Heartless Hannah (Completed)

By Lady_Lemonade_

1.1M 29.6K 1K

I am not easily scared of anything or anyone. Hell! I'm a Davidson for christsakes! I didn't get the name 'Hu... More

Teaser
1 Invisible Forces
2 MementoMori
3 Curiosity
4 Life and Pain
5 Beginning
6 Forget me not
7 Lies
Hello guys!
8 Act fast
9 Rivalry
10 Threats
11 Drinks
12 Heart beats fast
13 wasting time
14 Restless
15 Getaway
16 Wounded
17 Needy
18 Nurse Hannah
19 Screwed
20 Date
21 Friendzone
22 War
23 Forgetting
24 Coping
25 SPG
26 Understanding
27 Firing
28 Status
29 Dive in
30 shì+less
31 Bird
32 Feelings
33 Admission
34 Flip
35 Uncertainty
36 The fight
37 win or lose
38 Someday
40 Six months late
41 Reciprocated
42 Hunter badass
43 Show him
44 Fly, my sweet bird
45 Epilogue
Special Chapter

39 Engaged

20.7K 528 10
By Lady_Lemonade_

Hannah POV

I suppressed a yawn that stubbornly escaped my lips by biting the inside of my cheeks. Tonight is abuela's seventieth birthday and I am here at our mansion's garden trying to keep my eyes open.

Kasalanan itong lahat ni Hunter, masyado niya akong pinuyat kagabi kaya ngayon ay pakiramdam ko any minute now ay babagsak na ang talukap ng mata ko. Mabilis na inabot ko ang baso ng wine sa naglilibot na waiter at nilagok iyon ng mabilis. Bakasakaling magising ng alak ang inaantok ko ng diwa.

Nagsisi pa tuloy ako kung bakit hindi ko na lang isinama si Hunter ngayong gabi, panigurado hindi ako ganito mabo-bored kapag kasama ko ang lalaki. I enjoyed his company so much, marahil dahil na din sa napapalabas ni Hunter ang totoong ugali ko. I can nag him anytime I want and I can laugh at him any chance I get. We fought like kids and tease each other mercilessly. I don't pretend when I'm around Hunter, and he seems to be patient with me, o baka dahil nakakaiskor siya kaya pasensyoso siya?! I scoffed at what my mind is leading me.

I heard what he said last night, but I didn't know how to respond, so I pretended to be asleep.

I love you. The words sound foreign in his mouth. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko iyon mapaniwalaan. I thought maybe it's because he had so much fun last night and he got caught up in the moment. I couldn't wrap my mind around it.

"Hija! Nandito ka lang pala! Finally! Nagbalik na din ang memorya ni Marcus at ikaw ang pinili niya! I've always want it to be you. Let's forget the past okay?" Ani ng mama ni Marcus na nginitian ko na lang. Nahihiya ako sa magulang ni Marcus dahil pakiramdam ko kasalanan ko ang nangyari sa anak nila. Kahit na ba sila mismo ay hindi ako sinisisi.

"Good to see you tita!" Aniko sabay beso sa matanda.

"Nagkita na ba kayo ni Marcus? I hate to spoil his surprise for you." Nakangiting anito na ipanagtaka ko.

"Hindi pa po. Anong surprise tita?" Nahihiyang tanong ko.

"Oh... hindi pa niya nasasabi. You'll hear all about it later. Have you seen your abuela? I haven't greeted her yet?" Anito na sa paligid-ligid nakatingin.

"Nasa foyer po siya tita." Sagot ko na lang.

"Alright. Puntahan ko lang muna ang abuela mo. Make sure you'll say yes later." Anito sabay ngiti sa akin na napilitan ko na lang tanguin ng makitang nagaabang ang matanda sa sagot ko. Agad din naman umalis ang mama ni Marcus na nag-iwan lang ng palaisipan sa akin.

Sa totoo lang nagdalawang isip talaga akong imbitahin si Hunter dahil narito din ang pamilya ni Marcus at naiilang ako na baka malaman nila ang tungkol sa amin ng binata. Kaya sa huli ay hindi ko na lang din siya inimbitahan kahit gustong gusto ko. Pakiramdam ko kasi ay nagtataksil ako kay Marcus kahit na ba nilinaw ko naman sa binata na nalilito ako sa sitwasyon namin ngayon. Na bigyan niya ako ng panahon na makapag-isip.

I know I am being selfish by keeping two guys at bay. But who can blame me? I can't decide! I am torn between the guy I love for so long and the guy who I can't keep my mind off...

Pwede na nga akong kumanta ng... Torn between two lovers ni Mary MacGregor because that is what I am right now. I am torn between Marcus and Hunter.

I quickly drank the remaining wine in my glass when I saw Marcus heading my way. Inayos ko ang slit ng gown ko para takpan ang legs ko na lumabas doon. Alam ko kasing ayaw na ayaw ni Marcus na nagsusuot ako ng mga ganito ka-revealing na damit.

"Hon, bakit nariyan ka lang sa isang sulok? Aren't you going to mingle with the guest? Narito ang mga schoolmates natin from college." Ani Marcus na nagpangiti sa akin ng pilit.

"Alam mo naman Marcus na si Dina talaga ang friends nila not me." Kiming sagot ko na ikinakunot ng noo ni Marcus.

"Of course not! They are your friends too, Hon. Ah... oo nga pala...I have a surprise for you!" Ani Marcus na ikinakunot naman ng noo ko.

Ano ba talaga ang surpresang ito?! Ako lang yata ang hindi nakakaalam?

"Anong surprise ba 'yon?" Nagtatakang tanong ko. Nginitian ako ng malapad ni Marcus sabay kumindat siya.

"You'll see! It will be announce." Ani Marcus na lalong ipinagtaka ko. Magtatanong pa sana ako ng makarinig kami ng makatawag pansin na tawa mula sa aming kanan na ikinalingon namin ni Marcus kay Dina. At halos mamilog ang mata ko ng mapagsino ang lalaking inaangklahan ng braso ni Dina.

Si Hunter na nakatitig naman sa akin. Hindi ko alam kung bakit uminit ang ulo ko pagkakita sa dalawa na magkasama. Pakiramdam ko ay unti unting binabalot ng galit ang puso ko at may kirot na hatid din ang isipin na nauulit muli ang mga pangyayari ng kahapon. Ang kahapon na kung paano agawin sa akin ng kapatid ko ang lalaking gustong-gusto ko.

Ganitong ganito iyon! Ganitong ganito ang pakiradam! Ganitong ganito ang sitwasyon, 'yun nga lang nag iba lang ang lalaking pinag-aagawan namin. Ang haliparot kong kapatid! Bakit ba niya laging inaagaw ang akin?!

Akin?! Did I really just claimed Hunter?! Damn! What the hell is he doing here anyway?! And why the hell is he with my evil sister?!

Kahit ano pang dahilan 'yan, hindi pwedeng makasama ni Hunter ang impakta kong kapatid! Kailangan ko silang mapaghiwalay! Hindi pwedeng mawala sa akin si Hunter! Hindi pwede! Akin siya!

Hindi ko na namalayang humahakbang na pala ako palapit sa kanila ng biglang may brasong pumipigil sa akin.

"Hon, stay. Stay with me. Please?" The sadness in his voice made me turn around and face him. At sa mukha ni Marcus ay kitang kita ko ang sakit na dulot ng aksyon na ginagawa ko.

I am being insensitive. This guy in front of me is the guy who loves me. The guy that I promise to marry. The guy that I built my future with. The guy that I almost killed! And here I am, continuing to hurt him inspite of all the things he went through because of me.

"I...I'm s-sorry." Nakayukong sagot ko na lang sa lalaki na ngumiti ng pilit sa akin. I watched him sigh his frustration as he run his fingers through his hair. Mabilis na ginagap ni Marcus ang dalawang kamay ko at mataman akong tinitigan.

"Hannah... Honey... Please be with me. You know how much I love you! We loved each other so much right?! Malalagpasan natin ito ng magkasama, just be with me, hon! Be with me! Just say yes!" Desperado na Marcus ang nasa harapan ko na kababakasan ng pagmamakaawa ang boses niya. I felt the pain that I caused him that made me shed tears.

"Hannah... please say yes!" Muling ulit ni Marcus na ikinalito ko.

"Yes to what Marc?" Ani ko sa lalaki habang pinapahid ang luha ko.

Marcus just enveloped me in his arms then I heard the murmurs of the guest around us. Then my eyes widened as I heard Marcus parents announced my engagement to their only son. Napaangat ang tingin ko mula sa pagkakayakap sa akin ni Marcus.

Mapaghanap ang mga mata ko na nakatingin sa mga mata ni Marcus. Nanghihingi ng paliwanag sa inanunsyo ng mga magulang nito.

"Marc! Ano ito?!" Bulong ko sa binata ng bigla kaming tapatan ng spotlight na ilaw.

"Hannah, please... marry me! Let's continue where we left of. I love you, now and forever." Mahinang anito sa akin na lalong ikinalito ng isip ko. Hindi ko akalain na bibiglain ako ng proposal ni Marcus. Lumuhod siya at inilahad sa harapan ko ang isang diamond ring.

I don't know why but at that moment I just cried when I heard him say those words. My tears just kept falling from my eyes and I can't stop it. I can't even move on my spot.

What should I do?! I can't hurt Marcus again?! Not in front of all these people! Not after almost killing him?! I can't shame him like this!

Napalingon ako sa mga magulang ni Marcus at kita ko sa mukha nila ang kaligayahan para sa nag-iisa nilang anak. They loved me like their own daughter already. I can't hurt them again by saying 'No' to their son. Not after I almost made them lose their only son! Oh God!

I feel helpless and hopeless. I can't even move. Nang makita ni Marcus na tulala lang ako at lumuluha sa harapan niya ay mabilis nitong kinuha ang kamay ko at doon ay isinuot niya ang diamond ring sa daliri ko. Mabilis din siyang tumayo at pinatakan ako ng mabilis na halik sa pisngi, habang tulala lang ako sa mga nangyayari.

Everyone is congratulating us after that but I can't hear their words. My mind went blank and my body gone numb.

Napaligid ang paningin ko sa paligid at ng matagpuan ko ang hinahanap ko ay pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit.

I can clearly see the hurt and anger in his eyes.

Hunter.... Hunter...

My mind is calling onto him. I wanted to explain everything to him. That this is a big misunderstanding. That I don't want this. That I'm as surprise as he was. That I can't say 'No' right at this moment. That I don't mean to hurt him. That...

Fvck!

I am about to walk towards him but a hand grabbed me at my wrist and stopped me. I tried to loosen Marcus hold but it tightened even more. Then I saw Hunter shook his head at me and gave me a sarcastic smile then he turned and walk away.

And with every step he took is a step to my realization of where my heart lies. It is with him. Hunter is taking my heart with him because it is him I love. I love Hunter more than anything or anyone.

Hunter.... I love you too.

Alam ko huli na ang mga katagang naiisip ko. Huli na. Sana pala nasabi ko sa kanya kagabi. Pero huli na. Pinahid ko ang mga luhang tumakas sa aking mga mata, wala yata iyong katapusan habang nanlulumong napaupo ako sa upuan. Unti-unti na ring nawala ang mga taong bumabati sa amin hanggang sa naiwan na lang kaming dalawa ni Marcus sa table na iyon.

"Hannah..." malungkot na ani ni Marcus na nagpagising ng diwa ko mula sa pagkatulala.

"Marcus, bakit mo ito ginawa?! Alam mong hindi kita mahihindian sa harapan ng pamilya mo at pamilya ko! You know how much I feel guilty with what I did to you. Bakit?!Nasaktan ko si Hunter sa..." hindi ko na tinapos ang sinasabi ko dahil may tumakas nanaman luha sa mata ko na mabilis kong pinahid. Kita ko naman kung paano siya ngumiwi at lumungkot sa sinabi ko. Tinitigan niya ang mukha ko at siya na mismo ang nagpahid ng luha sa mata ko. He let out a big sigh. Nilingon niya ang mga taong nagsasaya malayo sa amin at pagak siyang tumawa.

"Nasagot din ang tanong sa isip ko na matagal ko ng gustong malaman. 'Hindi' ang sagot mo at si Hunter talaga ang mahal mo. Noong una akala ko pwede pa, but after tonight...." Anito sa pagak na boses. Nasapol ako sa mga sinabi niya at nahihiyang yumuko.

"I can't believe this could happen, Hannah. Hindi ko lubos maisip na mapapalitan ako sa puso mo ng ganon kadali?! And the worst part is...I can't blame you dahil mas nauna akong kumalimot!" Ani Marcus sa malungkot na tono. His eyes became bloodshot red. I knew he loved me so much. Hindi biro ang tatlong taon naming pagsasama. Minahal talaga namin ang isa't-isa.

"I'm sorry Marcus! I'm sorry! Ngayon ko lang din narealize lahat! I'm sorry." Umiiyak na sagot ko sa lalaki. He gave me a sad smile and hold my hand.

"I love you so much Hannah... Sorry din kung minadali kita. I was afraid to lose you. Pero matagal ka na palang wala sa akin. I wanted to beg some more. I wanted to beg for your love again. But it will be useless, right? Mahal mo na siya. Mas mahal mo na siya kesa sa akin." Ani Marcus na ikinalakas lang ng hagulgol ko.

"I'm sorry." Paulit-ulit ko lang na nasabi kay Marcus. He let me cry in his arms as I said my sorry all over again. Kahit ako ay hindi makapaniwala sa realidad ko. Hindi ako makapaniwala sa dinidikta ng puso ko.

"If the accident didn't happen, we would have been married by now. Baka meron na din tayong anak." Napipiyok na ani Marcus. Nasa boses niya ang panghihinayang. Umiiyak na napatango ako.

"I'm sorry Marcus." Tanging nasabi ko lang sa pagitan ng pag-iyak.

"Alam ko minahal mo ako Hannah, sabi nila mama at papa, inalagaan mo ako habang nasa coma ako na halos magkasakit ka na. Alam ko rin na labis kitang nasaktan ng nakalimutan ko ang pag-iibigan natin. Siguro nga hindi talaga tayo ang para sa isa't isa." Madamdaming ani Marcus. Umiiyak na din siya.

"I'm sorry." Ani ko sa pagitan ng pag-iyak. Wala na akong ibang masabi kundi magsorry dahil may laman ng iba ang puso ko. Marcus heaved a deep sigh. He smiled but it was a sad smile.

"Tama na yan, Hannah. Stop saying sorry. Huwag ka ng mag-alala sa magulang ko, ako na ang magpapaliwanag sa kanila ng lahat. I'm sorry dahil gumawa ako ng ganito. Mahal kita kaya sumugal ako pero talo ako. I will let you go." Nanginginig ang boses ni Marcus ng sabihin niya iyon na lalong nagpahigpit ng yakap ko sa lalaki.

I can never be angry with this guy. This guy that I loved before, this guy whom I treasured so much. This guy that I almost killed and yet he still love me so much and brave enough to let me go.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 23.8K 55
[For 16+] He's one of the notorious Bellisario bad boys. She's the famous Villabela's perfect daughter. He is what he is and doesn't give a fxck to a...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
2.9M 37K 26
Paano kung isang araw ay magising ka na kailangan mong pakasalan ang iyong brother-in-law? At akuin ang responsibilidad na iniwan ng kapatid mo? (CHA...
9.3M 90.2K 65
Akala niya, siya na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Pero ng malaman niyang nage-exist pa pala yung fix marriage, ito na ang pinakamalas na n...