Part 26

540 12 0
                                    

Juds' POV

Ngayon na nacremate na si Larah, at kahit totoo man na tahimik na sya. Ayoko parin magstay dito. Gusto ko nang umuwi sa probinsya namin sa bulacan. Doon ay tahimik akong mabubuhay magisa.

"Guys aalis na ko. Uuwi na ko ng san ildefonso, bulacan" pagpapaalam ko sa kanila

"Bakit? Hindi mo naman na kailangan lumayo" sabi ni John

"Oo nga, Tsaka hindi na tayo gagambalain pa ni Larah"  pagsang ayon ni Col

"Kahit na ba tahimik na ang kaluluwa nya, gusto ko na munang magisip-isip at pumunta sa probinsya namin" pagkontra ko sa kanila

"Kung yan ang desisyon mo, di ka namin mapipigilan" sabi ni Adriane

"Basta make ingat always ha" dagdag ni Janine

"Minsan talaga..." di pa tapos si Ciel ay sumingit na agad si Nica

"Ano yan? Hugot na naman ba yan?" Pangloloko ni Nica

"Hindi ah! Ang sasabihin ko lang naman, ay minsan talaga magandang ipahinga natin ang utak natin sa kakaisip ng problema." Paliwanag ni Ciel

"Pero teka, yun parin ba yung bahay nyo sa bulacan?" Pagtataka nya

"Naka punta ka na kaila Juds?" Pagtataka ni Alfonso

"Oo, dalawang beses na" sagot nya

"Oo dun padin bahay namin" sagot ni Juds kay Ciel

"Eh mas nakakatakot dun eh! Probinsyang probinsya. Puro puno tsaka layo layo bahay" pagtutol ni Ciel

Oo puro puno dun at malayo ang bahay sa isat isa. Pero di naman nakakatakot. Sanayan lang.

"Atleast doon tahimik, mapayapa akong mabubuhay mag-isa" sagot ko sa kanya

"Basta ingat ka dun Juds, tutal alam naman ni Ciel kung san yun, pwede ka ba namin dalawin minsan?" Tanong ni John sakin

"Oo naman, anytime" sagot ko sa kanya

Tapos ay niyakap ko na sila at nagpaalam na. Nagtaxi na ko papunta sa bus station para mas mabilis ako makarating dun.

Habang nasa byahe ay nagulat ako sa sinabi nung taxi driver.

"Mam, sino po yung katabi nyo?" Nanginig ako sa takot dahil sa sinabi ni Kuya

"P...po??" Takot na takot kong sabi. Pinagpapawisan na ko kahit may aircon.

Dahan dahan akong lumingon sa gilid ko. Pero wala naman akong nakita.

"Joke lang mam, hehe masyado kayong matatakutin" Biglang banat ni Kuya

"Hay nako kuya! Ewan ko sayo, wala kang dagdag sakin" inis na sabi ko sa kanya at nagawa ko pa syang hampasin dahil sa niyerbos ko

Akala ko naman di parin natatahimik yung kaluluwa nung nagambala namin. Pagkarating sa bus station ay puno na yung nadatnan ko. Kaya inantay ko muna yung susunod na bus.

Pero habang nagaantay ako ay parang may naririnig akong bumubulong. Dahil dito ay kinilabutan na naman ako. Hanggang sa napasigaw nalang ako ng biglang may humawak sakin. Nagtinginan lahat ng tao sakin at nung pangtingin ko sa humawak sakin ay bata lang pala ito.

"Teh, pengeng barya. Pangkain lang teh"

Hay nako aatakehin ako sa puso. Binigyan ko nalang sya ng sampung piso. At nung dumating na yung kasunod na bus ay sumakay na agad ako

Colai's POV

Gabi na ng magtext ulit sa akin si Kenneth. Sinabi nyang okay na daw at napacremate na si Larah. Napangiti ako at nakahinga ng maluwag habang binabasa to dahil good news ito. Sa wakas ay matatahimik na ang kaluluwa nya.

Spirit Of The Glass 2Where stories live. Discover now