Heartless Hannah (Completed)

By Lady_Lemonade_

1.1M 29.6K 1K

I am not easily scared of anything or anyone. Hell! I'm a Davidson for christsakes! I didn't get the name 'Hu... More

Teaser
1 Invisible Forces
2 MementoMori
3 Curiosity
4 Life and Pain
5 Beginning
6 Forget me not
7 Lies
Hello guys!
8 Act fast
9 Rivalry
10 Threats
11 Drinks
12 Heart beats fast
13 wasting time
14 Restless
15 Getaway
16 Wounded
17 Needy
18 Nurse Hannah
19 Screwed
20 Date
21 Friendzone
23 Forgetting
24 Coping
25 SPG
26 Understanding
27 Firing
28 Status
29 Dive in
30 shì+less
31 Bird
32 Feelings
33 Admission
34 Flip
35 Uncertainty
36 The fight
37 win or lose
38 Someday
39 Engaged
40 Six months late
41 Reciprocated
42 Hunter badass
43 Show him
44 Fly, my sweet bird
45 Epilogue
Special Chapter

22 War

20.8K 543 20
By Lady_Lemonade_


.......
The tragedy of life is not death,
But what we let die inside of us...
While we live.
~Norman Cousins
.........

Hunter POV

Maya't maya kong inaayos ang kurbata ko. Hindi ko alam bakit effort na effort ako samantalang isa lang naman akong panakip butas ng babae. Napailing na lang ako ng maisip na ang pinakamamahaling Armani suit ko pa ang isinuot ko.

Am I trying to impress a woman who is clearly unaffected by me?! Useless effort!

"Hunter, kanina ka pa?" Anas ng pamilyar na tinig kaya napatunghay ako sa pagkakaupo ko sa lobby ng condominium ni Hannah.

I can't help the admiration I felt when I finally saw her. She's wearing a black longsleeves gown that hugs her body like second skin. Her waist are peeking through the bold cut and her long shapely legs shows at her every step. My hand itches to touch those naked waist. Tumayo ako at ibinulsa ko ang kamay ko, baka nga bigla ko na lang mahawakan inappropriately ang babae. Her looks disturbed my insides and especially my lower part.

This is bad! Her looks is bad for my self-control.

"Ah... no. Kakadating ko lang din. You look gorgeous!" Puri ko sa dalaga sabay nginitian ko siya ng ubod tamis. But Hannah didn't even smile back as she looked more sad than when she asked me to be her date.

What's with her now?!

"Thanks, Let's go? Malayo pa kasi ang pupuntahan natin." Walang emosyong anito.

"Alright. Saan ba tayo?" Nagtatakang aniko habang sinusundan ang babae palabas ng building.

"Laguna." Maikling anito na ikinatampal ko ng noo.

Here I go again with agreeing without even asking where. Damn! Magda-drive nanaman ako ng malayo!

"Laguna!? Akala ko ba taga- Rizal kayo?" Kunot-noong tanong ko sa babae.

"Taga doon kasi si Marcus." Sagot ni Hannah sabay sakay sa binukas kong pinto ng kotse ko.

"And who is Marcus?" Mas lumalim ang kunot ng aking noo sa dalaga ng makaupo ako sa driver's seat.

"You already met him. Dina's fiance." Maikling sagot ni Hannah pero napansin ko ang paglungkot ng mata ni Hannah at ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. Itinuro lang ni Hannah ang daan papuntang Pangil, Laguna kung saan daw gaganapin ang engagement party.

Makalipas ang tatlong oras ay nakarating din kami sa isang anchestral house na hindi rin kaliitan. Sa garden ang party na may mga nagkalat na ilaw at bulaklak. My mga tall round tables din at stool seats para sa mga bisitang mahilig makipagsiesta habang may pa-ikot-ikot na waiter na may mga dalang drinks. Naka abrisiete sa akin ang dalaga na kaagad ay umabot ng champagne sa nag-iikot na waiter.

Nagpakita kami sa magulang ni Hannah na tuwang-tuwa na nakita akong muli. Pagkatapos ay agad din akong hinatak ni Hannah sa may made up bar sa gilid. At doon kami naupo.

"Let's just be out of my family's sight. I don't want their attention." Ani ni Hannah sabay order ng hard drinks sa bartender doon.

"Why would we be? I thought this is your sister's engagement party?" Nagtatakang tanong ko sa dalaga na nagpout lang at inisang tungga ang baso ng vodka niya. Hindi na niya ako sinagot at animo'y may hinahanap ang kanyang mga mata.

Nagtatakang pinagmasdan ko lang dalaga na mukhang wala sa mood. Halatang hindi naman nawala ang lungkot sa mata niya at parang uhaw na uhaw na ilang beses umorder ng vodka sa bartender.

Pinanood ko ng inanunsyo ng pamilya ni Hannah at ng isa pang pamilya ang engagement ng kapatid nito at ng lalaking nagngangalang Marcus. Lahat sila ay nasa stage at nagpalakpakan ang mga bisita sa anunsyo pwera lang sa babaeng katabi ko na titig na titig lang sa harapan ng stage. Naging mas mabilis din ang pagtungga nito ng alak.

"Hannah, may problema ka ba?" Mahinahon kong tanong sa dalagang walang ginawa kundi tunggain ng suno-sunod ang alak niya. Natawa ito ng pagak. At palagay ko ay konti na lang ay susuray na ito sa dami ng nainom nito.

"Why? Do I look problematic to you? I'm actually celebrating this event! Let's toast Hunter!" May pagkasarkastikong sagot niya sa akin.

She is indeed a loony! I should atleast try to convice her to visit a psychiatrist.

Napabuntong hininga ako at nakipagtoast na lang sa dalaga at inisang lagok din ang whisky ko.

"Let's dance!" Biglang anunsyo ni Hannah at tumayo siya na parang tutumba kaya agad din akong napatayo at napaalalay sa dalaga. Agad din niya akong hinatak papunta kung saan nagsasayaw ang kapatid niya. Nagulat ako ng yakapin ako ni Hannah at humilig siya sa balikat ko. Napangiti na lang ako sa kapatid nito at sa fiance niya dahil mas mukhang pa kaming ikakasal ni Hannah sa higpit ng yakap ng dalaga sa akin. People around us are watching and whispering. But I can sense that they are all talking about us. It is getting awkward and I wanted out.

"Hannah, let's go? Ayoko ng sumayaw." Bulong ko sa babae pero imbis na lumayo ay mas lalong idinikit ni Hannah ang katawan niya sa akin. And my body is starting to react to that intimate closeness.

Napahigit ako ng hininga ng gumapang paakayat ang mga kamay ni Hannah sa batok ko at hinatak niya ang mukha ko pababa sa kanya.

"Kiss me!" Aniya na ikilaki ng mata ko.

Ano bang nangyayari kay Hannah?!

Bigla din niyang tinawid ang pagitan ng labi namin at madiin niya akong hinalikan. Sa una ay gulat lang ang rumehistro sa akin kaya natagalan pa bago ako tumugon. But soon enough, I was all into her. Finally tasting those luscious lips that I'm imagining for so long. Lost in the sweetness of her taste.

Parang nawala sa isip ko kung nasaan kami ng matikman ang lasang alak ngunit matamis na labi ng babae. Nawala ang tao sa paligid at ang tugtog ng musikero. Tanging ang mga labi lang ni Hannah ang tanging nasa isip ko. Ang matinding pagnanasang binubuhay ni Hannah sa bawat himaymay ng aking katawan. Agad ding humiwalay ang dalaga ngunit hindi ko hinayaang makalayo siya. Agad kong hinabol at muling sinupil ng halik ang dalaga. Pinalalim ko pa ang halik at ginalugad ang lahat ng parte ng bibig ng dalaga. I heard her moaned that made me even more excited, nanggigigil na kinagat ko ang pang ibabang labi niya ng biglang makaramdam ako ng tapik sa balikat ko. Napipilitang itinigil ko ang halikan namin at tinignan ko ang istorbo.

"Pare, huwag naman dito." Halata sa boses ng fiancè ni Dina ang tinitimping inis.

Fvck! Nasa party nga pala kami! I almost forgot! She can really makes me forget everything!

Nahihiyang sasagot na sana ako ng nauna pang sumagot sa akin si Hannah.

"Why Marcus?! Is it because it's your engagement party or maybe because you are just jealous?!" Ani Hannah na puno ng pang-uuyam. I heard Dina gasped in shock then her eyes shoot daggers at Hannah while Marcus looks flustered.

"Ate! Bakit naman magseselos ang fiancè ko sainyo?! Hanggang ngayon ba naman pinagsisiksikan mo pa ang sarili mo?! Alam mo kung ano ka.... Isa kang bitter!" Malakas na sigaw ni Dina.

"Tama na, Dina. Don't make a scene." Mahigpit naman siyang hinawakan ni Marcus at pilit inaawat. Narinig ko ang pagak na tawa muli ni Hannah.

"And what do you call yourself Dina?! Mang-aagaw?! Ahas?! Mapagsamantala?!" Sigaw ni Hannah. Lalong nanggalaiti ang kapatid ni Hannah at pilit kumakawala sa hawak ni Marcus.

"Una siyang naging akin! Wala akong inahas sa'yo! Kung may ahas man dito, ikaw 'yon!" Sigaw ni Dina kay Hannah. Pasugod si Hannah kaya mabilis kong napalupot ang braso ko sa bewang niya. I don't want her to get hurt kaya pinigil ko ang panunugod niya.

"Enough! Both of you! Quit it!" Matigas na ani Marcus pero hindi siya pinansin ng magkapatid.

"Oo una siyang naging sayo pero ako ang minahal niya! Ako dapat ang pakakasalan niya! Kung wala lang siyang amnesia ngayon, ako pa din Dina! Ako pa din! Kaya huwag kang magyabang dahil kapag nakaalala na siya...akin pa din siya!" Nanggagalaiti din sagot ni Hannah. Mukhang naguluhan si Marcus sa sinabing iyon ni Hannah. Dina looks scared.

"You almost killed him! And he hates you! Ang kapal ng mukha mong umangkin ng hindi sa'yo! Hindi siya babalik sa akin kung hindi ako ang mahal niya!" Sigaw muli ni Dina.

"Just wait and see, Dina! He will come back to me and when that time comes I wont let him go! He loves me! Only me!" Sigaw muli ni Hannah sa kapatid niya.

"He will never come back to you! Gumising ka! Ikakasal na kami!" Sigaw muli ni Dina na lalong nagpagalit kay Hannah. Nagpumiglas ito sa hawak ko para masugod ang kapatid. Nagpupumiglas din si Dina sa mahigpit na hawak ni Marcus. Halatang walang gustong magpatalo sa dalawang magkapatid.

"Enough! Both of you! Hindi niyo na ako binigyan ng kahihiyan!" Dumadagundong na sigaw ni Tito Andrei na nagpatigil sa dalawa. Napatingin ako sa paligid at lahat ng mata ng bisita ay nakatingin na sa amin.

"Hannah, anak, umalis ka muna, hija." Mahinahon ng ani ng mommy ni Hannah.

"Yes of course, sino pa ba ang panggulo? Right?! You wanted me to show up and now you wanted me out! Dont worry, I will let myself out! Thank you mom!" Sarkastikong anito sa mommy at nagmartsa palabas.

"Hannah, anak... hindi ganon 'yun..." rinig ko ang pagmamakaawa sa boses ng mommy ni Hannah.

"Huwag po kayong mag-alala. I will take care of her. Mauna na po kami." Magalang kong pagpapaalam sa magulang ni Hannah na halatang nalungkot sa inasta ni Hannah.

"Yes. Thank you Hunter." Ani namang ng ama ni Hannah sa akin. Nasa mukha nila ang lungkot.

Ng matapat ako kay Dina at Marcus ay napatango na lang ako sa kanila.

"Ah... Congratulations to the both of you." Aniko na tinanguan lang ni Marcus at umirap naman si Dina sa akin. She knows that I'm not her sister's boyfriend. Alam nila dahil hindi magwawala ng ganon si Hannah kung totoong magkarelasyon kami. They know the truth.

Mabilis din akong tumalikod at hinabol ang lumabas na babae. Naabutan ko siya sa parking na nag-aabang sa tabi ng kotse ko.

"Hey, are you alright?" Tanong ko sa babae na animoy pinipilit na hindi maiyak.

"Let's go to the nearest bar." Sagot niya sa akin.

"No Hannah. I think you had enough. We'll go home." Matigas na sagot ko sa kanya.

Binuksan ko na lang ang pinto ng kotse ko at pumasok naman ang dalaga sa loob.

Now I know why there's indifference between the two sisters....

....They love the same man!

And I dont know why the thought of it brings a stinging stab to my heart. Damn!

Continue Reading

You'll Also Like

939K 9K 30
Liana Madriaga, simula bata pa lang sya sanggang dikit na sya sa kapatid nya si Sebastian Madriaga. Sila na siguro yung kahit di tunay na magkapatid...
952K 31.9K 33
A gripping tale about death-trade and revenge. Virgil was a name feared in the underworld. Kilala siya bilang anino ni Kamatayan. Anywhere he goes De...
1.8M 36.8K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...