Part 25

565 16 2
                                    


Col's POV

"AUUUUUUUUUUDDDD!!!"

Lahat kami ay napasigaw ng makitang mabubunggo si Aud. Napalingon si Aud at nakitang may paparating nga na kotse. Buti nalang ay nakaiwas sya at naiwasan din ng nagmamaneho ng kotse si Aud.

Pero sa kabila pala ay may paprating na bus. Dahil sa pagiwas ni Aud sa kotse ay di nya nakitang may bus na paparating sa kabila. Nagawa nya ngang umiwas sa kotse pero tuluyan na syang nabunggo ng bus.

Halos maiyak at masuka nalang kami sa nangyari nang makitang nadurog pa ang ulo ni Aud dahil nadaanan pa ito ng gulong ng bus. Hindi tumigil yung bus at binilisan pa nito ang pagpapatakbo nito. Kaya agad namang umalis yung mga pulis upang sundan yung bus na nakabunggo kay Aud.

"Kailangan na nating umalis dito" umiiyak na sabi ni Juds

"Gusto mong iwan nalang natin si Aud?!" Tanong ko sa kanya

"Wala na tayong maitutulong pa dito. Patay na sya! Tayo lang din ang tatanungin ng mga pulis at hindi naman sila maniniwala sa mga sasabihin natin!" Paliwanag ni Adriane

Kaya kahit na ayoko pang umalis ay umalis na kami. Dahil baka tanungin na naman kaming muli ng mga pulis.

"Sorry Aud" tanging nasabi ko bago kami tuluyang umalis.

"San tayo pupunta?" Pagtataka ni Adriane

"Kailangan nating pumunta sa kung nasan sina Raven" sagot ni John

Sumangayon naman lahat at pumunta na kami dun. Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa may morgue kung nasan yung bangkay na nakita sa skul. At nakita ko naman sila nagaabang sa labas at may kausap na mga tao.

Pero sino kaya yung mga yun?

"Guys" pagtawag namin sa kanila kaya naman ay napalingon sila.

Lumapit samin sina Jane at Bob habang si Kenneth at Raven naman ay kausap yung mga taong nandun

"Sino yung kausap nila" pagtataka ni Nica

"Sila yung mga magulang nung bangkay na nakita sa skul" sagot ni Jane

"Natukoy na kung sino yung bangkay at si Larah nga ito" sabi ni Bob

Kaya napatingin ako sa mga kasama ko dahil sa wakas ay may pagasang matapos na namin ito.

"Ano nang need natin to do?" Pagconyong tanong ni Janine

"Kailangan nating intayin na mailibing o kaya macremate si Larah. Tsaka syempre kailangan mabasbasan sya" sagot ni Bob

At maya maya pa ay lumapit na rin sa amin sina Raven at Kenneth

"O guys kamusta?" Pagaalala ni Raven

"Nasan yung iba?" Pagtataka ni Kenneth

Di ko alam kung sino sa amin ang magsasalita tungkol sa nangyari kay Angelo at Aud, pero nanatili lang akong tahimik dahil ayokong sakin nila marinig ang masamang balita

"Wala na sina Angelo at Aud"

Buti nalang ay may nagsalita din sa amin at si Nica yun. Nabahala sila Kenneth dahil sa narinig.

"Alam na ba ito nila Colai?" Pagtataka ni Kenneth

"Hindi pa namin nasasabi sa kanila" malungkot na sagot ni Ciel

"Sige ako na magsasabi sa kanila" sabi ni Kenneth

"Basta pagkatapos na pagkatapos nito, uuwi na ko sa probinsya namin" biglang sabi ni Juds na panigurado ay takot na takot na

Spirit Of The Glass 2Where stories live. Discover now