Part 10

1.1K 42 20
                                    

Raven's POV

Nagulat ako ng makita yung guard na nakabulagta sa sahig at wala ng buhay. Pero sino yung nakita kong guard kanina nung papunta ko ng cr? Tumataas na ang balahibo ko sa takot ko.

"Anong nangyari?!" Natatarantang sabi ni Ma'am

"Ma'am hindi ko po alam, kararating ko lang" sabi ko

"Si Gela po, sya po yung kanina pa nandito" sabi ni Daniel

At napatingin kami kay Gela

"Ma'am, hindi ko po nakita ang nangyari. May narinig lang din po akong pagputok kaya ako napatakbo dito" sabi nya

"At pagpunta ko dito ay napasigaw nalang ako dahil nakita kong patay na sya" dagdag nya

"Ma'am maupo po muna kayo, baka atakehin kayo sa puso" pagaalala ni Charlene

"Humingi kayo ng tulong" sabi ni Ma'am

Lahat kami na nandun pa sa skul ay natataranta. Pagkatapos ay tumawag kami sa police station. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na nga yung mga pulis

Ininterview kami ng mga pulis tungkol sa nangyari sa guard. Lalo na ang unang nakakita sa guard na si Gela. Wala naman saming pinaghinalaan ang mga pulis at ang tanging naiisip nila ay maaaring suicide ang nangyari. Pagkatapos ay sinabihan kaming magsipaguwian na.

"Sige na, umuwi na kayo. Ako na bahala dito" sabi ni Ma'am

Kaya umuwi na kami dahil wala naman na kaming maitutulong pa.

Charlene's POV

Di ako makapaniwala sa nangyari kanina. Bakit naman kaya magpapakamatay yung guard ng skul? Di ko lubos maisip ang dahilan. Pagkauwi ko ay hindi ako makatulog. Naiisip ko parin kasi yung nangyari sa guard. Nakita ko mismo yung butas sa ulo nya. Nakakakilabot. Pakiramdam ko ay mapapanaginipan ko ito. Pero buti nalang ay nakatulog parin ako ng maayos.

Kinabukasan ay pumasok parin ako sa skul. Pero maaga akong nakarating kaya imbis na pumunta sa classroom ay pumunta na muna ko sa banyo. Pagkacr ko ay nagsalamin na muna ko bago lumabas. At nakita ko na andun din si Ma'am Angeline

"Ma'am ano pong balita?" Tanong ko

Pero hindi sya umiimik

"Sorry po talaga kagabi at nagawa naming magispirit of the glass" paghingi ko ng tawad kay Ma'am

Pero sa itsura nya ay parang malungkot pa sya dahil siguro sa nangyari kagabi. Maya maya pa ay pumasok din sa cr si Gela. Pagkatapos ay pumasok na si Ma'am sa isang cubicle sa loob ng cr. At ako naman ay lumabas na ng banyo, at dumaretsyo na sa classroom.

"Di talaga ko makapaniwala sa nangyari kagabi" sabi ni Carl

"Sa tingin nyo ba nagpakamatay talaga yung guard?" Tanong ni Nica

"Hindi ko na rin alam kung ano pa iisipin ko eh" sabi ni Nique

"Nakakakilabot talaga yung nangyari kagabi" sabi ni Alfonso

"Di ako makapaniwalang makakakita ako ng ganun" dagdag nya

"Ako nga rin eh" pagsangayon ko

At maya maya pa ay pumasok na rin si Gela. Pati na na rin yung unang teacher namin sa klase.

Alfonso's POV

Pagkatapos magturo ng una naming teacher ay nagpaassignment pa sya. At ilang saglit lang ay lumabas na rin sya. Lunch nang muli pagkatapos ay subject na naman samin ni Ma'am Angeline. Hanggang sa naalala ko bigla yung ginawa naming spirit of the glass kagabi.

"Ayus lang kaya yun na di natin natapos yung spirit of the glass?" Bulong ko, dahil ayoko namang marinig ng iba naming kaklase na nagspirit of the glass kami

"Hindi ko rin alam eh" sagot ni John

"Bakit, natatakot ka ba na baka multuhin ka?" Pagloko ni Col

"Panigurado natatakot ka" pagsangayon sa kanya ni Bob

"Hindi ah" pagtanggi ko

"Pero diba may natawag tayo na ispirito" sabi ni Colai

"Kuya ko kaya yung natawag natin?" Tanong ni Jane

"Hindi ko alam eh" sagot ni Col

"Pero you know, it's so creepy talaga" sabi ni Janine

"Bakit naman?" Tanong ni Raven

"Cause nagspirit of the glass tayo, then suddenly namatay yung guard" sagot ni Janine

"Coincidence lang siguro yun" sabi ni Bob

"Pero pano nga kung may kinalaman nga yun sa pagkamatay nung guard" sabi ni Kenneth

"Wag naman sana" sabi ko

"Alam nyo, wag nyo nalang kaya isipin. Kung ano ano lang pumapasok sa utak nyo eh" pagsita ni Juds

Bago kami lumabas para kumain ay may dumating na lalaki at may sinabi sa classroom namin.

"May kailangan kayong malaman" sabi nung lalaki at seryoso ang itsura nya

Kaya lahat kami ay nakatingin lamang sa kanya at inaantay ang sasabihin nya

"Natagpuan si Ma'am Angeline kanina sa bahay nila na wala nang buhay"

Nagulat kaming lahat sa sinabi nung lalaki. Lahat kami ay nagkatinginan sa isa't isa at di makapaniwala sa nangyari. Pero bakit? Anong nangyari sa kanya?

"Anong nangyari?" Tanong ni Carl at makikita sa itsura na nya na parang kinakabahan sya. Panigurado ay ganun din kaming lahat dahil sa gulat sa sinabi nung lalaki.

"Inatake sya sa puso at huli na nang madala sya sa ospital" paliwanag nung lalaki

Kita ko sa itsura ng mga kaklase ko ang lungkot at di parin makapaniwala ang iba.

"Imposible yang sinasabi mo!" Sabi ni Charlene na tila nagtataka pa

"Kaninang umaga lang ay kausap ko pa si Ma'am sa cr" paliwanag ni Charlene

"Ngunit hindi pumasok si Ma'am Angeline ngayong araw" sabi nung lalaki

At lahat kami ay nagulat at nagtaka.

"Baka naman namamalikmata ka lang Charlene?" Hinala ni Raistlin

"Hindi ako namamalikmata, totoo ang nakita ko" pagpupumilit nya

"Nandun din si Gela kanina. Panigurado nakita nya!" Sabi ni Charlene

At napatingin kami kay Gela

"Diba pumasok ka kanina sa cr, at nandun si Ma'am" tanong ni Charlene kay Gela

"Oo pumasok ako dun, pero ikaw lamang ang nakita ko dun. Nung lumabas ka na ay ako na lamang ang natirang tao sa loob ng cr" paliwanag ni Gela

At kitang kita kay Charlene ang takot at pagtataka sa nangyayari. Maya maya pa ay lumabas na rin yung lalaki sa classroom namin. Pero kung hindi pumasok si Ma'am, sino yung nakausap ni Charlene sa cr?

Spirit Of The Glass 2Where stories live. Discover now