Ang 'syota kong promdi COMPLE...

Af SapphiresPage

183K 3.4K 73

Teaser Si Danica ay galawgaw, matapang, palaban pero malambing at may malaking puso. Pero ang katangian niyan... Mere

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Ang 'syota kong promdi-teaser
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11 Part 1
Chapter 11 Part 2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16.1
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Special Edition
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Epilogue {COMPLETE}

Chapter 14

4.3K 81 1
Af SapphiresPage

Ang syota kong Promdi

By Ms Sapphire

Chapter 14

              ISANG matandang babae ang naka-upo sa rocking chair sa may sala. Hawak nito ang picture frame ng yumaong asawa na si Don Francois na mahigit anim na taon ng namayapa dahil sa sakit na prostate cancer. Ginawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya para maisalba ang buhay nito, pero sadyang walang lunas ang sakit ng kabiyak niya. Napahikbi siya sa kaniyang naalala. Biniyayaan ng masaganang buhay ang kaniyang kabiyak nung kabataan nito. At mas naipalago pa nito ang kayamanang nakuha galing sa mga magulang sa pamamagitan ng iba’t-ibang negosyo. Ngayon, hindi na kakayanin pa ng kaniyang katawan ang pagpupuyat dahil sa kaniyang katandaan. Ang anak nilang si Pierre ang tangi niyang masasandalan para umasikaso ng lahat.

“Mama” narinig niyang tawag sa kaniya ng kaniyang anak.

Naramdaman niya ang kamay nito sa kaniyang balikat at ang pagpisil nito. Hinawakan niya ang ibabaw ng kamay nito at inilapit niya ang kaniyang pisngi para maramdaman ang init ng palad ng kaniyang anak. Ito nalang ang nag-iisang ala-ala sa kaniya ng kaniyang namayapang esposo.

“Mama” wika ulit nito “you stress out yourself too much. At alam mong nakakasama yan sa kalusugan ninyo.”

“I can’t help it iho” Sabi niya “i miss your Dad so much.” Naiiyak na paliwanag niya.

Humarap si Pierre sa kaniya at umupo sa harapan ng rocking chair. Inipit nito ang iilang hibla ng kaniyang buhok na tumatabing sa kulubot at walang kulay niyang kutis. Sa edad niyang numbenta’y dos, ay puwede na siyang mamatay. Wala naman siyang puwedeng ipag-alala sa mangyayari sa kaniyang anak dahil malaki ang mamanahin nito sa kayamanan nilang mag-asawa.

“Tama na po yan ma’. Ang mabuti pa ay lumabas na muna kayo ni Sandra sa ibaba para naman mainitan yang kutis mo. Hindi ba’t iyan ang payo sa iyo ng Doctor?” malambing na wika ng kaniyang unico iho.

Nakita niyang nakatayo lang sa di kalayuan si Sandra. Ito ang katiwala nila na galing sa isa nilang tenant sa itaas ng condo. Hinawakan niya ang pisngi ni Pierre na natutubuan ng mailiit na balbas.

“Kelan mo ako bibigyan ng mga apo ha Pierre anak?” pangungulit na naman niya dito.

Inampon nila si Pierre sa kaniyang nakababatang kapatid na nalulong sa droga. Hindi siya nagdalawang isip na kunin ang sanggol noon dahil hindi sila nabibiyayaan ng anak ni Francois. Kahit anong lab test pa ang kanilang ginawa sa kaniyang asawang si Francois, ay hindi pa rin ito nakaka produce ng sperm. Siya naman sa kabilang banda ay may problema sa matres kaya wala ng solusyon ang kagustuhan nilang magka-anak. Pero hindi sila nawalan ng pag-asa na magkaroon ng anak sa pamamagaitan ng adoption hanggang dumating si Pierre sa kanilang buhay.

Ngumiti lang ito sa kaniya. “Huwag mo na akong minamadali mama baka hindi ko tuluyang mahanap ang babaeng para sa akin. Sige ka baka maudlot at wala kayong apong makikita niyan.” Biro nito sa kaniya.

Ikinumpas niya ang isang kamay “O sya sige na nga. Hindi ko lang mapigilan ang sarili kong kulitin ka, iho.”

“Halina po kayo mama. Tutulungan ko na po kayong makatayo.”

Tinulangn siyang makatayo nina Peirre at Sandra para lumipat sa wheelchair.

“Sige na Sandra paki dala kay Mama sa park para mainitan naman siya.”

                SAMANTALA, nakikipaglaro si Danica kay Bella at Rupert ng umagang iyon sa park. Walang pasok ang mga bata dahil holiday. Ang among lalaki naman niya ay nasa bahay at nagbabasa ng newspaper habang ang among babae ay may trabaho. Narinig niyang ayaw sana nitong pumasok kanina para makasama ang pamilya, kaya lang ay nag-away na lang bigla ang dalawa sa di niya malaman ang dahilan.

“Weee!!!” sigaw niya matapos tinulungan si Bella na umakyat sa slide.

“Bella, you go down na. Hir o… you go down and yaya will snats you.” Kahit kelan nahihirapan pa rin siya sa pang ingles.

Karamihan sa mga tao dito ay nagsasalita ng French-canadian. Kaya mas lalo siyang nalilito kung ano o alin ang una niyang pag-aralan. Nakita niya si Sandra na pumasok sa gate ng park. May kasama itong matandang babae na nasa wheelchair.

“Danica, kumusta?” bati ni Sandra sa kaniya nang makalapit na ang dalawa.

“Maayos naman ako. Ikaw kumsuta ka na? At sino tong kasama mo?” turo niya sa matanda gamit ang nguso.

“Ah si Madam Adele nanay ng guwapo naming amo ni Keery.”

“Who is this lovely lady, Sandra?” tanong ng matanda kay sandra na nasa likuran nito nakatayo.

“Her name is Danica madam. She lived with my former employer upstairs.”

“Ow…” ang tanging nasabi ng matanda.

Nagpaalam na sina Sandra at ang amo nitong babae.

“Danica, can you ride on the merry go round and I’ll spin you.” Request ni Rupert sa kaniya. Itinuro nito ang isang umiikot na ride na yari sa metal.

“Ha? Ah OK.” Sagot niya dito bago sumakay sa merry go round at kumapit ng mabuti.

Nung una ay mahina lang ang pag-ikot nito sa naturang laruan. Tinatawanan pa niya ang bata dahil nabibigatan ito sa kaniya. Hanggang sa lumalakas na ang ikot ng merry go round. Humihigpit na rin ang kapit niya dahil baka maitapon siya nito.

“Rupert tama na nahihilo na ako!” pagmamaka-awa niya sa kaniyang alaga.

“I’m not done!” balik sigaw ng bata na naaaliw pa rin sa ginagawa.

“Rupert!” sigaw ulit niya dito.

Maya-maya lang ay humina na ang ikot. Nahihilo na siya at pakiramdam niya ay para rin siyang nasusuka. Sa wakas naramdaman na niya ang pagtigil ng merry god round kaya pabagsak siyang naupo sa damuhan habang hawak ng dalawang kamay ang nahihilo niyang ulo.

“Walang hiya kang bata ka ginawa mo akong bola.” Reklamo niya.

     NAGBABASA siya ng newspaper sa cafeteria ng may marinig siyang babae na nagsasalita. Napansin niya ang accent nito kaya akala niya ay sina Keery o Sandra ang nag-uusap. Hindi niya binigyan ng pansin ito at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.

“Hello Rupert and Bella. How are you doing?” bati ng isang babae na nasa mid thirties. Nakasalubong ito ng dalawang bata at isang pinay.

“Good Morning mydam!” bati ng batang lalaki na ikinangiti niya. Imbis na Madam ang sasabihin nito ay ‘mydam’ ang lumabas.

“Rupert!” saway ng yaya nitong pinay.

“Oh that’s okay.” Saway ng babae kahit na halatang na offend ito sa sinabi ng bata.

Sa takot ng bata ay nagtago ito sa likod ng yaya nito. Maya-maya lang ay umalis na ang mga ito papasok sa loob ng elevator. Hindi rin nagtagal at bumalik ulit siya sa condo unit nila ng kaniyang mama. Pagpasok niya ay nakita niya si Keery na naglilinis ng living room.

“Keery,” tawag niya dito.

“Yes sir?”

“Do you happen to know the new maid from upstairs?” tanong niya dito.

“Yes sir. Her name is Danica, sir.”

Napatango siya “Ahhh ok that’s all thank you.”

               HAPONG-HAPO siya ng pumasok siya ng kaniyang silid. Kinuha niya ang isang box na nasa plastic bag. Dumaan kasi sa drug store kanina si Sonia kaya nagpabili siya ng pregnancy test. Ito rin ang nagsabi sa kaniya kanina na ito ang ginagamit kung walang pambayad sa doktor. Nagreklamo pa siya kanina dahil ang mahal ng dalawang test tube. Sa pinas baka nakabili na siya ng mga damit sa buong taon. Yun nga lang hanggang divisoria lang ang kaya niya.

Binuksan niya ang box at tiningnan ng maigi ang isang test tube. Binuklat niya ang instruction manual at tiningnang maigi ang larawan. Tumayo siya dala ang isang test tube at papel at mainigat na lumabas ng kuwarto papuntang banyo.

‘Sana hindi totoo ang hinala ko.’ Munti niyang panalangin.

Binuksan niya ang suot na pantalon at umupo sa toilette. Inalis niya ang cap ng test tube at itinapat sa ihi niya. Nanginginig ang kaniyang mga kamay dahil sa nerbyos. Sari-saring mga bagay ang naglalaro sa kaniyang isipan. At natatakot siya sa magiging kahingatngan niya at ang kaniyang ipinagbubuntis.

Matapos umihi ay ibinalik niya ang cap at naghintay. Inayos muna niya ang kaniyang sarili bago nagtalungko sa gilid ng bath tub. Pakiramdam niya ang dekada ang kaniyang hinihintay sa resulta. Matapos ang itinakdang oras ay sinilip ulit niya ang tube.

TWO LINES==== POSITIVE

Ang nakalagay sa test tube. Nanlulumong napa-upo ulit siya sa bathroom tiles at umiyak.

“ANO!? Buntis ka!?” pasigaw na tanong ni Sonia sa kaniya.

“Ssshhh huwag kang maingay.” Saway niya dito.

Nasa park silang magkaibigan at nag-uusap. Kasama niya si Bella na naka kandong sa hita niya at naglalaro ng baby toys.

“Ano na ang gagawin mo?” concerened na tanong ni Sonia sa kaniya.

“Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Kailangan ko ng pera lalo na at magkakaroon na ako ng baby.” Naluluhang sabi niya “ayaw ko ring bumalik ng pinas dahil sigurado akong kukunin ng ama ng batang dinadala ko sa oras na malaman niyang nagbunga pala ang nangyari sa amin.”

“Uminom ka kaya ng tuba para mawala yan.” Suhestyon nito.

“Ayaw kong ipalaglag ito!” sigaw niya.

“Oras na malaman ng mga amo mong buntis ka.. naku lalabas ang pangil ng bruhang yun. Umalis ka nalang kaya dyan sa tinutuluyan mo at maghanap ng iba?”

“Saan naman ako pupunta? Wala akong kilala dito kundi kayo-kayo lang.”

“Humingi ka muna ng tulong sa Philippine Embassy. O kaya humanap ka ng ibang agency o kaya yung nagpapasok sa yo dito sa Canada.”

“Hindi puwede kase kilala niya ang tatay ng magiging baby ko.” Tuluyan na siyang napa-iyak.

Lumapit si Sonia sa kaniya at tumabi.

“Huwag ka ng umiyak. May solusyon sa bawat problema. Basta ang isipin mo na nandito lang kami sa tabi mo sa ano mang oras. Makakaya mo rin yang dindala mo.”

“Salamat Sonia.”

         “TITO nasaan po si Jake?” tanong ni Mark sa kaniya.

“Nasa veranda at nagpapahangin. Kanina pa ayaw magpa istorbo pero puntahan mo na.”

“Sige po.”

‘O Jake anak sana bumalik na ang iyong sigla. Gagawin ko ang lahat para mangyari yun.’ Panalangin niya.

Simula ng maaksidente si Jake at malaman nitong naka-alis na si Danica ng bansa, ay lagi nalang itong naging bugnutin. Hindi na rin ito nakikisalamuha sa mga kakilala at kaibigan nito. Pati ang pag-aaral ng lalaki ay naudlot dahil kinailangan nitong magpahinga para sa kalusugan. Naka-alis na ito sa wheelchair pero kinailangan pa rin nitong gumamit ng sungkod dahil namamaga pa rin ang isang binti nito.

            “JAKE?” tawag sa kaniya ng kaibigan niyang si Mark.

Nilingon niya ito sa kaniyang pagkaka-upo. “Maupo ka.”

“Balita ko malaki na raw ang improvement ng paggaling mo. Labas naman tayo minsan. Ang tagal na nating hindi lumalabas e.”

“Ayaw kong lumabas.” Wika niya

“Ha? Bakit naman?” gulat na tanong ni Mark

Humigpit lang ang pagkakahawak niya ng arm chair. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang pinipilit siyang gawin ang hindi niya gustong gawin. Wala siyang panahon sa pakikipagsiyahan sa iba samantalang siya ay inutil. Ayaw niyang makita siya sa ganitong ayos ng mga kaibigan niya at kaawaan. Kaya pinili nalang niya ang magmukmok sa tabi.

“I just don’t want to!” sigaw niya dito.

Nakita niya ang pagkagulat ulit ng mukha ng kaniyang kaibigan.

“Sige hindi na kita pipilitin.” Sabi ni Mark sabay tayo. “Pero ito ang tatandaan mo. Kung babalik si Danica ora mismo… makakaya mo kaya siyang harapin sa ganyang ayos mo? Baka ikaw rin ang magtutulak sa kaniyang layuan ka.” Humakbang ito sa bukana ng veranda “kaibigan kita Jake. Ano mang di magandang pagkakinitindihan natin noon ay kaya kong alisin dahil mahal kita. Itinuturing kitang isang kapatid. Nasasaktan din ako sa kalagayan mo kaya huwag mong sarilihin ang lahat. Tulungan mo rin sarili mo at mamuhay ka ng normal. Hindi iyang nagtatago ka sa likod ng kurtina at nag-iisa.”

Umalis na si Mark matapos nitong magsalita. Nakiramdam muna siya sa tabi-tabi hanggang narinig niya ang ugong ng lumalayong sasakyan nito. Dali-dali siyang tumayo at pumasok sa kaniyang sariling kuwarto. Doon niya ibinuhos ang kaniyang galit. Galit sa sarili niya dahil sa ginawa niyang pagkakamali kay Danica. Galit niya siya sa kaniyang pagtataboy sa mga taong nagmamahal sa kaniya. Mga kaibigan at kapamilya na nais makiramay at makidalamhati sa kaniya.

Noong umalis ang Mommy niya ay sinarili niya ang lahat. Pinilit niya ang kaniyang sariling hindi magpapakita ng kahinaan sa harap ng iba. Lihim siyang nakidalamhati sa kaniyang Daddy. At lihim rin siyang nangako na hinding-hindi magiging bastardo ang magiging anak niya kung sakali mang magkakaroon siya.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

324K 5.9K 48
The truth is so many people are in love but not together WHILE so many people are together and not even in love with each other. Arragona Heirs #1 Hi...
550K 10.7K 41
[COMPLETED] Stacy is a good girl but when she signed the contract of the playboy in town she will experience a up and down life will they learn to lo...
98.4K 1.7K 27
(Book 2 of His Substitute Girlfriend) Pano kung isang araw magising ka nalang na may Anak ka na pala at.....wala ka ng maalala Mabalik pa kaya ang mg...
154K 396 2
No one knows that love will come to a Casanova like Mark Luis Martinez, ang lalaking hinahabol ng kababaihan, ay sya na ngayong naghahabol sa babaeng...