Part 20

1.1K 30 7
                                    

Claire's POV

Nagulat kami ng makitang si May ang nasa likod namin. Bigla akong kinutuban na maaaring sya na nga ang susunod na mamamatay. Ngunit bakit kaya nakikita namin ang doppelganger ng isa't isa. May tumutulong kaya sa amin at nagbibigay ng babala?

Nang biglang tumakbo si May papalabas ng bus at nagsisisigaw ng Para. Ay agad akong sumunod at lumabas din. Hanggang sa nagulat nalang ako ng makitang may paparating na truck at mabubunggo si May. Bigla ko syang hinatak para di sya mabunggo. Pero kahit na nahatak ko sya ay medyo nahagip parin sya. Kaya nagpagulong gulong sya.

"May!!!" Gulat kong sigaw

Buti nalang ay di sya natamaan ng gulong ng truck. Tumakbo agad ako papalapit sa kanya at ganun din naman si Alonds.

"Tulong!! Tulungan nyo kami!" Sigaw namin ni Alonds

Ginigising namin si May pero wala syang malay. Tumama ang ulo nya sa sahig pero buti nalang ay buhay pa sya. Agad naman kaming tinulungan nung isang kotse na nakakita at hinatid sa ospital si May. Pagdating sa ospital ay dinala agad namin sya sa emergency room. At ilang saglit lang ay umalis na rin yung driver na naghatid sa amin

"Salamat po" pagpapasalamat namin ni Alonds

Tapos ay naisipan ko na sabihin sa mga kaklase namin na nailigtas namin si May.

"Alonds, sabihin mo sa mga kaklase natin ang nangyari. Di ko dala phone ko eh" sabi ko

"Sige" sagot nya

Pero bigla syang napahawak sa bulsa nya at napahalungkat sa bag na parang may nawawala

"Hala! Naiwan ko yata sa bus yung phone ko" biglang sabi nya

"Hayaan mo na. Bukas nalang natin sabihin sa mga kaklase natin" sabi ko

Gwynel's POV

Last day na ng pasukan. Maaga kaming pumasok nina Marc at Daniel. Pero pagkarating namin ay parang may pinaguusapan silang seryoso. Tapos ay nakita ko si Claire at Alonds pero di ko makita si May.

"May nangyari daw kay May" biglang sabi ni Nica sa amin

"Ha?! Anong nangyari?!" Gulat kong tanong

"Nahagip daw sya ng truck" malungkot na sagot nya

"Pero buti nalang ay medyo naiwas sya ni Claire" natutuwang sabi ni Alonds

"Asan na si May ngayon?" Pagaalala ko

"Nakaconfine sya sa ospital, kailangan daw muna nyang magpahinga sabi ng doctor" paliwanag ni Claire

At maya maya pa ay sinabi nilang babalik na sila sa ospital

"Di na kayo mageexam?" Tanong ni Charlene

"Hindi na. Nagaalala kami kay May eh" sabi ni Alonds

"Mamaya susunod din kami sa ospital" sabi ko

"Susunod tayo?" Tanong ni Marc sa akin na tila nagtataka

"Oo susunod tayo" sagot ko

"Ikaw ha, napaghahalataang concern ka kay May" hirit ni Daniel

"Oo nga, sya na ba talaga ang gusto mo at hindi na si Juds?" Dagdag ni Marc

"Hoy bat nadamay na naman ako dyan" sabi ni Juds na narinig pala kami

"Nagaalala lang naman ako syempre kasi kaklase natin sya" pagpapalusot ko

Sa totoo lang ay parang may iba na kong nararamdaman kay May. Medyo nagkakagusto na ko sa kanya. Pero may gusto parin naman ako kay Juds. Ayokong may mangyaring masama sa kanila.
At maya maya pa ay umalis na nga sila Alonds at Claire at nagexam na kami. Nang matapos na ang lahat ng exam ay inaya ko na agad si Daniel at Marc

Spirit Of The Glass 2Where stories live. Discover now