Change of Hearts (Completed)

By gLeng16

10.7K 241 15

Book 2 of He, who broke ME She was broke. Her heart was chopped into million pieces. She did not know what to... More

Prologue
Chapter 1: Simula
Chapter 2: Friendship
Chapter 3: Old friends
Chapter 4: Mommy Kirsten
Chapter 5: Royalty University
Chapter 6: Pure Heart House of Fashion
Chapter 7: Dylan and Skyleigh
Chapter 8: Nicolli's plan
Chapter 9: Step-sister
Chapter 10: Selos
Chapter 11: Preparation
Chapter 12: Owner
Chapter 13: Mini Concert
Chapter 14: Why can't it be?
Chapter 15: Its over now
Chapter 16: Someday
Chapter 17: Oppa
Chapter 18: Learn to forgive
Chapter 19: Announcement
Chapter 20: Project
Chapter 21: Family Day
Chapter 22: Last day
Chapter 23: Nicole Reyes
Chapter 24: Nicolli's Biological Parents
Chapter 25: After Party
Chapter 26: Pinilit Kong Limutin Ka
Chapter 27: Never should have let you go
Chapter 28: Panaginip
Chapter 29: Pagbisita
Chapter 30: Nicole's confession
Chapter 31: Paglisan
Chapter 32: Forgiveness
Chapter 33: Uncle John
Chapter 34: Kristoff Ivehn Fernandez
Chapter 35: Pagpapatawad
Chapter 36: Mayumi Chu
Chapter 37: Karibal
Chapter 38: Set you free
Chapter 39: Heart Disease
Chapter 40: Date
Chapter 41: Macey's Half Brother
Chapter 42: Grandmother
Chapter 43: Mary Kirsten Lee
Chapter 44: Bonding
Chapter 45: Restaurant
Chapter 46: Graduation
Chapter 47: Batangas
Epilogue

Chapter 48: Vacation

224 4 0
By gLeng16

HIS POV:

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa nakikita ko. Tuwang-tuwa ang babaeng mahal ko sa mga batang nakakasalubong nya at nakikipaglaro sa kanya. Para syang bata! Ang cute nya nga eh!

Nandito kami sa resort na pagmamay-ari ng kaibigan kong si Tristan. Sina tita Angela at Kirsten ay kasalukuyang nasa loob ng hotel kasama si Tristan at mga magulang nito. Ang alam ko ay mag-uusap sila tungkol kay Mary Ann.

Ang iba pang kaibigan ni Macey at ang mga kapatid kong sina Steffi at Nicole ay naglalaro ng buhangin. Si Kristoff ay kasama ni uncle John at ng mga magulang ko na nagtatampisaw sa dagat.

Ako ay nakaupo sa buhanginan habang pinapanood si Macey. Nang nagsawa na sya sa pakikipaglaro sa mga bata ay lumapit sya sa akin at niyakap ang kanang braso ko.

"Napagod ka na.. Para ka talagang bata." Pagkomento ko bago ko hinawakan ang mukha nya at hinarap sa akin.

Nangunot ang noo ko nang mapansin na parang nahihirapan syang huminga. Nakapikit ang mga mata nya at nakabukas ng kaunti ang bibig nya.

"Baby, are you okay? Gusto mo bang magpahinga muna?" Nag-aalalang pagtanong ko sa kanya.

Idinilat nya ang mga mata at nakangiting tumingin sa akin. "I'm fine.. Siguro.. napagod lang ako sa.. pakikipaglaro sa mga bata.." Sabi nya para mapanatag ang loob ko pero nag-aalala pa rin ako.

"Pasok muna ako.. Magpapahinga lang saglit.." Pagpaalam nya bago sya tumayo.

Tumayo rin ako at hinawakan ang kamay nya. "Samahan na kita." Sabi ko pero tumutol sya. Bigla namang lumapit sina Dhepriz, Louiz at Venice sa kanya at sila na ang sumama kay Macey sa hotel room nya.

"Kuya, okay lang ba si ate Macey?" Tanong ng kapatid kong si Nicole. Si Steffi naman ay lumapit din sa akin. "Napagod siguro sa kakalaro.." Sabi nya kay Nicole.

Alas-sais ng gabi ay sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Katulad kaninang umaga ay nahuling dumating sa restaurant ang Fallen Angels. Tinignan ko si Macey at mukha na syang okay. Tumabi sya sa akin at hinalikan ang pisngi ko.

Kasalo naman sa hapunan ang mga magulang ni Tristan. Masaya kaming lahat dahil naging maganda ang pag-uusap nila kanina. Binalita rin nila na nakatakda nang magpakasal sina Tristan at Kirsten sa susunod na limang taon. Tagal no? Yun kasi ang kundisyon ng mga magulang ni Tristan at ni tita Angela. Maganda rin yun dahil bata pa naman ang mga kaibigan namin.

"Kids, may kaunting kasiyahan mamayang alas-syete ng gabi dyan malapit sa sea shore. Mayroong live bands na regular nang tumutugtog dito sa resort. You should come." Maya-maya ay sinabi ng ina ni Tristan na sinang-ayunan naming lahat.

"Maganda yan upang marelax naman kayo." Sabi naman ng dad ni Tristan.

Pagkatapos kumain ay magkahawak-kamay kaming naglalakad ni Macey sa dalampasigan. Tinitignan namin ang dagat at ang iilang tao na lumalangoy pa rin kahit gabi na.

Nang mapansin kong nilalamig na si Macey ay binitawan ko muna ang kamay at binalot sa kanya ang bitbit kong scarf nya. Ngumiti sya sa akin habang binabalot ko sa kanya yung scarf. Kakaiba ang tingin ni Macey sa akin kaya medyo nagtataka ako.

"Why are you looking at me like that?" Tanong ko sa kanya na sinagot nya ng pag-iling.

Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako sa mga mata ko. Kakaiba pa rin ang pagtingin nya sa akin. Para bang sinasabi ng mga mata nya ang tunay nyang nararamdaman. Nakikita ko sa mga mata nya ang tuwa, pagmamahal, pag-aalinlangan at takot.

"Macey ko.." Pagtawag ko sa kanya upang patigilin sya sa paraan nya ng pagtingin sa akin. Iba ang nararamdaman ko kapag ganon ang tingin nya. Natatakot ako pero hindi ko alam kung bakit.

"Tandaan mo, kahit anong mangyari.. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita Nicolli Reyes.." Sabi nya kasabay ng paghalik nya sa magkabila kong pisngi, sa noo ko, sa tungki ng ilong ko at sa labi ko.

"Mahal na mahal din kita Macey Aragon." Sabi ko sa kanya bago ko sya hinalikan sa noo nya.

Maya-maya ay idinikit nya ang noo nya sa noo ko at muli akong tinitigan sa mga mata ko. Nakita ko ang pamumuo ng mga luha nya. "Mamimiss kita ng sobra-sobra.." Sabi nya kasabay ng pagtulo ng mga luha nya.

Agad kong pinunasan ang mga luha nya bago ko naramdaman ang muli nyang paghalik sa mga labi ko. Tinugon ko ang halik nya kasabay ng paglagay nya ng mga braso nya sa leeg ko.

Kapwa kami hinihingal nang maglayo ang mga labi namin. Ngumiti sya sa akin bago sya nagyaya na bumalik na kami sa hotel.

"Wear your best bikini girls!" Sabi ni lola sa mga dalagang kasama namin including my Macey. Natawa naman sya nang makitang nanlaki ang mga mata ko. "Oopps, may hindi sang-ayon.." Sabi pa nya.

Tumingin si Macey sa akin at ningitian ako. "Don't worry, hindi ako lalayo sayo." Sabi nya bago sya niyaya ni Steffi na pumunta na sa hotel rooms nila. Sumunod naman sa kanila ang mga kaibigan ni Macey at si Nicole.

Lumapit sa akin si Tristan at inakbayan ako. "Huwag kang mag-alala, karamay mo ako." Sabi nya sa akin bago kami natawa dahil sa sinabi nya.

Parehas kaming nagreklamo ni Tristan nang makita ang ayos ng mga fiance namin. Naka-two piece silang lahat at natatakpan lamang ng scarf. Mukhang kailangang bantayan nang maigi si Macey. Mahirap na, maganda at sexy ang fiance ko kaya hindi malabong lapitan ng ibang guests mamaya.

Malakas na tugtugan ang sumalubong sa amin nang makarating kami sa sea shore kung saan nagkakasiyahan ang ibang guests ng resort. Agad kong hinawakan ang kamay ni Macey ganon din ang ginawa ni Tristan kay Kirsten.

Mahigit isang oras na kami dito at kasalukuyan kaming nag-eenjoy. May mga nakilala kaming ibang bisita na gustong makipagkaibigan. Ang iba ay halatang naghahanap ng kalandian pero kusa kaming lumalayo ni Tristan. Ganon naman ang dapat gawin, diba? Kapag alam nyong may babaeng mahal na kayo at kapag alam nyong nilalandi na kayo ng ibang babae, kusa na kayong lumayo sa tukso. Yun ay kung tunay nyong mahal ang mga kasintahan nyo.

"Sinong gustong ibahagi ang magandang boses? Maaari kayong kumanta dito sa harap." Sabi ng vocalist ng bandang tumugtog kanina.

Pareho kaming nagulat ni Macey nang itulak kami ng mga kasama namin papunta sa stage. "Uy.. Mukhang couple.. Kantahan nyo naman kami dyan." Sabi ng vocalist nang mapansin kami ni Macey. Wala na kaming nagawa kundi ang kumanta sa stage.

Let the love begin ang kinanta namin ni Macey. Hindi ko alam sa kanya kung bakit iyon ang napili nya basta iyon ang gusto nya kaya sinunod ko sya.

Pagkatapos naming kumanta ni Macey ay nagpalakpakan ang mga taong nanonood. Nag-bow kami ni Macey bago bumaba sa stage.

Magkahawak-kamay kaming naglalakad pabalik sa hotel nang matapos ang kasiyahan kanina. Malapit na rin mag-alas dose kaya naman inaantok na kaming lahat. Maaga pa naman kaming aalis bukas pabalik ng Maynila.

Nakakalungkot dahil isang araw lang kami rito dahil may aasikasuhin pa raw sina mommy Michelle pero sa masusundan pa naman daw ito.

Kinabukasan ay handa na kaming umalis pero bago iyon ay may sinabi si Macey na nagpakaba sa akin sa hindi malamang dahilan.

"Mahal ko kayo, my family. Mamimiss ko kayong lahat." Sabi nya bago kami niyakap isa-isa. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pagluha ng mga kaibigan ni Macey.

"Lets go home!" Sabi pa nya bago pumasok sa loob ng van. Sumunod naman sa kanya ang mga kaibigan nya. Lahat kami ay nagtinginan, mukhang iisa lang ang nasa isip namin.

"Malapit na tayo. Nagugutom na ba kayo? Mag-drive thru muna tayo kung nagugutom na kayo." Sabi ni uncle John na syang nagmamaneho ng van.

Sumang-ayon kami sa kanya. Nag-drive thru nga kami sa isang fast food chain. Si Macey ay kanina pa natutulog sa tabi ko. Nasa isang gilid naman nya si Kirsten kung saan sya nakayakap.

Ginising ko sya para kumain pero ayaw nyang magising. "Macey.. Wake up.." Paggising ko pa sa kanya pero ayaw nya talagang magising. Hindi ko na lang inistorbo baka kasi napagod sa byahe kaya mahimbing ang pagtulog.

"Macey.." Paggising sa kanya ni Kirsten maya-maya. Pipigilan ko na sana pero bigla na lang syang umiyak habang pilit na ginigising si Macey.

"Macey.. Wake up, please.." Sabi pa nya kasabay ng paghawak nya sa pulso ni Macey dahilan ng paglakas ng pag-iyak nya.

"Kirsten, why?" Nag-aalalang pagtanong ni tita Angela pero hindi sya sinagot ni Kirsten.

Sina Dhepriz, Louiz at Venice ay umiiyak na rin kasabay ng pagsigaw nila na pumunta na daw kaming ospital. Kahit naguguluhan ay sinunod sila ni uncle John.

Nagsisimula na akong kabahan lalo na nang hawakan ko ang kabilang pulso ni Macey. Mahina ang pagtibok dito dahilan para mas kabahan ako.

Pagkarating sa ospital ay agad kong binuhat si Macey at inihiga sa stretcher. Dinala sya sa emergency room at sinuri ng mga doktor.

Yakap-yakap ni Kristoff si tita Angela na umiiyak na. Lahat kami ay kinakabahan at hindi mapakali. Ang mga kaibigan ni Macey ay iyak nang iyak lalo na si Kirsten na kasalukuyang niyayakap ni Tristan.

"Ano bang nangyayari?" Tanong ni uncle John habang nakatingin kala Kirsten.

"Kirsten, anong problema? Bakit ganon?" Tanong naman ni tita Angela.

"Tita.. Si Macey.. Si Macey.." Hindi na natuloy ni Kirsten ang sasabihin nang lumabas ang doktor.

"I'm sorry.. But the patient did not make it." Sabi nya dahilan ng pagkakahimatay ni tita Angela at paglakas ng pag-iyak nina Kirsten.

Hindi ako naniniwala. Hindi sya pwedeng mamatay. Magpapakasal pa kami at bubuo ng sarili naming pamilya. Hindi pa patay ang fiance ko!

Nagulat sila ng bigla akong pumasok sa emergency room pero wala akong pakialam. Ang gusto ko ay makitang buhay si Macey.

Nakatakip ang puting kumot sa katawan ni Macey. Unti-unti ko itong inangat at nakita ko ang maputlang mukha ng fiance ko. Hinawakan ko ang mukha nya at pilit syang ginigising.

Inaasahan ko na nagbibiro lang sya at kapag nakita nya akong umiiyak ay didilat na rin sya at yayakapin ako pero hindi iyon nangyari. Kahit maglupasay ako dito ay hindi na sya magigising pa.

"Macey!" Pagtawag ko sa pangalan nya habang yakap-yakap ko sya. Naalala ko naman ang mga sinabi nya kagabi at kanina.

"Tandaan mo, kahit anong mangyari.. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita Nicolli Reyes.."

"Mamimiss kita ng sobra-sobra."

"Mahal ko kayo, my family. Mamimiss ko kayong lahat."

Hindi ko alam. Wala akong kaalam-alam na nagpapaalam na pala sya. Hindi ko man lang nahalata. Hindi ko man lang napansin.

Pinusan ko mga luha ko pero kahit gawin ko yun ay hindi pa rin sila tumitigil sa pagtulo. Tila alam nilang lubusan akong nasasaktan ngayon. Hindi ko matanggap. Hindi ko kayang tanggapin na wala na sya, na patay na ang babaeng pinakamamahal ko.

Sumagi naman sa isipan ko ang sinabi nina Kirsten kanina sa ospital. "Sinabi nya po sa amin na.. na may taning na ang buhay nya.. Isang buwan po simula nang sinugod natin sya sa ospital noon.."

Mas binilisan ko ang pagmaneho ko. Wala akong pakialam kahit na naka-red light. Tumutulo pa rin ang mga luha ko at hindi na ako nag-aksaya ng oras na punasan ang mukha ko dahil hindi naman ako tumitigil sa pag-iyak.

Maya-maya pa ay nakita ko bigla si Macey sa harap ng kotse ko. Nakatingin sya sa akin at nakangiti.

"Macey ko.." Pagtawag ko sa kanya bago ko narinig ang malakas na pagbusina at pagsalpok ng truck sa kotse ko.

###

Continue Reading

You'll Also Like

5.8K 230 25
Isang college student ang nagkagusto sa isang lalaki na naging classmate niya mula highschool at ngayon schoolmate niya. Tatlong taon siyang nag kagu...
4.6K 253 32
North Korea series1|COMPLETED| Meet Bellina Celestina Barcelona, a new G-12 of STII. Belle forced to transfer in the middle of semister because she w...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
940 59 23
Random Favorite Music and Favorite Artist