Infernio Academy 1: Touch of...

By siriuslay

342K 14.4K 7.1K

Infernio Academy is the biggest secret of Del Fuego, an institution that isn't solely focused on academics. I... More

Note
Cast
Introduction
Chapter 1: Blood and red lights
Chapter 2: The letter
Chapter 3: Conference
Chapter 4: The unexpected
Chapter 5: Testing waters
Chapter 6: In progress
Chapter 7: Welcome to hell
Chapter 8: Are you joking?
Chapter 10: Mixed start
Chapter 11: Locked in
Chapter 12: Something's strange
Chapter 13: Red light
Chapter 14: Inescapable madness
Chapter 15: Forms of Contention
Chapter 16: Fear and anger
Chapter 17: The act of aggression
Chapter 18: The punishment
Chapter 19: Fellowship
Chapter 20: The real queen
Chapter 21: Fuels and flames
Chapter 22: Connecting bridges
Chapter 23: Young and Relentless
Chapter 24: Change of wind
Chapter 25: Saving the wallflower
Chapter 26: Dubious plan
Chapter 27: Not a friend
Chapter 28: Wildfire
Chapter 29: His worst nightmare
Chapter 30: Make me understand
Chapter 31: Driving up the wall
Chapter 32: Shot in the dark
Chapter 33: The formed alliance
Chapter 34: Falling
Chapter 35: Devil with a mask
Chapter 36: Not the usual
Chapter 37: Suddenly a team
Chapter 38: The boiling point
Chapter 39: Tears of hopelessness
Chapter 40: The result
Chapter 41: Unravel
Chapter 42: Stay away
Chapter 43: Believe in yourself
Chapter 44: Question and answer
Chapter 45:Melting
Chapter 46: The outside
Chapter 47: Caught off guard
Chapter 48: Unexplainable feelings
Chapter 49: More than they expect
Chapter 50: Tickled hearts
Chapter 51: They knew it
Chapter 52: Fear is a liar
Chapter 53: Start line
Chapter 54: Infernio Battle
Chapter 55: The Final 10
Epilogue
Book 2

Chapter 9: Another death

6.5K 256 127
By siriuslay

⪼ D A N N A H

Matapos ang sagutan nila Sapphire at noong lalaking kaka-alis lang, nagsibalikan na sa kani-kanilang mga gawain ang lahat pero kami nila Blake at Shai ay napatulala na lamang. I mean, normal naman ang may nagkakabanggan at nagkaka-initan ng ganon pero yung sa kanilang dalawa, parang may iba?

Para akong nasindak. Natakot ako sa kanila.

That guy with a silver colored hair, nakakatakot siya. Yung mga mata niya kanina na walang emosyon ay nagbibigay ng matinding kilabot sa akin. Pati na rin si Quinn na siyang nag-tour sa amin kanina, natatakot rin ako sa kaniya. All of a sudden, she's not nice in my eyes anymore.

"Magc-cr lang ako," paalam ko kay Blake pagkapunas ko ng tissue sa labi ko. 

"Kaya mo bang mag-isa?" Nang dahil sa tanong niya ay napatingin ako sa labas. Madilim pero okay lang. Masarap ang kain nilang dalawa at ayaw ko namang mang-istorbo.

"Oo. Kaya ko na."

Tinanguan lang ako ni Blake kaya naman naglakad na ako palabas ng cafeteria. Umihip ang malakas na hangin pagkasara ko ng glass doors, hindi na ako nilamig dahil para bang nasanay na ang balat ko sa aircon doon sa cafeteria.

"Tulong!" 

Para bang dumaloy sa buong sistema ko ang takot nang makarinig ng matinis na sigaw ng isang babae. Nilibot ko ang paningin ko, gusto ko nang umalis pero hindi ko magawa. Unti-unti na akong ginagapangan ng takot.

"Tulungan niyo ako!" 

She's just near. Faint man ang boses niya sa pandinig ko, I'm sure she's just somewhere. I took a step back, peeping through a dark hallway, but suddenly a scream came out from my mouth when someone grabbed my arm. A horrified look in both of our faces. 

"Tulungan mo ako," umiiyak na sabi niya habang ako naman ay palihim na binabawi ang braso. Duguan siya at napakarumi ng kulay puting damit. Paulit-ulit siyang nakikiusap sa akin. Nang matitigan ko ang mukha niya ay saka ko lang napagtanto na ito pala yung babaeng tinulungan namin kagabi. 

Hindi kaya siya rin si Trinity? Yung babaeng pinagsisigawan noong lalaki kanina doon sa cafeteria? Yung babaeng hahatulan raw ng kamatayan?

I held her shoulders lightly when I saw how shaky she is right now. Naaawa ako kasi halatang takot na takot talaga siya.

"Papatayin niya ako! Papatayin niya tayo! Mamamatay tayong lahat!" Her huge bloodshot eyes and the large scratch on her cheek with dripping blood are enough to shot fear through my spine. 

"Huminahon ka muna," maski ako ay natataranta sa kinikilos niya.

"How can I keep my calm kung alam kong mamamatay na ako?!" Sigaw niya sa akin na para bang galit na galit at takot na takot. "Dannah! Pati ikaw mamamatay ka! Hindi mo kakayanin ang set-up na 'to! M-Mamatay ka!" 

Naguguluhan ako.

 Anong sinasabi niya?

Bigla na lamang siyang luminga-luminga na animo'y may naramdaman. "Nandyan na sila," natawa siya ng bahagya saka tumakbo palayo sa akin kaya naman kahit naguguluhan ay humabol ako. "Uunahan ko na sila. Uunahan ko na sila," natatawang sabi niya na para bang nasisiraan na ng bait.

More fear crept in when I saw her climbing up the railings. Sinubukan ko siyang pigilan pero mukhang huli na ang lahat.

"Sandali!" 

Tila ba nablangko ako nang tuluyan siyang tumalon. I shut my eyes closed when I heard a loud sound, a sound of a body hitting the ground. Hindi ko na nagawang tingnan kung paano siya bumagsak dahil may humigit sa akin at isinadal ako sa mga railings dahilan para mapangiwi ako sa sakit. 

I opened my eyes only to be greeted by those familiar grey eyes.

I knew it, I'm going to see him here. Hindi lang pala guni-guni yung kanina, tama pala ang hinala kong siya iyon. "Going out alone in the middle of the night again? When are you going to learn?" His low voice echoed in my ears.

"F-Ford..." My shaking hand fell on his shoulder when I noticed that our bodies were only few inches apart, almost taking my breath away. Nakipagtitigan siya sa akin. Sobrang seryoso niya ngayon, parang hindi sya ang Ford na nakasama ko dati.

Binitiwan niya ako at doon na ako nakapaghabol ng hininga. "Umalis ka na rito. Mapagbibintangan ka pa," after saying those words, he left. Pinanood ko lang siyang maglakad palayo sa akin pero maya-maya lang ay bigla niya akong nilingon.

The cold breeze blew, the trees blocking the moonlight danced the other way and now it's casting a glow on Ford's face.

He doesn't seem disturbed by what happened as he appears to be so used to it. In fact, he seemed more bothered by the fact that I, a transferee who basically still knows nothing, was present in this scenario.



⪼ H A D L E Y

Nakatulala lamang ako sa blackboard habang nag-iisip ng kung ano-ano nang biglang sumagi sa isipan ko ang pagkamatay ni Trinity. That's the new talk of the campus. Ang sabi ng ilan ay suicide raw ang cause. But of course, may ilang hindi naniniwala na suicide 'yon. At sila yung mga taong nakasaksi kung paano kumprontahin ng kuya ni Trinity si Silver sa cafeteria. Naniniwala sila murder ang nangyari dahil may posibilidad na may nagawang kasalanan si Trinity para parusahan siya. 

Ang hindi ko lang maintindihan, bakit laging nadadamay ang pangalan ni Silver sa mga ganitong klaseng pangyayari? He is aware of the rules and will not break them. And he can easily defeat everyone here due to his abilities, so why kill?

"What is brain freeze?" Bigla akong nabalik sa katinuan nang marinig ang tanong ng prof namin. 

"Mr. Harrison?" Napatingin ako sa katabi kong nakatitig lamang sa kawalan habang nakapamulsa ang dalawang kamay. 

So, cool na siya niyan?

"It happens when you eat ice cream or gulp something ice cold too quickly." 

"Correct. But I want a deeper explanation of brain freeze."

Nang tumingin sa akin si sir ay agad kong ibinaling ang tingin ko sa libro na para bang naghahanap ng sagot. My supposed to be answer if I got called was already given by Newt. Nang mapansin kong nilagpasan na niya ako ng tingin ay umakto akong nakahinga ng maluwag. Napansin iyon ni Newt na binigyan pa ako ng weirdong tingin. Inirapan ko tuloy siya.

"Students, I want another definition." 

Silver, who is currently sitting in front of me, raises his hand. I flinched at that gesture. Damn, what's with him? Bakit pati ako ay mistulang napaayos ng upo?

"Sphenopalatine ganglioneuralgia or brain-freeze is a painful condition similar to a migraine, that arises due to your body's natural reaction to cold temperatures." Silver answered while sitting on his chair. Spheno—what? How could he even memorize the scientific term of that?

"Very good, Mr. Inferno." 

"Oy, ballpen mo nalaglag," napatingin ako kay Newt. Nakatingin siya sa ballpen na kasalukuyang gumugulong sa sahig which turns out to be mine. Wala akong sinabi sa kanya, kinuha ko lamang ang ballpen ko at akmang uupo na pero hindi ko naramdaman ang upuan ko kaya naman sa sahig ako lumanding.

Saka ko lang na-realize na inusad pala ni Newt ang upuan ko. Narinig ko ang mahinang tawanan ng mga kaklase ko. Si Sapphire naman ay nakakunot lang noo sa akin.

"What the hell is your problem?!" Sigaw ko kay Newt pagkatayo ko kaya sa isang iglap ay natahimik ang buong classroom. Si Newt na kanina'y tawa nang tawa ay napatigil na rin ngunit maya maya'y bumungisngis ito kaya mas lalo akong naasar.

"Luh, anong ginagawa ko sa 'yo?" 

Naningkit ang mata ko sa pa-inosenteng tono niya. "Tinumba mo ang upuan ko!"

Umakto rin siyang nabigla. Sa inis ko tuloy, sa isang iglap ay bigla na lamang siyang tumumba patagilid dahil sa lakas ng pagkakasipa ko sa upuan.



⪼ B L A K E

"Calling the attention of Blake Winter, Dannah Baeford and Shaiala Ashlynn, come to my office." 

Ang boses ni Mr. President ang narinig ko sa intercom. Napatigil ako sa pagsusuot ng bag nang mapagtantong nabanggit pala ang pangalan ko. Oras na dapat 'to para kumain, hindi pa naman ako nakapag-almusal dahil unang araw 'to ng klase namin kaya kabang-kaba ako.

Bakit naman kaya niya kami pinapatawag?

At nasaan ang office niya? 

Naglakad ako ng mabagal dahil namimili ako ng pagtatanungan pero lahat sila ay nakakatakot i-approach. Para bang mangangain na lang sila bigla. Napako ang tingin ko sa babaeng may kulay pulang buhok na kasalukuyang sinasara ang pinto ng classroom. 

Ang seryoso ng mukha niya, mukhang masungit. 

Kaso wala akong choice, siya ang pinakamalapit sa gawi ko. "Miss!" Sigaw ko at hindi naman ako nabigong palingunin siya. Tumakbo ako palapit at nang huminto na ako ay tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa. Nang bumalik ang tingin niya sa mga mata ko ay umangat ang isa niyang kilay na nakapagpaatras sa akin ng konti.

"A-Ah pwede magtanong?" Nginitian ko siya.

"You just asked." 

"C-Can I ask again?" 

"You just asked again."

Tuluyan ng nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Barado ako, kainis. Pero may punto naman siya.

"What? You're wasting my time," bakas ang pagka-irita sa kaniyang boses.

"Alam mo ba kung nasaan ang office ni Mr. President?" Tumango naman siya. "Pwede mo ba akong samahan?" 

"I'll just tell you the directions," sabi niya at mukhang napilitan pa, mukhang wala talagang interes na makipag-usap.

"Mahina ako sa directions." Kumamot pa ako sa aking batok kaya nakatanggap ako ng irap. Pero naglakad na siya kaya lumapad ang ngiti ko.

Nang pababa na kami, bigla ulit akong nagtanong. "Anong pangalan mo?" Hindi niya kasi suot ang nameplate niya.

"You don't need to know." 

"Ang unique pala ng pangalan mo," bulong ko kaya nilingon niya ako. Napahinto ako sa paglalakad at inosente siyang tiningnan. Umiling ako ng ilang beses kaya nagpatuloy na lang siya sa paglalakad.

Bigla naman akong may naramdaman.

"Saglit lang pala!" Sabi ko kaya muli siyang napahinto at napatingin sa akin. Nakalimutan ko na maiihi nga pala ako. "Pwede bang samahan mo muna ako sa CR?" 

"Seryoso ka ba diyan?" 

"Oo, mukha bang joke time ang pag-ihi ng tao?"

"You know what? You're weird."

Kahit pa tinataray-tarayan niya ako ngayon, mistulang kumalma ako nang makita ang mga mata niya. Mahilig ako tumitig sa mga mata kaya alam ko ang maganda para sa paningin ko at ano ang hindi. Yung kaniya, hindi lang maganda... kakaiba.

Bakit parang kanina lang ay nasisindak ako? 

Bakit ngayon parang hindi na?



_

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 173K 54
White Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang...
182K 7.3K 72
Isang hindi mapangalanang epidemya ang kumalat sa Pilipinas. Hindi alam kung ano ang pinagmulan ng mga ito. Ngunit isa lang ang alam ng isang grupo n...
613 77 9
Lucky and Zaphael gradually adapted to living in the Legendarria world after getting engulfed in the realm that existed within the book. As they unco...
77.3K 4.9K 44
Upon coming back to Del Fuego, they found out everything has gotten worse. In a short span of time, the townspeople turned into aggressive creatures...