Infernio Academy 1: Touch of...

By siriuslay

342K 14.4K 7.1K

Infernio Academy is the biggest secret of Del Fuego, an institution that isn't solely focused on academics. I... More

Note
Cast
Introduction
Chapter 1: Blood and red lights
Chapter 2: The letter
Chapter 3: Conference
Chapter 4: The unexpected
Chapter 5: Testing waters
Chapter 6: In progress
Chapter 7: Welcome to hell
Chapter 8: Are you joking?
Chapter 9: Another death
Chapter 10: Mixed start
Chapter 11: Locked in
Chapter 12: Something's strange
Chapter 13: Red light
Chapter 14: Inescapable madness
Chapter 15: Forms of Contention
Chapter 16: Fear and anger
Chapter 17: The act of aggression
Chapter 18: The punishment
Chapter 19: Fellowship
Chapter 20: The real queen
Chapter 21: Fuels and flames
Chapter 22: Connecting bridges
Chapter 23: Young and Relentless
Chapter 24: Change of wind
Chapter 25: Saving the wallflower
Chapter 26: Dubious plan
Chapter 27: Not a friend
Chapter 29: His worst nightmare
Chapter 30: Make me understand
Chapter 31: Driving up the wall
Chapter 32: Shot in the dark
Chapter 33: The formed alliance
Chapter 34: Falling
Chapter 35: Devil with a mask
Chapter 36: Not the usual
Chapter 37: Suddenly a team
Chapter 38: The boiling point
Chapter 39: Tears of hopelessness
Chapter 40: The result
Chapter 41: Unravel
Chapter 42: Stay away
Chapter 43: Believe in yourself
Chapter 44: Question and answer
Chapter 45:Melting
Chapter 46: The outside
Chapter 47: Caught off guard
Chapter 48: Unexplainable feelings
Chapter 49: More than they expect
Chapter 50: Tickled hearts
Chapter 51: They knew it
Chapter 52: Fear is a liar
Chapter 53: Start line
Chapter 54: Infernio Battle
Chapter 55: The Final 10
Epilogue
Book 2

Chapter 28: Wildfire

3.6K 212 97
By siriuslay

Multimedia: Risei

⪼ R I S E I

The scene was quite shocking. All of us were left dumbfounded after Sapphire shut the door harshly. 

Sapphire is so heartless. 

She doesn't really care for the people around her even her so-called-friends. 

Nakatahimik lang ang lahat at parang wala ng balak magsalita. Seconds and minutes has passed, still silence. Seryoso ba? Pumunta kami rito para tumulala? Nasaan ang planong sinasabi nila Ford?

Pinalo ko ang table kaya napatingin sila sa akin. "Let's just start the training shall we?"

"Sure." Ford smirked as he stood up.

"Wait, may naamoy kayo?" Sabay naming tanong ni Newt kaya napatingin kami sa kaniya. We all looked at him weirdly. Siya naman parang handa nang depensahan ang sarili gamit ang salita. "Seryoso! Seems like something's burning!"

Nang dahil sa sinabi ni Newt ay tumayo si Silver at kalmadong nilibot ang tingin sa paligid habang kami ay nakatingin lang sa kaniya. Nang mas tumindi pa ang amoy ng kung ano mang nasusunog ay tumayo na rin ako at nagtungo sa pintuan pero pinigilan ako ni Silver.

"Ako na." Binitiwan niya ang pulsuhan ko at pinihit ang door knob. Nakatago lang ako sa likuran niya habang hinihintay niyang buksan ang pinto. 

Kaso pagkabukas niya nito...

"Shit!" Biglang mura niya at malakas itong isinara. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nasaksihan.

Apoy. Isang malaki at nagngangalit na apoy sa dulo ng hallway. Napakadilim rito at tila ba ang apoy na 'yon ang namumukod tanging liwanag rito.

"Umalis na tayo rito!" Shai exclaimed when she saw the fire.

Mabilis silang nagtayuan at sinuot ang kaniya-kaniyang bag. Hinawakan ko ang doorknob at binuksan na ang pinto kaso sa isang iglap, bumukas ang lahat ng ilaw at nagspark ang bumbilya sa tapat. Napakabilis ng pangyayari, tila ba nag-init na rin ito at kusa na lang bumagsak mula sa kisame. Napatili ako sa gulat. Hinila ako ni Ford at tinago ako sa kaniyang likuran.

"Yareli, okay ka lang?!" Nag-aalalang tanong ni Blake saka ako nilapitan. Nanlalaki ang mga mata nito sa takot siguro dahil nakita niya ang pangyayari.

"Yeah, I'm fine." I said even though my chest heaved up and down. Parang nagflash ang buhay ko nang makislapan ako ng ilaw na iyon. Rinig na rinig ko ang pagkabasag no'n sa sahig kanina na dapat sa akin tatama.

"Denver, mauna ka. Sa gitna ka Newt, kayo ni Blake. Sa likuran na kami ni Silver. Protect each other at all cost" Rinig kong sambit ni Ford at walang ano-ano ay bigla ng lumabas si Denver, kasunod nito si Shaiala at sila Dannah, saka pa lang si Newt. Bago pa man tuluyang makalabas si Blake ay nilingon ako nito at sinenyasang sumunod na. Tumango na lamang ako saka siya sinenyasang mauna.

"Silver, tara na bago pa tayo abutan ng apoy!" Aya ni Ford kay Silver pero nakatayo lang ito na para bang isang poste habang nakatitig sa malaking apoy. 

"Silver! What are you doing?!" Sigaw ko sa kaniya saka naunang lumabas pero bigla na lamang bumagsak ang ilang parte ng kisame sa tapat namin. Buti agad kaming naka-ilag bago pa kami mabagsakan. Hindi ko inakalang nakaabot na agad rito ang apoy. 

Kanina na sa dulo lang iyon ng hallway na para bang isang peligrong nag-aabang ngunit ngayon napapalibutan na kami.

"Saglit, wala ng daanan. Na-trap tayo." Kitang-kita ko kung paano tumulo ang pawis mula sa noo ni Blake. Napakagat nito sa labi niya at pinaatras muna kami. Muling bumagsak ang ilang parte ng kisame pero sa pagkakataong ito, hindi na sa harapan namin kundi sa likuran. Napalingon ako rito at para bang lumundag ang puso ko nang makitang ang lapit nito sa aming tatlo nila Silver.

Tumingala ako. Umuusok na ang kisame rito sa loob ng classroom at pumapasok na rin rito ang makapal na usok dahil nandito na ang apoy.

Shit! Hindi man lang nakalabas!

"Ano na?" I asked the two of them dahil parang may balak umalis. Though si Blake ay naghahanap naman ng paraan pero itong si Silver, nakatulala lang.

Bago pa man kami matusta rito sa loob ay bumuntong-hininga ako at lumapit sa pintuan para sumilip.

Lulunukin ko ang pride ko, mas okay 'yon kaysa masunog kami rito ng walang ginagawa.

"Tulungan niyo kami!" Buong lakas na sigaw ko sa iba pero hindi ko na nakikita ang mga anino nila. Hindi pa kayo nakakalayo, maririnig niyo pa ang sigaw ko... "Tulong!" Sigaw lang ako nang sigaw hanggang sa mapalitan ito ng tili nang may bumagsak na ilang piraso ng kahoy sa tabi ko. Napaso ang parte ng braso ko kaya naman nagluha ang mga mata ko dahil sa sakit. 

"Shit, Yareli!"

Tagaktak na ang pawis ko dahil napaka-init na rito. Sobrang init. Napapalibutan na kami ng mga apoy. Nakakawalan ng pag-asa.

Pero hindi. Kailangang makaalis kami rito. Alam kong babalik sila. Kahit isa sa kanila.

"Tulong! Nandito pa kami!" Sigaw ko pa. Nanlaki ang mga mata ko nang may makitang pigura ng tao na tumatakbo palapit sa amin. Lalaki ito at parang si...

"Ford..."

"Risei, saglit lang! Gagawan ko ng paraan!" His eyes and his voice are full of concern. Tumango ako nang tumango. Bahagya siyang umatras at sinuri ang paligid.

"Silver, ano bang nangyayari sa'yo?" Rinig kong tanong ni Blake kay Silver kaya napalingon ako sa kanila. Nakatitig lang si Silver sa apoy. Hanggang ngayon nakatitig lang siya.

"Risei! Risei! Saglit lang! Konting tiis pa!" Rinig ko namang sigaw ni Ford. Pinunasan ko ang pawis ko at pinagmasdan ang paligid. Siksikan kami rito sa may pintuan dahil kahit saan kami lumingon ay may mga piraso na ng nagliliyab na kahoy ang nagkalat.

May puting usok na kumalat rito sa pintuan kaya hinanap ng paningin ko si Blake. May hawak itong fire extinguisher, mukhang nakuha niya iyon sa sulok. Nang maapula niya ang apoy kahit papaano ay hinawakan niya ang kamay ko saka kami tumakbo paalis roon. 

"Ford! Silver! Tara na!" Napalingon ako kay Denver. Bumalik siya, bumalik rin siya.

"Risei, dali!" Hinigpitan ni Blake ang pagkakahawak sa kamay ko kaya napilitan akong humawak pabalik. Napahinto kami sa pagtakbo ng mabilis nang pumutok ang kung ano man sa tabi namin. Napatakip ako sa isa kong tenga habang si Blake naman ay napaatras kaya napadikit ako sa kaniya lalo. 

"Tara. Baka ma-trap pa tayo." Hinila niya akong muli. Hindi ko inaasahang makapal ang usok sa gawi na 'to kaya naman napapikit ako ng mariin at kinusot ang mga mata kong unti-unti na namang nagluluha. Habang tumatakbo kami ni Blake, napansin ko ang aligagang pagdukot niya sa bimpo niya mula sa kaniyang bulsa. Nang makuha ito ay inabot niya sa akin habang habang bahagya akong nililingon.

"Oh, gamitin mo. Wala namang sipon 'yan. Mataray ka pero hindi ka naman siguro maarte 'di ba?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang irapan o tawanan. Imbis na gawin ang mga naiisip ko ay kinuha ko na lamang ito at itinakip sa bibig hanggang ilong ko.

Nagawa pa niya talagang pagaanin ang takot ko ngayon.

There's really something about him.

Hindi ko alam.

Pakiramdam ko kahit nasa gitna ako ng peligro ngayon, walang mangyayaring masama sa akin. Pakiramdam ko ligtas ako kahit anong mangyari.

_

Continue Reading

You'll Also Like

77.3K 4.9K 44
Upon coming back to Del Fuego, they found out everything has gotten worse. In a short span of time, the townspeople turned into aggressive creatures...
181K 7.2K 72
Isang hindi mapangalanang epidemya ang kumalat sa Pilipinas. Hindi alam kung ano ang pinagmulan ng mga ito. Ngunit isa lang ang alam ng isang grupo n...
17.2K 1.5K 57
Mysteries. Murders. Deductions. Join Felicine and Cali in hunting down the mastermind behind the incidents in their school. Will they be able to find...
607 77 9
Lucky and Zaphael gradually adapted to living in the Legendarria world after getting engulfed in the realm that existed within the book. As they unco...