Dahyun's Pov:
Nakahiga lang ako sa sofa habang nakatingin sa kisame ng bahay nang biglang lumapit si Chaeyoung.
"Ano na namang iniisip mo?" Tanong niya sakin.
"Wala ka na dun."
"Alam mo, ikaw talaga pinaka-cold sating tatlo."
"Ikaw naman pinakamadaldal." Seryosong sagot ko sa kanya sabay irap.
"Wala ka pa bang balak magfocus sa lovelife?"
"Wala ka na dun."
"Bakit di ka sumama samin ni Jeongyeon ngayon?" Yakag niya.
"Saan naman?"
"Sa bar. Alam mo na, party party lang."
"Kayo na lang."
"Sumama ka na. Malay mo makilala mo dun ang the one mo." Dagdag niya.
"Kung sapakin na lang kaya kita?"
"Dahyun naman, Bawas-bawasan mo naman ang pagiging cold mo. Paano ka magkaka-lovelife niyan?"
"Bawas-bawasan mo din ang kadaldalan mo. Baka makatikim ka sakin."
"Nako. Dahyun, Come with us." Sumulpot na si Jeongyeon na naka-ready na din umalis.
"Kayo na nga lang!"
"Let's go. Magsaya ka naman kahit minsan." Sabi nila sakin.
"Masaya naman ako."
"Yan ba ang masaya? Parang tulalang ewan. Tigilan mo na ang kakaisip diyan. Tara na." Dagdag nila.
"Ayoko nga!"
"Sige. Di na kami aalis. Uupo na lang kami sa tabi mo't magtatanong ng tungkol kay Sa--" Hindi na nila naituloy ang sasabihin nang bigla ko silang tingnan nang masama.
"Fine. Sasama na ko. Just don't mention her name." Ayoko sa lahat 'yung ipapaalala sakin yung pangalan ng taong inakala kong makakasama ko habang-buhay.
That person broke my heart. Ayoko muna siyang pag-usapan dahil alam kong magagalit lang ako't malulungkot at the same time. Sa tuwing maririnig ang pangalan niya o maaalala siya, hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan.
"Ayown. Tara na." Yakag nila nang tumayo na ko. Nakakainis kasi ang dalawang 'to. Alam na alam kung paano ko pipilitin.
Kinuha ko na lang ang headphones at mp3 player ko. Kasi naman alam na alam kong maingay dun at wala pang kwenta. Mas gusto kong makinig sa music na ako lang ang nakakarinig kaysa makipagsayawan sa kanila.
Nang madaanan namin ang stall ni Momo, naglilikom na siya ng paninda.
"Saan ang lakad niyo?" Tanong niya samin.
"Wala ka na dun." Sagot ko kay Momo.
"Mukhang wala na naman sa mood si Dahyun ah." Dagdag ni Momo.
"Oo. Kaya dadalhin namin sa bar." Sabi naman ni Chaeyoung.
"Sama ka, Momo?" Yakag ni Jeongyeon sa kanya.
"Nako, Hindi na. Maglilinis pa ko ng bahay." Sagot ni Momo samin.
"Mauna na kami." Dagdag ni Chaeyoung.
"Dahyun, Sandali." Tawag sakin ni Momo kaya napalingon kami sa kanya.
"Why?"
"Sa--Salamat nga pala ulit sa bulaklak." Nakangiting sagot niya.
"Ah. Yun ba? Sige lang. Bye na." Naglakad na ko paalis kaya sumunod na sakin yung dalawa.
"Binigyan mo ng bulaklak si Momo?" Tanong ni Jeongyeon sakin.
"Oo. Binigay ko na lang sa kanya kaysa itago ko sa bahay. Kasi naman may nadaanan akong batang lalaki na nagbebenta ng bulaklak. Sa awa, binili ko. Initapon ko na lang kasi wala namang pagbibigyan kaso nakita ako nung bata. Kinulit ako na iuwi ko na lang daw dahil inayos pa ng nanay niya 'yun para mas gumanda. So binigay ko na lang nung madaanan ko si Momo."
"May namamagitan ba sa inyong dalawa ni Momo? Ikaw ah. Di ka nagsasabi. Hahaha." Pang-aasar ni Chaeyoung sakin.
"What the---Ako? Saka si Momo? Aba. Nahihibang ka ata, Chaeyoung. Walang namamagitan samin nun!"
"Talaga ba?" Tanong naman ni Jeongyeon sakin.
"Para kayong mga tanga. Tara na nga."
"Pero sa totoo, napapansin ko parang kakaiba talaga tumingin si Momo sayo. Feeling ko nga may gusto sayo yun eh." Dagdag ni Chaeyoung.
"Wala akong pakialam sa opinyon mo. Tara na."
"Sige. Sabi mo eh. Hahaha." Lumakad na lang kami. Nang makapara ng taxi, sumakay na kami papuntang bar.
Nang dumating kami sa bar, grabe ang ingay ingay talaga. Obvious na nageenjoy masyado ang mga tao sa loob.
Naupo na lang muna ko sa isang pwesto habang sila Jeongyeon at Chaeyoung, nagsisimula nang makipagparty sa ibang tao.
Inisuot ko na lang ang headphones at nakinig na lang ng music sa mp3 player. Bahala na sila sa buhay nila.
Maya-maya, naupo na sila sa tabi ko sabay tanggal ng headphones na suot ko.
"Hey Dahyun, galaw-galaw naman diyan." Sabi ni Jeongyeon.
"Kukuha na ko ng maiinom natin." Sabi naman ni Chaeyoung sabay kilos.
Nang bumalik siya, dala-dala na niya ang mga alak na iinumin namin. Nagsimula na kaming uminom. Ayos lang dahil sanay naman kaming uminom.
"Guys, spin the bottle tayo." Yakag ni Chaeyoung.
"Kapag tumapat sayo, may dare na ipaggagawa sayo." Dagdag ni Jeongyeon.
"Ayokong suma--"
"No. Wag ka ngang KJ, Dahyun. Kasali ka dito." Sabi nila kaya napakamot-ulo na lang ako.
Nagsimula na ang game, naunang tumapat kay Chaeyoung ang bote. Ang dare niya? Kunin ang phone number ng 5 girls dito sa bar. Nagawa niya. Di nga lang 5 girls eh, lagpas 10 pa. Iba talaga 'tong Son Chaeyoung na 'to.
Sumunod naman si Jeongyeon. Nagawa rin niya. Sumayaw siya na parang tanga sa gitna ng dance-floor.
Hanggang sa sakin na tuluyang tumapat, nagkatinginan sina Chaeyoung at Jeongyeon. Pagtutulungan na naman ako ng dalawang 'to. Alaman na. Tumingin-tingin sila sa paligid ng loob ng bar. Nagbulungan sila.
"Ano na?"
"Okay! Ang dare mo, ngingitian mo ang isa sa girls dito." Jusko. Ang dali lang naman pala ng dare ko. Pwedeng-pwede nga kong dumaan lang habang nakangiti sa girls dito eh.
"Basic." Tatayo na sana ko kaso may dinagdag sila.
"Di pa kami tapos."
"Ano na naman?"
"Yung girl na 'yun ang ngingitian mo. Yung nasa gilid. Yung parang may sariling mundo na nakatalikod. Di pa diyan nagtatapos, para mas exciting. Isuot mo sa kanya yung headphones mo bago mo siya ngitian. Ibigay mo sa kanya. Don't forget, dapat nice ka sa kanya ah. Wag mo susungitan. Hahahaha." Tuwang-tuwa na sabi nung dalawa.
Mga gago talaga eh. Pinagmukha pa kong may sayad. Aish. Bakit kailangan ko pang gawin 'yun?! Bwisit talaga.
"Ayoko! Paano naman yung headphones ko?"
"What? Ang daya mo naman. Ginawa namin yung dare namin eh. Ibibigay mo na sa kanya yung headphones mo. Hahaha." Reklamo nila.
"Aish. Fine. Mga gago kayo." Tawa lang sila nang tawa sakin.
Ano pa nga ba? Eh di gagawin ko na. Kinuha ko na yung headphones at lumakad na palapit sa babaeng nakatalikod.
Aish. Kim Dahyun, Seriously?! Gagawin mo ang trip ng dalawang 'yun sayo. Aish. Bakit pa kasi ako pumayag na mapasali dito?!
Sino ba kasi 'tong babaeng 'to?! Parang op naman 'to dito. Nang makapunta na ko sa likuran niya, inisuot ko na sa kanya ang headphones dahilan para magulat siya't mapalingon sakin.
Nang lumingon siya, nginitian ko na lang siya gaya ng naayon sa dare. Omg. Ang headphones ko! Natigilan naman siya na parang ewan nang makita ako.
Para siyang natulala na ewan nang makita ako. Masyado bang halata na awkward ang pagkakangiti ko? Aish. Kasalanan 'to nila Chaeyoung at Jeongyeon.
💗To Be Continued💗
A/N: Guys, How's my update?
Dont forget to leave some comments.