Part 39

343 10 0
                                    


Col's POV

Buti naman ay natapos na rin ang pagsisisihan nila. Natahimik na si John at Kenneth sa kanilang pagsisigawan.

Past is past. Kaya kung ano man ang nangyari nun ay di na nila dapat pang magsisihan. Kasi pag nagaway away pa kami o nagkanya kanya ay lalo kaming mapapahamak.

Ngayong pakonti nalang kami ng pakonti ay kailangan namin ang isa't isa. Kailangan naming magtulungan.

"Wala tayong magagawa kung nandito lang tayo, kailangan nating mahanap kung nasan yung bangkay ni Maria!" Sabi ni Kenneth

Tama si Kenneth. Pero ang problema ay wala kaming sasakyan. At wala pa sina Gwynel dito. Tsaka di naman namin alam kung san hahanapin yung bangkay ni Maria!

"Pero paano tayo aalis dito?" Pagtataka ni Raven

"Tsaka di natin alam kung san hahanapin yung bangkay ni Maria!" Sagot rin ni John

"Pag dumating na sina Gwynel, kailangan na nating umalis agad dito" sagot ni Kenneth

"Ang problema lang, wala tayong kasiguraduhin kung darating nga sila dito" dagdag nya

"So stock na tayo dito?!!" Pagtataranta ni Jane

"Wala ba tayong ibang pepweding gawin?" Pagtataka ni Bob

"Yung PRINCIPAL!!" Biglang bigkas ni Kenneth

Kaya napatingin kaming lahat sa kanya

"Ha??" Pagtataka ko

"Anong yung principal?" Tanong ni Ate Allyssa na medyo naguguluhan

"Matagal ko na kasing pinaghihinalaan yung principal na yun. Pakiramdam ko talaga may alam sya sa nangyari kaila Maria!" Paliwanag ni Kenneth

"So ibig sabihin, sya yung makakasagot kung nasan si Maria!" Hinala ni Juds

"Oo! Yun yung iniisip ko" sabi ni Kenneth

"Pero kailangan parin nating hintayin sina Gwynel kasi wala tayong sasakyan" sabi ni Raven

Nasan na nga kaya sina Gwynel??? Lumagpas na kaya sila? O may nangyari nang masama sa kanila?!

"Kung meron lang sana satin na marunong paandarin yung sasakyan kahit wala tayong susi eh" sabi ko sa kanila

"Ahhh.. parang yung sa napapanood natin sa mga movies?" Pagtataka ni John

"Oo... marunong ka?" Pagbalik ko ng tanong sa kanya

"Hindi." Tanging sagot nya

"Ikaw Kenneth? Alam mo ba??" Tanong ni Raven

"Wala akong alam sa ganyang mga bagay" sagot nya

Hanggang sa nagulat kami dahil bigla na lamang bumukas yung pintuan.

Charlene's POV

"Kailangan natin puntahan yung bahay. Baka sakaling yan na nga yun. Para makahingi rin tayo ng tulong at mabalikan natin sina Gwynel" sabi ko kay May at kay Colai

Buti naman ay pumayag sila. Akala ko ay magpupumilit pa si May na bumalik para kay Gwynel.

Tinakbo na namin yung daan papunta sa bahay. At nagdadasal ako na sana ay ito na yung bahay nila Juds. At sana ay ligtas sila. Lalong lalo na sina Gwynel, Justin at Alonds.

"Oh my God, andito yung kotse nung principal" gulat na sabi ni May

At pagtingin ko ay nandun nga. At nandun rin yung kotse nila Col.

"Baka kung ano nang nangyari sa kanila" hinala ni May

Kaya lalo kaming nagmadali. At nang makarating sa pinto ay agad agad namin itong binuksan.

Spirit Of The Glass 2Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα