Part 55

322 7 0
                                    


Gwynel's POV

Sa wakas ay malapit na namin matapos tong gulong nangyayari samin. Kaya binibilisan nalang talaga namin ni Kenneth yung paghuhukay.

"Gano ba kalalim yung huhukayin natin?" Pagtataka ko at tumigil na muna sandali

"Basta yung magkakasya yung bangkay at siguradong matatabunan sya" sagot ni Kenneth at patuloy parin sa paghuhukay

"Ayan, di pa ba sya kasya dyan??" Pagtataka ko at tinitignan yung nahukay namin

Tapos ay tumigil na muna sandali si Kenneth para tignan yung nahukay

"Laliman pa natin ng konti, para siguradong di na makikita yung bangkay nya" sagot ni Kenneth

Kaya nagpatuloy na kami sa paghuhukay. Hanggang sa paglingon ko kung nasan sila May ay wala sila dun. Asan sila??

"Kenneth, wala sina May" pagaalala ko at lumingon lingon baka sakaling makita sila

"Andyan lang nun sila sa bahay" hinala ni Kenneth

"Hahanapin ko lang sila" pagaalalang sabi ko at aalis na dapat pero bigla nya akong pinigilan

"Mas masisigurado mo ang kaligtasan nila kung matatapos natin tong ginagawa natin" paliwanag nya

Kaya kahit na gusto kong puntahan si May, eh di ko na nagawa. Dahil tama nga si Kenneth. Kailangan na naming matapos to

Pero ilang saglit lang ay nakarinig kami bigla ng mga sigaw

"MAY!!!!" Sigaw ko sa pagaalala at maya maya pa ay tumakbo na sila galing sa bahay at may kasama pa sila. Si COL!!!

Pero bakit si Col lang ang kasama nila?? Nasan yung iba??

"Andyan na si Jane!! Papatayin nya tayo!!" Takot na takot na sabi ni May at napayakap sakin ng lumapit ako sa kanya

"Si Jane?? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko

Tapos ay pinaliwanag ni Col yung nangyari.

"Lumipat si Maria sa katawan ni Jane! Pinatay nya sina Juds" paliwanag ni Col

At pagtingin ko kay Kenneth ay napatigil sya sa ginagawa nya at talagang nagulat sa sinabi ni Col

"Hindi totoo yan......" di makapaniwalang sabi ni Kenneth

"Totoo ang sinasabi ko, yun ang dahilan kaya nagiba ang kinikilos nya mula nung namatay si Raven!" Paliwanag ni Col

At dahil dito ay napayuko nalang si Kenneth

"Pwede na to, ilagay na natin yung bangkay ni Maria" sabi ni Kenneth

At lumapit ako sa kanya para tulungan syang makaahon mula sa lupa.

Tapos ay ilalagay na dapat namin yung bangkay ni Maria, pero napatigil kami nung makita namin si Jane na papalabas ng bahay at nakatingin sa aming lahat.

May's POV

"Je...Jane...." bigkas ko nung nakita sya sa may pinto

Lapnos yung mukha nya at ang sama ng tingin nya. Talagang galit na galit yung mukha nya.

Napaatras nalang kaming tatlo papalayo kay Jane dahil nakakatakot yung tingin nya.

Tapos ay napatingin ako sa kamay nya dahil meron syang hawak hawak. Meron syang hawak na ice pick!! Pero san nya nakuha yun??

"Jane!! Maria!! O kung sino ka man!! tumigil ka na!" Sigaw ni Charlene

Tapos ay narinig ko si Kenneth na nagsimulang magdasal ng "Our Father" at nakita ko syang winiwisikan pa ng holy water yung bangkay ni Maria

Spirit Of The Glass 2Where stories live. Discover now