Part 31

573 17 0
                                    


Kenneth's POV

Pagbukas ni Col ng pinto ay si Gwynel at May pala ang nasa labas. At agad silang pumasok sa loob ng bahay.

"May, buti naman at ayos na ang lagay mo" sabi ni Charlene at napayakap pa sya kay May

Kahit na mataray si May sa ilang tao ay mas gusto naman naming makita syang okay na, kaysa nakahiga at walang malay.

"Nareceive ko yung text nyo, kaya dito agad kami dumaretsyo ni May" paliwanag ni Gwynel

"Pero asan sina Marc?" Pagtataka ko

"Wala na si Marc, patay na si Marc" mahinang bigkas ni Gwynel at napayuko nalang sya

"Pati si Claire! Wala na din sya!" Naiiyak na sabi ni May

"OMG" di makapaniwalang sabi ni Janine

At yung iba ay nakita kong napatakip pa ng bibig dahil sa di inaasahang balitang maririnig

"Kailangan malaman nyo rin na wala na si Adriane" malungkot na balita ni Nica

At napatingin lang sina Gwynel dahil rin sa gulat sa narinig.

"Pero bakit nangyayari to? Akala ko ba natapos na yang spirit of the glass na yan?!" Pagtataka ni Gwynel at medyo tumataas na ang boses nya

"Yan nga rin ang pinagtataka namin! Dahil ang alam namin ay tahimik na ang kaluluwa ni Larah!" Sagot ko sa kanya

"Guys may kailangan kayong malaman" sabi ni May at lahat kami ay napatingin sa kanya

"Hindi si Larah ang pumapatay" biglang sabi nya

Ha??? Ano daw? Hindi si Larah??

"Anong ibig mong sabihin??" naguguluhang tanong ni Colai

"Napanaginipan ko sya nun at binalaan nya ko na nanganganib ang buhay nating lahat! At sinabi nyang si Maria ang pumapatay!" Paliwanag ni May

Si Maria?! So ibig sabihin nga patay na rin si Maria.

"Pero hindi naman si Maria yung natawag namin sa spirit of the glass! Nagpakilala ito bilang si Larah!" Biglang singit ni Col

"Hindi naman porket sya lang ang nagpakilala eh sya na ang natawag nyo! Bakit?!! Nung una bang spirit of the glass nyo eh nakilala nyo kung sino yung ispirito? Eh diba hindi naman?" Sagot ni May at natahimik bigla si Col

At napagisip isip ko na may point yung sinasabi ni May.

"Sabagay, kasi ang pagkakaalam ko, kapag nagspirit of the glass tayo, kahit sinong kaluluwa ay maririnig tayo at maaari nating magambala. Hindi natin alam ang past na nangyari sa school na yun at kung ano talagang nangyari kay Larah at Maria!" Paliwanag ni John

"Parang nung tinawag natin ang kaluluwa ni Kuya Renz, pero iba pala ang natawag natin" malungkot na sabi ni Jane

"Oo nga tama! Kaya pala..." pagsangayon ni Carl

"Anong kaya pala? Pagtataka ni Justin

"Naalala ko na! Nung pangalawang beses tayong nagspirit of the glass. Nung sinapian si Colai ni Larah. Sinabi nya na "papatayin nya kayong lahat"." Paliwanag ni Carl

"May tinutukoy sya na mayrong papatay sa atin" dagdag nya

"So ibig sabihin si Maria ang tinutukoy nya na papatay sa atin?" Pagtataka ni Bob

"Parang ganun na nga" sagot ni Carl

So hindi parin tapos ang lahat ng to! Kung nagawa naming mapatahimik ang kaluluwa ni Larah ay kailangan din namin itong gawin kay Maria! Kailangan namin mahanap ang bangkay nya! Pero san namin mahahanap to?? Walang ibang makakasagot nito kundi ang principal!

Spirit Of The Glass 2Where stories live. Discover now