Spirit Of The Glass 2

Oleh jeric719

51.7K 1.3K 203

Mga magkakaklase na gumamit ng ouija board upang magspirit of the glass, at di nila alam na ito pala ang magi... Lebih Banyak

Author's Note
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 35
15 Survivors Left
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
10 Survivors Left
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Author's Note
Game Of Life And Death

Part 34

376 11 0
Oleh jeric719


Allyssa's POV

Hindi ko na kaya!! Ilang gabi na kong hindi nakakatulog ng maayos!!

Kahit na may rosaryo na kong suot suot eh parang pilit parin akong binabangungot!

Kailan ba matitigil to!! Ayoko na!!!

Mahina na ako dahil hindi na ko nakakalakad pero parang may gusto paring pumatay sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ako ligtas! Lalo na ngayon na magisa lang ako.

Hanggang sa nagulat ako ng biglang may magdoorbell......

Di ko alam kung dapat ko ba itong buksan. Alam kong hindi ito si mama dahil may susi naman sya ng bahay at hindi nya ito naiiwan tuwing umaalis sya.

Tapos ay sunod sunod na ang pagtunog ng doorbell. Bumibilos na namang muli ang tibok ng puso ko

sino kaya yung nagdodoorbell??!!Nagdasal nalang ako ng nagdasal at hindi lumalapit sa pintuan.

Hanggang sa mga pagkatok naman ang narinig ko sa pintuan.

"Tao po??"

"Ate Allyssa??"

Medyo nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang mga salitang ito. Dahil nabosesan ko ito, alam kong si Jane ito, at parang may mga kasama sya.

Pero anong ginagawa nila dito? Natapos na kaya nila yung spirit of the glass? Okay na kaya lahat??

Pinagulong ko na yung wheelchair at lumapit sa pintuan para buksan ito. At nakitang lima silang nasa labas.

"Ate Allyssa!" Biglang pagyakap sakin ng mahigpit ni Jane

"Nagalala ako! Akala ko may nangyari nang masama sayo" paliwanag ni Jane

"Ako din nagalala sa inyo! Ano nang nangyari sainyo??" Pagtataka ko at pinapasok sila sa loob ng bahay.

"Akala namin tapos na ang lahat at matatahimik na ang buhay namin ng mapacremate na ang bangkay ni Larah, pero hindi pa pala" paliwanag ni Ciel

"Dahil hindi pala si Larah ang pumapatay sa amin kundi si Maria!" Dagdag ni Col

Ibig sabihin ay sa dalawang ispiritung nagambala nila ay napatahimik na nila yung isa, at sa kasamaang palad, ay yung mabait pa.

"Kailangang mahanap nyo rin ang bangkay nung Maria at mapalibing sya para tuluyan na syang matahimik" pagpayo ko sa kanila

"Pero yun nga po yung problema, hindi namin alam kung nasan yung bangkay nya" sagot ni John

"Wala sa eskwelahan kung san nila nakita yung bangkay ni Larah" paliwanag ni Col

"Ano nang plano nyong gawin nyan??" Pagtataka ko

"Kaya po kami pumunta dito, nagbabakasakaling matulungan nyo kami sa kung anong dapat naming gawin" sabi ni Kenneth

Pero ano nga bang matutulong ko sa kanila. Isa lang naman akong pilay. Yung nasabi ko lang naman sa kanila nun ang tanging alam kong paraan para matahimik ang kaluluwa nya.

"Wala na kong naiisip na iba pang paraan" malungkot na sagot ko

"Pero sino sa tingin nyo ang nakakaalam kubg saan pepwedeng dinala o tinago ang bangkay ni Maria?" Pagtataka ko

"Sa tingin po namin ay yung principal" sagot ni Kenneth

"Kung ganun ay kailangan nyong malaman sa kanya kung nasan talaga si Maria" sagot ko

"Pero guys, kailangan muna natin puntahan si Juds, tsaka diba wala pang balita mula sa mga pulis kung nasan yung principal" sabi ni Col

"Oo nga, unahin muna natin ang pagpunta kay Juds, tsaka tara na, baka nasa bahay na sina Colai" pagaya ni John

Tapos ay napapaisip ako kung sasama ba ako. Dahil pakiramdam ko ay mamamatay ako lalo na pag magisa lang ako.

"Sasama ako sa inyo!" Sabi ko

At base sa reaksyon nila ay nagulat sila

"Bakit ate?? Baka madamay ka pa? Baka kung mapano ka?" Pagaalala ni Jane

"Damay na ako... gabi gabi nalang akong binabangungot na para bang may gustong sumanib sa akin. Gantong ganto yung naramdaman ko nun bago ako saniban! kaya di ako nakakatulog ng maayos. Kaya ay may suot suot akong rosaryo sa leeg ko." Paliwanag ko sa kanila

"Tingin ko ay mas ligtas ako kasama kayo kaysa magisa dati sa bahay, at ayoko namang may mangyari ring masama kay mama" dagdag ko

Naintindihan naman nila ang nararamdaman ko at sumama na ko sa kanila. Dinala din namin yung mga iba pang rosaryo at holy water sa bahay. At bago umalis ay nagiwan ako ng sulat para kay mama.

Justin's POV

"CARLL!!!" Pagsigaw at paghagulgol ni Charlene ng makita si Carl na nakalambitin sa balcony at wala ng buhay.

Wala kaming nagawa para mailigtas si Carl. Pakiramdam ko ay wala kaming kwenta. Hanggang sa nakita namin yung babae na nakatingin na sa amin.

"Tara na!! Umalis na tayo!!!" Takot na takot na sigaw ni Alonds

"Sumakay na kayo" utos ni Gwynel

Pero si Charlene ay iyak pa rin ng iyak, kaya't hinatak nalang namin sya nila Colai at pinilit papasukin sa sasakyan.

Nang Nakasakay na kami ay pinaandar na to agad ni Gwynel at puro pagtangis ng luha ang maririnig sa loob ng sasakyan. Buti nalang din at tinted ang sasakyan para di makita si Gwynel, kung hindi ay baka may makakita sa kanya na duguan ang kamay at katawan nya.

Si Alondra at Charlene ay tuloy tuloy parin sa pagiyak.

"So...rry.. Char....leneee...." patuloy na paghagulgol ni Alonds

Habang si Charlene ay iyak ng iyak habang nakayakap kay Colai.

"Bakit ka naman humihingi ng tawad kay Charlene?" Pagtataka ni Colai

"Da..dahil alam kong.... sobrang close ni...la ni... Carl. At hi...hindi naman mang...ya..yari yun kay... Carl kung.. di nyo ko pinun...tahan ditoooo" utal utal
Na paliwanag ni Alonds

Pero wala paring imik si Charlene.
At nanatili kaming tahimik sa byahe.

Nang makarating na kami sa bahay ni Col ay agad kaming pumasok, at nakita naming ang konti lang nila dun. Sina Janine, Raven, Bob, May at Alfonso lang yung nandun.

"Anong nangyari??!" Pagaalala ni May lalo na ng makitang duguan si Gwynel.

Tapos ay niyakap nya agad si Alonds ng makita nya ito

"Buti at ligtas ka!" Sabi ni May

"Wala na si Nica at Carl" pagbigay ni Colai ng malungkot na balita sa kanila.

At makikita mo ang pagbabago ng reaksyon nila dahil sa narinig nila.

At si Charlene ay nagsimula na namang humagulgol at tinulungan nalang sya nila Raven na pakalmahin.

"Nasan na sila John??" Tanong ni Gwynel

"Pinuntahan nila yung Allyssa" sagot ni Alfonso

"Yung kaibigan nung kuya ni Jane??" Tanong ko

"Oo" sagot nila

Tapos ay pinagpalit nila ng suot si Gwynel dahil duguan nga sya. At ilang saglit pa ay dumating rin sina John, at kasama pa nila sa sasakyan si Allyssa.

Matapos naming sabihin sa kanila na wala na si Nica at Carl ay sinabi nilang kailangan na naming umalis at hanapin si Juds. Kaya naman lahat kami ay umalis na at sumakay na sasakyan.

Dalawa ang gamit naming sasakyan.

Sa sasakyan namin ay hanggang pito lang ang pwedeng sumakay, si Gwynel ang nagmamaneho, nagsiksikan kami ni May sa harap, buti nalang ay payat kaming dalawa, at yung apat naman sa likod ay sina Charlene, Colai, Alonds at Janine

Yung isa naman ay yung yung sasakyan na gamit nila John. Sya ang nagmamaneho nun kasama sina Ate Allyssa, Col, Ciel, Kenneth, Jane at sumama rin sa kanila sina Raven, Bob at Alfonso.

John's POV

Ako ang nagmamaneho ng gamit naming sasakyan, katabi ko sa harap si Ate Allyssa, sa gitna naman ay sina Col, Ciel, Kenneth at Jane. At sa likod naman ay sina Raven, Bob at Alfonso.

Kami ang nasa unahang sasakyan dahil kasama namin si Ciel. Sya ang nakakaalam kung saan ang daan papunta kaila Juds.

"Ano nga pangalan nung mga nasa likod?" Tanong ni Ate Allyssa sa kin

"Uhh.. si Raven po yung babae, tas yung katabi nya po si Bob, tas si Alfonso yung isa" sagot ko

"Ahhh" tugon nya

"Bakit nyo po pala natanong?" Pagtataka ko

"Andami nyo kasi, kaya sinusubukan kong tandaan yung mga pangalan nyo" sagot nya

Kaya naman pala nya tinatanong. Kung tutuusin nga, konti nalang kami dahil sa dami na ng namatay. Sana nga ay di na kami mabawasan pa

"Ayan kuya exit ka na dyan" biglang sabi ni Ciel

Nasa highway kasi kami. At ng umexit na kami ay kailangan namin magbayad ng toll fee, buti nalang ay may dala naman kaming pera.

"Malapit na ba tayo nyan Ciel?" Pagtataka ni Raven

"Hindi pa, kasi probinsyang probinsya yung kaila Juds eh.... medyo malayo pa" sagot ni Ciel

"Matulog muna yung iba sa inyo hangga't wala pa tayo dun" sabi naman ni Col

At yung iba ay kita mong inaantok talaga, kaya di na nila natiis at natulog na. Makalipas ng ilang minuto ay may napansin ako.

"Guys, parang may sumusunod satin" sabi ko sa kanila

"Ha?"

"Sumusunod?"

Tapos ay lumingon yung mga gising pa sa likuran

"Malamang, sina Gwynel yan eh" pilosopong sagot ni Bob

"Hindi yan! Yung nasa likod pa nila." Sabi ko

"Bakit mo naman nasabi na sinusundan tayo?" Pagtataka ni Ate Allyssa

"Kasi kanina ko pa nakikita yung sasakyan na yan" sagot ko

"Baka naman parehas lang tayo ng pupuntahan John" hinala ni Kenneth

"Tsaka bakit nya naman tayo susundan?" Pagtataka ni Jane

"Baka si Maria yan???!" Takot na sabi ni Alfonso

"Sira ka ba! Nagmamaneho??" Pagtataka ni Jane

"Malay mo?" Sagot ni Alfonso

Pero siguro nga ay napapraning lang ako, kaya naiisip ko na sinusundan nya kami. Dahil naging alerto ako at mapagmasid sa paligid mula ng mangyari ito sa amin.

Makalipas ang ilang oras ay puro puno na sa paligid. Layo layo na ang bahay, hanggang sa umabot na sa oras na wala na kaming bahay na nakikita.

"Grabe naman tong bahay nila Juds, bakit naman sya titira dito" pagtataka ni Alfonso

"Bahay bakasyunan kasi nila yung bahay nila dito. Eh gusto nila tahimik at malayo sa mga tao" paliwanag ni Ciel

Hanggang sa may napansin na naman ako. Pagtingin ko sa salamin ay wala nang kotse sa likuran namin.

"Guys?? Nasan na sina Gwynel??"

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

33.1K 883 39
Sa isang mamahalin na paaralan may isang seksyon ang kinakatakutan hindi dahil sa kayaman kungdi sa paano sila ka brutal pumatay Sa tuwing silay map...
200K 1.7K 13
"Lahat ba ng nerd tahimik at harmless?" HIGHEST RANK ACHIEVED #1
3K 373 22
Paano nalang kung nagising ka isang araw sa taong 1825, at may mga bagay ka pa pala na hindi nalalaman tungkol sa iyong pagkatao. Isang Misteryo, isa...
12.7K 1.2K 45
Abaddon School (Part 1) - Completed Abaddon School (Part 2) - Completed Abaddon School: The Last Fight (Part 3) - Soon Best in Horror - WritersPh...