The Ultimate Heartthrobs & Me

By Steph_Gapol

1.4M 39.2K 4.5K

" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Sub... More

PROLOGUE
Chapter 1- A Bad First Day
Chapter 2- Tigre at Unggoy
Chapter 3 - His Payback
Chapter 4- Her Punch
Chapter 5 - New Friendship
Chapter 6- A Flashback
Chapter 7- Got Your Back
Chapter 8- Double Trouble
Chapter 9- Not a Date
Chapter 9- Not a Date (Part 2)
Chapter 10- Operation: Avoid The Breakers
Chapter 11- The Past Accident (Part 1)
Chapter 11- The Past Accident (part 2 )
Chapter 12- Peace
Chapter 13- Worried
Chapter 14- Unexpected visitor
Chapter 15 Still my Enemy
Chapter 16 - Cold but caring
Chapter 17 - Say What?!
Chapter 18- Mall
Chapter 19- Ice Cream
Chapter 20- Confession
Chapter 21- Haha!
Chapter 22- Unless
Chapter 23- Meet the Huskies
Chapter 24- Mall take two
Chapter 25- We Meet Again.
Chapter 26- Trouble
Chapter 27- For you
Chapter 28- Meet Kim
Chapter 29- I doubt it.
Chapter 30- Heartbreaks
Chapter 31- Mad
Chapter 32- Why so cold?
Chapter-33 I Don't Know You
Chapter 34- Help from the boys
Chapter 35 Basketball Game
Chapter 36 - Ultimate Nurse
Chapter 37 - Old Members
Chapter 38 One Team
Chapter 39- Ultimate MakeOver
Chapter 40- Former Nerd turns into Goddess.(P1)
Chapter 40 - Former Nerd turns into Goddess (P2)
Chapter 41 - Saved by Prince Charming
Chapter 42- Missing
Chapter 43- I'll Be There
Chapter 44- The Truth
Chapter 45- Fridate
Chapter 45 (Pt.2)
Chapter 46 - Tagaytay Getaway (Pt.1)
Chapter 46 -Tagaytay Getaway (Pt.3)
Chapter 46- Kiss under the rain. (TG Pt. 4)
Chapter 46- Tagaytay Getaway (Pt.5)
Chapter 47- Co-incidence
Chapter 48 - The Ultimate Hearttrob's Feelings
Chapter 48- His Ultimate Confession
Chapter 49 - Unexpected Farewell
Chapter 50- Comfort
Chapter 51 - Hurt
Chapter 52 - Inbetween
Chapter 53- Bad Timing
Chapter 54 - Now or Never
Chapter 55- Too Late?
Chapter 56- Ultimate hearttrob's effect.
Chapter 57- New Arrival
Chapter 58- Lovers or Quarrel Experts
Chapter 59 - Unexpected Evening
Chapter 60 - The worst but best day ever.
Chapter 61- Baby
Chapter 62- A Sweet Irony
Chapter 63 - This is it
Chapter 64 - Family first
Chapter 65- Cool off
Chapter 66- You are my exception
Chapter 67 - Double Date, Double Trouble
Chapter 68 - Kendall's Girlfriend
Chapter 69 - White Lies
Chapter 70 - Birthday Date
Chapter 71 - The Great Party
Chapter 72- Promise
Chapter 73- Trial
Chapter 74- Collision
Chapter 75 - Aftermath
Chapter 76 - Missing him
Chapter 77 - Because of you

Chapter 46 - Tagaytay Getaway (Pt.2)

14.9K 463 26
By Steph_Gapol

Chapter 46.2

Huminga ako ng malalim habang nakatingin kay Kendall, andun sa kama niya inaayos kanyang mga gamit. Haaays. Hindi parin ako mapakaniwala, na sa boung linggo namin dito sa Tagaytay, magkakasama pa talaga kami sa iisang kwarto.

Kahit ilang beses kong gustong layuan ang lalaking to, palaging kabaliktaran talaga ang nangayayari. Tapos ngayon, magkasama pa kami sa isang kisame. Pambira naman tadhana nuh? Hindi naman sa kinamumuhian ko ang taong yan, hello? Lalaki kaya siya, tapos iisa pa kwarto namin. Okay lang sana kung si Daniella. Siya pa na lalaki, ang mahilig gumawa ng walang kwentang bagay... baka tuloy...pag tripan pa ako niyan.

"Hoy Tigre girl, sa halip iupo mo diyan, ayusin mo din kaya gamit mo? Tigilan mo na ang pagiisip mo na panaginip to, dahil hindi ka magigising."

Hala? Masyado bang malakas pagkakaisip ko? At narinig niya ako? Ayun, tumayo na ako at lumapit sa aking bagahe at nilapag ito sa kama ko.

Teka...may naalala pala ako bigla...

" Kendall!" tumigil siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Diba magkasama sina Jacob at Daniella sa magkabilang kwarto?" tumango siya.

"Edi sabihin mo kay Jacob, magpalit kami! Or teka..pwede kami ni Daniella!!! Diba? Diba?! Mas okay yun!!" excite kung sinabi. Ba't nga ba di ko naisip yun kanina, eh di sana, di na ako nagdradramahan dito!

Tumayo siya at pinatong ang dalawang kamay sa bewang niya tsaka tinignan ako ng seryoso.

"Mang-iistorbo ka pa talaga ng ibang tao? Eh alam mo naman kanina pa mga yun naka ligpit ng kanilang gamit, andun nga sila sa labas. Ano gusto mo, paiimpake mo pa sila uli?" seryoso naman nito! But...Now that he said that...Parang makasarili ako pag gagawin ko yun. Huhu. Pambira naman. *Pout* nawala tuloy tuwa ko.

"Eh kasi naman eh...lalaki ka tsaka malay mo a---"

"Woah.Woah.Woah." napatingin ako sa kanya.

"Ano sa tingin mo sakin? Gagalawin kita?" tanong niya at napatawa ito bigla.

"Ang lakas mo namang isipin yan tigre girl! Haha! As if naman meron kang...." Bumaba ang tingin niya hanggang sa dibdib ko...Teka......Waa! Bastos nito ah!

"Yaa! Manyak!!" sigaw ko. At napatawa lang siya, habang napahawak naman ako sa dibdib ko. Ang sama talaga magisip ng lalaking to!

"Chill ka lang. Di mo namang kailangan itago yan dahil....flat ka parin." sabay ngisi niya. Tinawag niya akong FLAT?!?!! "Waa! Ang sama mo talaga! Di ako flat nuh!" kumuha ako ng unan at hinagis sa kanya.

"Psh. Flat ka kaya, try mong tumingin sa salamin minsan." At ngumiti siya ng nakakaasar!! Kaninis talaga ang lalaki nato!

"Umayos ka Kendall ah!" sinamaan ko siya ng
tingin habang siya, nakatawa padin. Makaayos na nga lang ako ng gamit!

Psh. Flat daw. Di kaya!

"Pwahahaha!!!"

ehh? Sinulyapan ko siya. Hanggan ngayon nakatawa pa din ito na parang sira. "Tawa mo diyan!?"

"Bakit? Mali na ba ngayon tumawa?" malamang may iniisip itong madumi! "Ano ba nakakatawa? Wala naman ah? Para kang sira diyan." tumayo ako at nilagay sa cabinet ang iba kung damit.

"Eh ikaw kasi eh. Napaka ambisyosa. Haha!" tumingin ako sa nakakaasar niyang expresyon. "Hindi ako mapakaniwala, nagawa mong isiping pagnanaasan kita. Ilang pages ka ba? Hahaha!!" tumawa ulit siya sabay hawak sa tiyan niya.

Di naman ganun iniisip ko eh! Nagaalala lang ako kasi baka pagtritripan niya ako at aasarin katulad ng ginagawa niya ngayon! Siya ang ambisyoso dito! Hindi ako! Tsk. Am I really stuck with this guy? I sighed..."Malas ko talaga!" mahina kung bulong sa sarili.

"May sinabi ka? ha? Tigre girl? " lakas ng tenga din nito ah.

"Oo ang sinabi ko malas ako!" sigaw ko sa kanya.

"Malas ako dahil ikaw pa kasama ko dito!" napabuntol hininga ako.

"Mas malas kaya ako! Psh. ikaw kaya tong malakas humilik at tulo laway tuwing natutulog eh!" waa! Sama talaga nito!

"Di totoo yan nuh!"

"Weeh? Baka gusto mo pakita ko pa sayo at sa iba ang picture mong umuulan ng laway pagnatutulog." he formed an evil grinned. Sana di siya seryoso! Nakakahiya naman yun pagnakita ng iba.

"Oh. Kita mo to? Kita mo to?" tinaas niya sa harap ko ang cellphone niya pero agad naman binalik sa bulsa niya.

"Kainis ka delete mo yun!!" huhu.

"Ayoko ko nga, akin na ang larawan na ito forever." naka smirk niyang sabi.

" Delete mo yan!" angil ko ulit.

"Papakita ko to sa iba muhaha! Lalo na kay Alex! Haha!" sinamaan ko siya ng tingin.

Buti na lang habang tumatawa siya, may naiisip akong crimen na ginawa niya din. Hehe. Tinignan ko siya with confidence tsaka nagcross arm.

"Sige pakita mo yan sa iba. At isisiwalat ko naman sa kanila ang kahihiyang ginawa mo sa mall kahapon! Mwuhahahaa!" tumawa ako ng malakas dahilan para uminis din mukha niya. Hehe I can play this game too Mr. Shing-Wa!

"DONT. YOU. DARE." pilto niyang sinabi. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh I will." lalong nainis mukha niya! Hahaha!

"Alam mo kung ano sasabihin ko?" huminga ako ng malalim.

"Na ang isang kinikilala nilang leader, captain at nakapagmana ng Shing-Wa buisness nakipagagawan sa isang bata sa gitna ng mall, DAHIL ADIK ITO KAY ST--asdfghjk"

Agad siyang lumapit sa akin at tinakpan ang bibig ko. "Okay okay! Di ko na papakita!" tumawa lang ako kahit nakatakip ang mabango niyang kamay sa bibig ko. Halatang nahihiya ang mukha niya. Hehe Naisahan ko siya. Akala mo ah.

"Captain hinahanap na kayo nina Ja--" Agad akong kumalas sa takip ni Kendall.

Mukhang nagulat naman si Kurt ng nakita niya kami. Kasi naman eh!! Pagbukas nito ng pinto, tumumbad sa kanya ang pwesto namin ni Kendall, na sa likod ko siya habang ang kamay niya nakapalibot at nakatakip sa bonganga ko.

Huhu. Kung ano naman siguro iniisip nito ni Kurt.

Nagkatinginan muna kami ng ilang segundo, parang nagwakward bigla..Si Kurt naman nakatayo sa pintuan habang napakamot sa ulo.

"Di ba usong kumatok sa inyo Kurt?!" inis na sabi ni Kendall.

"Ah..hehe...sorry naisturbo ko kayo ah este! Na ano..na gam-- ah basta hinahanap na kayo!" pautal utal niyang sinabi, pero bakas naman sa mukha niya na gustong niyang tumawa.

"Oo na! Umalis ka na. Layas! Susunod na kami." umalis din siya.

"Mauna na akong lalabas." sabi ko.

"Teka..lalabas kang naka short?" humarap ako saanya. Problema nito? Ano gusto niya, mag pajama sa beach?

"Oo naman bakit?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Ah no...kasi..ah..ang itim kasi ng legs mo! Haha! Baka pagtawanan ka lang! Kawawa ka naman haha!!" tumawa ulit ito na parang baliw. Hmp! Inirapan ko siya at umalis na ng kwarto, kesa sa makipag usap sa pa walang sense na nilalang yan.

Ayus din siya maglait sa akin nuh? Araw araw may bago.

Paglabas ko ng hotel, napansin ko na unti-unti na pa lang lumulubog ang araw. Napadaan ako sa garden na puno puno ng magaganda at kukulay na bulaklak. Huminga ako ng malalim.

Ang sarap ng hangin dito. Perfect na perfect yung scenery sa lugar nato! Kung dala ko lang sana ang painting equipment ko, dito ako mismo pwe'pwesto.

Habang nalagpasan ko na ang garden, tanaw ko na kaagad ang dagat. Waa!!ang ganda ang linis ng tubig at ang buhangin ang puti!!

Inikot ko at tingin ko at dun ko nakikita ang iba sa kubo, tumakbo ako palapit sa kanila.

"Wow! Amoy pa lang masarap na ah!" galak kung sabi ng nakarating ako dun. Nag babarbeque kasi sina Ginno at Jacob.

"Yo, Bestfriend! Buti nakalabas kang buhay Haha!" inakbayan ko ni Jacob.

"Balita ko, magkasama kayo ni habilabs mo sa iisang kwarto. Kamusta kayo?" asar niya, kaya inalis ko naman kamay niya tsaka hinampas.

"Habilabs ka diyan." tumawa lang ito, sira talaga siya. Pansin ko lahat ng Huskies dito, naka short lang, exposed tuloy mga ABS NILA!

"Stell! Sali ka volleyball tayo!" sigaw ni Daniella dun sa tapat nag vo-volleyball di kalayuan sa kubo.

"Laro muna ako ah."

"Go lang! Tatawagin kayo namin pag luto nato." sabi ni Ginno at kumindat pa ito. Psh. Pogi mo eh!

Habang palapit ako dun kay Daniella, bigla naman may umakbay sa akin at akala ko kung sino. Si Kim lang naman pala. "Hey Stella." ngmuti siya. Ang ganda lang ni Kim eh. Naka short ito at naka bikini sa taas. Sexy na tapos maganda pa. No Wonder siya gusto ni Alex.

"Hi Kim! Kamusta ka na?" nagbeso kami sa isa't-isa.

"Okay naman, buti talaga nakasama ka sa amin."

"Oo nga.Salamat talaga sa imbita niyo. " mariin kung sabi.

"Anytime, nag eenjoy kaba so far?" tumango ako.

"Oo naman! Minamasdan ko pa lang ang lugar na to, enjoy na enjoy na ako! Ang ganda!" Feel ne feel ko lalo ang break sa lugar na ito!!

Tumawa siya kaya mas lalo itong gumanda. "Haha thats good to hear. Anyway, lets play!" taas kamay niyang bulyaw.

Nagsimula kaming lumaro, habang partner kami ni Daniella samantalang magisa lang si Kim. Magaling kasi siya kaya join forces kami ni Daniella para italo siya tsaka ilibre niya daw kami bukas! Haha!

"Mine!" sigaw ko at se-net ito papunta kay Daniella, na spike niya pero dahil sa bilis ni Kim na recieve niya ito pero di naman namin nakuha. Isa na nga siya, pero kami pa ni Daniella ang nahihirapan.

Senerve ni Kim ang bola at nilaro ulit namin ito. Habang naglalaro kami, tumatawa at nageenjoy kaming tatlo naglalaro sa masarap at kalmado na paligid.

Mahigit 20 minutes nadin kami naglalaro dito, at nakijoin na din ang mga Huskies. Samantalng ang tatlo nag babarbque padin. Di ko lang alam sa abnormal nilang leader, siguro andun pa sa loob yun, nageemote sa banyo.

"Leche! Kurt naglalaro ka ba or nagpapapicture? Pag dadating sayo ang bola, tamaan mo! Bigyan kita ng popcorn diyan eh, feeling ko nanooud ka lang ng movie." nakitawa na lang kami sa kanila. Masanay na kayo kay Mr. Seryoso guy. A.k.a si Jake. "Sorry naman, na dedicstract kasi ako sa mga hot babes dun oh." sabay turo niya sa shoreline kung saan may mga babae nakahiga.

"Fofocus ka o papahalik kita sa shokoy." binigay niya ang bola kay Darrel. "Seserve ko na ba?" haha parang lutang lang to si Darrel. "Hindi baka bukas! O baka next week na lang! Kung kelan ka hindi busy!" pampilosopo ni Jay-C natawa naman kami lahat. Halata ang iba sa kanila magaling lang sa basketball haha!

Ng dumating kasi sina Kurt, darrel at Jay-C sa team niya, natatalo na sila. Ewan ko ba sa dalawang yan, puro kasi sila kalokohan. Di tulad ng teamate namin ni Daniela na sina Niel, Steven, jake focus sila!

"Sereve na ako ah." saad ni Darrel. "Ayusin mo buhay mo Darrel ah." nilakihan siya ng mata ni Kim.

Dumaan ang sampung minuto at ang iba nag eenjoy samantalang ang iba naman napapabuntol hininga na. Intense ng laro eh! Parang varsity lang haha!

"Guys, time out muna ako." tumango lang kami kay Kim.

"Serve na ako." sabi ko at na recieve yun ni Darrel, papunta kay Jay-C, pabalik sa amin nanakuha ni Niel, ni Daniella at hala! Nasa ere padin ang bola! Gagaling nila!!

Napatanaw ako dun sa kubo, at dun nakita sina Alex at Kim. Nagtatawanan habang si Alex nagluluto, at sinusubuan si Kim. Sweet nila...

Iiwas na ako sana ng tingin, pero may napansin akong ang isang lalaki palapit dun.

Agaw pansin ang porma niya kaya hindi maalis ang tingin ko, lakas ng Appeal!

Naka sunglass siya, kaya di ko nakikita mukha niya masyado. Sino kaya yan? Naka short lang ito kaya kita ang. ...

Omg.

*__*

Tanawin na kay ganda pa sa dagat!! Charot.

Pero kasi eh kahit sa malayo, kitang-kita mo padin ang kurti ng pandesal nito. Ang sarap....ang shhaarap titigan...Tapos ang gwapo pa niya!

Nang tinaggal nito ang sunglass niya...Unti unti kung nakikita at namumukhaan itchura niya....teka si....si ano yan ah....si

KENDALL with his pandesal 6 pack!!! KYAAAAA!

"Stella!" natauhan ako nang sinigaw nila pangalan ko. Pag harap ko, naramdaman kung isang bagay tumama sa ulo ko, kaya napapikit ako agad.

Ouch!

Pag dilat ko, gulat na lang ako nang nakaupo na pala ako sa buhangin at tanaw ko tumakbo ang lahat papunta sakin.

Waa! Sakit ng ulo ko. Napahawak ako dito.

"Anyari?" boses ni Ginno. "Natamaan kasi ang babae nato ng bola." at boses yun ni Mr. Seryoso guy, si Jake.

"Stella okay ka lang?" nang inangat ko ulo ko, pansin ko sabay pa sina... Kendall at Alex sa pagsabi nun.

Inikot ko ang aking tingin, at mga mukha nila parang nagaalala sa akin. Tsk Tanga ako kasi eh.

Nang tumingin ako ulit kay Alex at Kendall, pansin ko nakaalok na pala ang kanilang kamay.

Hala.

Teka? Alin dito kukunin ko? Sabay pa talaga nila inaabot ito nuh? Lalo na si Kendall, kagulat gulat naman siya.

Bahala na nga! Pinikit ko na lang mata ko at kinuha ang kamay na hindi ko alam kung sino. Hinila niya ako, at pagka-tayo ko. ..nakita ko kay Alex pala na kamay ang kinuha ko.

"Okay ka lang?" tumango ako at napasulyap kay Kendall. Ngumiti-ngiti siya, pero bakit parang may mga lungkot sa mata nito? Ang weird na ewan ko ba.

Dinala nila ako pabalik dun sa kubo. "Guys okay lang ako, balik na kayo dun." aish. ang tanga ko naman kasi eh!

"Are you sure?" tumango ako kay Daniella.

"Sige na enjoy ka na dun!" Masigla kung sinabi, she gave me a pat, tsaka bumalik dun. "Here bestfriend, lagay mo to sa ulo mo for 10 minutes." inabot ni Jacob sa akin ang ice pack.

"Okay lang ba ulo mo? Ano bang nangyari dun?" nag aalalang tanong ni Alex. Napaisip ako...

Kasi tumititig ako sa ABS ni Kendall! Ganun!

"Ah...di ko nga alam eh."

"Ah. Basta sa susunod mag iingat ka okay? Alam mo naman hindi kapa masyadong naka recover sa nangyari diyan sa ulo mo diba?" yan tuloy sinesermonan na ako ni Alex.

"Oo na po. Magdahan-dahan na ako." ginulo niya lang buhok ko.

"Ah sige ewan ko na muna kayo ito, istorbo na pala ako sa date niyo eh." nagpapilit akong ngumiti sakanila ni Kim.

"Haha anong date? As if naman ang boring na lalaki nato makikipag date sa akin" pangasar na tono ni Kim.

"Ah? Ako boring pala ah? Stella hawakan mo siya, kikilittin natin." sabi niya sabay wink sa akin.

"Waa! Alex wag ah! Stella wag!" tumayo dalidali si Kim habang natatakot. Haha ang cute lang nila..

"Ah bahala kayo diyan! Haha alis na ako." tapos umalis muna ako.

Dinala ko yung ice pack at naglakad palayo sa kubo.

Hmp! Nagmumukhang kawawa ako sa dalawang yun. "Oy, saan ka pupunta?"

"Maglalaka lakad lang ako dun oh." nakaturo ako sa kalayuan.

"Kakain na tayo mamaya, tsaka okay na ba yang ulo mo?" concern talaga tong si bestfriend ko. "Okay lang ako, tsaka nagmumukhang kawawa lang ako dun sa dalawa eh. Baka langgamin pa ako" nginuso ko sina Alex na nakikipag kulitan pa din sila. Huminga ng malalim si Jacob.

"Ah haha mukha nga. Sige, pagnakita mo si Kendall, isama mo na siya pabalik." tumango lang ako at lumakad na. Asan na nga ba ang lalaking yun? Biglang nawala..Akala ko andito lang siya kanina.

Habang naglalakad ako, di ko mapigilang napatawa sa sarili. Talaga bang natulala ako sa ABS ni Kendall? At rason para tamaan ng bola? Anyare sa akin?

Papunta na sana ako ng garden, nang natanaw ko si Kendall. Ayun pala siya eh! Nakatayo dun mapalapit sa isang puno. Huhu. humanda talaga ang ABS-- este siya sa akin!

"Hoy Ke...-" natigilan ako sa pagsisigaw ng my isang babae lumapit sa kanya.  Maputi, sexy, at parang nakakatanda samin ng ilang years ang babaeng lumapit sa kanya.

Sino kaya yan? Kilala ba yan ni Kendall?

Nagusap sila...Oh so kilala nga....

Tumayo ako sa pagitan ng dalawang stand para di nila ako makita. Teka....ano tong ginagawa ko? Ah! Nagtatago para di nila makita! Hehe yun ba?..

"Haha ikaw talaga.Sige mauna na ako." rinig kung sabi ng babae. Nakatalikod siya sa pwesto ko kaya di ko makita mukha niya. "Geh. Salamat ah. Pag kailangan mo ulit ako, isang tawag lang, asahan mo andyan na ako." Wee? si Kendall ba talaga nagsabi nun?

Sino kaya ang babae nayun? Parang ang laki ng papel niya sa buhay ni Kendall. Ang iba ng makikipagtungo sa kanya ng abnormal nayun.

Kasintahan niya kaya? Manliligaw ng babae? Gusto ni Kendall? SINO Siya?!!

Teka...ano ba tong nararamdaman ko bigla? Bakit parang lumungkot at may halong galit ang pakiramdam ko ngayon?

Para siyang pakiramdam na tuwing nakikita ko sina Alex at Kim nagkakatuwaan. Tapos nang nakita ko si Kendall may kausap na babae.....nagseselos ba ako?

HAHA!! Imposible. Hind ko siya gusto nuh! At lalong hindi ako nagseselos!!!

Hindi nga ba? Eh bakit parang kumukulo dugo ko...

"Ginagawa mo diyan?" huh? pagharap ko..."Ay butiki!" ang bilis naman ng lalaki nato? Andito kaagad siya sa harap ko!! Umalis na si ate girl? Asan na siya?

"Ah..wala...nagpapahinga lang." walang kwentang palusot ko.

"Nagpapahinga ka sa pagitan ng stand?" nakataas kilay niya.

"Ah..Oo! Tama! Hello ano sa tingin mo ginagawa ko?" sheeting pusa. Ano na ba tong pinagsasabi ko?!

"Ah okay." tipid niyang sabi.

Okay? As in okay?

And then nag walk out siya...Hindi niya man lang ako inaasar sa sinabi ko?

Seriously. Nakakapangilabot minsan ang modo ng lalaki na yun.

Oh baka dahil inlove siya? Inlove sa babae kanina!!

Uhg! Naiinis ako.

Bumalik ulit ang babae na yun sa isip ko. Sino ba siya? Anong papel niya sa mundong ito? Sa mundo ni Kendall?! Aish. Ayoko ko na nga magisip! Pakialam ko naman sa kanila?

Edi mag sama sila! Hays. Badtrip naman oh.

****

Pagbalik ko sa kubo, andun na sila lahat. Umupo na ako sa tabi ni Daniella at napansin andun si Kendall sa pinaka dulo ng lamesa, habang nasa harap niya ang kanyang cellphone. May ka text siguro, at sigurado akong babae yun!

"Tagala andito siya? Sayang sana nag hi din kami sa kanya."

"Nagmamadali eh. May flight pa siya mamaya."

Di ko maiwasang marinig ang kwentuhan nila ni Ginno. Sino kaya pinaguusapan nila? Si ate girl ba?

"Oy Stella....Stella.."

"BAKIT?!?"

Lahat sila napatingin sa akin. Pati ako nagulat naman sa napasigaw ako, ba't nga ba ako napasigaw? Huhu. Di ko naman alam kung bakit bigla na lang umiba nag mood ko, at parang bang naiinis na ko.

Monthly ko ba ngayon? Imposible, kakatapos ko lang eh. Hays di ko na alam kung ano nangyayari sa akin! Ako na ata ang abnormal dito. Siguro malakas lang talaga ang tama ng bola sa akin

Nagsorry na lang ako kay Kurt, na gusto lang pala ipa abot ang ketchup na nasa harap ko. Nasigawan ko pa siya tuloy siya huhu.

Habang kumakain kami, sumasabay naman ang kwento tsaka ang mga tawanan sa pinaguusapan namin.

Habang nagkwekwentuhan naman ang mga lalaki tungkol sa mga panahon daw na binabusted sila ng mga babae at kung ano ano pa na mga kwenukwento nila na hindi naman nagtutugma sa topic naming mga babae.

Pagkatapos namin kumain, agad na ang iba nag desisyon magpahinga sa kwarto nila. Syempre 8 pm na, tsaka bukas daw maaga kami gigising para syempre ikutin ang boung resort . Hehe. Excited na talaga ako para bukas!!

Sabay kaming umalyat ni Daniella.

"Good night Dani." sabi ko. "Good nigt din, Stel okay ka lang ba? Ang tamlay mo kasi kanina pa." I feel bad. Na apektuhan ko pa sila tuloy sa kabaliwan ko. "Okay lang ako, sige matulog kana." Sinubukan kung ngumiti sa kanya.

Pagpasok ko ng kwarto, wala pa si Kendall kaya nagsimula na akong umayos ng sarili ko sa banyo. At pagkalabas ko ng banyo, andun na pala kaagad siya nakahiga, nakatutuk sa cellphone niya habang hanggang bewang nakabalot ang kumot sa kanya.

Buti nalang tutuok na tutuok siya sa cellphone niya, di ako nito napansin. Hindi nadin ako umiimik sakanya, sa halip tumungo na ako sa kama tsaka humiga at pinatay ang lamp shade sa gilid ko.

Good night world!

"Matutulog ka na ba?" mahina niyang sinabi.

"Ah hindi! Magbabasa ako ng libro, pinatay ko lang ang lamp shade kasi gusto ko magbasa sa madilim!" pampiloso po ko. Ewan ko ba, parang kumukulo ang dugo ko sa kanya.

"Psh. Ang sungit." he sighed.  "Sige. Good night." sabi niya....di ako nakagalaw. Napangiti pa ako!

Good nigt daw? Bakit sa tatlong salita lang niya, nagawa niyang baguhin mood ko?

"Sweet dreams, tigre girl." dagdag pa niya at pinatay ang kanyang ilaw.

Hala...ngumiti ngiti ako ng todo!!!Napangiti ako na parang sira! Ay ewan ko ba sa sarili ko! Hindi ko maintindihan! Nawala ang nega vibes ko sa isang good night lang ni Kendall.

Ang weird talaga ng araw nato! Ano nalang kaya mangyayari bukas? Bahala na matulog na nga ako.

Paiba-iba ako ng pwesto sa kama ko, kasi parang hindi ako comportable. Pinulupot ko din ang kumot sa boung katawan ko. Hays. Napatingin ako kay Kendall at hindi na ito gumagalaw...Tulog na siya siguro.

Napahinga ako ng malalim...

"Salamat sa lahat Kendall ah. Yung pag bigay mo ng pagkain sa pamilya ko kanina, at sa pag dala sakin dito....Salamat." binulong ko mga yun sa sarili ko habang nakatingin sa kanya. Hindi siya kumibo, mabuti nga. Napabuntol hininga ako.

Good night Kendall....

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
2.1M 76.6K 164
Sml? An epistolary.
16.5M 718K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...