Reunion of Hearts (Completed)

By AkoMismoSiFaye

1M 6.4K 2.2K

What will happen after 10 years of not seeing and being together with your best friend? Will the love you fee... More

Reunion of Hearts
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Reader's Review
Author's Note
Acknowledgement

Chapter 40

15.2K 125 27
By AkoMismoSiFaye

Chapter 40

Matapos ang kantang iyon ay hinalikan ni Xian ang noo at kamay ni Kim saka niyakap si Kim ng mahigpit.

Ginantihan naman iyon ni Kim ng isang mahigpit na yakap din.

Nagbitaw sila sa pagkakayakap at may kinuha si Xian sa kanyang bulsa.

Nagulat si Kim ng makita nya na may inilabas si Xian na isang pamilyar na bagay mula sa isang maliit na kahon.

"Babe, parang pamilyar yan sa akin ah!" bulalas ni Kim.

"Yes Babe! You left this on LA! Ito yun bracelet na binigay ko sayo! And now I'm returning this to you!" sabi ni Xian na kinuha yun kamay ni Kim at isinuot yun bracelet.

"I missed this! Thank God for returning this to me!" sabi ni Kim.

"There's another one Babe!" sabi ni Xian na inilabas naman ang neclace na may key na pendant.

"Anu ito Babe? Bakit key ang pendant?" tanong ni Kim.

Hindi umimik si Xian sa halip ay may inilabas itong isa pang necklace na heart shape lock.

"Hawak mo ang susi ng puso ko Babe! Ikaw lang ang tanging nagbukas nito! At sayo lamang ito!" makahulugang sabi ni Xian na hinawakan ang mga kamay ni Kim.

Matapos sabihin ni Xian ay isinuot ito kay Kim. Nang maisuot na iyon kay Kim ay niyakap sya nung huli. Ginantihan iyon ni Xian ng isang mahigpit na yakap.

"Thank you so much Babe! You made this evening so memorable to me! I am the luckiest girl in the world because I have you now!" bulong ni Kim na tuloy tuloy pa din ang pag-agos ng luha.

"Thank you too Babe for allowing me to take care and to love you! I am the luckiest guy naman sa buong mundo! I love you forever!" sabi ni Xian na naluluha na din.

"I love you more Babe!" sagot ni Kim.

Ang lahat ay nagpalakpakan sa tagpong iyon nila Kim at Xian. Maging ang kanilang mga guro na nadoon ay nadama ang nag-uumapaw na pagmamahalan ng dalawa.

Ang iba ay nagstanding ovation pa kasama na doon sila Maja at Mateo na masayang masaya para sa kanilang kaibigan na nagmamahalan.

May ilang tumaas ang kilay, nainis, at nagalit. Kasama na doon sila Carl at Naomi.

"This can't be! We have to stop them, Carl!" inis na sabi bi Naomi.

"Can you just please shut up! Hindi nakakatulong yan kakaimik mo dyan!" saway ni Carl kay Naomi na nagngingitngit sa galit.

"We have to do something! Gusto mo bang tuluyang mapunta si Kim kay Xian?" galit na tanong ni Naomi.

"Of course I don't want to! Pero sa mga oras na ito wala akong maisip na paraan para pigilan sila! They seem so happy and in love with each other!" sabi ni Carl.

"S***!!!" bulalas ni Naomi na napatingin ang mga tao sa karatig nilang table dahil sa lakas ng boses nito.

Matapos kumanta ni Xian ay nagsalita na ang Emcee.

"Thank you Mr. Xian Lim and Ms. Kim Chiu sa isang nakakakilig na moment! We wish you both all the best! Sana sa mga next na Alumni Homecoming natin eh makita pa din namin kayo as a couple!" sabi ng Emcee.

Tumango lang sila Xian at Kim saka bumaba na ng stage.

"And now are you ready to rock and roll, GLobal Seed?" sigaw na tanong ng Emcee.

"YEAH!!!" sigaw ng mga tao doon. Pati sila Maja, Mateo, Kim at Xian ay nakisigaw na din.

"So without further ado, I will now call on Callalily Band here on stage!" sabi ng Emcee.

At lumabas na ang Callalily Band. Ang lahat ay nagtilian nang makita ang vocalist nito na si Kean Cipriano.

Nagsimula ng tumugtog ang banda. Ang iba ay nakikisabay sa kanilang kanta habang ang iba naman ay sumasayaw.

Ganoon din sila Kim, Xian, Maja at Mateo. Sandaling nalimutan ni Kim ang ibang bagay. Inenjoy na lang nya ang gabing iyon.

Nagpatuloy lang sa pagkanta ang Callalily Band samantalang si Naomi ay ngitngit na ngitngit na sa kanyang upuan.

"Hey Carl, what shall we do? Hindi pwede yun ganito na lang tayo, papanuorin sila habang nagsasaya sila tapos tayo eto galit na galit!" inis na sabi ni Naomi.

"Then we should be happy for them! I think that's the best thing we could do!" sagot ni Carl na blanko ang reaction ng mukha.

"What???" bulalas ni Naomi. "Hindi yun pwede! Mag-iisip ako ng paraan kung paano ko sila mapaghihiwalay. Are you with me Carl?" tanong ni Naomi.

Tiningnan lang sya ni Carl na walang reaksyon saka muling ibinalik ang atensyon sa pagkanta ng Callalily Band.

Lalo itong ikinainis ni Naomi.

"If you're not going to help me with this, then fine! Pag nagtagumpay ako dito, pasasalamatan mo din ako!" sabi ni Naomi sabay alis patungo sa kung saang lugar para hindi makita sila Kim at Xian.

Sinundan lang ng tingin ni Carl si Naomi.

Nang matapos ang first set ng Callalilly Band ay nagsalita na ang Emcee.

"Maraming salamat Callalily sa isang rock and rolling set. Lahat kami ay napa-rock and roll!" sabi ng Emcee.

Nagpalakpakan ang lahat ng tao na nandoon.

"And now, I would like to tell you all that the voting for King and Queen of the Night is officially closed! Mrs. Rodriguez and Mr. Fuentes will now tally the votes. So for now the dance floor is all yours Global Seed Alumni!" sigaw ng Emcee.

Nagsigawan ang lahat ng mga nandoon. At unti unting napuno ang dance floor.

Sila Kim at Xian naman ay umupo na habang sila Maja at Mateo ay humahataw sa dance floor.

"Are you okay Babe?" tanong ni Xian ng makaupo na sila sa kanilang table.

"Yeah I'm fine Babe! Medyo overwhelmed pa din ako sa naganap kanina. You surprised me!" sabi ni Kim sabay tapik sa dibdib ni Xian.

Hinuli naman ni Xian ang kamay ni Kim at hinalikan iyon.

"I will never get tired of surprising you Babe!" seryosong sabi ni Xian.

"And I love the way you surprises me. Feeling ko nasa cloud 9 pa din ako. Thank you so much Babe!" sabi ni Kim na hinaplos ang mukha ni Xian.

Biglang nag-iba ang tugtog. Mula hiphop ngayon ay sweet na ang tugtog.

Hindi nababawasan ang tao sa dance floor. Parang walang kapaguran ang mga nagsasayaw doon.

Tumayo si Xian at inilahad sa kanya ang kanyang kamay.

"Shall we dance, Babe?" tanong ni Xian.

Inabot naman ni Kim ang kanyang kamay kay Xian. "Of course Babe!"

Kinuha iyon ni Xian at inalalayan si Kim hanggang makarating sila sa gitna ng dance floor.

Inilagay ni Xian ang mga kamay ni Kim sa kanyang balikat at inilagay nya naman ang kanyang mga kamay sa bewang ni Kim.

Tinitigan ni Xian si Kim.

"Babe, nacoconscious ako! Wag mo nga akong titigan ng ganyan!" sabi ni Kim na umiwas ng tingin kay Xian.

"Why are you so beautiful, Babe? Bakit parang may magnet ka! Nahi-hypnotized ako sayo!" sabi ni Xian.

"Ha? Hindi ko alam! Basta ang alam ko in-born na yan! Tsaka pwede ba Babe baka matunaw ako!" masungit na sabi ni Kim.

"Ang sungit naman ng Babe ko! Pero seriously, namiss ko itong ganito. The last time na naisayaw kita was during our Christmas Ball. Ang tagal na panahon na noon!" sabi ni Xian.

"Oo nga no? It's been so long! Ang bilis lang ng panahon!" sabi ni Kim na humilig sa dibdib ni Xian.

"Can you hear my heartbeat Babe?" tanong ni Xian.

Tumango lang si Kim matapos ay nag-angat ito ng mukha.

"Ganyan kita kamahal! You can't measure it but you can feel it!" sabi ni Xian.

"Same as mine Babe! I love you from the bottom of my heart!" sabi ni Kim.

"And I love you more than you'll ever know Babe!" sabi ni Xian sabay halik sa noo ni Kim at niyakap ito ng buong higpit habang sumasayaw.

Maya maya lang ay tumigil ang tugtog. Nagsalita na ang Emcee.

"Global Seed Alumni, are you ready to hear the results?" tanong ng Emcee.

"YEAH!!!" sabay sabay nilang sigaw.

"May I call on Mrs Rodriguez and Mr. Fuentes here on stage to announce the winners." sabi ng Emcee.

Umakyat na sa stage sila Mrs. Rodriguez and Mr. Fuentes dala-dala ang results ng voting.

"Global Seed Alumni, make some noise!" sigaw ni Mrs. Rodriguez.

Nagsigawan ang lahat ng nandoon. Ang ibang nagsasayaw ay hindi na umalis sa dance floor kasama na sila Kim, Xian, Maja at Mateo.

"I will now announce first the Queen of the Night while Mr. Fuentes will announce the King of the Night." sabi ni Mrs. Rodriguez.

"So gathering an average score of 90% with a total of 75 votes our Queen of the Nights are..." pasimula ni Mrs. Rodriguez.

Nagulat ang mga tao sa kanilang napakinggan.

"Yes we have a tie!" sabi ni Mrs. Rodriguez ng makita ang reaksyon ng mga tao doon. "Our Queen of the Nights are... Drum roll please!" request ni Mrs. Rodriguez.

Nagroll na ang drums.

"They are Ms. Maja Salvador and Ms. Kim Chiu! Let's give them a big round of applause!" sabi ni Mrs. Rodriguez.

Tumutok sa kanilang dalawa ang spotlight. Nagkatinginan lang silang dalawa.

Nagpalakpakan ang mga tao at ang iba ay sumigaw pa.

Doon lang sila natauhan at magkasabay na silang umakyat sa stage.

Nilagyan ng korona sila Maja at Kim. Patuloy pa din ang pagpalakpak ng mga tao doon lalo na sila Xian at Mateo.

"And now we will be announcing the King of the Night. Mr. Fuentes please do the honor!" sabi ni Mrs. Rodriguez.

"Okay Global Seed our King of the Nights got an average score of 88% with 60 total number of votes and it's also a tie! The King of the Nights are...." sabi ni Mr. Fuentes at nag-roll na ang drum.

"They are Mr. Xian Lim and Mr. Mateo Guidicelli! Palakpakan naman natin sila!" sabi ni Mr. Fuentes.

Tumutok kina Xian at Mateo ang spotlight. Ang lahat ay nagpalakpakan at naging masaya sa naging resulta ng voting maliban na lang kina Carl at Naomi na kadadating lang galing sa labas.

"What the hell!?! Talagang sila pa ang nanalo as King and Queen of the Night huh!" bulalas ni Naomi.

"Let's go Naomi! We better leave this place. I can't contain the pain seeing them so happy and in love!" sabi ni Carl na hinila si Naomi paalis ng auditorium.

"So this mean you're now on my side again?" tanong ni Naomi na sumunod kay Carl.

Hindi sumagot si Carl at tuloy tuloy lang syang maglakad.

Pumanhik na sa stage sila Xian at Mateo. Ginawaran naman sila ng maliit na trophy.

"So there you go Global Seed, our Kings and Queens of the Night, Mr. Xian Lim and Ms. Kim Chiu together with Mr. Mateo Guidicelli and Ms. Maja Salvador." sabi ng Emcee.

"You may now take the dance floor and do your first dance as King and Queen of the Night!" sabi ng Emcee.

Bumaba sila ng stage at pumunta sa dance floor na wala ng tao dahil umupo na ang mga iyon upang bigyang daan ang dalawang couple.

Samantalang bumalik sa stage si Juris upang magperform ulit.

Nagsayaw na ang dalawang couple habang kumakanta si Juris. Tumutok sa dalawang magkapareha ang spotlight.

Parang may sarili silang mundo ng mga oras na iyon. Hindi nila alintana ang mga tao na nanonood sa kanila.

Matapos ang kantang iyon ay niyakap ni Xian ng buong higpit si Kim. Ginantihan naman iyon ni Kim.

Nagpalakpakan ang lahat ng nandoon. Doon lang naghiwalay sila Xian at Kim sa pagkakayakap.

Natapos ang gabing iyon na maayos at masaya ang lahat lalo na sila Xian at Kim.

Kinabukasan, araw ng Linggo. Maagap na sinundo ni Xian si Kim upang magsimba sa Baclaran.

"Oh XIan pasok ka! Ang agap mo ah! Si Kim eh nagbibihis pa!" sabi ni Tay Chen. "Maupo ka muna at tatawagin ko muna si Kim." dagdag ni Tay Chen.

"Sige po! Salamat po!" sabi ni Xian at umupo sa sofa na pang isahan lang.

"Chen ako na ang tatawag kay Kim. Dyan ka na lang at kausapin mo muna si Xian para hindi mainip." sabi ni Nay Zheny.

"Mabuti pa nga!" sabi ni Tay Chen.

Pumanhik na si Nay Zheny upang tawagin si Kim. Ilang sagit lang ay bumaba na si Nay Zheny at kasunod na si Kim.

"Nay, Tay alis po muna kami ni Xi! Simba lang po kami sa Baclaran!" paalam ni Kim sa kanyang magulang.

"Oh sige! Mag-iingat kayo! Iho, ingat sa pagmamaneho ha!" paalala ni Tay Chen.

"Opo Tay! Maingat naman po ako lalo na po at si Kim ang kasama ko!" sabi ni Xian.

"O sige umalis na kayo at baka ma-late kayo sa 4pm mass!" sabi ni Nay Zheny.

Umalis na sila at nakarating naman sila ng Baclaran ng tama lang sa oras.

Tahimik lang sila habang nakikinig ng misa. Nakita ni Kim na pasulyap sulyap sa kanya si Xian. Lihim nya itong ikinakilig pero nagfocus pa din sya sa pakikinig ng homiliya.

Nang kakantahinn na nila ang Ama Namin ay naghawak kamay sila.

At nang magbabatian na sila ng "Peace Be With You" ay nagulat si Kim ang halikan siya ni Xian sa labi at pagkatapos ay sa noo.

"Sorry kung nagulat ka!" pabulong na sabi ni Xian ng makita nyang namula si Kim.

Tumango lang si Kim.

Nang matapos ang misa ay nagpasya silang magdinner sa Abe Restaurant sa Serendra.

Nang makarating sila doon ay hindi naman ganoon kadami ang tao pero sa labas nila napiling kumain.

Habang kumakain ay masaya silang nagkwentuhan.

"Babe, maalala ko! Alam mo bang nagulat ako sa ginawa mo kahapon nung makasalubong natin sila Naomi at Carl?" sabi ni Xian.

"Ha? Bakit naman?" tanong ni Kim.

"May pagkapossessive ka pala, Babe?" balik na tanong ni Xian.

"Ah yun ba? Hindi naman Babe! I'm just telling her na mag-ingat sya sa mga actions nya kasi hindi nya kilala kung sino ang nilalandi nya." mariing sabi ni Kim.

Tumawa si Xian ng malakas sabay sabing, " Easy lang Babe! Tapos na yun! Tsaka wala dito si Naomi!"

"Pinagtawanan pa ako! Bakit ayaw mo ba yun ginawa ko? Gusto mo yatang makipagharutan kay Naomi eh!" inis na sabi ni Kim.

"Babe, wala akong sinasabing ganyan. In fact, I like what you've done!" sabi ni Xian na hinawakan ang kanyang kamay.

"Talaga? Dapat nga sasabihin ko sa kanya na hindi pwede kasi boyfriend na kita kaso andun si Carl." sabi ni Kim.

Napabuntong hininga si Xian.

"Ang lalim nun ah!" puna ni Kim sa reaksyon ni Xian. "Si Carl na naman ba?" dagdag na tanong ni Kim.

Hindi sumagot si Xian.

"Babe, let's forget about that! Wala na syang magagawa. Nasabi na natin sa kanya na tayo na! So ano pang problema?" tanong ni Kim.

"Wala na naman! Kaya lang nakikita ko na naapektuhan ka pa din pagdating kay Carl." seryosong sabi ni Xian.

"Yun ba Babe? Hindi mo naman maaalis sa akin yun dahil matagal din naman ang pinagsamahan namin. I treated him as a friend pa din." sabi ni Kim. "So pwede bang wag na nating pag-usapan ito? Let's enjoy this moment! Remember first date natin ito na tayong dalawa lang at alam na ng buong mundo!" sabi ni Xian.

"Well, may point ka dyan Babe! Sorry for thinking like that!" sabi ni Xian nba ngumiti na din sa kanya.

"It's okay Babe! I understand pero wag ng mauulit ha?" tanong ni Kim habang hinahaplos ang mukha ni Xian.

Tumango lang si Xian at hinuli ang kamay ni Kim at ginawaran iyon ng tatlong maliliit na halik.

Matapos nilang kumain ay namasyal pa sila sa kahabaan ng Serendra.

Nang matapos at mapagod sila ay nagpasya na silang umuwi. Inihatid ni Xian si Kim sa kanilang bahay.

Nasa kwarto na si Kim ng maisipan nyang magbukas ng email nya. Nabasa nya ang email ni Superman sa kanya! 

Hindi nya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sa email na iyon ni Superman. Happy sya para sa kanya, pero nalulungkot din sya.

Is this goodbye, Superman?

Tama ba itong nararamdaman ko? Am I cheating on Xian? 

Hindi namalayan ni Kim na may pumatak na luha mula sa kanyang mata.

Isinara na nya ang kanyang laptop at humiga na. Hindi na nya nakuhang magreply kay Superman.

Tinitigan nya yun bracelet na binalik ni Xian sa kanya pati na ang necklace na binigay nito.

I guess this is good bye Superman! Thank you for the time you've given me! I know someday makikilala din kita! Now I know kung sino ang mas matimbang!

Tumulo na naman ang masaganang luha sa kanyang mata at ipinikit iyon hanggang sa makatulog na sya.

***** Thank you for patiently waiting for this Chapter. I hope nagustuhan nyo ito. *****

***** Please do make your comments, votes and likes here in wattpad. It will be a big help for me. Also be my fan here to get more updates. *****

***** You can also follow me on Twitter ( @AkoMismoSiFaye ), Facebook ( Faye Medenilla ) or you can also join in my  group, KimXi Readers Digest by AkoMismoSiFaye ( http://www.facebook.com/groups/357813627605284/ ) on Facebook. *****

Continue Reading

You'll Also Like

9.1K 392 38
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...
25.7K 920 56
"Life is an artwork, and each heart willing to love has their own missing frame." *** Hindi inaakala ni Natasha na magkakaroon siya ng foster father...
1.6K 133 49
SAY YOU WON'T LET GO Ezella met her counterpart. Sinong mag-aakala na ang campus cold-hearted SSG president ay makakatagpo ng Hard-headed Transferee...
7.7K 340 34
Book 1 of Chess Pieces Trilogy 1st Section 50 students 1 killer Try and find before 50 shades of red ink take over. Are you ready to take risk in a g...