Part 17

1K 34 1
                                    

Angelo's POV

Pagkabalik namin sa kotse ay nakita agad namin si Janine at Nica pero wala naman doon sa Nique.

"Asan si Nique?" Pagtataka ko

"Di ba kayo ang magkakasama kanina" sagot ni Nica

"Nakita ko kasi sya kanina na pabalik na dito" paliwanag ni Justin

"Pero di pa naman sya bumabalik dito" sabi ni Nica

"Tignan kaya natin sa cr ng girls" pagaya ko

"Sumama kayo,dahil di naman kami pwedeng pumasok dun" dagdag ko

"Let's go na dali" sagot ni Janine

Kaya naman bumalik na agad kami sa may banyo. At naiwan kami ni Justin sa labas. Hanggang sa nagulat nalang kami nang marinig na sumisigaw sina Janine at Nica. Kaya tumakbo din agad kami papasok. At lalo kaming nagulat ng makita si Nique na nakahandusay sa sahig at patay na.

Bob's POV

Pagkagising ko ay tanghali na. Hindi nag alarm yung alarm clock ko sa phone. Late na ko. Pagtingin ko sa phone ko ay lowbat pala ito kaya di nagalarm. Iniisip ko tuloy kung papasok pa ba ko ngayong araw. Pero naisip ko na wala rin naman akong magagawa dito sa bahay. At naisip ko na maaabutan ko pa yung last subject ko. Kaya nagmadali akong kumilos para makapagayos at kumain muna ko. At maya maya pa ay pumunta na ko sa skul.

Pagpasok ko sa klasrum ay nandun na yung teacher namin para sa last subject na nagsubstitute kay Maam Angeline.

"Sir sorry po, late ako" sabi ko

Tapos ay sumenyas sya na maupo na ko kaya naman pumwesto na ko sa upuan ko.

"Kala ko di ka na talaga papasok eh" sabi ni Jane sa akin

"Ako lang ba yung wala mula kanina?" Tanong ko

"Sina Janine, Nique, Nica, Justin at Angelo wala din" sagot nya

"Sila yung mga natuloy sa swimming diba?" Tanong ko

"Oo, kaya siguro sila absent" sagot ni Jane

Tapos ay nakinig na kami si tinuturo ng teacher namin. Matapos magturo ay umalis na rin agad sya. At makalipas ang ilang minuto ay maguuwian narin dapat kami nang biglang dumating sina Nica, Janine, Angelo at Justin na hindi mga nakauniform. Pero bakit di nila kasama si Nique. Asan kaya sya?

Nica's POV

Pagkapasok namin sa room ay buti nalang at naabutan namin sila. Buti ay di pa sila umuuwi para masabi namin sa kanila ang nangyari.

"Asan si Nique?" Tanong ni Bob

Nagulat ako ng yan na agad ang tanungin sa amin.

"Bakit ngayon lang kayo dumating?" Tanong ni Charlene

"Guys may kailangan kayong malaman" sabi ko at lahat sila ay mga nakatingin lang at inaantay ang sasabihin ko

"Patay na si Nique!"

Gulat na gulat sila ng marinig ito sa akin. Pero yung iba ay walang mga reaksyon na para bang di naniniwala sa akin.

"Ano bang pinagsasabi mo? Wag ka ngang magbiro ng ganyan" sabi ni Jane

"Hindi kami nagbibiro! Totoo ang sinasabi namin" pagdepensa ko

"Pero anong nangyari?" Natatakot na tanong ni Alfonso

"Bakit sunod sunod na may namamatay?" Pagtataka ni Kenneth

"Nakita namin sya sa banyo na wala nang buhay" malungkot na sabi ko

Spirit Of The Glass 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon