Take Me To Your Heaven (PUBLI...

By Miss_Sixteen

12.6M 104K 7.4K

(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong u... More

Take Me To Your Heaven
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Author's Note
NOT AN UPDATE
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Special - Take Me To Your Heaven
SOON ON POPFICTION

Chapter 26

196K 1.3K 69
By Miss_Sixteen

"Seriously Andrei?! Ito na yung pinag handaan mo na date?" Natatawang tanong ko sa kanya habang tinatanggal ko ang seat belt ko. HIndi ko mapigilan ang pagtawa sa pinaghandaan niyang date. Siya daw ang naghanda eh Enchanted Kingdom naman ang naghanda eh. 

Yes, andito kami sa Enchanted Kingdom. Akala ko naman tatangayin niya ako sa mas romantic na lugar or restaurant ngunit ng tinahak namin ang daan pa Sta. Rosa, confirm! Confirm ang aking hinala na sa amusement park kami pupunta. Hindi naman sa ayaw ko dito in fact favorite ko nga ang amusement park na ito, kaya lang nakailang punta na ako dito noong highschool pa lang.

"Don't laugh. Pinaghandaan at pinag-isipan ko ang date na ito." Natatawang sagot niya sakin. Kahit siguro siya hindi makapaniwala na ito ang naisip niyang date. Hindi ko mapigilan ang pagtawa at medyo napalakas na ito. Kakalabas lang namin ng sasakyan.

Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Andrei, sinandal sa kotse at hinalikan ng basta sa labi. Nanlaki ang mata ko at hindi ko ito maipikit. Patuloy siya sa paghalik habang ako ay nakamulat at tinitingnan ang paligid at baka may mga tao. Hindi ko siya maitulak dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa likod ng ulo ko.

"One more laugh, and I'm going to kiss you again, baby. Try me." Sabi niya pagkabitiw ng aming mga labi. Hinawakan niya ang aking mga kamay habang naglalakad. Hindi ako nakaimik at sobrang pinipigilan ko ang aking pag ngiti at pagtawa.

Katulad ng mga normal na tao, pumila rin kami. Kahit na sobrang taas ng araw ay nagtyaga kaming pumila. Halatang hindi sanay si Andrei sa mga ganitong kahabang pila. Mamula-mula ang kanyang pisngi at kanyang ilong dahil sa init. Paunti unti na ring tumutulo ang kanyang pawis sa noo.

Kinuha ko hawak niyang panyo. Hinarap ko siya at pinunasan ko ang kanyang noo. "Hindi naman sanay na pumila ng ganito at maarawan, dito pa naisipang pumunta." Sabi ko sa kanya nang nakangiti. Ramdam ko ang titig niya sa akin. Tumingin ako sa kanya ng deretso, "Baby, talikod ka." Utos ko sa kanya. Tumalikod naman siya at pinasok ko ang panyo sa kanyang tshirt at pinunasan ang likod niya.

"Baby~~" mahinang sambit niya. Napangiti ako dahil sa konting hawak ko sa katawan niya ay iba ang epekto nito sa kanya. "Shut up, Andrei." Natatawang sabi ko sa kanya. Humarap siya sakin, "Let's go home instead and make love in your room or mine." Mahinang bulong niya sakin na nagpamula sa aking pisngi. Hinampas ko ang kanyang braso. 

"Mommy, what do you mean by make love in your room?" Tanong ng isang bata sa kanyang ina. Nanlaki ang aking mata at tumingin sa aking likuran. Naabutan kong nagpapaliwanag ang kanyang mommy sa napaka-simple paraan.

"You shut up! Kung anu ano na yang lumalabas sa bibig mo. Pati bata nadadamay sa kaberdehan nyang utak ko!" Tumawa lang siya ng mahina at hinawakan ang aking kamay. Sa wakas, nakapasok na rin kami.

Una naming sinakyan ang flying fiesta. Sabi niya kasi para daw warm up namin yun. At isang dahilan pa kung bakit yun ang una naming sinakyan ay dahil mabilis umusad ang linya. Madali kaming nakasakay at nagpaikot ikot na siya. Mahilo hilo na si Andrei pagkababa. 

Sinunod namin ang Dodgem kung saan may tig-isa kayong sasakyan na parang kotse. Bump car, parang ganun.

"Come on Jess, isang sasakyan na lang ang sakyan natin at ako ang magda-drive." 

 

"Andrei, I can manage. I know how to drive."

Inirapan lang niya ako at sumakay na siya. Napansin kong dikit lang siya sakin at hindi niya ako binabangga. Parang pinorotektahan niya ang sasakyan ko. "What the, Andrei! Galaw galaw at hwag mo lang basta dikitan ang sasakyan ko."

Ngunit hindi pa rin siya umaalis sa tabi ko. Intense na ang nangyayari at nagbabanggaan na. Madaming bumabangga sa sasakyan ni Andrei, lalo na't mga babae. Napalibutan siya ng mga babae, at nagkaroon ako nag pagkakataon para makalayo sa tabi ng sasakyan niya. 

Ang saya! Nakikipagbanggaan na rin ako sa iba't ibang tao at ganun din si Andrei. Nakitang kong nakakunot na ang noo niya at nakatingin sa pinaroroonan ko. May malakas na sasakyan ang bumangga sa sasakyan ko. Napairit ako ng malakas sa di inaasahang impact.

"What the fuck!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki.

Nakarinig ako ng hakbang papalapit sakin. At agad ko siyang nilingon. Iniwan niya ang kanyang sasakyan para lumapit sa pwesto ko. Napatigil na rin pati ang mga tao sa loob ng laruan. Akala ko ay ako ang lalapitan niya ngunit ang lalaking nakabangga sakin ang nilapitan niya.

Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Tila nag aapoy ito. Agad akong lumapit sa kanya para pigilan siya. Laro lamang ito at normal sa larong ganito ang may ganung banggaan.

"Andrei!" Tawag ko sa kanya.

Hindi niya ako nilingon. Tumakbo na ako papalapit sa kanya at yinakap siya sa likuran.

"Baby, stop. I'm fine, perfectly fine." Sabi ko sa kanya. Buti na lang hindi pa siya ganun nakakalapit sa lalaki. Kitang kita ko ang takot sa mata ng lalaki. Hinarap ko si Andrei.

"Its just a game. Normal lang yung nangyari. I'm fine, Andrei. Calm down please."

Kahit wala pa siyang ginagawa, dapat pigilan na siya at baka magkagulo pa.

"Fvck it, Jessica! That's why I don't want you to ride that fcking car alone!" Tinalikuran niya ako at lumakad paalis. 

Humingi ako ng pasensya sa lalaki at ganun din ang ginawa niya sakin. Humingi rin ako ng pasensya sa operator. Nagpatuloy na ang ride habang ako ay busy kakahanap kay Andrei.

"Lintek naman! Nasaan ka na ba?" Mahigit 30 minutes na akong naghahanap pero walang lumitaw na Andrei.

"Syet! Drei, parang ang liit liit ng EK para magtaguan kami!" Isang oras, isang oras at kalahati, dalawang oras... Wala walang Andrei na nagpakita. Nalibot ko na lahat ang EK at nagugutom na rin ako. Nagpunta ako sa parang food court at kumain. Bahala na kung anung sunod kong gagawin.

Nakarinig ako ng ingay sa likod ko, Isang grupo siguro sila. Pagkalingon ko, nakita ko ang apat na lalaki at limang babae. Tiningnan ko sila at isang damit na pamilyar ang nakita ko. Nakatalikod din siya sakin. Amoy palang niya kilalang kilala ko na siya.

So sa dalawang oras kong paghahanap sa kanya, ito ang madadatnan ko? Ang saya saya nila habang kumakain samantalang ako ay napagod kakahanap.

"Andrei, the best din kaya yung EKstreme na sinakyan natin." Sabi ng isang babae.

"So intense." Sagot naman ni Andrei.

Buti pa siya nakasakay na sa mga rides samantalang ako ginugol ko ang dalawang oras ko para hanapin ang taong hindi naman pala ako hinahanap. Sumakit ang puso ko. Tila pinipiga ito.

"Next natin ang Space Shuttle. Tara na." Nagtayuan sila. At nang alam kong nakalayo na sila sakin ay tsaka ko sila tiningnan. Sinundan ko sila hanggang sa Space Shuttle. Masaya silang tingnan, kahit ang ngiti ni Andrei ay kitang kita ko. Malayo na ako sa pila nila, Nasa labas ako ng pila samantalang sila ay nasa loob na at siksikan.

Muli ko silang tiningnan bago nagpasyang umalis. Kung mas masaya siya doon, sige hahayaan ko na lang siya. Sa huli kong sulyap, ay nagtagpo ang aming mga mata. Ngumiti ako ng bahagya bago sila talikuran.

Hindi muna agad ako umuwi sa bahay. Naisipan kong doon muna umuwi sa rest house namin malapit dito sa Sta. Rosa. Sumakay lang ako ng jeep at nakarating na ako.

"Iha, baba ka muna at magmeryienda." Katok ni Nanay Thelma sakin, ang katiwala namin dito. Nagpapasalamat ako na hindi ako umiya pagkapasok ko sa main door ng bahay. Yun nga lang, pagkapasok ko sa kwarto, ay tumulo na ng diretso ang luha ko. Malas pa at iniwan ko ang cellphone ko sa sasakyan ni Andrei.

"Tumawag ang Daddy mo at dito na daw kayo magdi-dinner." Sinabi ko kay Daddy ang nangyari. Buti na lang at may telepono sa bahay na ito. "Salamat po, Nay." Nanuod lang ako ng TV buong maghapon. Mga bandang alas-sais ng gabi dumating si Daddy.

Kumain agad kami at walang umiimik saming dalawa. Nabasag ang katahimikan ng tumunog ang cellphone ni Daddy. May tumatawag. Sinenyasan ako ni Daddy na tumahimik.

"Yes, Andrei." Sagot ni Daddy.

"Yes, wala pa siya dito. I'll inform you kapag umuwi na siya. Sige." End call.

Continue Reading

You'll Also Like

6K 490 14
The birth of chaos before extinction. (from the short story collection of To Do is To Dare) Prios Series: Prelude of the Cursed © October 2021 by Ele...
1.9K 122 27
He was, Luke Rio Rosenwell. Pangalan pa lang sosyal na. Hinding hindi rin maipagkakaila na mayaman. Ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig ang l...
5.8K 373 39
There's a reason in every season. Siguro nga may dahilan lahat ng nangyari sa atin, noong panahong iyon.
36.1K 1.4K 81
Dati nang may gusto si Jes kay Draco Lyndon Armani. Isang model ng sikat na underwear. Isang araw, naglakas loob siyang mag-confess sa binata. Sa mes...