Part 6

1.2K 41 3
                                    

Martela's POV

Magisa lang ako ngayon sa bahay dahil pumasok sa skul si Colai, at si Daddy naman ay may pinuntahan. Maya maya pa ay biglang nagtext si Colai. At bigla nalang tumulo ang luha ko ng makita ang text nya. Sinabi nyang may nangyaring aksidente sa kaklase nyang si Jane at patay na ang kuya nyang si Renz. Alam ni Colai na magkaklase kami ni Renz dati. Di ko alam ang gagawin ko ng malamang patay na si Renz.

Ang una kong naisip ay nagsisimula na naman bang muli si Kylie sa pagpapatay sa amin? Kaya agad kong tinext si Allyssa at nagmaneho na ko papunta sa bahay nya. Pagdating ko dun ay naiyak sya ng makita ako. Kaya niyakap ko na lamang sya.

"Hindi parin ba natatahimik ang kaluluwa ni Kylie?" Tanong nya

"Hindi ko rin alam" sagot ko

Nung sinabi ko kay Allyssa na pupunta ko sa ospital ay sinabi nyang sasama sya. Pumayag naman ang mommy nya at nagtulong kami para maakyat si Allyssa sa kotse pati narin ang wheelchair nya. Pagkarating sa ospital ay nagpatulong naman ako sa guard para kay Allyssa. At umakyat na kami gamit ang elevator papunta sa room kung saan nakaconfine si Jane.

"Ate Martela? Ate Allyssa?" Pagtawag nya samin at bumuhos na ang luha nya

Kilala nya ang ilan saming mga kaibigan ni Renz dahil sa sobrang close nilang magkapatid. At minsan ay sumasama sya kung may lakad kami.

At lumapit agad ako sa kanya upang yakapin sya. Pero hindi ko napigilan at napaluha na rin ako.

"Anong nangyari Jane?" Tanong ko sa kanya

"Nagtatalo kasi kami sa kotse, nang biglang may tumawid na bata. Iniiwas agad ni kuya yung kotse at tumama kami sa may poste" paliwanag ni Jane habang patuloy na umiiyak

"Hanggang sa pagtingin ko sa kanya ay nakita kong patay na sya" humahagulgol na sabi ni Jane

Di ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Kaya lalo ko nalang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya at pilit syang pinapatahan.

Justin's POV

Nang matapos na ang aming klase ay nagusap usap kami tungkol sa kung sino sino ang sasama sa pagbisita sa ospital kay Allyssa. Sinabi na ni Ma'am kung saang ospital at kwarto sya nakaconfine.

"Sino sino ba tayong mga pupunta?" Tanong ni Charlene

"Tayo tayo nila Adriane, Janine, Colai, Aud, Carl at Juds" sagot ko sa kanya

"Sama rin kami ni Col" sabi ni John

"Oo nga, tapos ghost hunting tayo dun" nakangiting sabi ni Col

"Oy anong ghost hunting? Pupunta tayo dun para bisitahin si Jane" pagkontra ni Charlene kay Col

"Syempre joke lang. Eto hindi mabiro" sabi ni Col na nagpipigil ng tawa

"I'm sure, Jane will be happy if kasama natin yung person na gusto nya" biglang sabi ni Janine

"Eh sino ba gusto nya?" Tanong ni Aud

"Kaya lang, she's just like May, yung gusto nila, has a crush sa iba" sabi ni Janine

"Woah, so sino ba ang gusto ni Jane?" Tanong ni Juds

"Edi yung may crush kay Raven" sagot ni Janine

"Si Bob?" Pagtataka ni Carl

"Eh sino pa ba, sya lang naman ang may gusto kay Raven. Unless, may iba pang lihim na nagkakagusto sa kanya" sabi ni Colai

"Alam nyo tara na, alis na tayo" pagyaya ni Charlene

Kaya naman sama sama kaming sampu at umalis na para pumunta sa ospital. Medyo nahirapan nga lang kaming sumakay ng jeep dahil halos lahat ay puno, at ayaw naman naming maghiwahiwalay. Pero makalipas ang ilang minuto ay nakasakay rin naman kami at nakarating sa ospital. At dumaretsyo na agad kami sa kwarto kung san nakaconfine si Jane. At pagdating namin dun ay may dalawang babaeng bisita si Jane, yung isa ay nakawheelchair.

"Ate Martela" pagtawag ni Colai sa isang babae

At nalaman naming mga kaibigan pala yun ng kuya ni Jane na sina Martela at Allyssa.

Pagkatapos ay lumapit na kami kay Jane. Nakatulala lang sya at parang kakagaling lang sa pagiyak. At nung kinausap namin sya ay nagsimula na namang tumulo ang luha nya. Kaya naman ay kinocomfort nalang namin sya. Pero di namin alam kung panong pagkokomfort ang gagawin namin sa kanya dahil nawala na ang kuya nya. Kinakausap namin sya pero hindi sya umiimik

"Buti nalang at ayus ka lang" sabi ni Aud

"Magpagaling ka Jane" sabi namin sa kanya

"Anong sabi nung doktor ate?" Tanong ni Colai sa ate nya.

Sa itsura nung dalawang babae ay parang kakagaling lang din nila sa pagiyak.

"Sabi nung doktor ay okay naman na si Jane, di daw ganun kalakas ang pagkakatama ng ulo nya sa salamin" sagot nya

"Kaya lang naman nagkasugat ang ulo ni Jane ay dahil nung nabasag yung salamin, tumama ito sa ulo nya" dagdag nya

Mga ilang oras kaming nandun sa ospital, at nung medyo gabi na ay napagpasyahan na naming umuwi.

Jane's POV

Makalipas ang ilang araw ay pinayagan na ko ng doktor na makalabas, at nagawa na rin naming maipacremate si Kuya. Nakakalungkot isipin na wala na sya. Ako ang nagdesisyon na ipacremate si Kuya dahil di ko na kakayanin pa kung makikita ko syang nasa kabaong. At ang isa pang dahilan ay para pakiramdam ko, kasama ko lang si Kuya sa bahay kung nandun ang abo nya. Dati ay nasanay na kong wala sya simula nung tumira na sya sa condo. Pero ngayon ay totoong wala na sya at kahit kailan ay hinding hindi na babalik pa.

Nandito rin si Ate Martela dahil sinabi nyang ihahatid nya na ako sa bahay. Marunong din naman magmaneho si Ate Martela. Di ako pumayag, pero nagpumilit sya para masiguradong ligtas ako, kaya wala na kong nagawa at sumama na sa kanya, at dala dala ko yung pinaglagyan ng abo ni Kuya. Habang nasa kotse kami ay yakap yakap ko ito at tumutulo na naman ang luha ko.

"Magiging ayus ka lang ba mag-isa Jane?" Tanong sakin ni Ate Martela

At bigla kong pinunasan ang luha ko

"Opo Ate Martela" sagot ko

"Gusto mo dun ka nalang muna sa bahay para may kasama ka? Nandun din si Colai" pagalok nya sakin

"Hindi na po. Kaya ko naman ang sarili ko" sabi ko nalang sa kanya.

At nang nakarating na kami sa bahay ay pumasok din si Ate Martela, pero ilang saglit lang ay umalis na rin agad sya.

"Salamat Ate" sabi ko sa kanya bago sya umalis

Habang nasa bahay na ko mag-isa ay nahanapan ko na ng pwesto kung san lalagay ang abo ni Kuya na nakalagay sa parang isang jar, mahigpit ang pagkakasara nito kaya siguradong hindi tatapon ang abo nya. Pero habang pinagmamasdan ko ito ay nagsimula na namang akong maiyak. Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko dahil namimiss ko na agad si Kuya. Di ko alam kung kaya ko pang mabuhay ngayong wala na sya.

Pero naalala ko ang sinabi nya dati bago nya ko iwanan sa bahay nung pumunta sya sa condo. Sinabi nyang lagi kong tatagan ang loob ko, at hindi habang buhay ay nasa tabi ko sya o ang mga magulang ko, kaya naman naisip ko na kakayanin ko ito para sa Kuya ko.

Spirit Of The Glass 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora