Part 2

2.1K 54 2
                                    

Jane's POV

Hi ako nga pala si Jane, patapos na ng grade 11. Ako ang nagiisang kapatid ni Kuya Renz. Sobra kaming close dahil nga kami nalang ang magkaramay dahil madalas nasa ibang bansa ang mga magulang namin. Kaya nung nagcondo si Kuya ay nalungkot ako dahil kinailangan namin magkahiwalay. Lalo akong mas naging independent. Nanonood ako ng tv ng biglang may nagdoorbell. Kaya agad akong lumapit sa pinto at binuksan ito. At labis akong natuwa ng makitang ito ay si Kuya Renz.

"Kuya" natuwang sigaw ko.

Agad ko syang niyakap at niyakap nya rin naman ako. Pagkatapos ay kumalas na ako

"Anong ginagawa mo dito kuya?" Pagtataka ko

"Dito na ko ulit titira. Pwede ba?" Tanong ko sa kanya

"Ano ka ba kuya! Bahay natin to. Syempre pwede" sagot ko sa kanya sabay pumasok na kami sa loob ng bahay. Pagkatapos ay naupo sa sofa

"Kamusta ka na kuya?" Tanong ko

At biglang lumungkot ang mukha nya. Pero ang sinagot nya ay okay lang sya. Parang may ayaw sabihin itong si kuya. Pero di ko na sya ulit tinanong pa.

"Buti nandyan pa yung kotse nila papa sa labas" pagiba nya ng usapan

"Syempre kuya, alam mo namang wala pa akong student license. Di naman umuuwi sila mama at papa. Kaya ikaw lang ang makakapagmaneho nyan, tutal ay may student license ka na" sabi ko sa kanya

Ayaw nila mama pagamit ang kotse kay Kuya pero di nila alam na ginagamit ito ni Kuya minsan.

"Ikaw, kamusta ka na? Sino sino na mga kaibigan mo?" Tanong nya

"Sila sila parin kuya, yung mga kaklase ko." Sagot ko

Kilala ko ang iba sa mga kaklase ni Kuya, lalo na ang mga madalas nyang kasama

"Ikaw? May bago ka na bang mga friends kuya?" Tanong ko

Tapos ay biglang naging seryoso ang itsura nya

"May dapat kang malaman Jane" sabi nya

"Patay na sila" malungkot na sabi nya

At bigla syang umiyak

"Ano??? Nagbibiro ka ba kuya?" Gulat na tanong ko sa kanya

"Hindi ako nagbibiro. Tatlo na lamang kami nila Martela at Allyssa ang buhay" sagot nya

Bigla ako lumapit sa kanya at pinapatahan sya

"Pero anong nangyari kuya?" Tanong ko

"Di na mahalaga yun. Wag mo nang alamin kung anong nangyari" sabi nya

Gusto ko pa sanang alamin ang nagyari. Pero di na ko nagtanong pa at maya maya ay tumigil na sya sa pagiiyak.

Martela's POV

Nagpaalam ako kay Daddy na aalis na muna ako upang bisitahin si Allyssa sa ospital. Pumayag naman sya kaya umalis narin agad ako. Sana ay may pagasa pang makalakad si Allyssa. Dahil masakit isipin kung sakaling hindi na sya makakalakad. Kung ako ang nasa posisyon nya ay di ko siguro ito kakayanin. Pagkarating ko sa ospital ay dumaretsyo agad ako sa kwarto kung san sya nakaconfine. At saktong paalis na sila nung nadatnan ko. Nakaupo na si Allyssa sa may wheelchair.

"Hello po tita" pagbati ko sa mommy ni Allyssa

At nginitian naman ako ng mommy nya

"Martela, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Allyssa

"Ano pa ba? Edi binibisita ka" sagot ko

"Kamusta ka na? Ano balita?" Tanong ko

Pero tila naging malungkot ang kanyang itsura

"Wala na daw pagasa eh" sagot nya

Kaya pati ako ay nalungkot ng malamang hindi na sya makakalakad. Kakarating ko lang sa ospital pero paalis na rin sila kaya't sabay sabay na kaming lumabas ng ospital, tutal ay si Allyssa lang naman ang pinunta ko sa ospital at wala ng iba. Nang makasakay na sila ng taxi ay umuwi na rin agad ako sa amin. Pero paguwi ko sa bahay ay nagulat ako ng ang sumalubong sa akin ay ang pinsan kong si Colai.

Colai's POV

"Hi ate" pagbati ko kay Ate Martela pagkauwi nya

Ate ang tawag ko sa kanya dahil mas matanda sya sa akin ng 2 years.

Madalas kaming magaway ni ate Martela, sinasabihan nya kong maarte kaya lagi ko syang iniinis, dahil di naman ako totoong maarte. Pero ngayon ay nandito ako hindi upang makipaginisan sa kanya, kundi para damayan sya sa problema nya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya

"Pinapunta kasi ako dito ni Tito, sabi nya dito daw muna ako para hindi ka malungkot." Paliwanag ko

"Condolence nga po pala" malungkot na sabi ko

"Sinabi sayo ni Daddy ang nangyari?" Gulat na tanong nya

"Anong nangyari? Na namatay ang mommy mo? Sinabi nya sakin kahapon, pero ngayon lang ako nakapunta" sagot ko

"Ah wala wala" biglang sabi nya

"Bakit ano bang nangyari ate?" Tanong ko

Pero parang nainis lang sya nung nagtanong ako.

"Wag mo nalang itanong pls" sabi nya

"Akyat na ako" dagdag nya pagkatapos ay umakyat na sya sa kwarto nya. Alam kong malungkot parin si Ate kaya hinayaan ko nalang muna sya. At ako naman ay pumunta narin sa kwarto kung saan ako matutulog.

Renz POV

Sinabi ko na kay Jane na namatay na ang iba sa mga kaklase ko. Pero ayoko nang sabihin sa kanya kung ano ang nangyari. Dahil di na mahalaga yun. Ayokong sabihin sa kanya na dahil ito sa spirit of the glass. Baka mamaya, dahil sa kuryosidad ay itry nya to minsan kasama ang mga kaklase nya.

Pagkatapos ay naghanda na si Jane ng makakain namin dahil mag gagabi na. Tapos ay umakyat na kami sa kanya kanyang kwarto.
Tatlo ang kwarto namin sa bahay. Tig isa kami ni Jane at yung isa naman ay sa magulang namin. Pero matagal na nila itong hindi nagagamit. Kinabukasan ay nagising ako ng madaling araw dahil may narinig akong tumutunog. Kaya lumabas ako ng kwarto ko, at saktong nakita ko si Jane na nakauniform. At pababa ng hagdan, pero bago sya makababa ay nakita nya ako

"O kuya, nagising ba kita?" Tanong nya

"San ka punta?" Kahit na alam kong nakauniform sya ay tinanong ko parin sya kung san sya pupunta

"Sa skul, may pasok ako kuya" sagot nya

"Ah sige, ingat" sabi ko

"Sige kuya, tulog ka na ulit" sagot nya

At bumaba na nga sya ng hagdan at tuluyan ng umalis para pumasok sa skul.

Spirit Of The Glass 2Where stories live. Discover now