Part 22

737 21 0
                                    

Jud's POV

Di ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Colai ay wala sa sarili nya at nakakatakot ang boses nya

"Wala kayong matatakbuhan"

"Wala kayong matatakbuhan"

Paulit ulit na sabi nya

"Umalis ka sa katawan ni Colai" utos ni John

"Mamamatay kayong lahat" sabi nya

Sobrang nakakatakot ang itsura nya, nanlalaki ang mga mata nya at tinitignan nya kami sa mata.

"Anong kailangan naming gawin para matahamik na ang kaluluwa mo?" Tanong ni John

"Mamamatay kayong lahat"

"Mamamatay kayong lahat"

Patuloy na sabi nya at nagpapatay sindi parin ang mga ilaw.

"Patawarin mo kami kung nagambala ka namin, sana matahamik na ang kaluluwa mo" sabi ni John pagkatapos ay ginalaw namin yung glass at tinapat ito sa Goodbye

"Papatayin nya kayong lahat" tapos ay nagulat nalang kami ng bigla syang mahimatay

Tapos ay tumigil na sa pagpatay sindi ang mga ilaw at bumitaw na kaming lahat sa glass para lapitin si Colai.

"Tama ba yung narinig ko na sinabi nya?" Tanong ni Justin

"Sino yung tinutukoy nya na papatay sa ating lahat?" Pagtataka ni Carl

"Yun din ang pinagtataka ko" sabi ni Charlene

"Ibig sabihin ba di parin tapos to?" Takot kong tanong

Hanggang sa biglang nagising na si Colai

"Anong nangyari?" Tanong nya at bakas sa mukha nya ang pagtataka

"Sinapian ka ni Larah" sagot ni Col

At nagulat si Colai dahil sa nalaman nya

"Pero teka lang, asan sila Jane?" Muling tanong nya

"Tumakbo sya papalabas nung sinapian ka, pero sinundan naman agad sya nila Kenneth, Raven at Bob" sagot ni John

"Kailangan na natin sila hanapin" sabi ko

Kaya naman niligpit na ni John yung ouija board at lumabas na kami ng room para hanapin sila.

Kenneth's POV

Yung pinto papunta sa baba ay may lock din, pero nagawa ko rin naman itong buksan. Pagbukas ko nito ay lalong umalingasaw ang amoy. Napakabaho ng amoy na para bang may nabubulok.

"Ang baho, umalis na tayo dito" pagpupumilit ni Jane habang nakatakip ang kanyang kamay sa ilong at bibig

Lahat kami ay nakatakip na rin ang ilong pero amoy parin namin ang masangsang na amoy. Nang sinubukan kong sumilip sa baba ay wala kong makita dahil madilim. Kaya nilabas ko ang phone ko at ginamit para magsilbing ilaw

"Wag mo sabihing bababa ka dyan" wika ni Bob

"Kailangan nating malaman kung saan nagmumula ang amoy na yun" sabi ko

"Bakit kailangan mo pang alamin?" Tanong ni Raven

"Oo nga, bakit ba?" Pagsangayon ni Jane

"Dahil kakaiba ang amoy na naaamoy nyo. Na para bang mula ito sa nabubulok na bangkay." Paliwanag ko

"So ibig sabihin may bangkay dyan?" takot na tanong ni Jane

"Yun ang ating aalamin" sagot ko

"Bakit pa? Pwede naman tayong humingi nalang tulong kung sakaling totoo nga yang sinasabi mo" patuloy na pagangal ni Jane

Spirit Of The Glass 2On viuen les histories. Descobreix ara