The Ultimate Heartthrobs & Me

By Steph_Gapol

1.4M 39.2K 4.5K

" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Sub... More

PROLOGUE
Chapter 1- A Bad First Day
Chapter 2- Tigre at Unggoy
Chapter 3 - His Payback
Chapter 4- Her Punch
Chapter 5 - New Friendship
Chapter 6- A Flashback
Chapter 7- Got Your Back
Chapter 8- Double Trouble
Chapter 9- Not a Date
Chapter 9- Not a Date (Part 2)
Chapter 10- Operation: Avoid The Breakers
Chapter 11- The Past Accident (Part 1)
Chapter 11- The Past Accident (part 2 )
Chapter 12- Peace
Chapter 13- Worried
Chapter 14- Unexpected visitor
Chapter 15 Still my Enemy
Chapter 16 - Cold but caring
Chapter 17 - Say What?!
Chapter 18- Mall
Chapter 19- Ice Cream
Chapter 20- Confession
Chapter 21- Haha!
Chapter 22- Unless
Chapter 23- Meet the Huskies
Chapter 24- Mall take two
Chapter 25- We Meet Again.
Chapter 26- Trouble
Chapter 27- For you
Chapter 28- Meet Kim
Chapter 29- I doubt it.
Chapter 30- Heartbreaks
Chapter 31- Mad
Chapter 32- Why so cold?
Chapter-33 I Don't Know You
Chapter 34- Help from the boys
Chapter 35 Basketball Game
Chapter 37 - Old Members
Chapter 38 One Team
Chapter 39- Ultimate MakeOver
Chapter 40- Former Nerd turns into Goddess.(P1)
Chapter 40 - Former Nerd turns into Goddess (P2)
Chapter 41 - Saved by Prince Charming
Chapter 42- Missing
Chapter 43- I'll Be There
Chapter 44- The Truth
Chapter 45- Fridate
Chapter 45 (Pt.2)
Chapter 46 - Tagaytay Getaway (Pt.1)
Chapter 46 - Tagaytay Getaway (Pt.2)
Chapter 46 -Tagaytay Getaway (Pt.3)
Chapter 46- Kiss under the rain. (TG Pt. 4)
Chapter 46- Tagaytay Getaway (Pt.5)
Chapter 47- Co-incidence
Chapter 48 - The Ultimate Hearttrob's Feelings
Chapter 48- His Ultimate Confession
Chapter 49 - Unexpected Farewell
Chapter 50- Comfort
Chapter 51 - Hurt
Chapter 52 - Inbetween
Chapter 53- Bad Timing
Chapter 54 - Now or Never
Chapter 55- Too Late?
Chapter 56- Ultimate hearttrob's effect.
Chapter 57- New Arrival
Chapter 58- Lovers or Quarrel Experts
Chapter 59 - Unexpected Evening
Chapter 60 - The worst but best day ever.
Chapter 61- Baby
Chapter 62- A Sweet Irony
Chapter 63 - This is it
Chapter 64 - Family first
Chapter 65- Cool off
Chapter 66- You are my exception
Chapter 67 - Double Date, Double Trouble
Chapter 68 - Kendall's Girlfriend
Chapter 69 - White Lies
Chapter 70 - Birthday Date
Chapter 71 - The Great Party
Chapter 72- Promise
Chapter 73- Trial
Chapter 74- Collision
Chapter 75 - Aftermath
Chapter 76 - Missing him
Chapter 77 - Because of you

Chapter 36 - Ultimate Nurse

15.8K 440 34
By Steph_Gapol

JACOB

"OWW!!" hiyaw ng mga nanonud.

Lahat kaming huskies nagmadaling lumapit kay Kendall na nakadapa sa sahig, pagkatapos ko ito natamaan ng bola sa mukha mismo. Sheit.

"Shing-Wa! Oi!" inaalog namin ni coach si Kendall para gumising. Kaso wala, nawalan ata ng malay ang lalaki nato. Masyado siguro malakas ang pagka tama ng bola sa itchura niya. Siya naman kase, hindi nag cocon-centrate! Kung saan saan tumitingin, yan tuloy. Tsk.

"Coach kami na bahala sa kanya, Alex ikaw na dito" tumango si Alex kay Ginno at nilagay ang kamay ni Kendall sa balikat niya, agad ko naman siya tinulungan buhatin si Kendall.

"Sigurado kayo diyan? " tanong ng coach namin.

"Yes coach. Iuuwi na lang namin siya sa mansion nila para makapagpahinga to'" Suminyas naman ako kay Alex ng good-luck-look at agad ng lumabas sa gym. Kahit walang malay tong captain namin, alam kung magwawala siya pag nalaman niyang mag wawalkout kami ng game. Kaya mabuti na, kami na lang ni Ginno maguuwi sakanya at si Alex mag stay dun para tapusin ang laban kasama ang huskies.

"Ano kaya nangyari dito?"

"Di ko rin alam eh, pero sigurado ako may gumagambala kanina sa laro niya." sagot ko kay Ginno habang nakaakbay sa amin si Kendall na walang malay.

Nakapagtataka lang talaga kung bakit naging lutang ang paglalaro niya, eh kanina lang panay ang shoot nito. Sino kaya gumagambala sa isip niya?

"Jacob! A-anong nangyari?" sinalubong kami ni Stella sa exit ng gym kasama ang nagaalanganin niyang mukha.

"Nawalan ng malay kanina lang. Kaya inisipan naming pauwiin ito"

"Iuuwi agad? Eh...may clinic naman sa school nato. Dalhin natin siya dun" bulyaw niya na halatang nagaalala kay Kendall.

Napatawa ako. "Pag normal na tao dadalhin dun, pero si Kendall to eh. Allergic siya dun" sagot ni Ginno at mukhang hindi naman gets ni Stella. Malamang, walang alam tong bestfriend ko sa mga nakaraan ni Kendall. At ayaw ko naman e-explain sa kanya kasi ang haba at tsaka ang mabigat KASI DALA KO!

"Teka sasama ka sa amin?" hanggang ngayon sunod ng sunod parin siya samin. Halatang concern haha.

"Ha?...ahh.-"

"Tsk tara na," mukhang ng dadalawang isip pa siya, kaya yun kinaladkad ko na lang gamit ang isa kung kamay.

--

Nakarating na kami sa bahay ni Kendall at agad naman kami sinalubong ng mga maid nila at si Lola Telda para idalhin sa kwarto niya.

"Ok na siguro yun"

"Oo nga. Stella tara?" nasa taas parin ang tingin niya.

"Ano? Aalis na lang kayo? Di yo ba hihintayin gumising siya?"

"Malaki nayun, tsaka ang nangyari sakanya? Sisiw lang yan" sanay na kami diyan kung tutuosin. Ang nangyari kay Kendall ngayon? Pilikmata lang yan sa mga iba pa naming ginagawa.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Normal lang sa amin ang mga bagay na yan. Ang mawawalan kami ng malay? Psh. Hindi lang yan ang inaabot namin noon pa. Minsan nga duguan na kami umuuwi sa bahay, may mga black eye O di nga pasa kung saan saan" mukhang hindi namang hindi mapakaniwala si Stella sa mga sinasabi ni Ginno. Pero totoo naman ang lahat ng yun. Dahil sa kilala kaming myembro ng RED RUMMER dati, madami ang gustong maghiganti.

Lalo na kay Kendall, dahil mayaman ito at heritero ng Shing-Wa buisness, gayun man kahit gusto nila bubugin si Kendall, di nila magawa. Walang sino man ang pumaloag dun, pwera na lang sa bola Kanina.

STELLA

Grabi naman, duguan daw sila pag umuuwi? Ano ba ginagawa ng mga to? Nakikipag tayaan sa tigre at leon?

"Paano naman nangyayari yan?" tanong ko.

"Dati kasi meron kaming...." merong? tumigil si Jacob at tinignan ako ng seryoso. "Gang." GANG?! Gangster ang mga mayaman at mga gwapong nilalang 'to??

"Wag ka matakot sa amin Stella, dati pa yun nag bago na kami. Tsaka good boy na kami ngayon. Well good boy na bad boy haha!" naka ngiting sabi ni Ginno.

"The breakers na kami ngayon, hindi na meymbro ng RED RUMMER." Dagdag ni Jacob.

Teka....Eh kung may gang nga sila dati...Ibig sabihin, si Kendall ba ang tinutukoy ng mga lalaki kaninang naguusap? Na maghihiganti ng sila dito? Na tatapusin nila si Kendall??

"Oi, bakit ganyan ang mukha mo? Nagbago ba ang tingin mo sa amin?"

"Ha? Hindi hindi" agad aking umiling, nakaraan naman nila yun eh. Kung may gang man sila eh bahala sila tsaka wala naman ako dun. "Ah Ginno...Jacob....may mga kalaban ba si Kendall?"

"Tsk. Madami kaming kalaban, ang mga gustong humuganti sa aming The Breakers. Pogi kami eh." nagawa pa ni Jacob mag pa pogi sign. Loko lang! "Eh yung...makipagaway okay din ba si Kendall dun?" paano kaya kung siya ang tinutukoy ng mga lalaki dun kanina? Kasi nga kakasabi lang niya madami ang gusto maghiganti kay Kendall.....ibig sabihin may plano mga yun...

"Okay? Psh. Pag mga assignment lutang yun, pero pag dating sa labanan, wala ng papalag pa sa lalaking yun. Kahit ilaban mo siya sa sampung tao. Kaya niya yun taposin sa loob ng isang minuto, kahit gamit niya isang kamay. Sa lahat ng mga sides ni Kendall, yun ang pinaka maangas sa lahat"

Sa sinabi ni Ginno parang namangha ako. Grabi ganon pala kalakas si Kendall pag dating sa awayan? Siguro nga sanay siya makipag bakbakan kasi madami ang gustong maghiganti sa kanya. Matindi din pala ang lalaking yun sa physikalan.

"Wala pang nakakatalo kay Kendall kailanman. May dugong kriminal yun oag dating sa bakbakan." Dagdag ni Jacob at napatawa kaming tatlo.

Parang nawala ang kaba ko sa nalaman ko. Ibig sabihin kung may plano man mga lalaking yun, kayang kaya sila ni Kendall.

"Teka ba't mo ba natanong yun? Tsaka pansin ko lang ah...Kanina ka pa tanong ng tanong tungkol sa kanya. Ayiieee" pagloloko ni Ginno at natawa sila ni Jacob.

"Na cucurious na ba ang puso mo sa kanya? Haha!" Waa! Mga baliw ng mga to kung ano ano sinasabi.

"AIGOO!! Ang kulit ng batang yun!" napatingin kami kay Lola Telda habang pababa ito sa hagdanan.

Naku! Siguro gising na si Kendall!

Bakit na excite ako?

"Grandma, oh kamusta na siya? May malay na ba?" tanong ni Ginno habang inaalayan si Lola Telda.  " Hay naku. Ang batang yun, Tigas parin ang ulo! Kaninang umaga lang sabi ko sakaanya wag siyang pumasok kasi mainit ang lagat niya. Eh tignan mo ngayun, umaapoy sa lagnat. Ayaw pa uminom ng gamit. Aigoo!" minasahi ni lola ang noo niya habang inaayos ang salamin.

Si Kendall daw.. May lagnat? Kanina ang lakas pa nito ah. Kaya siguro natamaan siya ng bola.

"Sige na grandma pahinga kana. Andito naman si Stella para alagain si Kendall"

HALA!? Bakit ako?

Nilakihan ko si Jacob ng mata, pero sila ni Ginno nakatawa lang. Abnormal! Ako na naman nakita nila. Sumama lang naman ako para siguradohing okay na siya tapos ngayon ipapaalaga nila siya sakin?? Anong nangyayari sa Earth?? Aalagaan ko ang lalaking mahilig mam bully sakin?

"Talaga? Iha kung ganun tara na!" masiglang sabi ni Lola. Sasalita na sana ako pero agad niya akong hinawakan papunta sa taas. Lumingon ako kina Jacob at Ginno at kumakaway sila sa akin habang ang naka aasar nilang ngiti.

LECHE! Ano ba naman ang ginawa ng mga to. Huhu.

Huminto kami ni Lola sa tapat ng malaking pintuan. Kwarto ng halimaw, este ni Kendall.

"AYOKO KA NGA YAN! WAG KANG BABALIK  OR YOURE FIRED!"

Isang malakas na boses ang agad kung narinig nung lumabas ang maiyak-iyak na maid. Ganun ba katakot si Kendall ngayon? O galit kasi malakas ang tama sa ulo niya. Waaa! Parang natatakot na ako tuloy lumapit aa kanya!

"Grandma. Kanina ko pa po pinipilit yun, wala talaga. Ayaw uminom."

"Ah siya. Sige na bumaba kana andito naman si Stella eh" malalaglag mata ko sa sinabi ni lola.

"Ho?! Lola naman! Bakit ba ako? Eh ang dami niyong maid dito oh" Tsk. Ako pa talaga? Natatakot ako kay Kendall mukhang highblood niya ngayon.

" Ija, kaibigan ka ni Kendall. Tsaka alam kung malapit ang loob mo sa kanya.. Pagbigyan mo na ako,  madami pa akong gawain sa bahay nato. Sumasakit pa ulo ko sa batang yun. Sige na pag bigyan mo na ako sa hiling ko." parang nag pa-puppy eyes pa si lola.

"Per--"

"Sige na. Ikaw na bahala sa kanya okay? I know he wont hurt you. Alagaan mo siya. Please ija?" WAAAAH!! Ayoko ko! Kaso huli na eh, tinulak na ako ni Lola sa palapit ng kwarto ni Kendall at bumaba na ito. Huhu. Lola Telda ang bad mo. *Pout*

Papasok na sana ako pero nakita ko may inabot sakin ang isa pa niyang maid.

"Eto po yung gamot ni Master Kendall, Sige po goodluck." hala? Bakit nag goodluck siya?

"Teka...bakit goodluck?" Nasa loob na ako pero napahinto ako at tinignan siya. Napakamot ito ng ulo niya.

"Kasi po...Parang...Ah..wala yan sa isip si Master pag may sakit. Kumbaga po kung gaano ka init ang lagay niya, ganun din kainit yang ulo niya. Lalo na kapag pinapainom ng gamot. Sige po goodluck ulit" at sinira niya ito, aba ni-lock pa talaga?! NOOO!

Nag goodluck ba siya sa akin kasi hindi ako makakalabas ng buhay sa kwarto niya? Na bubugahan ako ni Kendall ng apoy? Ganun ba talaga siya ka highblood pag may sakit?

Pinagtataka ko lang, kung may lagnat ito at tsaka natamaan ng bola, bakit ang anggas niya parin? Ibang tao basta magkasakit mahina sila...kaso hinding iba tao to, si KENDALL SHING-WA pala to!

"Hmm.." Si Kendall yun...Napatayo balahibo ko.

Agad kung nilapitan ito. Buti na lang nakatulog pala siya. Di ko alam kung bakit kinakabahan parin ako. Huhu.

Bakit ba kasi sumama ako kina Jacob at Ginno dito?! Eh iiwanan kang pala ako! Tapos ngayon ginawa akong NURSE para sa lalaking inaasar ako.

Tumigil ako sa harap ng kama ni Kendall, kung saan nakahiga ito sa malaki niyang kama, habang nakabalot sa kanya ang makapal na kumot. Lakas kasi ng A.C nila kaya malamig dito. Pero buti na lang naka jacket ako.

Minasdan ko siya habang nakahiga.

Napansin ko yung mapulang bahaging noo ni Kendall, dun ata siya natamaan ung bola.Pero kahit ganun...ang gwapo parin. Not to mention ang makapal niyang pilikmata, matangos na ilong, pinkish-red lips niya...ang gwapo!

Pag nakatulog maamo lang ang mukha, pero pag gising daig pa ang isang dragon bumuga ng apoy!

"May balak ka bang pagsamantalaan ako?"Di pala tulog?!

Nanlaki mata ko at lumayo sa kanya.

"Eh! G-gising ka?! Kelan pa!" unti unti niyang minumulat ang mata tsaka tinignan ako habang nakangiti....kendall's irritating smile.

"Kelan? Hmm..nung nararamdaman kun may nakaTITIGsa akin...Feeling ko nga may pinaplano ka eh" ngumisi siya ulit. May sakit ba talaga to?

"Kapal ah! "

"Kunwari ka pa. ....Teka..bakit ka nandito ? Hindi mo ba alam na ayaw kung may tao sa kwarto habang nagpapahinga ako?" umupo siya at tinignan ako ng seryoso. Yan na parang galit na siya! Lola kasi eh! Pero parang okay na pala ang lalaki nato, mukhang malakas na siya! Aalis na ako habang nakakahinga pa.

"Ah kasi si Lola eh...Pero mukhang okay kana. Kaya alis na ako! Sige bye!" tumayo na ako kaagad at nagmadaling lumapit sa pinto.

"Stop"

"Huh?"

"Come here" tinap niya yung kama.

"Kasi...Sabi mo ayaw mo ng may tao nagpapahinha ka naman diba! Kaya hehe! Medyo okay ka naman! Sige aali-"

"I said sit." tinap niya ulit ang kama. Sit? Come? Ginawa akong aso? Tsk. "Sino may sabi sayo na okay na ako? Look at my face." nag pout siya at kinuha ang kamay ko, pinatong ito sa noo.

WOAAAH! Ang init niya! "And its all your fault." eh? Ako daw?

"Anong my fault my fault?" tinignan niya ako.

"Kung hindi ka kasi nakipag.....ah basta....Damn you!" parang may binulong pa siya. Ano pa pinagsasabi niya? Ah bahala siya diyan!

"Di ko alam pinagsasabi mo....oh siya" inaabot ko yung gamot niya sa mesa "Kailangan mo tong inumin sabi ni Lola"para naman maka alis agad ako dito at makapahinga siya.

Agad siyang umusog palayo sa akin. Halaha? Takot? "Ayaw!" parang naging bata lang siya. "Sige na!'

"Ayaw! Mapait yan!"

"Anong ayaw? Kelanangan mong inumin to' para gumaling ka"

"No!"

Takot ba  siya sa gamot? Maka iwas wagas eh.

"Bilis na!"

"Bingi ka ba sabi ko ayaw eh!" Pinapagalitan pa ako ngayon eh tinutulungan ko lang naman siya!

Tinignan ko siya ng deritso. " You left me with no Choice" kumunot ang noo niya at nagtaka sa sinabi ko. Saglit lang kinuha ko yung kumot naka balot sa kanya.

"Oi!  oi! Anong gagawin mo?" gulat niyang sinabi pero di ko siya pinansin. Ano bang iniisip nito? Pagsasamantalain ko siya? Wow lang.

"Arte mo! " pinahiga ko siya at hinawakan yung pisngi niya at pinilit itong buksan tsaka pinasok yung capsule. TADA! edi tapos!

Inayos ko yung sarili ko at tumayo.

"YA! Sinong maysabi pwede mo yon gawin?!" hindi na ako takot sa kanya ngayon, eh siya nga takot sa gamot eh. Tapos stitch lover pa. Hahaha!

"Sige alis na ako! Bye!" sa wakas makalalabas na ako dito!

Naglakad ako palapit sa pintuan.

NGEK!!

LOCK PALA?!?!

NOO!!

Lumapit ulit ko kay Kendall, ngumisi lang siya sa akin at tsaka tinago ang mukha gamit ang kumot. Teka...wag mong sabihin plinano niya ito?.....Hindi naman siguro.

"Hoy Kendall! Alam kung gising ka...." lumapit ako sa kanya pero no respond ito!

Waa! Nagkukunwari pa siya!

"Kendall!" naku! Pag walang sakit ang lalaki nato kanina ko pa siya inupakan, hanapan ko kaya siya ng ipis para pansinin ako? Kaso imposible sa ganitong bahay...este MANSION nila.

"Hush. Im sleeping , im sick at kailangan kung magpahinga" mahina niyanh sinabi.

Napakamot ako sa ulo. Noo! Stuck ba ako dito? Hindi pwede!

"Oyy! Stitch Lover!"

"Damn you!  Stop calling me that!"

"Kendall naman eh" paarte kung sabi, habang  inayos salamin ko. At naramdaman ko naman na tumawa it. Abnormal talaga. 

"Kendall naman eh! Gagawin ko ang lahat para makalabas ako dito!" *Pout* Agad niyang inangat yung ulo niya.

Oh no.

Ngumisi ito.

"Sige basta sundin mo ang utos ko ha?" Naka ngisi niyang sabi. Tumango lang ako.

Ano ba naman trip nito? "Gusto kung sabihin mo, ' Poging Kendall, please kailangan ko makalabas dito tulungan mo ako. Please poging kendall!"

Psh ganun lang naman pala. "Tapos..." lumaki ang ngiti niya lalo..

Di pa pala tapos eh!!

"I-Kiss mo ako"

HALA?

Nanlaki mata ko sa kanya.

"A-ano?" automatik ko siyang hinampasan ng unan.

"OWW!" agad niyang tinaob ang itchura sa unan. Wrong move Stella!

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama nito."Naku! Kendall so-sorry...ikaw kasi eh! S-sorry!"

"Uugh!!lSumigaw siya  sa at nakahawak ito sa ulo niya, masakit pala yun tapos hinampas ko pa eh! Tsk Bad move Stella! Pilit ko siyang hinahawakan pero tinatalsik niya ito.

" It hurts" nakahawak ito sa ulo niya. Kinabahan naman ako. Sa bahagi pa pala ng noo niyang may pasa ang na hampas ko ng unan. Huhu

"Kendall sorry talaga! Kukuha ako ng ice teka lang! " tatayo nasana ako kaso hinawakan niya naman ang braso ko.

"Dito ka lang" nakapikit niyang sabi, sigurado ako masakit talaga ang ulo niya samahin mo pa ng maapoy niyang lagnat. Huhu.

"Saan pa ba masakit?"

"Dito.." akala ko tuturo niya ang ulo niya, kaso sa dibdib ito nakaturo..."Dito oh" tinuro niya ang kanyang dibdib ulit. Di ko gets? Di ko naman siya hinampas diyan ah. 

Blanko lang ako nakatingin sa kanya. Biglang napa buntol hininga ito.

" Tss. Ba't ba kasi kausap mo ang lalaking yun." Hindi ko masyado narinig yun, feeling ko binulong niya ito sa sarili niya lang eh.

"Ano sabi mo?"

" Wala! Tssk. Magsama kayo ng Geoff na yun." Naguluhan ako bigla sa sinabi niya. A-ano pinagsasabi nito? Sa game lang naman kami muling nagusap ah. Bakit bigla niyang na bring up si Geoff?

"Kutusin ko ang kupal na yun eh." Naiinis niyang sabi at napatawa ako ng marahan sakanya.

" Bakit? Hahaha selos ka kay Geoff nuh? Hahaha!" pang joke ko lang, pero bakit seryoso naman mukha nito.

"Selos? Tss.  Kaya ko siyang ibura sa mundo! Bwesit na yun." ala siya! ba't sobrang galit  nito kay Geoff! Ang gulo talaga ni Kendall.

Saglit lang may katahimikan..

"Psst. Diba sabi mo nurse kita ngayon?"

"Ha? Kelan ko pa sinabi yan?"

"Ouch!" hinawakan niya ulit yung noo niya tsaka nag pa pout-pout pa ito. Huhu sorry instinct lang yun!

" May sakit ang tao hinahampas mo!? Sadista ka ba?"

Bumalik ito sa paghiga. Stella naman kasi!

"Oyy..masakit ba talaga?" Tumango lang siya, take note slow motion pa yun habang naka pout. Hinawakan ko yung noo niya, at maainit parin ito.

Bakit pa kasi siya naglaro ng basketball hindi naman pala siya okay. Pero infairness kahit may sakit siya, lahat ng puntos galing sa kanya!

Napabuntol hininga ako.

"Okay fine " ngumiti na lang ako. Siguro ito yung chance makabawi ako sa mga ginawa niyang tulong sa akin.

Naramdaman ko naman tumawa ito. Wag mong sabihin nag bibiro lang siya?!

I sighed.... lokong lalaki nato,  may sakit na nagawa pang tumawa.

"Oo nga pala, kanina pa akong nalalamigan dito, Iadjust mo nga yung A.C" sabi niya pero nakahiga parin ito.

"Makautos ka naman wagas ah "

"Eh sabi mo nurse kita diba?" Inangat niya yung ulo niya habang naka tingin sa akin.

"Nurse nga, hindi po katulong"

"Whatever. Wala kang kwentang nurse" Aba? Kanina lang napakaawa ng lalaking to, tapos ngayon mainit ang ulo? Siya na may PMS.

"Walang kwenta? Ok. Sige byee!"

"Tsk. Wag mo akong ewan!"

Narinig kung sabi niya. Di ko alam kung bakit naramdaman kung bumilis ang pagkatibok ng puso ko. Anong nangyayari sa akin? Hay naku Kendall, pasalamat ka lang talaga madami akong utang sayo!

--

Time check. 7:48 pm na. Sigurado akong hinahanap na ako sa amin. Andito ako ngayon umupo sa computer desk ni kendall, nagbabasa ng libro, siya naman di ko alam pero nakatulog na ata. Malamang pagod na ito sa kakautos sa akin.

Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ko siya...

Tumigil ako sa harap ng kama niya at napayuko sa kanya. Nakapikit ang mga mata niya, mahimbing ang tulog.

Ano ba yan makatulog siyang wala man lang reaksyon, para siyang patay.

Nilapit ko lalo ang mukha ko sa kanya.

Napaisip ako...Ito yung unang Pag kakataon na matitigan ko siya ng ganito ka lapit. Hindi ko alam pero napangiti ako sa kanya.

Ang amo kasi niya pag natutulog, parang innosenteng bata. Ang tangos ng ilong niya, ang kapal ng mga pilit mata niya...

Ang gwapo niya nga talaga...

Tumayo ako ng mabuti at huminga ng malalim. Hays. Paano ako makaalis dito, ayoko naman iwan siya.

Saglit lang gumala siya kaya agad akong tumakbo pabalik sa pwesto ko kanina!

Umupo ako at kunyaring nagbabasa ng libro.

"Psstt tigre girl..." mahina niyang tawag sa akin.

Binaba ko ang libro at lumapit sa kanya. "Bakit?"

"Im hungry"

"Tapos?"

"Nurse kita ngayon diba? So dapat pakainin mo ako" Aba nurse talaga. "Ah gusto mong kunan kita ng pagkain sa baba?"pa sarcastic kung tanong.

"You bet."

"Mag please ka muna." hehe. My turn, kanina pa ako nagdudusa sa asal mo ah hehe. Akala mo ah.

"What! Ayoko ko nga!" galit niyang sinabi. "Ok fine." ngumiti ako sa kanya at kinuha ang libro tsaka umupo sa sofa niya. Tama kayo may sofa ang kwarto niya! Siya na mayaman! .

"Ok fine! Please! I want Shomai!"

"Ha? Sorry di ko narinig, ulitin mo nga? Tsaka gusto ko mahabang please ayoko ko yung galit." tinaasan niya ako ng kilay, mukhang naasar na siya. Pero nakakatawa lang itchura niya ngayon! Ako naman nag eenjoy haha!

"Aba. Bakit ko naman gagawin yun?"

"NO PLEASE NO SHOMAI" nakangiti kung sabi.

Siningkitan niya ako.

"Ya! Tigre girl youre really are something!"

"Kung gusto mo talaga ng shomai, its either sudundin mo ako O Susunod ka sa akin"

"Eh?! Wala naman akong mamimilian diyan eh!"

"Haha! Edi  manahimik ka, ginusto mo maging nurse mo ako diba? Pwes dapat maging NICE ka sa akin" sabi ko na naka evil grin.

"YAAAA!!!!"

Feeling ko mag eenjoy ako sa pagiging NURSE ni Kendall ^_^

Itutuloy..

HAPPY READING ^_^

|VOTE | COMMENT | ENJOY

Continue Reading

You'll Also Like

93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
569K 13.3K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.