Heartless Hannah (Completed)

By Lady_Lemonade_

1.1M 29.6K 1K

I am not easily scared of anything or anyone. Hell! I'm a Davidson for christsakes! I didn't get the name 'Hu... More

Teaser
1 Invisible Forces
2 MementoMori
3 Curiosity
4 Life and Pain
5 Beginning
6 Forget me not
7 Lies
Hello guys!
8 Act fast
9 Rivalry
10 Threats
11 Drinks
12 Heart beats fast
13 wasting time
14 Restless
16 Wounded
17 Needy
18 Nurse Hannah
19 Screwed
20 Date
21 Friendzone
22 War
23 Forgetting
24 Coping
25 SPG
26 Understanding
27 Firing
28 Status
29 Dive in
30 shì+less
31 Bird
32 Feelings
33 Admission
34 Flip
35 Uncertainty
36 The fight
37 win or lose
38 Someday
39 Engaged
40 Six months late
41 Reciprocated
42 Hunter badass
43 Show him
44 Fly, my sweet bird
45 Epilogue
Special Chapter

15 Getaway

21.8K 650 56
By Lady_Lemonade_

Hunter POV

Pagkaakyat ko sa masukal na daan ay unang bumungad sa akin ay ang likod ng nakatayong dalaga habang nakataas ang dalawang kamay. Sumunod ay ang malawak na dagat na matatanaw mula sa kinatatayuan namin. Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong nakatayo kami sa isang mataas na cliff.

Nalintikan na! Ano ito?!

Paglapit ko sa dalaga ay halos mahilo ako sa taas namin at sa lalim ng pwede kong ikabagsak o mas pwedeng sabihing ikamatay.

"Ah... Hannah... Anong ginagawa natin dito?" Kabadong tanong ko sa dalaga na pilit kong ikinukubli ang pagkataranta ko. Pero hindi ako sinagot ni Hannah. 'Ni hindi niya yata ako narinig. Nakataas pa din ang kamay niya nang nilingon ko na siya.

Then what I saw made my world stops and my heart skips a beat. I'm mesmerazied with the way she looked. Her eyes are close and there's a contented smile on her lips. Her wild hair is being swept by the hard wind but it only softened her features. Her upturned face was welcoming the ray of the sun. She looks so... carefree, so entralling and captivating. She looks like a goddess worshipping her land.

"Ate Hannah!" Anas ng maliit na boses na nagpapuknat sa paninitig ko sa dalaga. Napalingon ako sa aking kaliwa at nakita ang tatlong batang lalaki, lahat ay may malawak na ngiti.

"Buchok, Kiko, Pipoy. Kanina pa kayo?" Salubong naman ni Hannah sa mga bata. Napansin kong iba ang tono ngayon ni Hannah, nawala ang pagkamalamig noon at magiliw na niyakap niya ang mga dumating na bata.

"Kanina ka pa po namin hinihintay." masayang ani ng pinakamatangkad sa kanila.

"Binili ko pa kasi 'yung bilin ninyo, Pipoy." Sagot naman ni Hannah

"Talaga Ate Hannah? Dala mo yung trak ko?" Excited na ani ng pinakamaliit na bata.

"Oo naman buchok. Teka..." agad na binuksan ni Hannah ang dala niyang malaking bag. Nilabas niya doon ang laruan na truck at binigay iyon sa bata.

Animo'y manghang-mangha naman ang tatlo at naglakihan ang mata sa inilabas ni Hannah.

"Wow ate Hannah! Ang ganda nito!" Sigaw naman ng isa pang bata.

"Oh, 'di ko nakalimutan ang sa'yo Kiko! O heto na 'yung robot mo." Magiliw na ani Hannah sabay labas muli ng isang malaking kahon mula sa bag niya.

Nagtatalon naman sa tuwa iyong tinawag niyang Kiko. At mabilis na niyakap si Hannah.

"Salamat ate Hannah!" Masayang sigaw ni Kiko. Tinapik lang ni Hannah ang bata sa likod at nginitian.

"Heto naman ang sa'yo Pipoy, ikaw pa ba ang kalimutan ko. Heto ang bilin mong bola." Ani Hannah at naglabas muli ng isang basketball ball. At binigay niya iyon sa may katangkarang bata.

"Ate Hannah, salamat po!" Masayang ani ni Pipoy sabay siko kay Buchok.

Napangiti ako sa nasaksihan. Ngayon ko lang nalaman na ganito pala kabait ang dalaga. Kaya pala ang bigat ng bag nito habang bitbit ko kanina.

"Magpasalamat ka kay Ate Hannah!" Ani Pipoy sa siniko na pinakamaliit na bata na busy na paglalaro sa truck na laruan niya.

"Ay salamat po pala Ate Hannah! Sino po siya? Boypwen mo, Ate?" Ani Buchok sabay turo sa akin.

Lumingon naman silang lahat sa akin pati na din si Hannah.

"Siya si Kuya Hunter niyo. Kaibigan ko siya." Pakilala naman ni Hannah sa tatlong bata na tumango sa akin.

"Ate, dating gawi ba?" Ani ng batang si Pipoy. Ngumiti si Hannah at pagkatapos ay tumango. Inilapag nila ang mga laruan nila sa tabi ng bag ni Hannah. Nakita kong nagtanggal ng sando ang tatlong bata. Si Hannah naman ay nagtatanggal na ng sapatos niya.

Anong nangyayari?!

Nalilitong pinanood ko lang sila. Napansin marahil ni Hannah ang pagkatulala ko ng balingan niya ko.

"Do you know how to swim?" Tanong ni Hannah, napatango ako pero kinukutuban sa tinutumbok ng dalaga.

"C'mon Hunter,  strip! Unless gusto mong mabasa ang damit mo." Ani Hannah na ikinaluwa ng mata ko.

"Do you mean to say..." nanlalaki ang matang aniko.

"Yeah, we'll jump! Sige na, hubad na!" Ani Hannah na muli kong ikinatulala.

Kung sa ibang pagkakataon na sinabi niya na maghubad ako marahil kanina pa ako hubad pero ito... itong binabalak niya... nila... Diyosko!

Matigas na napailing ako sa babae.

"No. I wont jump off that cliff! It's a twenty... no... it almost looks like a thirty feet drop! No, I wont!" Matigas na sagot ko sa dalaga na ikinatampal nito ng noo niya.

"Really?! And you call yourself Badass?!" Nakataas ang kilay na pang-aasar niya na bahagya kong ikinapula pero mas lamang ang nararamdaman kong pagtanggi.

Gusto ko pang mabuhay! Marami akong paiiyakin na babae kapag namatay ako!

Nagtawanan naman ang tatlong bata sa likod ni Hannah sa pagngiwi ko.

Palagay ko ay ako ang pinagtatwanan nila pero talagang hindi ako tatalon. 'Yun pa nga lang tumayo ako dito nakakalula na eh, tumalon pa kaya?! I'm not a fan of heights. And I am no daredevil! I'd rather choose a fist fight of twelve rounds with Manny Pacquiao than to jump off this cliff!

Napahigit ako ng hininga ng biglang tumalon iyong pinakabata sa kanila. Napatakbo ako sa kinatatayuan nila at kita ko pa ang pag-landing ng bata sa tubig.

Shit! That was high!

Sumunod naman ang dalawa pang bata na nag-cannon ball pa sa ere. Gaya ng naunang bata ay lumitaw lang muli sila sa tubig at naglangoy patungo sa kweba na nasa may gilid ng dagat.

"Your turn!" Ani Hannah sa akin na nagpalunok sa akin. Nakapanghihina ang biglang kabang naramdaman ko.

"Don't tell me daig ka pa ng seven years old at nine years old?" Nakataas ang kilay na ani ni Hannah sa akin na ikinabuntong hininga ko.

My bruised ego... Talagang tinapak tapakan na iyon ng babaeng ito!

Naghihimutok na nagtanggal ako ng sapatos, sinunod ko ang pantalon ko at t-shirt. Itinabi ko ang hinubad kong gamit sa bag at sapatos ng babae.

Nakaboxers na lang ako ng lumapit sa dalaga. Halos manginig pa ako sa lamig ng hangin na humahalik sa hubad kong katawan.

"Go on..." encourage sa akin ni Hannah pero hindi ako makahakbang palapit sa dulo ng cliff.

Putcha! Ano nanaman ba itong pinasok ko?! Pahamak na babae!

"You'll feel good once you're in the air.... like flying..." masiglang ani Hannah na ikinangiwi ko.

"Maybe its more like dying..." sagot ko na ikinatawa naman ni Hannah.

"Ang arte mo! Ako na lang kaya ang pumatay sa'yo! Lapit na!" Pabalang na sagot nito kaya walang nagawa na lumapit na lang ako sa tabi ng babae.

"Sabay na tayong tumalon." Udyok ko sa babae na ikinataas muli ng kilay niya sa akin.

"Mauna ka na!" Aniya at bigla ay itinulak niya ang likod ko. Pinilit kong ikapit ang paa ko sa batuhan pero talagang hindi na ako makabalanse at kakawag-kawag na nahulog ako...

"Aaaahhhhhhhhh......"

At habang bumubulusok ako pababa sa ere ay isinusumpa ko ang babae.

Pahamak kang babae ka! This is the last time I'll see you! Ayoko na talaga! Fvck you!

Continue Reading

You'll Also Like

783K 26.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
82.3K 1.5K 43
Jerk. That's how you will describe Steve Alex Gonzales 4 years ago. Nakukuha niya ang babaeng gusto niya in a blink of an eye. Pero mukhang mapaglaro...
5M 99.2K 75
Lorraine Salve has everything every woman wished for; beautiful face, gorgeous body, popularity, million dollar bank account and a luxurious life. No...
952K 32K 33
A gripping tale about death-trade and revenge. Virgil was a name feared in the underworld. Kilala siya bilang anino ni Kamatayan. Anywhere he goes De...