Part 11

1.2K 36 17
                                    

Col's POV

Lahat kami ay nabigla sa mga pangyayari. Lalo na nung sinabi ni Charlene na nakausap nya pa si Ma'am. Sino kaya yung nakausap nya kung talagang hindi pumasok si Ma'am? Nakakatakot isipin ang mga nangyari. Kamamatay lang nung guard pagkatapos ngayon ay si Ma'am naman. Bakit ngayon pa namatay si Ma'am kung kailan isang linggo nalang matatapos na ang klase namin.

"Nakakalungkot naman" sabi ni Justin

At nakita kong lahat kami ay naapektuhan sa nangyari kay Ma'am. Sina Gwynel, Marc at Allein na palaging nangaasar at nangungulit sa klase ay ngayo'y nakatahimik lamang at walang imik. Ako naman ay napapaisip kung dahil ba ito sa ginawa naming spirit of the glass.

"Paano kung may kinalaman nga yung pagspirit of the glass natin sa nangyayari?" Tanong ni Colai sa akin

Pati pala si Colai ay napapaisip kung may kinalaman ba ang spirit of the glass sa nangyayari

"Ha? Nagspirit of the glass kayo?" Gulat na tanong ni Nica

Narinig nya pala yung tanong ni Colai

"Ano Nica? Sino nagspirit of the glass?" Tanong rin ni Aud at nagtinginan na silang lahat

"Nagspirit of the glass kami kagabi" sabi ko at nagulat sila

"Saan kayo nagspirit of the glass?" Tanong ni Adriane

"Sa may classroom" sagot ni Raven

"Pero bakit mo naman naisip na may kinalaman yun sa nangyari?" Tanong ni Angelo kay Colai

"Oo nga, tsaka di naman kasali yung guard tsaka si Ma'am diba?" sabi ni Carl

"Hindi ko rin alam. Naisip ko lang naman na pano kung may kinalaman nga yun" sambit ni Colai

Pero coincidence nga lang ba talaga ang mga nangyayari?

"We all know na may sakit talaga sa puso si Ma'am" sabi ni Janine

"At alam din nating nagpakamatay yung guard" dagdag ni Gela

"Pero sigurado ka ba talaga na nagpakamatay yung guard?" Tanong ni Adriane

"Ako ang unang nakakita sa guard. At walang ibang pwedeng bumaril sa kanya kundi sarili nya" paliwanag ni Gela

"Paano kung yung multo yun sa spirit of the glass?" Takot na sabi ni Alfonso

"Alam nyo, wag kasi kayo nagpapaniwala sa mga multo" sabi ni Carlos

"Di mo kasi nakita yung nangyari kagabi" sagot ni Alfonso

"Bakit? Ano ba nangyari kagabi?" Tanong ni Nica

"May nakita ba kayong multo?" Tanong din ni Adriane

"Wala, pero totoong gumalaw yung glass" paliwanag ni Alfonso

"Tsaka may natawag talaga kaming ispirito" pagsangayon ni Juds

"Hindi ako naniniwala" sabi ni Carlos

"Ako rin" pagsangayon ni Ciel

"Mahirap nang basta basta maniwala, dahil alam kong sa bandang huli ay ako lang din ang masasaktan" dagdag ni Ciel

"Ciel ano ba yan! Hindi ito ang tamang panahon para sa mga hugot mo" pagsita ni Jane

"Sorry na, pinapatawa ko lang naman kayo, dahil masyado kayong seryoso sa mga multo multo na yan" paliwanag nya

"Baka naman gawa gawa lang yan ni Juds na may natawag silang ispirito" biglang sabi ni May at nakatingin pa kay Juds

"Wag kang mag-alala, di ako gumagawa ng kwento katulad mo!" Sagot ni Juds

Spirit Of The Glass 2Where stories live. Discover now