Spoken Words Poetry By OtakuZ...

By OtakuZone

203K 1K 220

(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nan... More

Mukha Ng Pag-ibig
SA ISANG GABI
KAIBIGAN
WALA
PANGAKO
PANAGINIP NA LANG
SINO SIYA?
HANGGANG SA MULING PAGKIKITA
SETYEMBRE
TAYO BA?
KULAY
IYAK NG SANGGOL NA HINDI IPINANGANAK
ANG HULING HININGA
BAKIT?
TIWALA
MANLOLOKO
PANGARAP LANG KITA
PRINSESA
DALAWA
Alphabet at ABAKADA
Behind The Mask
Monsters
Insomnia
BIKTIMA?
Ayos Lang
Mag-sinungaling Ka
Ebidensya
Papel
PERO
Labing-Siyam at Isang Segundo
Panindigan Mo
Pangalagaan Ang Kalikasan
Lahat ng Tanong ay May Kasagutan
Buhay Estudyante
Mag-laro Tayo
Parang Tayo
Kailan Titila Ang Ulan?
PITO
Wikang Filipino, Wikang Mapagbago
Author's Note #1
Liham Para Sayo
Para Sa Mga Sawi At Iniwan
Kilala Kita...
Nakita Kita
Pasensya Na
Sana Ako Nalang
Ito Ang Gusto Ko!
IDOLO
SANA
Sa Likod Ng Ngiti
Para Sayo, Mahal Ko
Ginintuang Kultura
Ako Nga Pala
Bagong Tabas
Sa Pagitan Ng Tayo At Wala
Pinakamatalas Na Kutsilyo
Sa Ayaw at Sa Gusto Mo
TRICYCLE
MASKARA
Isang Kilometro
Hindi Ako Bitter! Duh!
Tingin
Para Saan Pa?
BIRO
Wag Muna Ngayon, Puso
Happy Teachers' Day!
LARO
Plano
Sa Utak Ng Isang Babae
Sa Panahon Ngayon
Wag Kang Mag-Matapang
Walang Lihiman
Please Listen
Sakit
Paasa Ka Lang Ba?
Selos
Sariling Medisina
Pabalik-Balik
AYOKO NA
The Poet's Vow
Blankong Pahina
Ganito Na Ang Mundo
Sa Kabila Ng Lahat
Everything's Peachy
Doon Sa Amin
Kunwari Lang Pala
"Mahal Kita"
Wala Na Nga Pala
Trabaho
Opposites Doesn't Always Attract
Dahilan
Sundalo
Bakit Nga Ba?
Hello
Wala Na
Panandalian Lang
Maswerte Ka
Malamig Na Pasko
Sa Araw Ng Pasko
Galaxies
Magnet
Bakit Ikaw Pa?
Isang Pag-alala
A Clock With No Numbers
Pwede Po Ba?
Harana
Hanggang Kailan?
YES
Ikaw Lang
Ako'y Isang Makata
Sa Buwan Ng Pebrero
'La
Kalayaan
Ang Aking Diyamante
Ang Pusong Naiwanan
Life?
Isang Kislap ng Bituin
Author's Note #2
MaPa
Ikaw at Ako
Bakit Nga Naman?
Isa Para Sa Lahat
Just Don't
Mas Lamang Yung Nauna
Gaano Ka-Tagal Ang "Basta"?
"Siya Ang Panalangin Ko"
Pagpapakilala Ng May-Akda
Remedial
Basahin Mo Kapag Dinedma Kita
My Teacher Teaches English
Maghihintay Ako
Suyo
Ikaw Pa Din
Balang Araw
Sana Alam Mo Rin
Mahal At Gusto
"Walang Malisya"
Ngumiti Ka Lang
Cucurbita maxima
"Kung Mahal Mo..."
Paano Kung...
Huwag Naman Sana
Para Sa Taong Minamahal Ko
Malaya Ka Na
Anim Na Salita, Isang Linya
Author's Note #3
Mapapansin Mo Kaya?
Nasaan Ka Na?
Ganyan Ako
Martyr
Ready Na Ako
Ako Ang Doraemon Ng Buhay Mo
Kaya Pala
Habulan
Mahalin Niyo Naman Ako
Filipino: Wika Ng Saliksik
Ang Ating Tahanan
Author's Note #4
Daig Ng Puso Ang Utak
Isang Minuto
Ipinapangako Ko Sayo
Paalam, Kapatid
Tama Na
Bayani
Di Sapat
Huwag Na
G.S.P.
Adik Ako
Huwag Ka Lang Mawawala
Dear Future Husband
Marahas Ang Realidad
Bakit Ako?
Bes
Ngayong Araw Na Ito
Nang Dahil Sa Pag-ibig
LALAKI KAYO, HINDI BA?
Bola
Papel At Pluma Ang Sandata
Crush
Kabanata
Huling Litrato
Salamat Sa Iyo
In The Middle Of The Sea
Preso
Walang Permanente Sa Mundo
Bituin
Tara, Magbilang Tayo
Isang Usapan
Silaw
PANINDA
Hindi Basehan Ang Kasarian
Tatahimik Nalang
Three Words
Tatlong Tao
Manang Pinay
Ganti
Kayo Muna
PokMaru
SWPBO Part Two

Ang Ating Istorya

421 2 0
By OtakuZone

PAG-IBIG.

Isang salita, pitong mga letra, subalit maraming kahulugan.
Lahat ng mga tao sa mundo, nararamdaman yan.
Sa magulang, kaibigan, kasintahan, sa sarili, sa mga hayop o bagay.
Ang salitang ito ang nagbibigay ng saya at kulay sa ating buhay.

Bawat isa sa atin ay nakaramdam na nito.
At syempre bilang may-akda, kasama na rin ako.
Pagdating dito, lahat tayo'y may sari-sariling kuwento.
Iisa man ang paksa, nagkakaiba naman sa kung paano nag-wakas ang mga ito.

Bilang pasimuno, ako ang mag-sisimula.
Ikukuwento ko ang aking karanasan dito sa aking tula.
Ito ang tula na magpapakilala ng kaunting parte ng aking pagkatao.
Isang tulang magkukuwento tungkol sa nakaraan ko.

Nagsimula ang lahat noong ako'y labing-limang taong gulang pa lamang.
Noong buwan ng Agosto at ako'y nasa ika-siyam na baitang.
Dito tayo magsisimula, kung saan nakilala ko siya.
Siya na nagparamdam sakin noon ng ligaya.

Nagpadala siya ng mensahe, nangungumusta.
Nalaman niya daw na hindi ako nakapasa.
At ang sabi niya pa mayroon daw mali, parang nadaya.
Dahil alam niyang magaling ako at masigla sa lahat ng asignatura.

Doon na nagsimula ang unang yugto ng aming istorya.
Hanggang sa inamin ko sa kanya na iniibig ko siya.
Isang malaking ngiti ang gumuhit sa aking mukha.
Sapagkat, inamin niyang ako rin ang itinitibok ng puso niya.

Sa ikalawang yugto, napuno ng saya ang aking puso.
Buwan ng Setyembre, nagkaroon ng "tayo".
Ika-dalawampu't siyam na araw ng buwan na iyon, ibinigay ko ang aking "Oo".
Isang bagay na nagpabago ng aking mundo.

Masaya naman tayo at mas lumalim ang samahan.
Isang bagay na nagpalalim din ng aking nararamdaman.
Unti-unti akong nalulunod sa pag-ibig ko sayo.
Na para bang lahat ng gusto mo ay ibibigay ko.

Itinuring kitang sentro ng aking mundo.
Sapagkat halos sayo lamang umiikot ang buong buhay ko.
Itinuring kitang bituin na nasa kalangitan.
Ikaw ang itinuring kong kasintahan at kaibigan na lubos kong pinagkatiwalaan.

Ang sumunod na yugto ay puno ng pagsubok.
Sapagkat isang lihim na relasyon ang aking pinasok.
Aaminin kong hindi naging madali ang naging proseso.
Dahil maraming humadlang at tumutol sa nais ko.

Kabilang na dito ang aking mga magulang.
Hindi daw maaari sapagkat ako'y musmos pa lamang.
Subalit sa katigasan ng ulo, hindi ko sila pinakinggan.
Mas piniling sundin ang puso at ang aking kagustuhan.

Hanggang sa, wala na silang nagawa.
Wala na silang nagawa upang ilayo ako sa kanya.
Sadyang mas malakas ang puso kaysa sa utak ng tao.
Unti-unti akong nabulag sa pagmamahal ko.

Ika-apat na yugto, dito na nga tuluyang nagbago.
May mga bagay akong ibinigay bilang isang regalo.
Tulad ng aking puso, tiwala, at mga sikreto na ipinagkatiwala ko sayo.
Dahil buong akala ko, mananatili ka dito sa piling ko.

Isang taon at siyam na buwan.
Libo-libong mga pahina ang aking nasulatan.
Mga pahina na inakala kong madadagdagan pa.
Mga pahina... Na nabasa ng aking mga luha.

Buwan ng Hulyo, natuldukan ang ating samahan.
Aaminin ko na labis akong nalungkot at nasaktan.
Ngunit, dama ko rin na nasasaktan at nahihirapan ka na.
Kaya kahit mahirap, ang ating aklat ay akin nang isinara.

Dumating muli ang buwan ng Agosto, sa araw ng kaarawan ko.
Kung saan ako'y muling kinausap mo.
Kung saan sinubukan muli nating ituloy ang naudlot nating kuwento.
Nadagdagan nanaman ang libro ng mga panibagong yugto.

Naaalala mo pa ba kung pang-ilan ka lagi sa aking listahan?
Sa listahan ko ng mga prioridad, ikaw lagi ang nasa unahan.
Tutol ka sa desisyon ko na unahin ka subalit hindi ako nakikinig.
Pasensya na pero ganyan talaga kalalim at katatag ang nadadama kong pag-ibig.

Bawat yugto ay aking paborito.
Sapagkat lahat ng ito'y tungkol sayo.
May masakit, may masaya, at may malungkot na mga yugto sa ating istorya.
At kahit hindi ka perpekto, minamahal at tanggap pa rin kita.

Kung pwede lang sana, gagawa ulit ako ng panibagong kuwento.
Kung saan makikilala kita at magkakaroon muli ng "tayo".
Kung saan aayusin ko na ang mga hakbang at proseso.
Kung saan ang magkakatuluyan sa dulo ay ikaw at ako.

Subalit... Hindi na iyon mangyayari pa.
Dahil dama ko at alam ko na ayaw mo na talaga.
Umabot tayo ng dalawang taon na inakala kong mas tatagal pa, sinta.
Subalit sa buwan ng Oktubre, tuluyan ka nang nawala.

Tayo ang may akda, subalit ako lang yata ang nakakaalala.
Kahit wala na ang mga pahina, kabisado ko pa rin ang ating istorya.
Mula sa simula hanggang sa pinakahuling pahina.
Mga pahinang nasunog, naging abo, subalit nanatili pa rin ang katagang...
"Mahal na mahal kita".

Continue Reading

You'll Also Like

440K 1.7K 102
Tula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay...
46.3K 601 103
Konichiwa !! I do love qoutes so I decided to write it here in wattpad . Hope you like it guys . Thanks a lot :) Happy Reading ! Vote and Comment na...
189K 3.7K 34
[UNDER EDITING] Jamaica Montefalco just want a simple life. She's so smart that she could answer all riddles you'll give to her. Maybe she's a nobod...
93.2K 2.1K 29
Husga pa, sige! Husgahan nyo lang! Kapag kayo, ginamitan nila ng charms, baka malaglag mga panty nyo! Kaya kung ako sa'yo, lagyan mo na ng kadena ang...