Dahyun's Pov:
Medyo naguluhan ako sa dare na gagawin ko nang magsalita yung babaeng sinuutan ko ng headphones sa ulo.
Kasi naman dapat isusuot ko lang 'yung headphones sa kanya tapos ngingitian ko siya. That's it. Ganun lang.
Pero kasi kinausap niya ko. Ang dami niyang tanong. Tapos, para pa siyang natulala nang makita ako.
Di ko alam kung bakit pero parang kakaiba ang babaeng 'yun. Hindi ko sigurado kung inosente lang talaga masyado o kulang-kulang. Malamang hindi tutunog yung headphones, hindi nakasaksak sa mp3 player ko eh. Tsk.
Pilit na pilit na nga kong ngumiti sa kanya at maging nice pero buti na lang natiis ko. Buti na lang nagawa kong mag-imbento ng isasagot sa kanya. Wew.
Dahil sa kakatanong niya, napilitan na kong ibigay rin sa kanya yung mp3 player ko. Bibili na lang ako ng bago.
Hindi ko na ibinigay sa kanya ang pangalan ko. Wala naman siya sa inner circle ko eh. Wala naman talaga akong pakialam sa kanya. Kasalanan lang talaga nung dalawa at ng walang kwentang dare nila sakin.
Nang bumalik ako sa pwesto namin, kinausap na agad ako nung dalawa.
"Ano na? Haha." Tanong nila sabay tawa.
"Mga gago kayo eh. Nagawa ko na!"
"Anong pinagusapan niyo?" Tanong ni Chaeyoung.
"Type mo noh? Haha. Siguro inalam mo kung anong name." Sabi naman ni Jeongyeon.
"Kung sapakin ko kayo? Sabi niyo maging nice dapat. Bigla kong tinanong nang tinanong kung bakit ginawa ko sa kanya 'yun kaya nagimbento na lang ako ng reason. Pero, hindi ko inalam ang name niya. Hindi ko sinabi ang name ko. Ginawa ko lang yung gagung dare niyo!"
"Relax. Ang puso mo, Dahyun. Haha." Awat ni Chaeyoung sakin.
"Game na ulit." Sabi naman ni Jeongyeon.
"Bahala na kayo diyan. Ayoko nang makipaglaro. Pagod na ko."
Habang naglalaro sina Jeongyeon at Chaeyoung, napatingin na lang ako sa babaeng nakausap ko kanina.
May kakaiba talaga sa babaeng 'yun. Hindi siya katulad ng ibang babae na nandito. Maya-maya pa, nilapitan siya ng dalawang lalaki na mukhang bodyguards.
Nang lumabas yung dalawang lalaki, lumakad na rin siya palabas. Pero bago tuluyang makalabas, lumingon siya sakin. Tumango siya kaya medyo na-weirdo-han ako sa kanya. Akala siguro niya close na kami. No, she's nothing.
Nang umuwi kami sa bahay, nahiga na muna ko sa sofa para magpahinga habang nagkakape naman yung dalawa.
Napatingin na lang ako sa kisame. Napapaisip ako kung sino yung dalawang lalaki na kasama ng babaeng nakausap ko kanina. Mukhang bodyguards eh. Siguro lumaki sa mayamang pamilya ang isang 'yun.
Meron akong hindi ma-explain na thoughts sa isip ko nang magtagpo ang mata namin kanina. Punong-puno ng kalungkutan yung mata niya. Punong-puno ng kagustuhang maging malaya. Somehow, nakikita ko sa mata niya yung sarili ko noong bata pa ko. Yung mga panahong nasa bahay-ampunan pa ko. Sa tuwing pagmamasdan ko noon ang sarili ko sa salamin, nakikita ko rin ang mata ko na puno ng kalungkutan.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah." Sabi ni Chaeyoung sakin.
"May kakaiba talaga sa babaeng 'yun."
"Oh! So you're thinking about that pretty girl." Panunukso ni Chaeyoung kaya natauhan ako. Aish! Kim Dahyun, stop thinking about that girl. She's nothing.
"Hindi kaya! Suntukin kaya kita diyan!" Nakakunot-noong sabi ko sa kanya.
"Talaga ba? Kunwari ka pa eh. Type mo yung pretty girl na 'yun." Dagdag niya.
"No. Aminado naman akong she's pretty pero hindi ko siya type. Magtigil ka nga diyan."
"Oh diba. See? Aminado kang maganda siya. Naa-attract ka sa kanya noh." Pang-aasar parin niya.
"Of course not. Bahala ka diyan."
"Hanggang ngayon si Sana padin ba?" Natigilan ako nang i-mention ni Chaeyoung ang pangalang ayaw kong maririnig.
Natahimik na lang ako't napayuko. Sa tuwing maaalala ko siya, nasasaktan ako. Hindi ko parin makakalimutan ang mga pangyayari sa nakaraan.
"Yah! Son Chaeyoung!" Saway ni Jeongyeon kay Chaeyoung.
"Why? I'm just kidding." Sagot ni Chaeyoung.
"Well, it's not even funny. Alam natin na ayaw ni Dahyun na maaalala siya. Why did you mentioned her name?!" Seryosong sabi ni Jeongyeon kaya natigilan si Chaeyoung.
"Oh. I'm so--sorry, Dahyun. It won't happen again. Medyo may tama na siguro ko dahil sa alak. I didn't mean to hurt you fee---"
"Ayos lang ako. Kaya ko ang sarili ko. No need to worry. Lalabas lang muna ko para magpahangin." Tumayo na ko't lumabas na muna ng bahay.
Hindi ko naman masisisi sila Chaeyoung eh. Hindi nila alam kung gaano kasakit yung naramdaman ko noon. Bakit? Kasi pinilit kong ipakita sa kanila noon na hindi severe yung pain na naramdaman ko.
Nakakatawang isipin na kahit 'yung name ng taong 'yun nakakasakit sakin. 4 years na'rin ang nakakalipas simula nang mangyari ang bagay na pinagsisihan ko.
Tulad ng sinabi ko, kung di ka matututong lumaban sa mundong 'to. Matatalo ka. Tatawanan ka ng ibang tao. Sasabihin nilang mahina ka't walang kwenta.
Kapag di ka nagparamdam ng kahit anong pagmamahal o pakialam sa iba, sasabihin nilang sarili lang ang iniisip mo. Kapag naman ipinaramdam mo sa kanilang mahalaga't mahal mo sila, gagamitin nila yun para abusuhin ka't saktan.
Saan pa ba ko lulugar sa mundong 'to? Anong dapat kong piliin sa dalawa? Sa totoo, pumili na ko eh. Hindi ko na ulit hahayaang may makapanakit pa sa puso ko. Kung wala ka sa inner circle ko, wala kang halaga sakin. Wala akong pakialam sayo. Yung mga bata sa bahay-ampunan at yung ibang taong nangangailangan? Tinutulungan ko lang sila dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanila.
Kung ba hindi ko nakikita ang sarili ko sa kanila, sa tingin niyo tutulungan ko sila? No. Bakit? Dahil masama akong tao. Naging masama na kong tao. At wala na kong pakialam kung anong isipin ng iba. As long as secured yung puso ko, wala na ulit makapapanakit nito.
Napabuntong-hininga na lang ako't bumalik na sa loob.
"Da--Dahyun, Are you okay? Sorry talaga di ko sinasad---" Hindi na naituloy ni Chaeyoung ang sasabihin nang yakapin ko siya nang mahigpit.
"It's okay. Matulog ka na. It's not your fault. Sorry din sa pagiging cold ko masyado sa inyo ni Jeongyeon. I almost forget na nasa inner circle ko pala kayo."
"Da--Dahyun, basta nandito lang kami ni Chaeng para sayo. Promise, hindi na ulit namin ime-mention ang name niya sayo." Sabi naman ni Jeongyeon. Nilapitan ko na rin si Jeongyeon at binigyan siya ng isang yakap.
"Salamat. Matutulog na ko. Matulog na rin kayo. Maghahanap pa ko ng raket bukas." Lumakad na ko papunta sa kwarto't nahiga na.
"Sana, why did you do this to me?" Nasabi ko na lang bago tuluyang ipikif ang aking mata.
💖To Be Continued💖
A/N: Guys, how's my update? Sa tingin niyo, sino ba talaga si Sana sa buhay ni Dahyun? Any clue? Hahaha. Abangan.
Don't forget to leave some comments. Kasi yung comments at support niyo ang nage-encourage sakin na ipagpatuloy at mas pa-improve-in pa 'to. Thanks.