SILENT QUEEN Book1: PRETEND (...

By kuyakingboo

144K 2K 152

Author: KuyaKingboo / MisauthorILHCA Works: Silent Queen Book 1: His Girl / Silent Queen Book 2: Dark World... More

Silent Queen Book 1: His Girl by KuyaKingboo
#0//: Prologue.
#1//: First Day
#2//: Where is Cha?
#3//: Her Gwapo-His Eoreum
#4//: Unexpected Date
#5//: Envelops
#6//: Science Activity.
#7//: Instant Mama and Papa
#8//: Never trust her in Kitchen Works.
#9//: Queen's Eyes
#10//: She's Jealous.
EXTRA CHAPTER 1
#11//: Mr. and Ms. SU Part 1
#12//: Mr. and Ms. SU Part 2
Commercial Break
#13//: Over Night
#14//: Leader's Proposal
#15//: Officially Yours (Fake Relationship Starts Here Sep.30)
#16//: Getting-To-Know-Each-Other
#17//: A piece of her nightmare.
note 4//: editing reason
#18//: The Ice Peace Offering
#19//: Math Camp Pt.1
#20//: Math Camp Pt.2
#21//: Math Camp Pt.3
#22//: Math Camp Pt.4
#23//: Special chapter
#24//: Math Camp Pt.5
#25//: Math Camp Pt.6
#26//: Math Camp Pt.7
#27//: The Models
#28//: Chazii's Birthday (Oct.21)
#29//: The S-Room
#30//: New Friend, New Antagonist
#31//: Boyfriend vs. Boy- Friend
#32//: New Neighbors
note 5 ni kuya // basahin niyo po kasi may announcemet about next chap
#33//: First Monthsary (OCTOBER 30)
#34//: Taking care of the Sick Leader
#35//: Christmas Raffle
Thanks for reading
#36//: The Hidden Enemy
#37//: Silent Queen Pt.1
#38//: Silent Queen Pt.2
#39//: Christmas Eve
#40//: The Hidden Identity
#41//: The Break Up
#42//: So Goodbye
#43//: The Photos
#44//: THE HATRED
#45//: RESOLVE
#46//: THE IDENTITY REVELATION
#47//: HIS REASONS
#48//: The Game Plan
#49//: Survival
#50//: Hope
#51//: Choosing between Truth and Lies
#52//: The VIP
#54//: Most Awaited Time
#55//: Their Resolves
#55.1//: EPILOGUE

#53//: Young Master

602 6 0
By kuyakingboo

#53//: Young Master

. . . Minhyun POV . . .

Napabangon ako mula sa pagkakatulog ko dahil sa panaginip na naman na iyon. Napahawak ako sa dibdib ko. Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makapa na kahit ano doon. Simula ng magising ako, lagi ko na napapanaginipan ito. Iyong balang bumaon sa dibdib ko. Aiyong babaeng nagbaon ng bala na iyon sa dibdib ko... si...

"Minhyun..."

Nilingon ko ang nakasilip sa may pintuan ng kwarto ko. Si Quel. Adopted ng mga Hwang at ngayon ay isa na sa pinagkakatiwalaan ni Grandpa.

"What?" Bored na tanong ko dito.

"Its time for your therapy."

"Tsk." Hinayaan ko nalang siya ng papasukin niya iyong mga private PT na kinuha ni Eomma para saken.

I don't have any idea bakit paggising ko andito na ako sa Seoul. Ang huling natandaan ko kasama ko si Eoreum palabas ng tower. At... ang pagyakap ko sa kanya dahil gusto ko ilayo ang bala ng baril na nakaamba sa kanya.

Napahawak ako sa arm rest ng inuupuan ko. Isa pa sa nagpadagdag ng frustration ko is iyong wheelchair na ito. Yes. Hindi ko na magawang makalakad. Wala akong nararamdaman sa lower part ng katawan ko. Kaya naman nagtake ako ng physical therapy ngayon.

Matapos ng one hour session ko ay umalis na rin ang mga therapist. Muli akong naiwan mag-isa sa kwartong ito. Shit! Para akong preso dito. Wala rin akong way para makakontak sa labas. I really miss her. Gusto ko na siya kausapin. Pero bantay sarado ako dito.

Ano ba talagang nangyari?? Tinignan ko ang digital calendar sa wall ko. Magdadalawang buwan na ang nakalipas. Ibig sabihin mahigit isang buwan rin akong walang malay. Recent lang kasi ako nagising. At dito na mismo sa kwarto na ito ako nagkamalay.

"Young Master... do you need anything?" Si Butler San iyan na oras-oras ay tinatanong ako ng ganyang tanong.

"Butler... any news about her?"

"Im sorry... I don't have any news about Miss Chazii."" Nakayukong sabi ni Butler.

Naikuyom ko ang kamao ko. Alam ko na hinaharangan nila si Butler sa lahat ng iutos ko. Hindi ko rin naman makuhang magalit kay Butlers San dahil sumusunod lang naman ito sa mas matataas na membro ng pamilya namin.

Napabuntong hininga nalang ako. Kailangan ko na gumaling agad. Walang mangyayari kung magtatagal pa ako sa ganitong kalagayan. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali dahil sa panaginip na iyon... paulit-ulit na panaginip. Na may mangyayaring masama sa Eoreum ko. Tuwing maiisip ko iyon ay nangangati na ang paa ko na bumalik sa Pilipinas.

Hindi nagtagal ay pumasok si Red sa kwarto ko. Madalas iyan tumambay dito. Pero wala naman akong napapala sa kanya dahil wala rin naman siyang maibigay na balita saken sa Eoreum ko. Iniwan na kami ni Butler matapos nitong sabihin saken ang pinapasabi ni Grandpa.

"Whats up Bro?" Nakangiting sabi nito.

"Tsk." Pagsusungit ko. Inikot ko ang wheelchair ko paharap sa veranda ng kwarto ko. Kailan ba ako makakalakad ulit?? Naiinis na ako sa mga paa na ito!

"Minhyun." Tawag nito saken.

Napalingon naman ako. Bigla kasing sumeryoso ang boses nito. At talagang seryoso ito kapag tinawag niya na ako sa pangalan ko.

"What is it?"

Bumuntong-hininga muna ito at mukhang nahihirapan sa sasabihin nito.

"F*ck! Cut it out! Stop making me nervous! What is it?"

"Chill! Ito naman minsan lang ako magseryoso eh." Tumayo ito saka may inabot sa loob ng coat nito. Isang litrato. Inabot niya saken.

Tinignan ko naman agad iyong inabot nito saken. Picture ni Eoreum.Stolen picture niya na nasa harap ng RP Building at nakatingin lang doon. Pakiramdam ko may kung anong pumitik sa dibdib ko sa nakita kong lungkot sa larawan na iyon.

"Guess who send that to me?"

Tinignan ko naman ito and wait for his next word.

"Hansel. Your rival."

"Why he send you this?"

Nagkibit-balikat lang ito. "I guess you have to make your recovery much quicker. Who knows what might happen to her thinking that you're gone for good."

Naikuyom ko ang mga kamao ko.

"Anyway don't tell anyone here about that photo. You know that its troublesome to face your Grandpa."

. . . Chazii POV . . .

"Congratulation Girls!" Bati samin ni Junki Oppa matapos ang ceremony ng moving up ceremony namin. Para siyang graduation, iyon lang wala pang toga. Kasi sa college pa iyon.

"Thank you Oppa!" Matinis na boses na naman ni Sarah ang umeksena.

"Wow may flowers kami!" Sabi naman ni Ange at inabot na ang bulaklak na hawak ni Oppa.

"So whats the plan?" Si Hansel. Oo nagbalik nung kailan pa iyang unggoy na iyan. So bakit siya andito? Volunteer Photographer daw siya eh. Edi wow.

"Syempre it calls for celebration. At dahil mayaman ka sagot mo na ang celebration." Sabat naman ULIT ni Sarah.

"Huh. Hoy Sarah akala ko ba planado mo na ang gagawin natin after ng ceremony? Bakit pinapasa mo kay Hansel?" Maja.

"Oo nga bunso. Pinaglaban mo pa nung nakaraan na may plano ka na." Luisa.

"May plano naman talaga ako." Nakangusong sabi nito.

"At ano ang plano mo? Sabihin mo na nga. Ayaw pa sabihin eh." Ange.

Lumapit ito kay Hansel saka yumakap sa braso nito. Jusko ang linta talaga. "Ang plano ko talaga si Hansel ang bahala sa celebration natin. Isn't amazing? Hahahaha." Proud na proud na sabi nito.

Lahat kami napa ganito ang mukha -_-. Like seriously?? Iyon na ang great plan na pinagmamayabang niya?

Nawala ang ngiti nito ng mapansin mga itsura namin. "Bakit di ba maganda ang plano ko? Ayaw niyo ba? Ayaw niyo na hindi na tayo gagastos? Kasi si Hansel na ang gagastos. Ayaw niyo ba iyon?"

"Huh?" Hansel.

"You mean di na kami gagastos? Iyon talaga ang plano mo?" Si Maja.

"Makakakapag-celebrate tayo ng hindi tayo gumagastos?" Luisa.

"Oo." Sarah.

Hay naku. Ang pangit ng plano ni Sarah at alam ko na hindi rin naman sang-ayon iyong tatlo kasi---

"Kyahhh! Amazing plan Sarah! Ang brilliant mo talaga!" Tuwang-tuwang sabi ni Ange at Maja. Maging si Luisa natuwa rin.

Ako naman napapoker face lang as usual. Sabagay libre na. Aangal pa ba kami? Hehehe. Ako man natutuwa talaga sa plano ni Sarah.

"Wait! Wait!" Apila ni Hansel.

"Bakit?" Sina Sarah, Ange, Maja at Luisa na tumingin ng masama kay Hansel.

Napakamot nalang si Hansel ng kilay nito. "Nevermind. Hahaha." Pilit na tawa na sabi nito.

So ang ending kumain kami sa isang fine dining restaurant na ginto ang presyo ng mga pagkain. Tapos nun ay nagyaya sa KTV Bar sina Sarah para magkantahan. So andito kami ngayon sa VIP room at nagwawala sa kantahan. Syempre sila lang nagwawala. Asa naman na makikisali ako sa kabaliwan nila. So para libangin ko ang sarili ko, heto ako nagpapapak ng pagkain. Pagkain nalang nagpapasaya saken eh.

Hindi nagtagal ay tinabihan ako ni Hansel na mukhang narape ng sampung baliw na bakla. Grabe iyon nu. Sampung baliw na bakla ang gumahasa sayo. Nakaka-euw iyon.

"Beer?" Alok nito saken.

Kukunin ko na sana ang beer nang may kamay na naunang kumuha. Napa-ismid nalang ako. Syempre bantay sarado ako kay Oppa. Tsk. So balik nalang ako sa iniinom kong isang pitsel ng nestea apple. Sigh.

"Are you enjoying this? Di ko kasi masabi if nag-enjoy ka or what." Simula nito ng convo.

Nagkibit-balikat lang ako. Bumalik kasi ang sakit kong katams meaning katamaran. Tinatamad na naman ako sa maraming bagay. At isa na doon ang pagsasalita. At masama pati paghinga nga kinatatamaran ko na rin minsan. Mabuti nalang buhay pa ako ngayon.

"Anyway are you free this Sunday?"

Tinignan ko naman ito. Syempre umaasa ako na alam na niya ang ibig sabihin ng tingin ko. Na nagtatanong kung bakit niya natanong kung free ako sa Sunday.

"Bakit nakatingin ka lang saken?" Ngumisi ito. "Sabi ko na nagagwapuhan ka saken eh."

For a moment... natigilan ako sa word niyang nagagwapuhan. Pero umismid nalang ako at hindi na iyon pinahalata. Kumain nalang ulit ako. Sayang lang pagtingin ko sa kanya. Di naman niya nagets ang tingin ko.

"Girlfriend. Ano free ka? Sayang naman iyong one day session na binayaran ko sa baking. Maraming strawberries doon." Bulong nito sa huling sinabi niya.

Nabitin tuloy sa ere ang isusubo kong nachos. Nilingon ko ito. "Free ako. =______=" Hindi naman kasi niya nililinaw eh.

Lumawak naman ang ngiti nito. So pabilisin na natin ang oras. Nag-uwian na kami. Syempre sa sasakyan ako ni Oppa nakasabay. Si Sarah at Ange na parehong tumba na ay sinabay na namin. Si Maja naman at Luisa may sasaglitan pa daw sa Mall kaya bahala na sila sa buhay nila. At si Hansel naman di ko alam kung nasan. Pero feeling ko naiwan siya doo sa KTV Bar kasi nagloloko ang dala niyang card. Eh di ba siya magbabayad lahat ng gastos dun. Tsk. Kawawa.

Matapos maihatid sina Ange at Sarah ay diretso uwi na rin kami ni Oppa.

"Noona, iyong gift ko pala sayo nasa kwarto ko. Kunin mo nalang. Nakapatong doon sa headrest ko." Sabi ni Oppa.

Tumango naman ako saka iniwan na siya doon na maggagarahe pa ng sasakyan. Pumasok agad ako sa kwarto niya at nakita ko agad ang regalo doon sa taas ng unanan ng kama niya. Pero tatlong regalo ang andun. Tinignan ko kanino galing. Kay pinsan at Yujae. Napangiti nalang ako saglit. Out of the country na kasi iyong dalawang iyon.

Palabas na ako ng kwarto ko ng masagi ko ang box sa study table ni Oppa. Natapon ang laman nun. Dinampot ko nalang saka sinalpak iyon sa box ni Oppa. Pero napahinto ako sa isang sobre doon na hindi pa nabubuksan. At lalo nakunot ang noo ko ng makita kung kanino naka-address iyon. Saken. Bakit na kay Oppa ito? At kanino galing ito?

"Noona?"

Nilingon ko si Oppa na nakapasok na pala sa kwarto niya. Napatingin ito sa sobre na hawak ko. Itinaas ko iyon saka nagtanong. "Para saken ba ito? =______="

Bahagya naman itong tumango. "Well hindi ko actually alam kung ibibigay ko ba iyan sayo or hindi."

"Kanino galing? =______="

"I think kay Minhyun galing iyan. Im not sure kasi wala namang return address. And initials lang ang nakasulat diyan sa sobre."

Napatango naman ako. "Okay." Ibinalik ko iyon sa box niya saka naglakad na palabas sa kawarto niya.

"Kim hindi mo ba babasahin?"

Napahinto ako sa paglakad ko. "Hindi." Matapos ko iyon masabi ay nagmadali na ako pumasok sa kwarto ko. Doon ako huminga ng sunod-sunod. Bakit ayaw ko basahin? Natatakot ako sa possibleng nakasulat doon. Paano kung hindi si Gwapo ang nagsulat nun? Paano kung masamang balita iyon? Ayoko malaman. Hindi ako handa doon. Nakakatawa. Kapag tungkol sa kanya. Nagiging duwag ako. Nawawala ang tapang ko. Pesteng buhay to.

Dahil sa pakiramdam ko nahihirapan akong huminga at nagpasya akong lumabas muna ng bahay. Siguro maglalakad-lakad nalang muna ako. Malamig na hangin agad ang sumalubong saken paglabas ko ng bahay. Nakalimutan ko pa magjacket. At dahil tinatamad akong bumalik sa loob ng bahay kaya tiniis ko nalang iyong lamig ng gabing hangin na ito.

Naglakad-lakad lang ako habang blangko ang utak. Ako lang may kaya niyan. Nakaka ilang metro na ako ng lakad nang may makapass by akong lalaki na naka-hoodie ng itim at may earphone na suot. Nakayuko ito kaya di ko nakikita ang mukha nito. Sumisipol ito na siguro sinasabayan ang tune ng music na pinapakinggan nito.

Nagmakalagpas kami sa isa't-isa ay doon lang ako napahinto sa paglakad at saka ito nilingon. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad na ang kamay ay nakapasok sa bulsa ng jacket nito at patuloy ang pagsipol.

Pero nakakailang hakbang palang ito ay huminto rin ito sa paglalakad. Pati ang pagsipol nito ay huminto na rin. Bakit ako napalingon? Dahil sa pagsipol niya. Pamilyar saken ang ginagawa niyang tunog ng sipol niya eh. At iyon ang pilit na tinatandaan ko ngayon.

Bahagya itong lumingon sa akin pero hindi ko parin naaninag ang mukha nito. Pilit ko iyong sinisilip nang may tumawag sa pangalan ko dahilan para lingunin ko ang tumawag saken.

"Cha! Bakit nasa labas ka pa?" Si Karen.

"Ah... wala lang. =______=" Muli kong binalik iyong tingin ko doon sa lalaki pero naglaho na ito. Hinanap ng mata ko kung saan ito napunta pero wala naman na akong nakitang trace nito.

"Sino hinahanap mo Cha?" Si Karen na sinusundan din ng tingin ang mga tinitignan ko.

"Iyong lalaking naka-hoodie ng itim kanina. =_____=" Sabi ko naman dito.

"Huh? May lalaki ba dito kanina?" Takang tanong nito.

"Hindi mo nakita? =____="

Umiling-iling naman ito. "Merun ba? Ikaw lang naman ang nakatayo dito mag-isa." Tinignan ako nito ng mariin. "May nakikita ka ba na hindi ko nakikita? May third eye ka ba Cha?"

"Huh? =______=" Ano bang pinagsasabi nitong babaeng ito?

. . . Minhyun POV . . .

"Im not interested Grandpa." Matigas na tutol ko sa mga narinig ko sa bibig ng matandang iyan.

"You are the only one successor of our business. And its your responsibility since your birth Minhyun." Walang emosyon na sabi nito.

"But Grandpa----"

"Minhyun! Don't raise your voice.." Saway saken ni Eomma.

"But... this is insane! How can I handle that damn business your talking about?" Frustrated na sabi ko.

Tinignan lang ako ni Grandpa na may halong disappointment. "What are you doing to your son this past few years?" Baling nito kay Eomma.

"Mianheyo Appa." Hingi naman ng paumanhin ni Eomma.

"Regarding of your state now. Remember that you have to protect your body Minhyun. You are not just as simple person as you think. Your soon to handle a biggest corporation in whole Asia. So that body is not only yours. Its belong to the Hwang."

Naikuyom ko ang kamao ko sa inis. "And regarding of the reason of your state now ---"

"Don't you ever lay a hand on her." Pagputol ko sa sinasabi ni Grandpa.

Tumaas naman ang sulok ng labi nito. "So its true Minzy. Your son is deeply in love to a no name girl?"

"Appa regarding on that matter----"

"She's my everything Grandpa! So I swear, you won't like what I can do once you laid your hands on her."

Nagsukatan kami ng tingin ni Grandpa. Hindi naman nagtagal ay humalakhak ito. Halakhak na may halong pang-iinsulto. "Well, what can an old man like me do to that girl? Okay lets make a deal. I won't mess up with her, in exchange that you will get rid of her in your system. I don't like to add another trash in my family."

. . . Chazii POV . . .

"Noo...!" Napabalikwas ako mula sa pagtulog ko dahil sa panaginip na iyon.

Sunod-sunod ang paghinga ko. May mga butil rin ng pawis ang namuo sa may noo ko. Para akong hinabol ng dampuhalang bulate sa itsura ko ngayon.

Bumangon nalang ako saka dumiretso sa kusina. Kumuha agad ako ng malamig na tubig sa ref saka iyon ininom. Matapos ko uminom ay sumandal muna ako sa may kitchen counter. Hindi na naman mawala sa isip ko ang panaginip na iyon. Paulit-ulit na lang. Bakit paulit-ulit kong napapanaginipan iyon? Bakit sa panaginip ko, bakit kaya kong patayin si Minhyun? Pati ang pagkamatay ni Joshua at nina Mama at Papa... paulit-ulit ko na namang napapanaginipan?!

"Noona?"

Nilingon ko si Oppa. Halatang kagugising lang nito.

"Hindi ka na naman nakatulog ng maayos?" Kumuha rin ito ng tubig sa ref..

"Nakakatulog ako. Pero..." Nilingon ko ito saka huminga ng malalim. "Parang ayoko na matulog ulit."

Saglit itong nanahimik. Siguro ay may iniisip iyan. Magsasalita pa sana ako kaso nagsalita na siya. So give way nalang ako. "Is it your dreams again? You can't hide things from me. Simula ng nangyari sa Light Tower, lagi ka na nananaginip. Up until now. Its been almost three months na."

Anong buwan na ba ngayon? April na pala. Tatlong buwan ko na hindi nakikita si Gwapo. Tatlong buwan na rin akong laging binabangungot. Tatlong buwan na akong hindi makatulog ng maayos. At bumabalik na naman ang takot ko na matulog.

"You want to see a doctor?" Suggest nito.

Umiling naman ako. "Okay lang ako. =______="

"Tsk! You really a hard headed girl." Lumapit ito saken at bigla akong niyakap. Syempre nagulat ako kasi very unusual kay Oppa na mangyakap lalo na saken. Tinapik-tapik nito ang likod ko. "I don't want to repeat that same incident years ago. So please Kim if that dreams keep bothering you, then let the doctors help you."

Naalala ko na ang pinupunto ni Oppa. Nung panahon na mamatay ang parents ko, hindi ako halos makatulog ng maayos. Ilang buwan rin akong nagkaroon ng problema sa pagtulog hanggang sa dumating sa punto na ayoko na talaga matulog kaya uminom ako ng gamot para mapigilan ang pagtulog ko. Huli na nalaman nila Oppa iyon. Natangpuan nalang nila ako nun na wala ng malay sa kwarto ko.

The reason kung bakit ayoko na matulog? Dahil sa panaginip ko sa pagkamatay ng parents ko na naging bangungot na na gusto kong takasan. At ang naiisip ko lang nun na paraan para matakasan ang bangungot na iyin ay ang hindi pagtulog. Hanggang sa bumigay na ang katawan ko.

"Huwag ka mag-alala Oppa. Hindi ako iinom ulit ng gamot na iyon. =____=" Sabi ko nalang dito para matahimik na ito.

---------------------------------------------------------------------------------- Chapter 53 ends.

:p>  <>

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
1.5M 45.5K 67
Hinahangan ni Zoe ang Dragon Empire kaya laking tuwa ito na makapasa sya sa magtra-training sa camp. Ang goal ni Zoe ay maging magaling na player at...