She's My Man(girlxgirl)

By YourNotMyType14

346K 13K 2.4K

WARNING: this story is GxG, I repeat GIRL TO GIRL po ito. So, kung ayaw niyo po sa ganitong storya o hindi ka... More

PROLOGO
Prologo 2
Poging Danica
Dani's Friends
Cassandra Del Rio
Read This.. thanks!
First Time
Nice One Danica!
The Revenge Plan
Her Revenge
S.H.I.T Day!
S.H.I.T Day( continuation)
Weird Feelings
Hatred
Won
Guilt
Invitation
House Party
The Characters
Jealous or Not?
Clarisse Reyes
Her feelings
Si Bruhang Maarte
He knows
The Favor
Favor 2
School Anniversary 1
School Anniversary 2
School Anniversary 3
School Anniversary 4(The Party)
School Anniversary(The Party 2)
Her POV
Her POV 2
Her POV 3
Her Confession
His Ex
AVOIDANCE
Ang CR
MatMat
Road to tagaytay
Beach Please!
Beach Please!(Part2)
Beach Party
Kiss and Touch
Last
CHANGES
Oh No!
Her and Her
Her and Her 2
Trouble!
Two of us
Don't care
Can you be mine?
Selfishness
AUTHOR'S NOTE
Memories

Grace Plan

4.8K 191 97
By YourNotMyType14

Cassandra's POV

"girl, hows my plan? umobra ba?" excited na tanong sakin ni dianne sa kabilang linya.

Napataas ang kilay ko dahil sa inis dito. Kausap ko nga pala ito sa phone at nakauwi na din ako ng bahay..

"Big NO! hindi umobra bruha ka! at sino bang may sabi sa inyo na patayin niyo yong ilaw sa Cr? tsk. Alam niyong takot ako sa dilim!" inis kong sigaw sa kanya.

"ouch naman girl, pakihinaan boses mo.. ang lakas. tsaka, ginawa namin yon para may thrill yong plano." sagot nito sakin.

Yeah, tama nga kayo.. plano nila at pati ako yong pagkakulong namin ni dani don sa Cr ng school. Ewan ko ba dito kay dianne bakit yon ang naisip niya tsk. teka nga.. bakit ba ako um-oo sa plano niya eh wala naman tong utak -_____-

at pinatay pa talaga nila ang ilaw ah! naku! yon yong pangyayaring di ko talaga alam! scripted yong pagkakulong namin sa cr pero yong pagpatay at yong pag iyak ko? nah-uh! totoo na yon! Kaya nga naiinis ako sa dalawang to dahil ginawa pa nila yon!

"thrill? thrill ba yong tinakot niyo ko? mga letse kayo ah!" sigaw ko na naman sa kanya.

"girl naman! tinutulongan ka na nga namin eh, tsaka.. sure akong may magandang nangyari sa pagpatay namin ng ilaw.. tama ba ako?"

sa sinabing iyon ni dianne bigla kong naalala yong pagyakap ko kay dani at ang mga salitang sinabi niya sakin..

"wag kang matakot del rio, andito lang ako..."

Wala sa sariling napangiti ako nang dahil don.

"hey girl! ..still there? ..girl?!" Rinig ko na lang na sigaw ni dianne.

"what!?" sigaw ko din sa kanya.

"okay ka lang dyan? di ka na nakasagot.. ano na? may magandang nangyari ba?" tanong ulit niya sakin.

"Wala! walang nangyari! bakit ba ako um-oo sa plano mong bruha ka, wala ka namang utak!" pagsisinungaling kong sabi sa kanya dahil na rin sa inis ko dito -____-

"Ouch naman girl! sakit ng sinabi mo ah, tanga lang ako pero may utak din naman ako.."

"tsk. whatever!" Tugon ko sa sinabi niya.

"sus! sige na, magbihis ka na dyan at bumalik ka na dito sa school, may naisip daw'ng plano 'tong si grace. Dito na lang daw niya sasabihin."

Napataas ulit ang kilay ko sa narinig..

"really? oh sge, magpapalit muna akong damit.. at sabihin mo kay grace na siguradohin niyang eepekto ang plano niya, kundi.. kakalbohin kita dianne!" banta ko sa kanya.

"o-oy! ba't ako kakalbohin mo girl, si grace da----"

*toot *toot *toot

Hindi pa niya natapos sasabihin niya ng pinatay ko na ito. Dami pa kasing sinasabi, naiingayan na ako.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sofa, andito kasi ako sa sala namin. Aakyat na sana akong hagdanan para pumuntang kwarto ko nang may pamilyar na boses na tumawag sakin.

"cassandra.."

Nilingon ko ito at tumambad sakin ang seryosong mukha ni dad na nakatuxedo.

"d-dad, your here.."

"yes i'm here, saan ba ako pupunta?" sagot nito sakin.

"ahm.. w-wala naman po dad." yoko kong sabi dito.

"at ikaw? hindi ka papasok?"

"papasok po dad.. magbibihis lang po ako." sagot ko sa kanya.

"okay, by the way.. dadating mamaya tita mo from new york together with her son, matteo."

Gulat naman ako sa sinabi niya.. si tita maris? O____O

"bakit daw dad?" tanong ko.

"vacation" maikling sagot nito sakin.

Magsasalita pa sana ako pero tumalikod na ito sakin at lumabas ng bahay. Bumuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad..

Bigla kong naisip yong pagdating nina tita maris dito..sa hinaba haba ng panahon ngayon pa sila nakaisip na magbakasyon sa pilipinas. I think 6yrs old ako non nong bumisita sila dito kasama yong anak niyang si matteo, yong pinsan kong ubod ng yabang. Tsk! baka mas humangin pa yon dahil malaki na siya, kaedad lang kasi kami non at doon siya nag aaral ngayon sa new york.

Si tita maris naman ay kapatid ni dad, mabait si tita compare kay dad. Palangiti kasi ito at si dad naman ay hindi, dalawa lang silang anak ng grandma at grandpa ko.

**

Matapos kong magbihis at lahat lahat ay nagpahatid na ako kay mang juan sa school. Pinark niya kaagad ang kotse sa parking area..

"hm.. madam, susunduin na lang po kita mamaya.. may inutos lang kasi sakin yong daddy niyo." sabi ni mang juan sakin.

"sge po, okay lang" ngiti kong sagot dito bago ako lumabas ng kotse.

*

"oh! thank god, your here na.. buti may sakit teacher natin sa first subject girl, malamang late ka"bungad na sabi sakin ni dianne ng makapasok ako ng classroom. Napansin ko rin na biglang tumahimik yong loob ng makita nila akong pumasok. Alam kasi nilang ayoko sa maingay kaya tumahimik sila lahat at nagsiupuan.

"wala naman akong pake kung malate ako, di naman ako papagalitan noh! duh!" sabi ko kay dianne.

"sabagay, ikaw lang naman may ari nito." sarcastic na sabi ni dianne sakin.

Nginitian ko lang siya at inilipat ang tingin kay grace na tahimik lang.

"so? grace, spill your plan" ngiti kong sabi dito.

Dani/Danica's POV

Napabagsak yong katawan ko sa malaki kong kama at napabuntong hininga ako.. nakadating na pala ako sa bahay matapos ang nangyaring eksena doon sa Cr ng school.

Napatitig din ako sa kisame at iniisip kung paanong di mabuksan buksan yong doorknob ng pinto don sa cr kagabi.. alam kong may kinalaman si del rio don pero di ko na siya kinausap dahil ayoko ng makipagtalo sa kanya kasi alam kong di naman siya aamin. Matapos ngang sabihin ni manong na di daw nila nilolock at di daw yon nasira ay agad akong napalingon kay del rio. Mas lalo nga akong nainis sa kanya, pero lumabas na lang ako kaagad non at di ko na siya kinausap pa.

"aaaaaaahhhhhh!" tinakpan ko ang mukha ko ng malaking unan tsaka ako tumili ng malakas. Pagod na ako sa pagpapanggap na'to! Idagdag mo pa yong mga ginagawa ng del rio na yon sakin, hindi na nga niya ako binubully pero eto na naman siya.. pinasasakit niya ulo ko sa mga ginagawa niya! ba't kaya hindi na lang niya ako pabayaan? sinabi ko naman sa kanya na di ko siya kailanman magugustohan pero eto siya at pinipilit ang sarili niya sakin.

Ibang klase din siya...

Bumangon na ako ng maisipan kong maligo na, hinubad ko na lahat ng suot ko pati yong wig sa ulo ko tsaka ako pumasok ng Cr.

*

Tinungo ko agad ang cabinet para maghanap ng susuotin ngayong araw..
Habang naghahanap ako ay bigla namang tumunog yong white phone ko.

Tumigil muna ako sa paghahanap at kinuha ang phone na nakacharge sa tabi ng kama.

From: Alfred
     bro,wer na u? punta k@ n@ d2 sx@ skul. M@y m@q@nd@nq b@lit@ k@mii seu, excitinq to! :)

Napaface palm na lang ako sa txt ni alfred, grabe naman tong lalaking to.. uso pa pala jejemon ngayon? -______-

Buti naintindihan ko yong txt niya eh..

Nagreply na lang din ako sa kanya ..

to: Alfred
    sge bro, papunta na ako dyan.. bihis muna ako.

-sent.

Matapos ko siyang mareplyan ay bumalik na kaagad ako sa paghahanap ng maisusuot ko.

*

*Peeeeep
*Peeeeep

Naipark ko na ang sports car sa parking area ng school, lumabas ako at sinarado ang pinto nito.

"Dani!"

"aw!" napatili ako bigla sa gulat ng may umakbay sakin.

Tiningnan ko kung sino ito at bumulaga sakin ang nakakunot na mukha ni nico.

shoooooooocks! >_____< ano ba yong pagkakatili ko? kagulat naman kasi eh!

"bakla ka ba bro?"

nanlaki ang dalawang mata ko sa seryosong tanong niya sakin.

"h-ha?" ilang segundo din akong di makapagsalita sa sinabi niya.
"eherm! ulol! mukha mo bakla!" sabi ko kahit kinakabahan na ako sabay batok ko sa kanya sanhi para humiwalay siya sakin sa pagkakaakbay.

"aray ko naman bro! nagtatanong lang eh, tumili ka kasi na parang babae eh.." nakapout nitong sabi sakin.

"mukha mo nico! a-ayusin mo yang tenga mo, baka di ka na masyadong makarinig!" sigaw ko sa kanya.

peeew! buti magaling akong magsinungaling sa mga ganitong sitwasyon -_______-

"ts! malinis kaya tenga ko bro." pout ulit niyang sabi sakin.

"tsk! oo na.. nga pala, anong ginagawa mo dito? ngayon ka lang din ba pumasok?" tanong ko sa kanya.

"ah oo, ngayon lang bro. Aabsent nga sana ako ngayon pero nagtext si alfred sakin na pasok daw ako, kaya eto, kahit nakakatamad pumasok ngayon eh um-oo na lang ako sa kanya." Kamot sa ulong sagot niya sakin.

"ganun ba? nagtxt din siya sakin eh, sabi niya may magandang balita daw siya." sabi ko dito.

"eh? tsk. ewan ko ba don.. di ko kasi maintindihan txt niya, napakajeje ng gagong yon!" nakakunot noong sabi na naman niya.

Sabagay.. tama nga siya -_____- ang jeje  naman talaga!

Pagkatapos naming mag usap ay naisipan na naming pumasok ng school.

*

"so what's up mga bro's?" aktibong sabi ni nico ng makapasok na kami ng classroom.

"gago! ba't ngayon lang kayo?" biglang sabi ni james samin.

"tsk! wala ka na don bro!" ngiting pilyong sagot ni nico sa kanya.

"lul mo!" sigaw muli nito.

"danica, bat di kita makontak kagabi?" bigla naman akong binulongan ni kiko sa tabi ko.

"h-ha? ahmm.. di ko nacharge yong phone ko kiko, lowbat kasi ako. tsaka, m-maaga akong natulog eh." pagsisinungaling kong sagot sa kanya.

Ayoko kasing sabihin sa kanya yong nangyari -______-

" nga pala.. may sasabihin kami sa inyong dalawa!" singit nitong si alfred, kaya lahat kami napalingon sa kanya.

"dapat talaga ikaw magsabi alfred?" pokerface na sabi ni france.

"aba! oo naman.. ako kaya sinabihan ni ms. Cassandra nito!" nakangising sagot nito.

napakunot noo naman ako ng marinig ko ang pangalan ni del rio, ano na naman kayang kalokohan nong bruhang yon?

"ano yong sinabi niya alfred?" tanong ko dito.

"hmmm.. invited kasi tayong magbabarkada sa isang party sa beach resort nina grace doon sa tagaytay bukas!" excited na sagot niya sakin.

wait? party? sa tagaytay? O____O
ano na naman bang binabalak ng bruhang yon at ininvite pa kami sa isang party at doon pa sa tagaytay?

"really bro?! totoo ba yan? ininvite talaga tayo ni ms. cassandra?" nanlalaking matang sabi ni nico dito.

"yep! di nga ako makapaniwala na invited tayo eh, tsaka si ms. cassandra na yong nag-invite ah! at isa pa, dalawang araw tayo don.. saktong sakto kasi saturday bukas, walang pasok at doon lang din tayo matutulog ng isang gabi.. kakaexcite mga bro!" sabi niya sa lahat.

Napaisip na naman ako sa sinabing iyon ni alfred, alam kong may binabalak na naman tong si del rio. Tsk! kainis talaga, pati tong mga tropa ni kambal dinadamay na niya.

"ayokong sumama" seryosong sabi ko sa lahat.

Napalingon kaagad silang lahat sakin.

"what? no way bro, dapat sumama ka.. dapat kompleto tayo!" sagot ni james.

"Ayoko nga, kung gusto niyo kayo na lang." pagtanggi ko uli.

"tama si james bro, sumama ka dapat. Sge ka, kung di ka sasama magtatampo ako sayo" nakapout na sabi ni nico sakin.

"kadiri mo gago, sasama yan si dani" bigla naman akong napalingon kay kiko ng sabihin niya iyon.

"anong pinagsasabi mo kiko? di nga ako sasa—"

"sumama ka dani.. sge na." pagputol niya sa sinabi ko.

Bumuntong hininga na lamang ako..

hays. pati tong si kiko, gusto pa talaga akong isama.

"Oo na, sasama na ako!"

Cassandra's POV

Kinuha ko phone ko sa bag ko ng marinig kong tumunog ito.

From: 09123******
    eow ms.C@s@ndr@! okii n@ p@y@q n@ l@h@t nq tropzx co :)

Napakunot noo naman ako ng di ko maintindihan ang txt nong isang friend ni dani.. alfred ata yong name non. Duh! ewan, di ako interesado sa kanya.

Binigay ko sa kanya yong number ko para matxt niya sakin kung sasama si dani o hindi.

"dianne, basahin mo nga to! napakajeje ng txt niya di ko maintindihan!" inis kong sabi dito.

Kinuha agad ni dianne yong phone ko tsaka ito binasa..

"ah.. sabi niya girl, okay na daw.. payag daw lahat ng tropa niya." sabi ni dianne sakin.

Napataas naman ang kilay ko..

"ang jeje mo dianne, naiintindihan mo talaga yong txt niya ah." asar kong sabi sa kanya.

"no! di ako jeje girl noh! sa ganda kong to? hell way!" sagot naman niya.

" whatever " sabi ko sabay ikot ng mata ko.

So.. sasama nga lahat, ibig sabihin pati si dani sasama ^_______^

"Pano yan girl, sasama na din si dani.. ikaw na bahala ah" pokerface na singit ni grace sakin.

" i know grace " ngiti kong sabi sa kanya.

Mukhang naeexcite na ako sa kung anong mangyayari bukas..



hmmmmmmm.. ano nga kaya?

To be Continued...




A/n: K. nkapagupdate din sa wakas :D


Typo errors √√√

Next Chap: MatMat

- YourNotMyType14 -














Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 95.8K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
15.6K 345 58
Forbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her i...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...