asan ka? Bakit Hindi ka pa gumigising?


"Ma, pa, iwan niyo muna ako please..." mahina kung sinabi sa kagitnaan ng pagiyak ko. Lagi na lang ganito, lagi ko na lang sila tinataboy. Pati mga kaibigan ko, dinadalaw nila ako dito pero lagi ko silang denededma. Gusto ko lang talaga kasi mapag-isa.


" Anak alam namin nasasaktan ka. Alam namin nahihirapan ka, pero parang-awa mo na, wag mo namang pahirapan ang sarili mo." bakas sa tono ni papa na nagaalala siya sakin.



" Tama ang papa mo anak. Walang magagawa ang pagmukmuk mo dito sa bahay. Ang pang araw-araw mong pagiiyak ay hindi yan makakatulong."


Mas lalo akong naiiyak sa sinasabi nila. Alam ko yun, naiisip ko yun. Pero sa tuwing bumabangon ako, lagi ko naalala na nakahandusay padin si Kendall sa ospital.

Walang malay.

Ang mas masakit dun, alam kung kasalanan ko.

Sa sobrang protekta niya sa akin, na aksidente kami. Kung hindi niya ako patuloy pinagtatanggol sa magulang niya, hindi sana nangyari sa kanya to.

Kaya hindi ko siya nagawang mapuntahan sa ospital, dahil sa tuwing pumupunta ako doon, sesermonan ako ng mama niya. Kung paano ako nagpwerwisyo sa sariling anak niya, na sana kung hindi kami nagkakilala ni Kendall, hindi ito mangyayari sa kanya.

Tama naman siya diba?

Hindi ko siya masisis sa galit siya sakin, dahil sanhi ako ng traahedya na nangyari sa anak niya. Hindi sana kami na aksidente kung hindi ako nilayo ni Kendall sa magulang niya sa raw na yun.


"Kumain ka na anak, tapos kung gusto mo samahan kita bisitahin siya. Tutal matagal mo na siyang hindi binibisita diba?"



Natigilan ako sa pagiyak.



" Paano ko siya haharapin pa? Ako ang may kasalanan kung bakit siya ganon. Paano ako haharap sa magulang niya na naghihinagpis sa lagay-"



"Anak alam nating lahat hindi yan totoo. Hindi mo kasalanan. Aksidente ang nangyari."


Aksidente lahat yun Stella. Wag mong sisihin ang sarili mo.


Pilit sinasabi ng utak ko yun sakin. Pero hindi ko maiwasang isipin na kung hindi siguro ako pinagtanggol ni Kendall laban sa magulang niya, hindi sana napunta sa ganito.


Hindi na ako sumagot pa. Nakapikit lang ang mga mata ko.



"Bukas na ang pasko anak. Sana kahit ngayon lang dalawin mo si Kendall. Alam kong mahirap pero kailangan ka niya sa tabi niya. "



Ilang minuto humari ang katahimikan sa kwarto ko. Lumabas na siguro silang dalawa.


Napabuntol hininga ako. Hanggang ngayon nararamdaman ko padin ang pag maga ng mata ko. Siguro pulang pula nadin ito sa walang tigil kong pagiyak.


Napaupo ako at napatingin sa cellphone ko.



Pumatak ang luha ko sa screen, sakto sa itchura niya. Ilang segundo, dinial ko ang number niya.


* Hi you've reached Kendall, ang ultimate heartthrob ng Pinas. I'm busy, so hindi ko masagot ang tawag mo bye.*

* Hi you've reached Kendall, ang ultimate heartthrob ng Pinas. I'm busy, so hindi ko masagot ang tawag mo bye.* 

  * Hi you've reached Kendall, ang ultimate heartthrob ng Pinas. I'm busy, so hindi ko masagot ang tawag mo. bye* 



Parang isang kanta ang voicemaill ni Kendall na paulit-ulit kung pinapakinggan sa phone ko. Wala akong paki-alam kung mauubos ang load ko, gusto ko lang talaga marinig ang boses niya. Ang tagal ko na din kasing hindi naririnig ito, sabik na sabik ang tenga ko madinig lang ang tinig niya.

* Hi you've reached Kendall, ang ultimate heartthrob ng Pinas. I'm busy, so hindi ko masagot ang tawag mo bye.*

* Hi you've reached Kendall, ang ultimate heartthrob ng Pinas. I'm busy, so hindi ko masagot ang tawag mo. bye*

Kahit sa ganito paraan lang, feeling ko nasa harap ko siya, nagsasalita, kinakausap ako. Napapagaan kahit ng konti ang pakiramdam ko.



Para akong tanga noh? Wala akong magawa eh, namimiss ko na siya. Sobra.

Miss na miss na kita Kendall! Sobrang miss na kita, nasasaktan na ako.

"Bukas na ang pasko anak. Sana kahit ngayon lang dalawin mo si Kendall. Alam kong mahirap pero kailangan ka niya sa tabi niya. "


Napatigil ako nang naalala ko ang sinabi ni papa kanina.

Parang nagtatalo ang isipan at puso ko.

Puntahan ko ba ulit siya?

Kung babalik ako doon, sigurado akong ipapalabas din lang naman ako ng mama niya sa hospital.

Pero sinasabi ng puso ko, kailangan niya ako para lumaban siya. Kailangan ko ipanatag ang sarili ko para sakanya.

Kung ako ang nasa posisyon ni Kendall ngayon, sigurado akong boung mag-damag siyang nasa tabi ko. Hindi niya ako papabayaan, hindi niya ako iiwan. Kinakausap niya siguro ako habang nakatulog, siguro lagi siyang nasa tabi ko at hihintayin na gumising ako.

Parang nagising ang isipan ko.

Ano tong ginagawa ko? Bakit nagdudug-duwagan ako?

Nagawa niya akong ipagtanggol sa magulang niya, dapat kaya ko din siyang ipaglaban.

Para akong tanga. Bakit ngayon ko lang narealize to? Bakit inuna ko ang magmukmuk sa kwarto ko at walang ginawa kundi umiyak? Dapat nasa tabi niya ako ngayon, kasama dapat niya akong lumalaban!

Nangako ako sakanya na hindi ko siya iiwan, na kahit ano pang sabihin ng magulang niya, hindi ako magpapa-apekto.

"Kahit anong mangyari, mangako ka sakin Stella na hindi mo ko iiwan."

Nag echo sa utak ko ang sinabi niya sakin dati. Tumayo ang mga balahibo ko. Bakit iniwan ko siyang magisa? Ang tanga ko!

Agad akong tumayo palayo sa kama ko. Inayos ko ang sarili, tinali ang buhok ko at imbes maglagay ng contacts, sinout ko na lang mismo ang salamin ko.

Napalunok ako bago ko hawakan ang door knob.

Kinampanta ko ang loob ko bago ako lumabas ng sariling kwarto.

" Mama papa si ate lumabas na din!!!"

Kitang kita ko sa mga mata ni Charles na hindi siya makapaniwala. Agad ding sumunod sina mama at papa sa likuran niya at para bang nakakita sila ng multo.

Nginitian nila akong dalawa na para bang sinaksihan nila ang unang hakbang ng isang sanggol.

"Ma.." napapiyok ako nung lumapit siya sakin at niyakap niya ako.

"Sa wakas lumabas ka din anak!" matamis niyang sinabi at hinimas ang likuran ko, habang nangingilid ang aking luha.

Pinatong ko ang baba ko sa ibabaw ng balikat niya at napatingin kay papa.

" Ma, pa, sorry po sa mga inasta ko sa mga nakaraang araw. Sorry kasi lagi ko kayong tinataboy. Sorry kasi hindi ako nakikinig sa inyo tuwing-"

"Naintindihan ka namin anak." sabi ni papa at binigyan niya ako ng malapad na ngiti.

Ilang segundo kumalas nadin si mama sakin at hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

" Okay lang po ba pupunta ako kay Kendall?"

"Oo naman anak. Puntahan mo siya. Sigurado akong hinihintay ka nun."

Pinahiran ko ang luha ko gamit ng aking kamay.

" Thank you ma, pa. Babalik din ako at sama-sama tayo mag cecelebrate tayo ng pasko. " ngumiti silang dalawa sakin at niyakap nila ako sabay.

" I love you mama and papa."

" We love you too anak. Mag inggat ka, ipapag dasal namin si Kendall na gumising na siya bago magpasko."

" Ako din ate! Laging nasa prayers ko si kuya Kendall."

Ngumiti ako kay Charles at pinisil siya sa pisngi.

"Binili ko ito kagabi anak, isout mo ito sakanya." may binigay sakin si mama na bracelet. Tinignan ko ito ang pendant niya ay isang cross.

"Salamat ma."

Nagpaalam ako sa kanila at nagmadali ng lumabas ng bahay.

Pagkalabas ko ng bahay nakalanghap ako ng sariwang hangin. Kahit tumataginting sa init ang araw, napapagaan ang loob ko.

Sumakay ako ng taxi patungong ospital.

Pagka dating ko ng ospital, tumayo ang balahibo ko. Hindi ko alam kung sa takot, kaba o lungkot. Siguro kombinasyon ng tatlo.

Biglang nag flashback sakin yung araw na nakita ko si Kendall na walang malay nakahiga sa kama kasama ang mga pasa sa itchura niya, parang binagsakan ako ng langit at lupa sa nakita ko nun.

Mabigat ang loob ko habang papunta sa private ward niya. Pero habang papunta ako doon, nasulyapan ko ang mga christmas light na nakasabit sa bawat pintuan, mga christmas decoration bawat hospital wings napapansin ko.

Christmas vibe ang nararamdaman ko, diba dapat masaya yun? Exciting? Pero mas lalo akong nanlulumo, dahil bukas na ang pasko, paano kung hindi ko siya makakasama? Paano kung nasa coma padin siya?

" Stella!"

Napalunok ako ng binigkas ni Alex ang pangalan ko.

Malapit na ako sa pintuan ng ward niya, pero nakita ko silang lahat nakatayo sa labas nito. Nagtaka ako, bakit ganyan ang mga itchura nila?

" Best friend! We miss you!!"

" Buti nandito kana!" agad silang lumapit sakin at niyakap ako. Kitang kita ko sa mukha nila na asam-asam nila akong nakita.

Ngumiti ako sa kanilang apat.

" We were just about to call you.." sabi ni Kysler.

Umaro ang kilay ko. "B-bakit? A-anong nangyari?" bumilis pintig ng puso ko. May nangyari bang masama saknya? Huli na ba ko??

" Nagdecline ang oxygen niya kanina, sabi ng ate niya gumalaw galaw daw siya kanina."

Gumalaw siya?!

Nanlaki mata ko sa sinabi ni Ginno. "Gumising na ba siya? A-asan siya? Pwede ko ba siyang makita?" parang nakaramdam ng saya ang puso ko, pero agad ding lumaho dahil sa mga malulungkot na expressyon nila.

Umiling silang apat. " We thought it was a good thing. But his body is declining the blood that was given to him. The doctors are inside examining him."

Parang pinipisil na naman ang puso ko sa naririnig ko sa bibig ni Kysler.

Hinawakan ni Jacob ang balikat ko. " Best friend dont give up. Lumalaban si kendall, he wants to live. Hindi siya bibitaw tandaan mo yan."

Imbes na umiyak na naman ako sa lungkot, huminga ako ng malalim at tinutok sa utak ang sinabi ni Jacob. Malakas si Kendall, tama siya hindi yun bibitaw, nangako siya sakin na hindi niya ako iiwan, alam kung lumalaban siya!



"Anong ginagawa ng babaeng yan dito?!"

Napatingin kaming lahat sa likuran ko at doon ko nakita ang mama niya papunta sakin bitbit ang matigas niyang expressyon.

Hinawakan ni Alex yung braso ko ng mahina.

" Ang kapal ng mukha mo pagpakita dito! After several times I warned you not to step a foot in here, binalewala mo!" nanlaki ang mata niya sakin, na para bang umaapoy ito sa galit.

Ilang segundo pumagitna si Alex at Kysler sa aming dalawa.

" Auntie, girlfriend siya ni Kendall may karapatan siyang makita ang anak niyo."

"Just like you auntie, she's hurting too. Don't push her away." hinila nila ako palayo sakanya.

Nanlaki lalo ang mata niya sa sinabi ng dalawa. "How dare you Alex, pati ba naman ikaw Kysler! Ganyan kayo makipagusap sakin despite whats happening to my son?! Kinakampihan niyo pa talaga ang babaeng yan, where in the first place siya ang may kasalanan nangyari!!"

Automatikong napatulo ang luha ko kahit anong pigil ko. Narinig ko na naman kasi ang linya niyang sinisisi ako sa nangyari sa anak niya.

" Stop making a scene ma!"

Lumapit sakanya ang dalagita. Napatingin ako sa kanya at tinignan niya ako ulo hanggang paa pagkatapos nun bumalik ang tingin niya sa mama ni Kendall.

Mukha siyang familiar..

" Tama ba narinig ko? Youre blaming this poor child sa accident? At what cause ma? Diba biktima din siya ng ginawa mo?"

" Stop talking non-sense Kailey! Yang babaeng yan bumigay ng malas sa buhay ni Kendall! Siya ang dahilan kung bakit na coma ang anak ko!" Alam kung hindi totoo yung mga sinasabi niya, pero bakit nasasaktan padin ako?

Nag cross arm sakanya ang babae. "Quit acting like youre innocent ma. Pinipigilan ko lang ang sarili ko sabihin sayo to', pero now, you've pushed all my buttons."

"Anong ibig mong sabihin?"

Tumawa ng marahan si Kailey. "Alam nating lahat kung hindi mo sila pinahabol sa mga tauhan mo, hindi mangyayari ang lahat ng to diba? Kung hinayaan mo sana ang kapatid ko mahalin ang taong gusto niya and let him be happy, never of this crap would have been happening!"

Uminstek ang mata ng mama niya. " Thats bull crap Kailey-"

" Its not ma, its facts. Ito ang resulta ng patuloy mong pangingi-alam sa buhay ng mga anak mo. I knew you were a horrible mother na handa lahat ang gawin para sa kompanya but I never expected na kaya mong ipahamak ang sarili mong anak."

Humakbang siya palapit sa kanya.

" Now tignan mo ang ginawa mo kay Kendall! Masaya ka ba? Are you satisfied?!"

Nagkatinginan lang silang dalawa hanggang sa nilapitan ni Ginno si Kailey. "Ate..." mahina niyang sinsabi.

"Please mom. Leave Kendall alone, wag mo naman pagkait ang kaligayahan niya."

Sabi niya at umalis sa harap ng kanyang ina.

Humari ang katahimikan sa corridor. Yung mama ni Kendall nakatayo padin nakatulala sa hangin, hindi siya gumagalaw. Para bang bawat salita ng anak niya sumisink-in palang sa utak niya.

Ilang sandali, bumukas ang pinto at lumabas isa-isa ang mga nurse at yung doctor.

Bumaling ang attensyon naming lahat sa doctor.

" Doc kamusta kapatid ko? May magandang progresso ba?"

Please sabihin niyang gising na siya!

" We performed a procedure called hyperventilation, which speeds breathing to constrict blood vessels in the brain. Ginawa ito namin para marelieve and pressure sakanya. As of now, wala padin siyang response to any painful stimuli. I will keep giving him medication to prevent the seizures he continues to have."

" When is my son waking up doc?"

" Mrs. Shing-Wa, I dont wanna get my hopes up. To be frankly honest, his not making any progress. Walang nagbago sa mga vitals niya. Its best to keep him in your prayers. Like I said earlier, it would take a miracle for him to wake up at this point."

Nagsalita si Kailey sa kagitnaan ng pagiyak niya.

"Doc do you mean..."

" His life depends on the machine now. If you decided to take his life support out, he will die."

Uminit na naman ang pisngi ko dahil sa pagpatak ng mga luha ko. Ang sakit ng pakiramdam ko.

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. nakasalalay ang buhay niya sa machine? Kumirot na naman ang puso ko. Unti-unting gumuguho ang mundo ko sa harapan ko.

Pag-pinutol ang machine na yun sa katawan niya, mawawala siya sa buhay ko. Lalaho sa buhay ko si Kendall...

Hindi pwede...No..Hindi pwede..

Napaupo sina kysler at Jacob. Si Alex at Ginno naman napatingin sa taas habang nakapikit ang dalawang mata. Habang ang ate at mama ni Kendall, nakahawak sa mga mukha nila umiiyak, hindi matangap-tangap ang sinabi ng doctor.

Hindi ko na kinaya ang nakikita ko, nanghihina ako lalo. Agad akong tumakbo palabas at papunta sa roof top ng ospital.

Nakarating ako sa tuktok, napahinga ako ng malalim. Napatingin ako sa langit, doon ko isinigaw lahat ng sakit na nararamdaman ko. Wala akong paki kung mapagkamalan akong baliw dito

Sobrang bigat na talaga ang nararamdaman ko to the point na halos sasabog na ang buong katawan ko kung hindi ko pa nalabas mga ito.



Lord bakit kailangan pa ito mangyari?! 



Please wag niyo siyang kunin sakin...Hindi ko ito kakayanin!



Napaluhod ako habang patuloy na humahagulgol ng iyak. Ipinatong ko ang ulo ko sa mga kamay ko habang patuloy na umaagos ang luha sa mata ko.

" Stella.."

Tumingin ako sa likuran ko at nakita ang ate ni Kendall papunta sakin. Agad akong tumayo at pinahiran ang itchura ko.

" Andito ka lang pala, pinaghahanap ka ng mga kaibigan mo." ngumiti siya sakin at tinabihan niya ako.

" Pasensya na po kayo. Hindi ko lang talaga nakaya ang sinabi ng doctor kanina." sagot ko sa kanya.

Napatingin siya sa malayo.

" You know, its a shame. Kung kelan pa natuto ang kapatid ko magmahal, nangyari pa sa kanya ito." napayuko ako.

" Hindi niyo naman po ipapaputol ang machine diba? Maghihintay kayong gumising siya?"

"Of course." Masigla niayng sinabi, "Even if its waiting for a miracle hihintay ako. Alam kung gigising siya eventually. I have faith in him. Babalik pa yun dahil may sabik na sabik pa siyang babalikan." kahit nakangiti siya sakin, kitang-kita ko padin ang alala sa mga mata niya.

Iba siya sa mga Shing-Wa na nakilala ko. Wala siyang nakakatakot na aura. Yung tingin niya hindi nakaka-bado. Higit sa lahat, pinapagaan niya ang loob ko.

" Would you like to see him? Wag kang magalala, umalis si mom para sa isang meeting."

Napakunot ang noo ko. " Bakit po ang bait niyo sakin? Hindi po ba kayo galit sakin?"

Tumawa siya ng marahan.

" Bakit naman ako magagalit sayo? Kung iniisip mong tama si mom na sisihin ang sarili mo, nagkakamali ka. Dapat nga magpasalamat kami sayo, because you taught my hard-headed, stubborn brother how to love. I've never seen him so happy with anyone. Dahil sayo, Kendall became a great person"

Napangiti ako.

" Dahil din po kay Kendall, mas lalo kung minahal ang sarili ko. Tinuruan niya akong hindi magpaapekto sa mga opininyon ng iba. Dahil sakanya, natuto akon magmahal ng higit pa." nagflashback sakin ang mga araw na magkasama ni Kendall, hindi ko na naman napigilang lumuha.

Hinawakan niya ako sa balikat. " Go talk to him. Mag-isa siya ngayon sa kwarto niya. He needs you more than ever. He needs to hear your voice. He needs you by his side." nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

" Its nice meeting you Stella. I hope sa pagbalik ko, I could join you two for a lovely dinner." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

" Aalis po kayo?"

Tumango siya at kumalas sakin. "Im spending Christmas time with my in-laws bukas. I wont be back after the holiday. As much as I hate to leave my brother alone, wala akong choice."

" Wag po kayong mag-alala, hindi ko siya pabayaan."

" Thanks Stella."

Pagktapos ng ilang minuto, nagpaalam ako sakanya para puntahan si Kendall.

Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pintoan niya.

Pagkapasok ko, kitang-kita ko kaagad ang kwarto niya na puno ng mga bulaklak at mga nakapatong get-well soon card sa isang lamesa.

Bumaling ang tingin ko kung saan nakahiga siya sa ibabaw ng kama.

Habang palapit ako sa kanya, tumutulo na naman ang mga luha ko. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasadan siya.

Sinusubukan kung maging matatag, pero dahil sa mga nakikitang nakakabit sakanya, nanghihina ako.

Walang tigil padin ang pagbuhos ng mga luha ko habang palapit ako sakanya. Parang nadudurog ang puso ko lalo ng makita siyang ganito.

Hinawakan ko ang kamay niya.

Babe, sorry kung ngayon lang kita ulit dinalaw ah. Nagtatampo ka ba? Wag kang magalala, hindi na ako aalis sa tabi mo.

" Kendall, alam kung nahihirapan ka, pero wag kang bibitaw ha? Hihintayin kitang gumising."

Minasdan ko ang mukha niya parang natutulog lang siya.

Namimiss ko na ang ngiti niya, namimiss ko na inaasar niya ako hanggang sa pinapapula niya ang pisngi ko...

" Uy stitch lover gumising kana..."



Napatawa ako ng mapait. Ayaw niyang tawagin ko siya ng ganyan, nagbabakasali akong gigising siya at papagalitan niya ako, pero wala, mahimbing padin ang tulog niya.

" Ang daya mo, sabi mo magpapasko ka kasama ng pamilya ko. Pero bakit hindi ka padin gumigising? Bakit nakahiga ka padin dito sa ospital?"

Nalala ko ang sinabi niya sakin, bibilhan ko pa daw siya ng gift. Lulutuan ko pa siya ng paborito niyang ulam na pinakbet. Mas masaya sana pasko ko kung kasama ko siya.

" Kendall, gumising kana please. Kailangan kita, hindi ko alam ang gagawin kung mawawala ka sa buhay ko. Kahit makulit ka, masungit, mayabang ka, mahal na mahal kita. Kung may magagawa lang ako marinig ulit ang boses mo gagawin ko."

Pinatong ko ang kamay niya sa noo ko. " Nangako ka na hindi mo ako iiwan diba?"

"Kendall naman oh...."

Nung una kaming magkakilala, kinasulam-suklam ko ang lalaking to. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko siya.

" Bwisit ka Kendll Shing-Wa!! Sana mawala ka na lang sa buhay ko! Humanda ka gagantihan din kita!"

Bigla ko naalala ang sinabi ko sakanya sa unang araw nagkita kami. Kung paano niya ako pinahirapan, kung paano niya ginulo ang tahimik kung buhay.

"Sinong nagsabi pwede mong saktan ang girlfriend ko?"

Nanlaki mata ko sa sinabi niya. Pati si Skylar, parang handa ng lumabas ang mga apoy galing sa ilong niya.

" Kendall A-anong bang pinagsasabi mo?" namumula spisngi ni Skylar, na para bang hindi siya makapaniwala. Ako din naman eh! Ano bang pinagsasabi ng lalaking to!

Sasalita pa sana ako pero bigla niya akong inakbayan.

Tumango siya kay Skylar. " Oo boyfriend niya ako, at kung sino man mananakit sakanya ay malilintekan sakin." parang malalaglag na ang panga ko sa sinasabi niya!

" kendall anong bang pinagsdfghjk-" hindi ko na natapos sasabihin ko kasi tinakpan niya ang bibig ko gamit ng kamay niya.

" Sige na! Umalis kana, sa susunod makita kitang sinasaktan mo siya. Target list punta mo!" agad agad namang tumakbo palayo si Skylar. Hala? Umiiyak ba yun?

" Yaa! Bakit mo yun sinabi!?" tinignan niya ako ng malalim, biglang bumilis tibok ng puso ko sa titig niya.

" Bakit knikilig ka naman? Sus." umirap ako sakanya. " Di na bale, sa ginawa ko mas lalo ka nilang kakainisan hahaha!! Kawawang tigre girl ka." hmp! Sarap niyang batukan!


Napatawa ako ng bigla kung naalala ang araw na yun. Naalala ko kung paano akong nanggigigil suntukin siya sa sinabi niya.

Pero sinong magaakalang , sa huli mamahalin ko pala siya ng sobra. Siya pala mismo ang lalaking magmamahal at magpapasaya ng buhay ko.

" God naririnig niyo po ba ako? Mahal na mahal ko ang lalaking to', wag niyo muna siyang kunin please. Please. Hindi ko kakayanin."


Natatakot ako na baka di na siya gumising, na baka di na niya kayanin na lumaban. Natatakot ako na baka iwanan na niya ko ng tuluyan.

Mas lalo akong napahagulgol ng iyak. Ayoko na siyang iwan dito sa ospital, gusto ko dito na lang sa tabi niya, kakausapin ko siya hanggang sa may malay na siya.


"Kendall bakit ako napili mong mahalin? Hindi naman ako sosyal, kasing ganda ng iba. Mahirap ako. Wala akong estado sa buhay. Bakit mo ako nagustohan?"

" You wanna know why I choose you?" tumango ako sakanya.

Napabuntol hininga siya. " Actually, dati ko pa tinatanong yan sa sarili ko. Bakit nga ba ikaw? Bakit sa lahat ng tao, ikaw gusto ko? May mga babaeng mas sexy sayo naman, mas cute, mas mayaman na nababagay sa poging katulad ko.." napatawa siya ng konti at sinamaan ko siya ng tingin, wagas naman maka pogi ang lalaking to.

Pero oo ikaw na pinaka pogi!

" Pero kahit anong iniisip ko, laging sigaw ng utak ko. Bakit nga ba hindi ikaw? Eh ikaw gusto ko eh. Wala man sayo mga materiales na bagay na yun, hindi ka naman nag kulang. Oo may mga nakita akong higit sayo na mga babae, pero ni isa sakanila, hindi nila pinatibok ang puso ko tulod mo. And that reason is enough to answer, why i choose you."

My heart felt so happy para naitong sasabog sa tuwa. " Tanggap mo ba ako sa mundo mo Kendall? Sa mundo mong pangmayaman lang ang pwede? Mga higher class kayo...Pero ako..Walang class..Mahirap kami Kendall-"

He kissed my forehead dahil dun hindi ko natapos ang sinabi ko.

" Stella, you are my exception." Tinignan niya ako ng deritso at feeling ko matutunaw na ako di oras.

" Wala akong paki alam sa estado mo, or sa mga iisipin ng mga tao. You're the only thing thats matters to me."

Natutunaw na ako.

"Dahil hindi ko hinahanap mga ganung bagay sayo, kasi ikaw mismo hinahanap ng puso ko. Ikaw lang. " napangiti na naman ako abot langit.



"When im with you, I dont have to hide anything. Because you already see the real me."


Minasdan ko ulti ang itchura ni Kendall. Ngumiti ako sakanya habang hawak hawak ko padin ang isa niyang kamay. Sandali lang naalala ko ang binigay na bracelet ni mama kanina.

Nilabas ko ito sa bulsa ko at sinout sa kanyang kamay. Pinikit ko ang mga mata ko.

" God pagalingin niyo na siya please. kahit ito na ang Christmas gift niyo sakin panghabang buhay. Hindi na ako hihiling galing sainyo ng kahit ano pa. Pagisingin niyo na siya please."

Kendall....Come back please.

Continue Reading

You'll Also Like

16.6M 718K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
527K 14.2K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
602K 13.6K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...