Ang 'syota kong promdi COMPLE...

By SapphiresPage

183K 3.4K 73

Teaser Si Danica ay galawgaw, matapang, palaban pero malambing at may malaking puso. Pero ang katangian niyan... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Ang 'syota kong promdi-teaser
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11 Part 1
Chapter 11 Part 2
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Special Edition
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Epilogue {COMPLETE}

Chapter 13

4.3K 81 4
By SapphiresPage

Ang ‘syota kong promdi-13

By Ms Sapphire

{A/N: Habang naiisip ko ang kasunod sa storya nina Danica at Jake ay parang pinupunit na ang puso ko. Ang buhay nga naman ng tao kung minsan parang bola lang. Kung dati tinatapakan ka lang na parang basahan, pagkalipas ng ilang oras o panahon ikaw na ang nasa itaas at naka tunghay sa kanila. I thought of Danica working in one of many condominiums in Ontario,Canada. I was there for a short trip when my friend Irini celebrated her greek birthday. High end fashion stores were everywhere! Greek food Gyros (yee-ros) is to die for. And last but not the least…. Gelato (italian ice cream in Italy Town). I hope Danica is having a ball in Canada ^_^

Love You all! Mwah xoxo Ms Sapphire”

Ontario, Canada…

            ISANG chinese family ang kaniyang pinaglilingkuran. Ang kaniyang among babae ay namamasukan sa Burburry bilang supervisor habang ang kaniyang among lalaki naman ay namamasukan sa Hyatt hotel bilang bellboy. Nung araw na dumating siya sa Canada ay nalula siya sa dami ng buildings na halos pare-pareho ang istilo. Ang sabi sa kaniya ng kaniyang among lalaki ay mga condominuims raw lahat ng iyon. Naalala tuloy niya bigla si Jake matapos niyang marinig ang salitang “condominium”. May dalawang anak ang mag-asawa at ang pinakapanganay na anak ng mga ito ay limang taong gulang na si Rupert. At ang bunso naman ay halos dalawang taong gulang na si Bella.

Kasalukuyan siyang nagpapakain kay Bella sa kusina ng pumasok ang kaniyang among lalaki. Hindi niya ito pinansin dahil naka sentro ang kaniyang atensyon sa batang sinusubuan. Naka high chair pa kasi si Bella at kailangang bantayang kumain dahil sa kakulitan nito. Kung anu-anong bagay lang ang sinusubo nito sa bibig kaya binilinan siya ng kaniyang among babae na bantayang maigi ang bata.

“Danica! Danica” nagsisigaw ang kaniyang among babae.

Natatarantang napasugod siya sa silid tulugan ng mga ito. “Yes ma’am?” tanong niya dito.

“Look what you did to my white polo! You mixed it with the colored clothes, now it looks like pink! You know how much I bought this? Four hundred dollars! I will take this off to your pay check next week.”Iilang araw pa lang siyang naninilbihan dito kaya ngayon lang niya nakita ang amo niyang nagalit ng ganito katindi.

“I’m sorry po ma’am.” Naiiyak na humingi siya ng tawad dito.

“Ggrrrr” naiinis na wika nito. “Get your face out of here!” sigaw ng kaniyang kaharap.

Naluluhang bumalik siya sa kaniyang ginagawa. Nakita niyang kumakain na ng cereal ang among lalaki habang nagbabasa ng newspaper sa dining table. Maliit lang ang condo ng mag-asawa. May dalawa’t kalahating silid tulugan sariling laundry room at maliit na kitchen. Ang living room din ng mga ito ay tama rin lang ang laki. Siya ang natutulog sa maliit na kuwarto malapit sa kusina.

“Don’t mind my wife.” Wika ng kaniyang among lalaki. Hindi nito inalis ang tingin sa binabasang newspaper.

Tumango lang siya kahit na hindi siya nito nakikita. Pinahid niya ang kaniyang luha at nagpatuloy sa pagpapakain kay Bella. Kahit ilang araw pa lang siyang naninilbihan sa kaniyang mga amo ay nakikita na niya ang masamang ugali ng kaniyang among babae. Kaya naman niya balewalain ang galit nito dahil kasama iyang sa dapat niyang ipagtitiis. Ginusto niya ang trabahong ito kaya kailangan niyang panindigan iyon.

         BANDANG tanghali ng maisipan niyang lumabas kasama si Bella papuntang park. Nasa school pa si Rupert kaya may isang oras pa siyang puwedeng gugulin sa pamamasyal sa kay Belle. Nasa likuran lang ng building nila ang park kaya hindi siya mawawala sa pamamasyal. Tulak-tulak ang stroller ng bata ng may nakasama siya papasok ng elevator papuntang ground floor. Nginitian siya ng isang guwapong lalaki na parang italyano ang itsura. Ang mukha nito ay parang si Antonio Banderas kaya lang ay kulot ang may kahabaan nitong buhok. Gumanti siya ng isang tipid na ngiti at pumuwesto sa kabilang gilid ng elevator. Bago sila huminto sa ground floor ay bumaba na ang lalaki sa second floor ng building. Pinaktitigan niyang mabuti ang sideview ng lalaki. Para kaseng nakita na niya ito dati, kaya lang ay hindi niya maalala kung kelan at saan.

Naglalakad na siya papasok sa gated park ng may marinig siyang dalawang babaeng nag-uusap ng tagalog.

“Kumusta naman ang mga amo mo Noor?” tanong ng isang babaeng kaharap nito na mahaba ang buhok. May hawak itong stroller sa tabi at mukhang pinatutulog ang batang nasa loob nito.

“Maayos naman sila ma’am at sir, Sonia. Yang alaga mo ba e tulog na o baka nahilo na yan sa kakayugyog mo.” Sagot naman ng nagngangalang Noor.

Nahihiya man pero kinapalan na niya ang kaniyang mukha at nilapitan ang dalawa. Wala pa kasi siyang nakilalang mga filipinos dito sa Canada simula nung dumating siya. Pero may nabanggit ang kaniyang among lalaki na may Filipino community raw dito sa Ontario.

“Hi,” bati niya sa mga ito na ikinalingon ng dalawa “sorry ha kung naging epal ako. Narinig ko kasi kayong nag-uusap kanina e. Masaya lang ako at may mga pilipino rin pala dito sa Ontario.”

“Anong pangalan mo?” tanong ng babaeng nagngangalang Sonia.

“Ako nga pala si Danica. Nasa eight floor kami nakatira ng alaga ko.” Sinilip niya si Bella sa stroller nito. Napangiti siya ng makita niyang nakatulog na pala ang batang binabantayan.

Tumayo ang isang babaeng nagngangalang Noor at inilahad nito ang isang kamay. “Ako naman si Noor. Magkakapitbahay lang pala tayo sa 8th floor. Teka tatawagin ko muna ang iba pa.” Umalis na ito sa harapan nila.

“Maupo ka muna.” Yaya ni Sonia sa kaniya.

“Salamat”

“Anong number ng condo ninyo?” usisa ng babae

“Sa 807 kami.”

Nakita niya ang paghinto ni Sonia sa pagyugyog ng stroller. “Yung mga Lim ba ang amo mo?”

Tumango siya.

“Naku mag-iingat ka sa babaeng amo mo dahil iilang katulong na ang kinuha ng mga yan sa agency. Kaya lang hindi tumatagal ng isang buwan at nagpapalit na naman. Wala pang apat na buwan ang mag-asawang yan dito sa building kaya hindi namin masyadong kilala ang mga yan. O andito na pala si Sandra” lumapit si Sonia sa kaniya at bumulong “dating naninilbihan si Sandra dun kaya lang pina-alis kaagad ng among lalaki matapos ang dalawang araw.”

“Danica, si Keery, Elvie, Sandra at Niccai. Sina Keery at Sandra ay taga 2nd floor nakatira. Ang yaman ng amo ng mga ‘to at ang pogi pa.”

“Naku huwag mo ng pagnasaan ang amo namin dahil wala ka ng pag-asa dun.” Wika ng babaeng Sandra ang pangalan. “Ako pala si Sandra.”

“Ako naman si Elvie.”

“Niccai magkasama kami ni Elvie. At amo namin sina Amyra at Enrique Iglesias yung singer.”

Napakunot-noo siya. “Sino yan?”

“Hindi mo kilala si Enrique!?” gulat na tanong ng mga bago niyang kaibigan.

Natatawang umiling siya. “Hindi talaga e”

“E sina Jane at Edzyr kilala mo?” tanong ni Sonia “sila ang mga amo ko. Hindi mo nga sila makikilala dahil hindi naman sikat ang mga yun.”

“Abnormal ka talaga my lagalabz.” Saway ni Noor kay Sonia.

“Totoo naman e.”

Napatawa na lang siya sa kulitan ng dalawa. Ilang oras din siyang nakikipag-usap sa mga ito. Naramdaman niyang magaan na ang kaniyang loob sa mga bago niyang kaibigan. Masaya kasama ang mga ito dahil laging may biruan at kulitan. Alas dos na ng hapon ng magpa-alam na siya sa mga ito. Hihintayin pa kasi niya ang school bus ni Rupert sa tapat ng condo nila. Pagkatapos niyan ay pakakainin muna niya ng snacks ang bata at magluluto na siya ng hapunan.

Naghihiwa siya ng karne ng manok habang nakatingin sa livingroom kung nasaa nanonood ng cartoons si Rupert nang makaramdam siya ng pagkasuka. Dali-dali siyang tumakbo sa pinakamalapit na bathroom habang tinakpan niya ng sariling kamay ang kaniyang bibig. Pakiramdam niya ay may bumaliktad sa kaniyang tiyan, pero wala naman lumalabas. Binuksan niya ang faucet at naghilamos sa malamig na tubig. Inabot niya ang pinakamalapit na hand towel at pinunasan ang basang mukha. Napa-isip siya kung may nakain ba siyang masama kanina. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili kung may kakaiba sa kaniyang katawan. Sinapo rin niya ang kaniyang noo para tingnan kung may lagnat niya. Wala. Tumalikod na siya para bumalik sa kaniyang ginagawa ng makita niya ang kaniyang among lalaki sa pintuan ng bathroom.

“Are you okay?” tanong nito sa kaniya.

“Yis Sirrr.”

“Are you sick?” nag-aalalang tanong nito sa kaniya.

“Ayl be payn siiirrr.” Sagot niya dito bago nilampasan ang lalaking amo.

Manila, Philippines

           NARINIG niya ang ingay ng mga yabag at ang pagbukas ng pintuan ng kaniyang kuwarto. Hindi siya nag-abalang lingunin kung sino ang nagmamay-ari nito. Ilang araw na rin siyang nakakulong sa sariling silid dahil wala siyang ganang pumasok sa paaralan at trabaho. Matapos ang aksidenteng muntikan na niyang ikinamatay sa bangin ng baranggay Malansa, ay hindi na muna siya pinayagan ng kaniyang ama na mag drive. Palagi na lang siyang nakatingin sa bintana ng kuwarto niya kung saan nakikita niya ang gate ng kanilang bahay. Hindi na siya pinabalik ng papa niya sa sariling condo dahil baka raw magtangka siyang magpakamatay.

“Jake?” tawag sa kaniya ni Nikki.

Hindi niya ito nilingon kahit na narinig niya ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan. Maya-maya pa ay narinig niya ang pagbuntong hininga nito.

“Bakit ‘di ka muna lumabas ng bahay kahit sa veranda lang. Ilang araw ka nang nakakulong dito. Pumuputla na rin ang kulay ng balat mo.” Wika ni Nikki.

Pina-ikot niya ang kaniyang wheelchair paalis sa bintana at pumasok sa banyo. Dahil sa aksidente ay nabalian siya ng buto sa kaniyang metatarsal bones at Phalanges sa kaliwang paa. Aabutin siguro ng lima o pitong buwan bago maghilom ang sugat at maayos ang baling buto. Kinailangan din niya ng physical therapy para sa kaniyang tuluyang paggaling.

“Gusto mong dalhan kita ng pagkain mamaya?” tanong ni Nikki bago siya tuluyang makapasok ng banyo.

“No thank you.” Tipid niyang sagot.

                NAPABUNTONG hininga nalang si Nikki dahil sa sagot ni Jake sa kaniya. Nakiramdam muna siya dahil baka ma aksidente na naman ang lalaki sa loob ng banyo. Hindi kanais-nais ang unang araw ni Jake dito sa bahay matapos itong makalabas ng hospital sa karatig bayan ng Malansa. Lagi itong bugnutin lalo na pag nahihirapan ito sa pagkilos. Palagi rin itong nag-iisa at ayaw magpaistorbo. Lumabas na siya ng kuwarto ng marinig niya ang pag flush ng toilette sa loob ng banyo.

“Kumusta na siya?” nag-aalalang tanong ni Ethan sa kaniya.

“Gaya pa rin ng dati.” Naluluha niyang sabi.

“O ba’t umiiyak ka na riyan?”

“E kasi feeling ko may kasalanan ako sa nangyari sa kaniya. Sana kung sinabi ko agad sa ‘yo na huwag sabihin kay Jake na aalis si Danica..... sana ‘di na siya sumugod dun sa probinsya. Hindi na sana siya naaksidente.”

Inakbayan siya ng kanyang nobyo. “Tumahan ka na. Hindi na natin maibabalik ang panahon. Ipagdarasal na lang natin ang paggaling ni Jake.”

               LUMIPAS ang isang linggo at medyo nakasanayan na rin niya ang kaniyang ginagawa. Kapag tulog si Bella sa umaga ay naglilinis siya ng bahay at naglalaba. Sa hapon naman ay nakikipagkita siya sa kaniyang mga bagong kaibigan sa park hanggang oras ng uwian ni Rupert.

Isang araw, bandang hapon, ay umuwi ng maaga ang kaniyang among lalaki kaya buong araw siyang naglinis, naglaba at lumabas para bumili ng pagkain sa grocery habang ito ay nagbabantay sa mga bata. Alas kuwatro na ng maka-uwi siya ng bahay. Nagluto agad siya ng hapunan para sa kanilang lahat. Tumatak ang alas singko y medya ay dumating na rin ang kaniyang among babae. Nagulat ito dahil naunahan pa ito ng asawa sa pag-uwi.

“What time did you get home?” usisa agad nito sa asawang nakikipaglaro sa mga anak sa living room.

“I came home at noon. The personel’s office don’t want me to get overtime this week so I don’t have any choice.” Sagot nito sa asawa na hindi man lang ito tiningnan.

Patuloy pa rin sa pakikipaglaro ang among lalaki kay Bella at Rupert. Binalingan siya ng kaniyang among babae at binigyan ng masamang tingin. Pilit nalang siya yumukod konti dito bago ipinagpatuloy ang paghahanda ng mesa.

Continue Reading

You'll Also Like

121K 2.3K 31
What is 'Bestfriend' for you? Kasi para sakin 'Bestfriend' is equal to 'Prince'. Kasama ko siya mula pagkabata ... Hanggang sa paglaki ... Kahit na...
126K 1.6K 25
This story contains a dramatic scene and romantic bed scene.
279K 19.2K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...