Part 41

358 10 0
                                    


Kenneth's POV

"A...ano yun?" Natatakot na tanong ni Alfonso

Dahil nga sa narinig namin ng tunog na nanggaling sa itaas.

"Baka yung principal yun?!" Hinala ni Charlene

"Pero paano kung si Maria pala yun??" Hinala rin ni Juds

Akmang aakyat ako ng hatakin ako ni Alfonso

"Sira ka na ba talaga!! Hindi ba't mas delikado nga kung maghihiwalay!" naiiritang sabi ni Alfonso

"Pero kung yung principal nga yun, kailangan natin syang makausap! Sya nalang ang natitira nating pagasa para matigil na tong lahat!" Paliwanag ko sa kanila

At naunawaan naman to nung iba sa kanila. Dahil kung magpapadala kami sa takot ay walang mangyayari sa amin.

Oo, risky man kung risky, pero kung posible namang masolusyunan ang problema namin ay kailangan naming itake yung risk. Kahit gano pa to kapanganib, lalo na't nasa panganib naman na talaga ang mga buhay namin

"Tsaka meron naman akong magagamit na proteksyon" sabi ko sa kanila at pinakita ang hawak ko

"Sa..san mo nakuha yan?" Pagtataka ni Bob

"Sa kwarto ni Juds" sagot ko

"Bakit may baril ka dito Juds?!" Gulat na tanong ni Jane

"Para san pa, edi proteksyon, dahil nga nagiisa lang ang bahay namin dito" paliwanag nya

Buti nga at may baril sya dito sa bahay eh

"Ano? Meron ba sainyong sasama sakin??" Tanong ko sa kanila

Pero wala sa kanilang makatingin sakin ng daretsyo

"Ikaw bob?" Pagtataka ko

"Uh..uhm... a.ayoko Sorry" utal nyang sagot

Tapos ay napatingin ako sa iba

"O, wag mo kong tignan, alam mong ayoko!" May pagkadefensive na sagot ni Alfonso kahit na di ko pa naman sya tinatanong

Alam ko namang di sya sasama dahil sa kaduwagan nya eh.

Si Jane daw ay ayaw ring umakyat. Di naman ako pwede samahan ni Ate Allyssa dahil nga sa kalagayan nya. Si Juds naman ay mahahalatang wala parin sa sarili nya dahil sa pagkamatay ni Ciel. Pero makikita rin naman sa kanya na sinusubukan nyang maging maayos.

"Ako nalang ang sasama sayo" at pagtingin ko ay si Charlene pala ito

"Sigurado ka?" Tanong kong muli sa kanya

Dahil baka nabibigla lang sya sa sinabi nya

"Oo, tsaka malay mo, di naman ako saktan ni Principal" sagot nya at nagawa nya pang ngumiti

"O sige tara" pagaya ko sa taas

May hawak akong baril na nakuha ko sa kwarto ni Juds at si Charlene naman ay may hawak na kutsilyo

Charlene's POV

Pagdating namin sa 2nd floor ay madilim dahil nakapatay ang mga ilaw.

"Nasan dito yung switch?" Tanong ko habang kinakapa kapa yung pader

Hanggang sa biglang bumukas yung ilaw. At pagtingin ko kay Kenneth ay nahanap nya na yung switch

"Pano mo nalaman na nandyan yung switch?" Pagtataka ko

"Umakyat na kasi kami dito kanina" tanging sagot nya

Tapos ay may gumalaw na pintuan, kaya agad namin tong nilapitan. Pero si Kenneth ang nauna dahil sya ang may hawak ng baril.

Spirit Of The Glass 2Where stories live. Discover now