Part 8

1.1K 37 22
                                    

John's POV

"Ano? Game?" Tanong ko

"Game!" Sagot nya

Kaya naman ay pumunta na kami sa may kainan nila at nilapag sa lamesa ang ouija board na gagamitin natin.

"Sa tingin mo, totoo kaya to?" Tanong sakin ni Col

"Hindi ko rin alam eh" sagot ko sa kanya

"Kaya natin susubukan, para malaman natin kung totoo" sabi ko sa kanya

Tapos ay parehas na kaming nakahawak sa glass.

"Spirit of the..."

Nang biglang tumunog yung cellphone ni Col.

"Kala ko naman kung ano na" natatawang sabi ni Col

Tapos ay binasa nya muna yung text sa phone nya.

"Dito na kami sa labas" sabi sa text

"Hala, oo nga pala. Dito nga pala magstay mga pinsan ko ngayon" sabi ni Col

"O pano yan?" Tanong ko

"Sa susunod nalang natin to ituloy" sabi ni Col

"O sige sabi ko. Itago mo na muna to" sabi ko sa kanya

Tinago nya ito sa bag nya.
At pinapasok na ang mga pinsan nya. At ilang saglit lang ay umalis na rin ako sa bahay ni Col.

Jane's POV

Ilang araw na kong di pumapasok. Pero sabi ko sa sarili ko ay papasok na rin ako kinabukasan. Dahil di ko na kaya kung magiistay lang ako dito sa bahay palagi. Lalo na't wala na ang kuya ko. Palagi ko lang syang naiisip. Kaya mas makakabuti para sa akin kung pumasok na lang ako ng school. Doon ay may mga kaibigan ako at may makakausap. Kahit papano ay makakalimutan ko ang nangyari sa kuya ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagayos na agad ng mga dadalhin ko. Pagkatapos ay umalis na ko para pumasok sa skul. Pagkadating ko ay marami na silang nandun pati na rin si Bob. Nang makita nila ko ay niyakap agad nila ko at tinatanong kung okay na ba ako. Pero ang sagot ko lang naman sa kanila ay ayus na ako. Maya maya pa ay dumating na si Ma'am Angeline kasama si Charlene.

"Kamusta ka na Jane?" Tanong agad sakin ni Ma'am ng makita ako

"Ok naman na po" sagot ko

"Mabuti naman at pumasok ka na" sabi ni Ma'am

"Bakit walang pumasok ni isa sa inyo kahapon?" Tanong ni Charlene na medyo naiinis

"Si Charlene lang ang tanging pumasok sa seksyon nyo kahapon" sabi ni Ma'am

"Pero diba walang pasok kahapon?" Pagtataka ni Nica

"Oo nga" pagsangayon ni Nique

"Sinong may sabing walang pasok kahapon?" Tanong ni Charlene

"Ikaw" sagot ng marami

"Ako?" Gulat na tanong ni Charlene

"Kailan ko sinabi?" Pagtataka nya

"Nagtext ka kagabi. Sabi mo walang pasok" paliwanag ni Justin

"Pero pano ko magagawa yun, kung nawawala ang sim ng phone ko" sabi ni Charlene

"Pano naman mawawala ang sim mo?" Tanong ni Carl

"Yun nga rin ang pinagtataka ko eh. Di ko naman binubuksan yung phone ko at di ko naman tinatanggal yung sim" paliwanag nya

"Kanino mo ba huling pinahiram phone mo?" Tanong ni Kenneth

Tapos ay napaisip si Charlene.

"Ang humiram lang naman ng phone ko kahapon ay si Gwynel" sagot nya

At lahat kami ay napatingin kay Gwynel

"Siguro ikaw kumuha ng sim ko noh" paninisi ni Charlene kay Gwynel

"Oy hindi ah! Bat ko naman gagawin yun?" Pagtanggi nya

"Panigurado si Gwynel may pakana nyan" sabi ni Colai

"Oo nga" pagsangayon ng iba

"Guys, hindi tayo pwedeng basta basta manisi ng iba" pagsita ni Ma'am

Tinanggi ni Gwynel na sya ang kumuha ng sim card ni Charlene

"Sabi ng principal, dahil sa ginawa ng section nyo, ay mananatili kayo dito hanggang mamayang gabi at maglilinis kayo ng skul" paliwang ni Ma'am

Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Ma'am

"Ma'am di naman yata tama yan!" Biglang sabi ni Gela

"Wala na kayong magagawa pa" sabi ni Ma'am

"Wala kayong karapatan na gawin to sa amin!" Galit na sabi ni Gela

Di ako makapaniwalang sinasagot ni Gela ng ganyan si Ma'am. Sabagay, pala reklamo naman talaga sya kahit dati pa. Nagsimula lang syang tumahimik magmula nung naghiwalay sila ni Raistlin. Panigurado hanggang ngayon ay may gusto parin sya kay Raistlin.

"Pinagtataasan mo ba ko ng boses Gela?" Tanong ni Ma'am na medyo nagagalit na rin

Pero hindi na sumagot si Gela at tumahimik nalang

"Sa ayaw at sa gusto nyo, mananatili kayo dito hanggang mamayang gabi, at maglilinis kayo ng skul" sabi ni Ma'am pagkatapos ay lumabas na ng room.

Colai's POV

Ano ba naman yan! Maglilinis pa tuloy kami ng skul. Sino ba naman kasi ang nagsabi na walang pasok.
Pero wala na kaming magagawa dahil nangyari na.

Hanggang sa dumating na ang oras ng uwian. Nagsipagalisan na ang mga estudyante at pati ang mga teachers. Ang naiwan nalang ay ang section namin pati si Ma'am Angeline. Pati syempre yung guard na nagbabantay sa gate ng school.

Pagkatapos ay naghiwahiwalay na kami para mas mapabilis ang paglilinis na gagawin namin. Sa sobrang kagustuhan ko nang umalis ay tinext ko si Ate Martela

"Ate sunduin mo ko dito pls, ayaw pa kasi kami pauwiin" txt ko sa kanya

Maya maya pa ay nagreply sya

"Ayoko nga" sagot nya

"Sige na pls Ate" muli kong text sa kanya

"Pagiisipan ko" reply nya sakin

Aist! Wala talaga kong mapapala dito kay Ate!

Ilang oras nang nakakalipas at nasa skul parin kami. Naisipan ko na bumalik sa classroom at nakita ko na madami sa mga kaklase ko ang nandun. Nandito sina John, Col, Raven, Juds, Bob, Jane, Alfonso at Janine.

"Bakit nandito kayo?" Pagtataka ko

"I dont know sa kanila" sagot ni Janine

"Anong I dont know, eh kanina ka pa nga nandito" sabi ni Raven

"So ano ngang ginagawa nyo dito?" Tanong kong muli

"Eto kasing si Col, niyayaya kami" sabi ni Juds

"Niyayaya saan?" Tanong ko

"Magspirit of the glass" sabi ni Bob

"Ano? Seryoso kayo?" Gulat na tanong ko

"Ewan ko dito sa mga to" sabi ni Alfonso

"Ano Colai? Sasali ka ba?" Tanong sakin ni John

At lahat sila ay nakatingin sakin at inaantay ang sagot ko

"Uhhh... Sige tara.. sali ako" sabi ko sa kanila

Kaya inusog na namin yung mga upuan at nagpabilog na sa sahig upang simulan na ang SPIRIT OF THE GLASS.

Spirit Of The Glass 2Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ