More Than A Game (COMPLETED)

By ValjeanRegala

671K 16.6K 1.6K

'I love you', three words that could give you the most overwhelming feeling on the universe, making you look... More

More Than A Game (SHOOT PASS BET & FALL)
PROLOGUE:
Chapter 1: "Hot Bestfriend"
Chapter 2: "Who's That Guy?"
Chapter 3: "Janna's Game Face"
Chapter 4: "It's Raining Men"
Chapter 5: "That Handsome Bastard"
Chapter 6: "Movie Friday"
Chapter 7: "The Bet With The Player"
Chapter 8: "Her Choco Cookies"
Chapter 9: "Getting To Know"
Chapter 10: "Ice And Make-up"
Chapter 11: "Ride With Me"
Chapter 12: "Stage Mother"
Chapter 13: "Double Date"
Chapter 14: "Game 1: Team Greg VS Team David"
Chapter 15: "New Found Friend"
Chapter 16: "It's Show Time"
Chapter 17: "Single Ladies"
Chapter 18: "Teasing Moments"
Chapter 19: "His Eyes Effect"
Chapter 20: "Dilemma"
Chapter 21: "Mister Perfect"
Chapter 22: "He Knows To Apologize"
Chapter 23: "Game 2: Battlefield"
Chapter 24: "Pizza Treat"
Chapter 25: "Messed Up Karma"
Chapter 26: "Beach Babes"
Chapter 27: "Playing Cupid"
Chapter 28: "Spooky Night"
Chapter 29: "Moon And Star"
Chapter 30: "Nostalgia"
Chapter 31: "Happy Family"
Chapter 32: "Magical Dance"
Chapter 33: "Like A Chick Flick"
Chapter 34: "Denying Jealousy"
Chapter 35: "Reality Bites"
Chapter 36: "Confessions"
Chapter 37: "Token Of Love"
Chapter 38: "An Annoying Threat"
Chapter 40: "Chemical Romance"
Chapter 41: "Sleepover"
Chapter 42: "Heart To Heart"
Chapter 43: "Grumpy Mood"
Chapter 44: "One For Sorrow"
Chapter 45: "Temporary Insanity"
Chapter 46: "Drama Queen"
Chapter 47: "Explanations"
Chapter 48: "Drunkcard David"
Chapter 49: "Curiousity Killed The Cat"
Chapter 50: "Bleeding Love"
Chapter 51: "Better Together"
Chapter 52: "Masochist"
Chapter 53: "Game 3: Shoot Pass Bet & Fall"
Chapter 54: "The Small Tiara"
EPILOGUE:

Chapter 39: "Sweet Escape"

8.5K 263 25
By ValjeanRegala


Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


Nang matapos ang klase hindi ko mapagtanto ang nararamdaman ko. Masyadong labo-labo at hindi ko alam ang uunahin ko. Gusto ko bang masuka? Gag myself? Isalpak ang medyas ko sa bibig nya? Kalbuhin sya? Ipatapon sya sa Basilan?



It was seriously hell na maupo sa tabi nya kasama ng kanyang haliparot na pwet. Gustong gusto ko nang putulin ang malilikot nyang kamay which already been able to explore half of David's anatomy.



Grr... Pero ipinilig ko ang ulo ko. Bakit ba ako masyadong affected eh di ba nga hindi ko pa naman boyfriend si David so technically speaking wala akong 'K'. Hindi ko alam kong bakit nagsisintir ang kalooban ko. Naiinis ba ako sa kanya o sa sarili ko for acting this way. Pero syempre mas inis ako sa kanya keysa sa sarili ko. Why would I hate myself more when I am very adorable?!



Siguro dahil concern lang ako kay David dahil may pinagsamahan naman kami. Isa pa he might get some STDs or something kay Natalie. Yeah. That's it! Pero sino nga ba ang niloloko ko? Ang sarili ko lang din.



"Can you give me a ride home?" pouting Natalie asked David.



Nasabi ko na ba na kasalukuyan na kaming naglalakad sa hallway na parang mga normal na nilalang pero si Natalie ay parang ahas na nakalingkis sa braso ni David.



"Bakit hindi ka sumabay kay Luke? You know, kinakapatid mo sya?" iritableng sabi ni David habang nakasimangot na pilit iniaalis ang braso ni Natalie na nakalingkis sa kanya.



"She can't, David. Your sister and I are going somewhere." Luke said with a teasing grin directed at David kaya naman binatukan sya ni Dana. "Tigilan mo ang panunukso sa kapatid ko. He's gonna skin you alive!"



Binigyan ng mabalasik na tingin ni David sina Dana at Luke. "Don't tell me kayo na?" he said disappointed.



Pinandilatan naman sya ni Dana. "You're not Dad. Even Dad would let me have a boyfriend."



"Nandun na tayo pero I was supposed to watch over you!" he said with anger in his voice. At ayokong makakita ng pag-aaway nilang magkapatid kaya umepal na ako sa eksena.



"Hep!" sigaw ko na nakakuha ng atensyon nila kaya tumingin sa akin at tila hinihintay ang sasabihin ko.



"Uhh..." napipi naman akong bigla sa nakitang galit na mukha ng kambal.



"Enough! Kung wala ka naman palang sasabihin, please excuse me and David. May mas importante pa kaming gagawin keysa hintayin ang sasabihin mo." Natalie said as she grabbed David's arm again.



"David and I." I corrected with a smirk.



Hinarap ako ni Luke at halatang ang amusement sa mata. "Kailan ka pa naging grammar nazi?"



"Simula ng gusto ko syang pamukhaan sa katangahan nya." sabi ko sabay turo kay Natalie.



"Whatever." sabi ni Natalie na namumula ang mukha sa pagkapahiya at walang babalang hinatak si David na nagpupumiglas. Seriously, mukhang may sa 'The Hulk' si Nat at nagawa nyang kaladkarin ang isang malaking taong tulad ni David ng dalawang beses na.



Nang medyo makalayo na ang dalawa biglang kumaripas naman ng takbo sina Dana at Luke para takasan si David kaya ako na lang ang naiwan. Pathetic me! I started to walk too but stop on my tracks when I heard David's voice.



"Ano ba?!" galit na sigaw nya na nagpahinto kay Natalie. "Will you please stop dragging me? Hindi mo ako laruan. I'm just trying to be a gentleman here and not rip your head off."



All eyes in the hallway widened and jaws dropped open. Pero hindi ako. Dahil abala ako sa pagtawa ng tumataginting.



Nagawang makaalis ni David sa lingkis ni Natalie nang matigilan ito sa outburst nya and stalked over me. "Now, if you'll excused me, kailangan na naming umalis ng soon-to-be-girlfriend ko." sabi pa nya at inakbayan ako.



Namula ng todo ang mukha ni Natalie sa galit. "How dare you! Gagapang ka din pabalik sa akin." sabi pa nya na puno ng determinasyon.



Medyo na lampasan na namin ang kinatatayuan nya ng sumigaw si David ng, "In your dreams, sweetheart."



Tumili sya at pinagdyak pa ang takong ng sapatos nya sa sobrang galaiti. I laughed heartily as David and I made our way to his car.



"That was cool!" sabi ko nang makapasok kami sa loob ng kotse na tinawanan naman nya.



"Pasalamat ka at masyado akong nasiyahan sa nakitang hitsura ni Natalie Talandi kanina kundi I would have kicked your butt for declaring me your soon-to-be-girlfriend."



"Bakit? Hindi ba?" he said with a sexy smirk.



I just rolled my eyes to his cockiness. He's right about it anyway. Sooner or later, I'm going to succumb to his arms. Wait, what arms? Ugh.



Nagmaneobra sya para makalabas na kami sa parking lot ng bigla syang napapreno.



"Aray!" hiyaw ko ng tumama ang noo ko sa dashboard.



"Sorry." sabi nya at masama ang tingin na tinignan ang Barbie doll na bigla na lang humarang sa harap ng kotse.

Napaungol kami parehas ng ngumiti sya at kinatok ang bintana sa driver's seat.



"Anong kailangan mo?" tanong ni David ng naibaba nya ang bintana.



Lumabi sya at nagpapungay pa ng pilik mata kaya naman hindi ko maiwasang paikutin ang mga mata ko. Sadyang ang kapal ni Natalie! Kulit ng lahi.



"Di ba sinabi ko na kailangan ko ng ride. Luke left already." paawa effect pa na sabi nya.

Nilingon ako ni David na parang nagtatanong kung isasakay ba nya si Nat o hindi.

"Nat, sige sakay ka na at ihahatid ka na namin pauwi." pagbibigay ko. Di ba nga sabi nila 'Be kind to animal'.



Ngumiti sya ng pagkalawak lawak at mukhang totoo namang grateful sya sa ideyang may maghahatid sa kanya pauwi. "Thanks, Janna." sabi nya bago pumasok sa sasakyan.



David sighed and started the car.



"Pwede bang lubusin ko na ang kabutihang loob nyo? David hottie, can we stop by the mall saglit?" sabi nya na balik na naman sa kaartehan.



"No." David snapped. Pinigilan kong matawa sa maaskad na ugaling pinapakita ni David sa kanya. Poor girl.



I have to admire her toughness cause she wasn't deterred. "Please. Please. Importante lang talaga. I needed to buy Ninang Lynette a birthday gift." sabi nya at ang tinutukoy nito ay ang Tita ko, kapatid ni mom kasi ang mama ni Luke.



"Okay. Dadaan tayo sa mall pero saglit lang." pagbibigay nya sa request ni Nat dahil na din siguro nadinig ang pangalan ng tita ko.



She smiled sweetly and nodded. Then she turned to me. "Is it okay to you? May regalo ka na ba kay Ninang?"



"Okay lang sa akin na samahan kang bumili ng reagalo. Yeah, mom already bought a gift for Tita Lynette."



Nang makarating kami sa mall parang ninja na mabilis lumabas si Natalie ng kotse at sya pa talaga ang nagbukas ng pinto para kay David at hinaltak ito palabas. Pinagtawanan ko ang discomfort ni David. This is really fun!



"Tara na dali." sabi pa nya habang hatak hatak si David habang nakasunod ako sa kanila.



Nang makapasok sa mall dumiretso kami sa isang mamahaling boutique which looked like a death trap. I meant that its walls were painted really vibrant at may mga fleur-de-lises pang nakasabit sabit. May malalaking couches at vanity mirrors pa sa iba't ibang bahagi nito. Tapos the female stuffs are wearing Barbie like dresses while the male stuffs are wearing a Kent style tux. Bagay na bagay si Natalie sa loob ng shop. She perfectly belong here.



"What the hell are we doing here?" inis na tanong ni David kay Nat. "Akala ko ba bibili ka ng regalo para sa mama ni Luke? I don't think she'd appreciate a gift straight from Barbie's hell hole."



Bumalinghalit ako ng tawa sa sinabi ni David at binigyan nya naman ako ng kindat kaya naman namula ako. Enebe yen kekeheye nemen meg-blush!



"I know. Pero kailangan ko kasing bumili ng damit na isusuot oara sa dinner. You don't expect me to wear something ordinary."



"Just get a dress then, okay? Hintayin ka namin dito." pagtataboy sa kanya ni David. Ngumiti sya at parang batang naghagilap ng magugustuhan sa mga naka-hanger na dresses.



Naupo kami ni David sa love seat malapit sa dressing rooms.



"Mukhang masyado mainit ulo mo." pang-iisnis ko sa kanya.



"She's very whinny!" Reklamo nya at nagpakawala ng buntong hininga.



"Sinabi mo pa!" Sang-ayon ko.



"Masyado pang touchy. I feel so molested." Reklamao pa nya.



Natawa ako sa sinabi nya at tinapik sya sa balikat. "There, there. Hindi ko naisip na pakiramdam mo ay namomolestya ka dahil buong akala ko enjoy much ka sa pahawak hawak at lingkis lingkis nya sa iyo." sabi kong intinaas baba ang kilay.



He raised his eyebrow at me in a sexy manner. "I wouldn't mind you molesting me."



Umiwas ako ng tingin sa kanya para itago ang pamumula ng mga pisngi ko. Habang tahimik kaming nakaupo ay sakto namang bumukas ang isang pinto ng dressing room at iniluwa si Natalie.



"Bagay ba?" tanong nya kay David pagkalabas na pagkalabas na may paikot ikot pang nalalaman.



Nanlaki ang mga mata ko sa suot nyang red dress. Masyadong shinning shimmery! That's not the worst part of it. Mukhang kinulang sa tela ang mananahi dahil labas ang likod at ang bandang harap naman ay front dipped so low that her belly button was peeking out.



"No." Mukhang diring diring sagot ni David.



"Natalie baka pwede kang pumili ng medyo classy." I suggested which just earned a daggers from her eyes.



"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo." inis na sabi nya bago bumalik sa dressing room.



After a minute, bumukas ulit ang pinto at tulad kanina umikot pa sya sa harap ni David. "How about this one? Bagay ba?"



Humagalpak ako ng tawa pero ng tinignan nya ako nagkunyari na lang akong naubo. Ayoko ng away. Mukha kasing sasabunutan nya na ako any moment now.



The dress she is wearing is a frilly yellow dress. And when I say frilly, I so mean frilly thay you could hardly see her. Natabunan na sya halos nito!



"Uhh... Natalie, paano ko ba sasabihin sa iyo." sabi ni David sa nag-aalanagan na tinig. "Kasi iyong dress parang--".



"Costume ni Big Bird!" sabat ko dahil ganun naman talaga ang hitsura ng damit nya.



Pumadyak si Natalie at tila iiyak na sa sinabi ko. Hinatak sya ni David at iginaya sa mga naka-hanger na dress. "Here. Try this one." sabi nito sabay abot sa kanya ng isang simpleng royal blue na damit.



Kinuha nya ang inabot sa kanya ni David. "This one?" Tanong nya sabay pasada ng tingin sa hawak na damit. "Well, dahil ikaw ang pumili nito para sa akin hindi ko na isusukat ito at bibilhin na."



"Hallelujah!" sabi ko na nakataas pa ang kamay. Sa wakas natapos din kami. Now pwede na syang bumili ng regalo sa Tita ko.



Matapos magbayad ni Natalie kumapit na naman sya sa braso ni David. "Off to buy my shoes." sabi nya.



Sabay na nalaglag ang mga panga namin ni David sa narinig. "Pati sapatos?" tanong ko sa kanya.



She giggled. The horror! Pati paghagikgik nya annoying. "I can't go barefooted."



"Pero sabi mo sa amin kanina regalo ang bibilhin mo." sabi ni David na inalis ang kamay nito sa pagkakapit sa kanya.



"Basta sundan nyo na lang ako." sabi nya at nagpatiuna nang lumakad.



Habang nakatalikod sya sa amin, nagkatinginan kami ni David at parehas pang may kislap ang mga mata. "Naiisip mo ba ang naiisip ko, B1?", tanong ko sa kanya.



Tumango sya bago sumagot, "Palagay ko nga, B2." At bigla akong hinatak sa kamay patakbo.



Hindi kami tumigil sa pagtakbo hanggang sa makarating kami ng parking. Panting heavily sumakay kami ng mabilisan sa kotse nya. "Hindi naman siguro tayo masama sa pag-iwan sa kanya?" sabi kong hingal na hingal.



"Nope." sabi ni David sabay tawa at pinaandar na ang kotse nya.



To be continued...


VOTE, COMMENT, SHARE ^__^V

Continue Reading

You'll Also Like

783K 15.7K 94
Carlyn Buenido was just a simple girl na gustong makapag aral nabigyan sya ng chance makapag aral sa isang exclusive school sa isang condition magigi...
488K 7.6K 28
Will he learn to forgive and love me again if I will endure all the pain that he will cause me?... I know from the start that this will happen but I...
1.9M 88K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
2.2M 98.6K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...