Part 4

1.4K 42 1
                                    

John's POV

Nasa canteen kami ngayon. Kasama ko si Col, Alfonso, Bob, Carl at Charlene.

"Punta nalang kaya tayo sa mall" aya ni Col

"Ano na namang gagawin natin dun?" Tanong ni Carl

"Nood tayo ng cine, yung bagong palabas na Ouija" sabi ni Col

Gusto ko rin panoorin yun kaya lang ay may klase pa kami mamaya kaya nagiisip ako kung papasok pa ba kami mamaya o kung manonood nalang ng cine

"Wag na, gagastos na naman tayo eh" pagangal ni Alfonso

"Sus! ang sabihin mo natatakot ka." Sabi ni Col

"Kung aalis kayo, ayoko sumama" sabi ni Bob

"Bakit naman?" Tanong ko

"Basta kayo nalang" sagot nya

"Oy, walang aalis. May klase pa tayo mamaya" sabi ni Charlene

"Ano ba yan.. kj nyo naman" biro ni Col

"Tara na, kumain na tayo" pagaya ni Carl

Kaya naman umorder na kami ng kanya kanya naming pagkain.

Aud's POV

Lunch na naman, buti nalang at laging may ulam na gulay sa canteen. Kung hindi ay wala akong kakainin. Kumakain rin naman ako ng manok kaya lang ay bihira ko lang ito ulamin. Kasama kong kumakain sina Justin, Adriane, Janine, Jane at Colai.

"Yuck Justine, ang kalat mo talaga kumain" maarteng sabi ni Colai

"Hay nako, parang di ka pa nasanay dyan" sabi ni Jane

"Makalat talaga kumain ang mga gwapo" pagtanggol ni Adriane kay Justin

"Sus, alam kong you're just like that kasi Justin make libre to you" sabi ni Janine

"Guys alam nyo, kumain nalang tayo" pagawat ko sa kanila tapos ay tumigil na sila

Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa klasrum namin dahil may dalawa pa kaming subject. At sa dalawang subject na yun ay magkasunod na si Ma'am Angeline ang teacher namin. Napakaganda ni Ma'am at napakabait pa, kaya sya ang pinakapaborito namin sa mga teacher namin. Pagkapasok ko sa klasrum ay nagulat ako ng biglang may bumulaga sa akin. Kaya napasigaw ako, at nagulat rin sila Colai dahil sa akin. Pagtingin ko sa gilid ay si Gwynel lang pala ito. Nagtatago sya sa gilid malapit sa may pinto

"Alam mo siraulo ka talaga" galit na sabi ko sa kanya

"Ang lakas ng trip mo eh noh" singit ni Jane

Pagkatapos ay dumaretsyo na kami sa upuan namin

Matapos ang ilang minuto ay nandun na rin sa klasrum ang iba kong mga kaklase. At halos lahat yata ng pumapasok sa klasrum ay ginugulat ni Gwynel

"Hoy alam mo tumigil ka nga dyan sa ginagawa mo" pagsita ni Charlene kay Gwynel

"Baka mamaya dumating na si Ma'am at sya pa ang magulat mo" sabi ni Charlene

"Ano naman ngayon?" Tanong ni Gwynel na patawa tawa pa

"Alam mo na ngang may atake sa puso si Ma'am gugulatin mo pa!" May pagkainis na sabi ni Charlene

Pagkatapos ay wala na syang nagawa at naupo na nga, pagkatapos ay dumating na rin si Ma'am pero hindi para magklase kundi para iannounce na may meeting sya. Kaya di na kami nagklase sa dalawang subject at maaga nang nagdismiss.

Jane's POV

Nang nagdismiss na ay tinext ko na agad si Kuya na sunduin na ako. Dahil nagtext sya kaninang lunch na wag daw akong aalis at susunduin nya daw ako. Kaya naman nauna nang umalis ang mga kaklase ko habang ako ay nagaantay sa kuya ko. Maya maya pa ay dumating na rin sya dala ang kotse namin. Kaya naman agad akong sumakay para makauwi na kami sa bahay.

"Tagal mo kuya" pagloko ko sa kanya

"Sorry na" sagot nya

"Punta muna tayo ng mall ha" biglang sabi nya

"Ha? Bakit? Anong gagawin natin dun?" Tanong ko sa kanya

"Wala, pasyal lang muna tayo. Walang magawa sa bahay eh" paliwanag nya

Pumayag naman ako at umalis na nga kami para pumunta sa mall. Habang nasa byahe ay nakakatuwa dahil parang himala at walang katraffic traffic sa daan. Kaya naman kahit mabilis magpaandar si Kuya ay ayus lang dahil konti lang naman ang kotse sa kalsada.

Habang pinagmamasdan ko si Kuya ay parang may kakaiba sa kanya. Nakita ko na medyo malungkot parin sya. Siguro ay dahil di nya parin makalimutan ang nangyari sa mga kaibigan nya. Kaya nya siguro ako sinundo at kaya kami pupunta sa mall ay para medyo makalimot sya. Pero ano nga ba ang nangyari sa mga kaibigan nya. Kailangan kong malaman para naman mas macomfort ko sya kung alam ko ang pinagdadaanan nya.

"Kuya, ano ba talaga ang nangyari sa mga kaklase mo?" Tanong ko sa kanya

Nagulat sya ng bigla kong tanungin iyon sa kanya

"Wag mo nang alamin" maikling sagot nya

"Pero kuya.."

Di pa ko tapos magsalita ay nagsalita na naman syang muli

"Wag mo na ulit itatanong sakin ang tanong na yan" medyo tumataas na ang boses nya ng sabihin ito

"Kuya, nagaalala lang naman ako sayo eh" sabi ko

"Baka mamaya ay kung ano na pala yang pinagdadaanan mo. Pamilya mo naman ako diba? Pwede mo kong mapagsabihan ng nararamdaman mo." dagdag ko

"Hindi ba't sinabi ko na di na nga mahalaga yun?!" Galit na sabi nya

Nagulat ako ng makitang nagagalit na talaga si Kuya, at mas lalo akong nagulat ng makita syang naluluha na.

"Sige kuya sa bahay nalang natin pagusapan, nagmamaneho ka, sorry" pagpapakalma ko sa kanya

"Wala na tayong paguusapan pa sa bahay!" Galit na sabi nya habang nakatingin sakin

Hanggang sa nagulat ako ng biglang may batang tumawid sa kalsada

"Kuya!!!" Sigaw ko

At pagharap ni kuya ay bigla nyang iniiwas ang kotse sa bata. Kinanan nya yung manibela, kaya napakapit agad ako sa kung saan at tuloy tuloy kami hanggang sa tumama yung kotse ng malakas sa isang poste.
Naramdaman ko ang pagtama ng ulo ko sa may bintana at nabasag pa ito. Pagkapa ko sa ulo ko ay nakita kong andaming dugo kaya nataranta ako. At pagtingin ko kay Kuya ay nakita ko syang nakatama ang ulo sa manibela. Sobrang duguan ang ulo nya at nakita ko syang nakadilat pa at nakatingin sa akin.

Spirit Of The Glass 2Where stories live. Discover now