Change of Hearts (Completed)

By gLeng16

10.7K 241 15

Book 2 of He, who broke ME She was broke. Her heart was chopped into million pieces. She did not know what to... More

Prologue
Chapter 1: Simula
Chapter 2: Friendship
Chapter 3: Old friends
Chapter 4: Mommy Kirsten
Chapter 5: Royalty University
Chapter 6: Pure Heart House of Fashion
Chapter 7: Dylan and Skyleigh
Chapter 8: Nicolli's plan
Chapter 9: Step-sister
Chapter 10: Selos
Chapter 11: Preparation
Chapter 12: Owner
Chapter 13: Mini Concert
Chapter 14: Why can't it be?
Chapter 15: Its over now
Chapter 16: Someday
Chapter 17: Oppa
Chapter 18: Learn to forgive
Chapter 19: Announcement
Chapter 20: Project
Chapter 21: Family Day
Chapter 22: Last day
Chapter 23: Nicole Reyes
Chapter 24: Nicolli's Biological Parents
Chapter 25: After Party
Chapter 26: Pinilit Kong Limutin Ka
Chapter 27: Never should have let you go
Chapter 28: Panaginip
Chapter 30: Nicole's confession
Chapter 31: Paglisan
Chapter 32: Forgiveness
Chapter 33: Uncle John
Chapter 34: Kristoff Ivehn Fernandez
Chapter 35: Pagpapatawad
Chapter 36: Mayumi Chu
Chapter 37: Karibal
Chapter 38: Set you free
Chapter 39: Heart Disease
Chapter 40: Date
Chapter 41: Macey's Half Brother
Chapter 42: Grandmother
Chapter 43: Mary Kirsten Lee
Chapter 44: Bonding
Chapter 45: Restaurant
Chapter 46: Graduation
Chapter 47: Batangas
Chapter 48: Vacation
Epilogue

Chapter 29: Pagbisita

161 3 0
By gLeng16

"Who are you? Why are you following me?" Naiirita kong tanong sa lalaking sunod nang sunod sa akin kahit na saan ako pumunta.

"Hi! I'm Kristoff Ivehn Fernandez at your service." Sabi nya bago sya lumapit sa akin at halikan ang kanan kong pisngi.

Dahil sa gulat ay nasampal ko sya. Akala ko ay magagalit sya at sasaktan din ako kaya tumakbo ako palayo sa kanya.

Nang lingunin ko sya ay nakita kong sinusundan nya ako. Nang maabutan nya ako ay hinawakan nya ang magkabila kong balikat at hinarap ako sa kanya.

"Bakit ka nanginginig? Hey, wala akong gagawin sayo." Nag-aalala nyang tanong sa akin ngunit mas natakot ako sa kanya nang makita ko nang malapitan ang kanyang mukha.

Mukha syang masungit at nakakatakot. Idagdag mo pa ang kakaiba nyang awra ay matatakot kang talaga.

Hinaplos nya ang pisngi ko at nag-hum. Inaamin kong kumalma ako nang marinig ang maganda nyang boses. Unti-unting umayos ang aking paghinga at nawala na rin ang panginginig ng aking katawan.

"Reyna ko.. Huwag kang matakot, ako ang bahala sayo." Sabi nya sa akin.

Ito ang unang beses na nakilala at nakasama ko si Kristoff. Ang sabi ng karamihan ay 'Impression lasts', hindi ako naniniwala dito dahil mali ang unang impression ko kay Kristoff. He is the living proof na hindi totoo ang kasabihang iyon.

He is not scary. Hindi rin sya masungit. Infact, he is a gentleman. He is caring and thoughtful. Above all, he loves my heart.

PAGMULAT ng aking mga mata ay puting kisame ang nakita ko. Inilibot ko ang paningin ko at nalaman kong nasa ospital ako ngayon. Na naman.

Lumingon ako sa aking kanan nang maramdaman ang paggalaw ng kung ano. Isang nakangiting mukha ni Kristoff ang nasilayan ko. Mukha ni Kristoff nang unang beses na nakilala ko sya.

Hinaplos nya ang pisngi ko at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Naramdaman ko ang paghalik nya sa aking noo. Nang muli syang humarap sa akin ay binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti.

"How are you feeling, reyna ko?" Nag-aalala nyang tanong sa akin.

Imbes na sagutin ko ang tanong nya ay mas pinili kong tanungin sya. "What happened? Bakit tayo nandito sa ospital?" Tanong ko sa kanya gamit ang mahinang boses.

Hinawakan nya ang kamay ko bago sumagot, "Inatake ka, reyna ko. And its my fault. Kung hindi ko ginawa yung ginawa ko kanina, hindi ka magkakaganito. I'm sorry, my queen." Sabi nya sa akin.

Inangat ko ang kanan kong kamay at hinaplos ang kanyang pisngi. "Its okay, Kristoff. I understand. You just really miss her. And I'm fine, no need to worry." Nakangiti kong sagot sa kanya.

Inilapit nya ang kamay ko na hawak-hawak nya sa kanyang labi at hinalikan ito. Pareho kaming lumingon ni Kristoff nang bumukas ang pinto at niluwa nito ang aking pamilya.

"Mommy.." Pagtawag ko sa aking ina na halatang umiyak. Lumapit naman sya sa akin at maingat na niyakap ako.

"Mommy I'm fine. Stop crying, please?" Sabi ko sa kanya nang marinig ko ang paghikbi nya. I really don't wanna see my mom cry. It feels like, I want to cry with her.

Humarap sya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi bago ako ningitian. Ganyan dapat. I wanna see her smiling face.

"Macey anak. Nakausap na namin ang doktor. Maaari ka nang lumabas dito sa ospital." Maya-maya ay sinabi ni butler John.

Tinignan ko sya bago ako nagsalita, "Talaga po butler John? Yehey! I don't want to stay here. Mas gusto ko sa mansyon." Sabi ko sa kanya.

Tinawanan naman nila ako at syempre, nangunguna doon ang mga kaibigan ko. Tinignan ko sila at sinimangutan. "Angels pinagtatawanan nyo ko?" Seryosong tanong ko sa kanila.

"Our Queen Angel is back." Tanging komento nila.

Kinabukasan ay maaga akong nakaalis sa ospital. Nang makarating kami sa mansyon ay may nakita kaming naghihintay sa labas ng gate.

Bumaba si butler John upang alamin kung sino ang aming bisita. Wala naman kaming inaasahang bisita ngayon kaya nakakapagtaka. Maya-maya naman ay bumaba rin sa kotse ang aking ina at sinundan si butler John.

Sumilip ako sa bintana ng kotse at mula rito ay kitang-kita ko ang galit na mukha nina mommy. Hindi ko makita kung sino ang kausap nila kaya naman bumaba ako sa kotse at lumapit sa kanila. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Kristoff.

"Mommy?" Pagtawag ko sa aking ina. Mukha naman syang nagulat nang makita ako.

"What are you doing here? Bumalik ka sa loob ng kotse." Utos nya sa akin ngunit hindi ko sya sinunod bagkus ay nagsalita ako at hindi pinansin ang kanyang sinabi.

"Mukhang may problema po kayo sa kausap nyo. Gusto ko lang pong malaman kung sino sila." Sabi ko bago ko tinignan ang mga tao sa loob ng kotseng kaharap namin.

Nakita ko roon ang pagkakapatid na Reyes kasama ang kanilang ama na si Miguel Reyes. Nang makita ko sila ay naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko. Mula dito sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang pag-aalala nila.

Nagulat naman ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kanilang kotse at lumabas ang isang dalaga. Nang tuluyan syang nakalabas ay sinalubong nya ako ng yakap.

"Ate Macey!" Pagtawag nya sa akin kasabay ng paghigpit ng kanyang yakap sa akin na tila kay tagal naming nagkawalay.

Bumitaw sya sa yakap at hinarap ako. "Ate Macey ikaw nga! Miss na kita ate Macey ko." Sabi nya habang unti-unting tumutulo ang kanyang mga luha.

Kahit na nanginginig ang mga kamay ko ay nagawa ko pa ring hawakan ang magkabila nyang pisngi at punasin ang mga luhang naglandas doon.

"Stop crying Nicole. Nababawasan ang ka-cutan mo kapag umiiyak ka." I always say this to her kapag nakikita ko syang umiiyak noon.

Ngumiti naman sya sa akin bago ako muling yakapin. Samantala, nilingon ko naman sina mommy at ningitian upang ipaabot na ayos lang ako.

Lumapit sa amin si mommy at hinawakan sa braso ai Nicole. Akala ko ay magagalit sya ngunit nakangiti syang nakatingin sa dalagang nakayakap sa akin.

"Pasok tayo sa loob, Nicole. Malamig dito sa labas baka sipunin kayo." Sabi nya rito kaya kumalas sa yakap sa akin si Nicole.

Hinawakan ko naman ang kanan nyang kamay at hinila papasok sa aming tahanan. Hindi ko na nilingon ang mga kasama nyang pumunta dito. Ang mahalaga ay si Nicole.

###

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 95.3K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
1.3K 266 46
They all succeeded in life. The past bright morning, they entered a senior high school student's life again. Entering school again is their pass time...
30.7K 1.5K 33
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...