Part 14

1K 36 6
                                    

Colai's POV

Pagtingin ko sa baba ay alam kong si ate yun. Bigla nalang tumulo ang luha ko ng makita sya. At napaupo ako sa sahig at nagsimula nang humagulgol. Naglapitan agad yung ibang tao sakin para pakalmahin

"Ateee" pagtawag ko sa kanya habang patuloy na umiiyak

Pero bakit naman sya malalaglag dito. Kilala ko si ate. Di naman sya magpapakamatay. Panigurado ay may naglaglag sa kanya.

"Wala bang nakakita sa inyo ng nangyari?!" Pagwawala ko

Pero mga nakatingin lang sila sakin. Tapos ay tumayo ako.

"Sumagot kayo!" Sigaw ko

Hanggang sa nakita ko si Gela na nandun din sa lugar na yun. Di ko napigilan ang sarili ko at biglang lumapit sa kanya. Sinampal ko agad sya sa mukha.

"Sinasabi ko na nga ba ikaw ang may kagagagawan nang lahat ng to!" Sumbat ko

"Walanghiya ka!" Sabi ko at sinampal pa ulit sya.

Hanggang sa bigla kaming pinaglayo ng mga tao. Pero nagwawala parin ako kaya andami na nilang sinusubukan akong pigilan.

"Napakasama mong tao!" Sumbat ko sa kanya

"Wala akong kinalaman dito Colai" sabi nya at nakahawak pa sa pisngi nya

"Walang kinalaman?! Alam ko ikaw ang may kagagagawan nito! Sana mamatay ka na!" Sigaw ko

Hanggang sa bigla nalang syang tumakbo papalayo. At yung mga taong nakahawak sakin ay binitawan na ko. At pilit akong pinapakalma dahil sa nangyari.

*kinabukasan*

Allyssa's POV

Nakikita ko si Martela ngayon. Humihingi ng tulong sa akin. Lumapit ako sa kanya pero palayo sya ng palayo sa akin.

"Martelaa" sigaw ko

Hanggang sa bigla akong magising. Ginigising pala ako ni mommy.

"Anak nananaginip ka" sabi ni Mommy

Pawis na pawis na pala ako. Pero di naman ako naiinitan

"Mommy napanaginipan ko si Martela" sabi ko

"Panaginip lang yan anak, wag ka mag-alala" sabi nya

Kaya di ko nalang pinansin. At binuksan nalang namin yung tv. Di ko na kaya pang matulog ulit. Pero maya maya ay nagulat kami ni mommy. Nagulat kami dahil sa balita sa tv na sinasabing nangyari kagabi.

Sinabi na may isang babae na nalaglag mula sa 5th floor ng sm. At nagulat ako ng sabihin ang pangalan ng taong nalaglag. At sya ay si Martela.

"Anak, kapangalan lang siguro yan ng kaklase mo" sabi ni mommy dahil nakita nya na medyo kinakabahan na ako

Pero maya't maya pa ay pinakita ang litrato nya, at nagulat kaming dalawa ni mommy nang makita na si Martela nga ito.

Di ko na napigilan at tuloy tuloy na kong naiyak. Niyakap nalang ako ni mommy. Bakit nagkakaganito? Bakit namatay narin pati si Martela?

"Mommy natatakot ako" sabi ko

"Baka mamaya ako na ang sunod na mamatay" pagaalala ko

"Wag mong isipin yan Allyssa. Diba nga tahimik na ang kaluluwa ni Kylie" pagpapatahan sakin ni mommy

"Pero hindi ko maintindihan kung bakit sila namatay?!" Sabi ko

"Alam mo namang naaksidente si Renz diba?" Tanong nya

"Tapos naaksidente lang din si Martela??" Tanong ko

"Wag mo nang isipin yan Anak, nandito lang naman ako. Di kita pababayaan" sabi nya

Pero totoo nga bang aksidente lang ang nangyari kay Renz pati kay Martela? Kung hindi, ay bakit sila namatay? Di ko tuloy maiwasan mapaisip kung tahimik na ba talaga si Kylie.

"Pero pano kaya kung yung pamilya ni Kylie ang pumatay sa kanila?" Tanong ko kay mommy

"Anak wag mong sabihin yan" pagawat nya

"Sorry monmy, di ko na kasi alam kung ano pang iisipin ko. Natatakot na ko sa mga nangyayari" sabi ko

"Hindi naman siguro magagawa ng pamilya ni Kylie yun, kaya wag mo silang pagiisipan ng masama ng basta basta" paliwanag nya

Col's POV

Gabing gabi na at nandito na ko sa loob ng kwarto ko. Wala kong kasama sa bahay dahil wala na dito yung mga pinsan ko. Sakto at biglang tumawag si John

"Oy John" pagsagot ko sa phone

"Oh bakit?" Tanong nya

"Anong bakit? Eh ikaw yung tumawag" sagot ko sa kanya

"Ayy" sabi nya at natawa pa

"Ngayon ko lang kasi nabalitaan mula kay Raven, may nangyari daw sa ate ni Colai. Di kasi ako nanonood ng balita eh. Alam mo na ba yun?" Tanong nya

"Di rin ako nanonood eh. Ano bang nangyari?" Pagtataka ko

"Namatay na daw ate nya."

Nagulat ako sa narinig na sagot mula kay John. Pero bakit kaya sya namatay?

"Kawawa naman si Colai. Ano daw nangyari?" Malungkot na sabi ko

"Di ko alam eh. Di na kasi nagrereply si Raven. Kaya tinawagan kita, akala ko alam mo na." Paliwanag nya

"Sige wait lang, susubukan ko syang tawagan" pagpapaalam nya at binaba na ang tawag

Nakakalungkot naman dahil sunod sunod may namamatay. Ang lakas lakas pa ng ulan dito. At kumukulog pa. Maya maya ay may nagdoorbell sa baba. Kaya iniwan ko muna yung phone ko sa kama. Pagbaba ko ay sunod sunod na ang nagdodoorbell

"Sandali!" Sigaw ko

At pagbukas ko ng pinto ay si Gela pala ito. At basang basa sya ng ulan.

"Gela anong ginagawa mo dito? Halika nga pumasok ka muna dito" pagaya ko sa kanya

Kaya pumasok na rin sya sa loob

"Sandali, ikukuha lang kita ng twalya sa taas" sabi ko at umakyat na

Pagpasok sa kwarto ay di ko na sinara pa ang pinto. Bago ako makakuha ng twalya ay tumunog muli ang phone ko. At si John pala ito.

"Hello" pagsagot ko

"Col" sabi nya

"Mamaya ka nalang tumawag, andito si Gela" sabi ko at ibababa na dapat ito

"Sandali!" Pagtataranta nya

"Bakit?" Tanong ko

"Bakit nandyan si Gela?" Tanong nya

"Di ko rin alam eh" sagot ko

"May kailangan kang malaman" sabi nya

"Ano?" Tanong ko

"Sinabi ni Raven na ang pinaghihinalaan nila na pumapatay ay si Gela!" Paliwanag nya

"Ano?" Tanong ko na medyo kinakabahan na

"Seryoso ka ba?" Medyo nanginginig kong tanong

"Oo seryoso ako" sabi nya

Hanggang sa lalo akong kinabahan ng marinig si Gela na paakyat na nang hagdanan.

Spirit Of The Glass 2Where stories live. Discover now