Infernio Academy 1: Touch of...

By siriuslay

342K 14.4K 7.1K

Infernio Academy is the biggest secret of Del Fuego, an institution that isn't solely focused on academics. I... More

Note
Cast
Introduction
Chapter 1: Blood and red lights
Chapter 2: The letter
Chapter 3: Conference
Chapter 4: The unexpected
Chapter 5: Testing waters
Chapter 6: In progress
Chapter 7: Welcome to hell
Chapter 8: Are you joking?
Chapter 9: Another death
Chapter 10: Mixed start
Chapter 11: Locked in
Chapter 12: Something's strange
Chapter 13: Red light
Chapter 14: Inescapable madness
Chapter 15: Forms of Contention
Chapter 16: Fear and anger
Chapter 17: The act of aggression
Chapter 18: The punishment
Chapter 19: Fellowship
Chapter 20: The real queen
Chapter 21: Fuels and flames
Chapter 22: Connecting bridges
Chapter 23: Young and Relentless
Chapter 24: Change of wind
Chapter 25: Saving the wallflower
Chapter 26: Dubious plan
Chapter 27: Not a friend
Chapter 28: Wildfire
Chapter 29: His worst nightmare
Chapter 30: Make me understand
Chapter 31: Driving up the wall
Chapter 32: Shot in the dark
Chapter 33: The formed alliance
Chapter 34: Falling
Chapter 35: Devil with a mask
Chapter 36: Not the usual
Chapter 38: The boiling point
Chapter 39: Tears of hopelessness
Chapter 40: The result
Chapter 41: Unravel
Chapter 42: Stay away
Chapter 43: Believe in yourself
Chapter 44: Question and answer
Chapter 45:Melting
Chapter 46: The outside
Chapter 47: Caught off guard
Chapter 48: Unexplainable feelings
Chapter 49: More than they expect
Chapter 50: Tickled hearts
Chapter 51: They knew it
Chapter 52: Fear is a liar
Chapter 53: Start line
Chapter 54: Infernio Battle
Chapter 55: The Final 10
Epilogue
Book 2

Chapter 37: Suddenly a team

3.9K 205 142
By siriuslay

⪼ S A P P H I R E

Hindi ko alam kung bakit nandito ako sa Infernio Hall. The hell. Alam ko nang kukulo ang dugo ko kapag nakita ko si Mr. President pero nagpunta pa rin ako. Pero kahit naman hindi pa siya nakikita ng dalawang mga mata ko ay nag-iinit na ang ulo ko dahil sa mga titig ng ibang estudyante na para bang gusto kaming lagutan na ng hininga. Do they really think that would scare me?

"Napapansin mo rin pala. Huwag mo na lang patulan." Bulong ng katabi kong si Hadley kaya napairap ako.

"I'm so going to scrape off their eyeballs." Siniko na lamang ako ni Hadley na para bang pinapatigil ako. Muli akong napairap. 

"Hello, Hads." Umangat ang tingin ni Hadley at binati pabalik si Ford. Hindi ko siya tinapunan ng tingin pero alam kong nakatingin siya sa akin habang naghihila ng upuan. "And, hello Sapphire." He greeted me using his monotone voice. I can't handle that transition, ang sigla-sigla ng pagkakabati niya kay Hadley tapos pagdating sa akin parang napilitan lang siya dahil nandito ako.

"Greet her nicely, Wayne." Sambit ni Hadley na may halong pagbabanta sa tono. Hindi ko pa rin sila nililingon at diretso lamang ang tingin ko sa stage. 

"I told you not to call me Wayne. I'm warning you, Farell." Typical line of Wayne Ford. I bet Hadley just stick out her tongue para mas lalo pang mang-asar. The mere thought made me chuckle.

"May isang nababaliw, tumatawa kasi mag-isa." Napatingin ako kay Hadley. Kahit pa hindi siya nag-name drop ay alam ko ng ako ang pinariringgan niya. And well, that's pretty obvious.

"Huwag niyo na akong idamay. Nananahimik ako." Malamig na sambit ko. Malamig ang tingin sa akin ni Ford but I know there something behind those cold eyes.

"Alam kong namimiss mo na ring makigulo sa amin ni Hadley." Para akong nanlambot nang marinig ang sinabi ni Ford. Unti-unting kumurba ang labi niya ng isang malapad na ngiti. Ang ngiting tumibag lalo sa mga pader ko. And that smile is telling me to come back to them. 

"How sure are you?" Hindi ko maiwasang hindi mapangiti pero pinilit ko iyong pigilin pero huli na ang lahat dahil napansin na nila.

"Mas sure pa ako sa sure, Sapphire!" Bulalas ni Ford. Heto na naman ang makulit niyang side na sa amin niya lang ipinapakita ni Hadley.

"Ingay mo, Wayne." I rolled my eyes jokingly.

"Hey, Silver. Thanks for saving me." Agad tuloy akong napalingon sa kinausap ni Hadley na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko. Silver just answered with a nod.

Hindi ko alam kung paano ko siya titingnan. I remember every single thing. I'm not an awkward person, I know how to keep up with someone's presence even if they are a complete stranger or not. Pero ibang usapan na 'to, hindi ko alam pero gusto ko na siyang iwasan. 

"Mukhang ayos na kayong tatlo ah?" Bulong sa akin ni Silver pero hindi ko siya tiningnan.

"Yeah." I answered softly. I saw in my peripheral vision that he smiled a bit.

Ilang minuto lamang ang nakalipas at napuno na itong table na good for ten person. And yes, kami-kami ulit ang magkakasama. Mukhang wala na silang balak makihalubilo sa iba matapos ang botohang nangyari. 

Huling dumating sila Dannah at Blake. Hihilahin na sana ni Dannah ang upuan sa tabi ni Newt pero inunahan siya ni Blake at hinila ang upuan sa tabi ni Risei para kay Dannah. Napakunot ang noo ko dahil doon. Ayaw ba niyang makatabi ang taong gusto niya?

"Good evening."I was too distracted by these people, I ended up not noticing Mr. President.

"I'll be out in a few weeks for some important reasons. Please don't cause any trouble." I rolled my eyes when he glanced at our table. I stopped paying attention because of that. How dare him give us that look? Parang pinaparating niyang kami pa ang trouble makers. Naiintindihan kong binubuo ng competition ang Academy na 'to pero bakit naman sila ganito sa amin? 

But then...

"Past issues should be forgotten. Focus on your mental and physical training instead. Keep the competition inside the ring."

***

As usual, the ten of us are in the same room again. Napapadalas na ang mga ganito naming meetings dahil pare-pareho lang naman kami ng concerns. I swear something's not right.

"Did he just lowkey defend our side this time?" Newt questioned, taking a bite of his burger.

"Highkey." Hadley suddenly pulled his arm to take a bite on the burger too. The hell, Hadley Grace?. Taking a bite on someone's food now? Really? 

"Sana bumili ka ng sa 'yo kanina!"

"Kumagat lang! Buti nga hindi ikaw ang kinagat ko, mukha ka pa namang pork barbecue!"

"Okay, anyway." Ford clapped his hand to distract us from the two. Sinadya niyang bungguin ang dalawang nagtatalo pa rin habang kami ay nakangiti lang ng pilit at nagpipigil pa ng inis. I believe everyone here hates noises except from the two, and Blake.

"Pinagkakaisahan tayo ng mga estudyante. Hindi sa nanghuhusga ako pero iyon talaga ang nakikita ko." Dannah's right. Iyan rin ang naiisip kong dahilan kaso ang hindi ko alam ay kung bakit. Bakit nila iyon ginagawa?

"Sabotage." Kumento ni Risei na kanina pa nakatahimik. Tahimik naman talaga siya lagi at parang walang balak makipag-usap sa iba pero ang pagiging tahimik niya ngayon. Mukhang karamihan sa amin ay mainit ang mga ulo.

"I feel like Mr. President is on their side because that's the majority, and the majority hates us." I said. "But why did he defended us this time?"

"He finally realized that he's a stupid dumb fuck." Denver answered for me.

"Stupid dumb fudge." Blake repeated in a whisper, minus the cuss part because he's a holy kid. "Ayos 'yon ah? Bigat. Damang-dama ko." Sinuway naman siya ni Dannah matapos nitong mambunggo ng balikat.

"Wala naman tayong ginagawang masama sa kanila." Sumandal na lang si Denver si pader.

"Siguro dahil parte kayo ng Top 10 noong isang taon kaya mga inggit." Shaiala concluded. 

"Tayo nga."

"Wala namang tayo." 

May balak pa yatang dumagdag ang dalawang 'to sa ingay. Besides Newt and Hadley, I also found Denver and Shaiala shading each other most of the time.

"Tama si Denver. Hindi naman siguro iyon ang dahilan nila dahil tayong sampo ang pinag-uusapan. Hindi naman kami kasama sa Top 10 kasi bago pa lang kami." Sabi pa ni Dannah.

"Pero maaaring iyon ang dahilan nila para siraan kaming pito habang kayo..." Hindi matuloy ni Hadley ang sasabihin dahil wala naman siyang makitang dahilan upang madamay sila Dannah. Hindi ko man alam lahat ng kilos nila, alam kong mabubuti silang tao at walang gagawing masama sa iba. 

"Listen up." Sa isang iglap, lahat ng atensyon namin ay na kay Silver na. "An outsider tried to kill Sapphire. The Incognito attacked Risei, someone tried to kill Hadley and Thalia tried to end Dannah's life." What is he trying to say? Na parang iniisa-isa kami? Okay, I'm starting to get his point.

"Incognito?" Tanong ni Risei. Tinuon kong muli ang tingin ko kay Silver habang naghihintay ng sagot. Ngayon ko lang narinig ang pangalan ng grupo na 'yon.

"Ang dahilan para makasama ka sa mga nabigyan ng parusa. Sila ang grupong humarang sa daraanan mo or niyo ni Shaiala. Then Denver came in the scene as a back-up kaya nadamay rin siya sa parusa." Paliwanag ni Silver. "That's like a formed alliance since then, they secretly help each other during battles. Giroux, Bronze's friend is still a part of that even though he wanted to leave. Para sa kanila, traydor ang pag-alis."

"Wait, how come na alam mo ang nangyari kaya ako o kami naparusahan? Wala ka naman sa scene?" Tanong ni Risei na nakakunot pa rin ang noo.

"I'm always watching everyone's move. Lahat ng pangyayari rito sa school, alam ko." Kinilabutan ako sa sinabi ni Silver at hindi ko iyon ipagkakaila. Kaya ba alam niya ang grupong Incognito na hindi alam ng karamihan o ng kalahatan? Akala ko simpleng samahan lang 'yon pero hindi pala. 

"Gano'n? So ilang beses akong naligo ngayong araw?" Blake suddenly broke the thrilling atmosphere.

"Blake!" Suway sa kaniya ng karamihan habang ako ay napahilamos na lang sa aking mukha. Si Risei lang yata ang natawa.

"Nagtatanong lang!"

"Paano mo nalaman ang grupong Incognito? Bakit hindi ko 'yon alam? Ang alam ko lang magkakaibigan sila." Ford stated.

"Hence the name. Incognito. They're invisible by keeping their identity low. Bakit? Para hindi malaman ang pakay nila. And no, they are not friends, they are just using each other to advance. That's why Giroux wanted to leave." Pero bakit niya 'yon alam kung panay tago ang grupong 'yon? May paraan ba si Silver na hindi namin alam? O baka naman sinabihan lang siya ni Giroux? I don't know anymore.

"One of them said that we are a threat to them. Napapansin na nila ang pagiging malapit natin sa isa't isa. Mainit ang dugo nila sa ating pito dahil sa tingin nila nagkakampihan tayo dahil nga lagi tayong magkakasama at maaaring maging dahilan 'yon para hindi nila tayo masibak paalis sa list since naisip nila baka protektahan natin ang isa't isa. Mainit ang dugo nila kila Shaiala, Blake at Dannah dahil naiisip nila na kakampihan natin ang tatlong nabanggit ko at hilahin pataas, hilahin patungo sa Infernio List." 

So that explained everything. 

Hindi ba nila naisip na makakasira rin sa amin kung magkakampihan kami? Alam ng lahat kung gaano kami makasarili? Ang mga kabilang sa Top 10, sila ang mga taong sarili lang ang iniisip so bakit nila naisip na magagawa naming magkampihan?

"But they teamed up too. Fucking hypocrites." I commented. Ayaw nilang makita kaming magkakasama dahil sa tingin nila ay nagkakampihan kami para mapagbagsak sila pero iyon rin ang ginagawa nilang lahat ngayon para pabagsakin kami. 

"Sila ba ang lumason sa isip ng iba para magtulong-tulong na pabagsakin tayo?" Tanong ni Ford.

"Maybe." Hinagod ni Silver ang buhok niya at inalis ang pagkakakunot ng noo niya. "Mali sila. Maling-mali. Mali ang pag-aakala nilang nagkakampihan tayo pero nang dahil sa pag-aakalang iyon ay unti-unti na ngang nagkakatotoo." Damn, he's right. Naalala ko kung paano namin ipagtanggol ang isa't isa tuwing nalalagay sa alanganin. I mean, it's not really intentional, but something inside me or maybe on them as well that tells us to keep each other safe. Para bang out of habit ito.

"Bakit hindi na lang natin totohanin ang pag-aakala nilang lahat?" Suhestiyon ni Ford kaya naman napatingin kami sa kaniya. Oh damn, don't tell me...

"Alliance between the ten of us?" Nakangiting sambit ni Hadley. "What do you guys think?" May parte sa akin na ayoko dahil kaya ko naman ang sarili ko. Pero sa tingin ko kailangan rin namin ang isa't isa dahil hindi lang naman isa ang kalaban namin rito kundi ang lahat ng taong nandito. Everyone's against us. Lahat sila ay mainit ang dugo sa amin. Oo, malakas ako. Oo, matapang ako. Oo, kasama ako sa Top 10. Pero walang-wala na 'yon kapag nagsabay-sabay na sila.

"Fine." Walang ganang sagot ko. "Pero hindi ako pumayag rito para lang ma-protektahan kayo. Pumayag ako para sa sarili ko." Pinangunahan ko na si Hadley kaya naman nawala ang ngiti sa labi niya.

"Shhh! Whatever you say, Sapphire." Ford silenced me.

"I'm in!" Sabi ni Blake at umabante ng kaunti para mailagay niya ang kamay sa gitna namin. 

"Ako rin." Ginaya naman siya ni Dannah.

Hindi nagsalita sila Shaiala at Denver at sabay pang inilapag ang mga kamay sa ibabaw ng kamay ng magpinsan. Nagkatinginan pa sila at sabay ring nagiwas ng tingin. Ipinatong na rin ni Ford at Hadley ang kamay nila na sinundan naman ni Newt. Inalis ni Risei ang pagkakabulsa ng kamay sa jacket at inilapag sa ibabaw ng kamay ni Hadley. 

Now, I'm staring at their hands stacked above each other's. Kami na lang ni Silver ang hindi pa nakikigaya sa kanila kaya naman tiningnan nila kami na para bang sinasabing makigaya na kami. Uh, do I really have to do this? I mean, do we?

Ngumisi si Silver at walang pasabing hinawakan ang kamay ko at ipinatong ito sa kamay ni Risei habang ang kanya naman ay nakapatong sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisihan niya lang ako.

"So ano ng balak natin?" Tanong ni Denver na nakatingin sa mga kamay naming magkakapatong. I'm getting embarrassed. Someone make the next move now.

"Kailangan natin ng team name." Sabi ni Blake na sinang-ayunan ni Newt.

"Rock, paper, scissors. The winner will decide." Suhestyon ni Newt at sabay naman nilang inangat ni Blake ang nakayukom nilang mga kamao. 

Is that even necessary?!

"Talo!" Biglang sigaw ni Newt na parang isang bata. 

"Okay, ikaw na bahala." 

"Our team name is Newt Harrison." Napairap ako at inalis ang kamay ko dahil sa sobrang pagkairita pero muli niya iyong ibinalik. Tinaliman ko siya ng tingin habang siya naman ay tuwang-tuwa pa rin. At ang nakakainis pa ay pati na rin ang iba ay natawa sa sinabi ni Newt.

"O kaya Newt and Friends. Newt and—"

"Newt!" Sa pagkakataong ito, lahat kami ay nakisaway na.

"Nagsusuggest lang!"

This is it. I literally break my own walls just to build alliance with them. I hope I won't regret anything.

_

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 380K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
607 77 9
Lucky and Zaphael gradually adapted to living in the Legendarria world after getting engulfed in the realm that existed within the book. As they unco...
181K 7.2K 72
Isang hindi mapangalanang epidemya ang kumalat sa Pilipinas. Hindi alam kung ano ang pinagmulan ng mga ito. Ngunit isa lang ang alam ng isang grupo n...
26.9K 1.8K 47
The disappearance of the pretender they once called president brought peace to Del Fuego. After four years, Infernio Academy is ready to open again u...