I'm In Love With My Sister's...

By Slowding

386K 5.7K 1.4K

(COMPLETED) Super hate ni Mandy ang boyfriend ng ate niya na si Charles. Naririndi siya kapag nakikita ito o... More

I'm In Love With My Sister's Boyfriend
Update 1
Update 2
Update 3
Update 4
Update 5
Update 7
Update 8
Update 9
Update 10.1
Update 10.2
Update 11
Update 12
Update 13
Update 14
Update 15
Update 16
Update 17
Update 18
Update 19.1
Update 19.2
Update 19.3
Update 20
Update 21
Update 22
Update 23
Update 24
Update 25
Update 26
Update 27
Update 28
Update 29
Update 30
Update 31
Update 32
Update 33
Update 34
Update 35
Update 36
Update 37
Update 38
Update 39
Update 40
Update 41
Update 42
Update 43
Update 44
Update 45
Update 46
Update 47
Update 48
Update 49
Epilogue
Author's Note ♥

Update 6

8.7K 153 24
By Slowding

Dedicated kay HOPIAlykME. Thank you for reading! Love love ♥

Maxene here --------->

x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x

Mandy's POV

2:00 PM.

Nandito kaming tatlo nina ate at Charles yabang sa airport. Umabsent ako ngayon. Ngayon na kasi aalis si ate. Haay. Mamimiss ko talaga siya. Matagal din ang dalawang buwan no.

Nakaupo lang kami dito sa waiting lounge ng airport. Naghihintay na i-announce ang flight number ni ate. Parang lahat ata ng tao dito sa airport ay maingay pwera na lang sa aming tatlo. Napakatahimik. Nag-away ba itong dalawang ito? Parang may mali sa kanilang dalawa eh. Ewan.

Maglalaro na lang ako ng Temple Run dito sa iPhone ko. Nakaka-stress.

Philippine Airlines flight 309 is now ready for departure. Passengers are requested to proceed to the aircraft. Please keep your boarding cards ready.

"O, kailangan ko ng umalis." Sabi ni ate. Tumayo na kaming tatlo.

Niyakap niya si Charles yabang. "Charles, ikaw na ang bahala sa kapatid ko ha. Huwag mo sanang kakalimutan ang mga pinag-usapan natin."

Ano naman kayang pinag-usapan nila? Psh. Mind your own business na lang Mandy.

Nakita kong napabuntong-hininga si Charles yabang. "Alright, please come back safe. I will miss you Max." At hinalikan niya sa labi si ate. Gosh. Mukha akong tanga na nanonood sa kasweetan nila. Naiinggit ako! Namimiss ko na tuloy si Jules!

"Oo naman." Bumitaw si ate sa pagkakayakap niya kay Charles yabang at ako naman ang pinansin niya.

"Mandy," Niyakap niya ako. "Take care."

"Ingat ka din doon ate. Ikumusta mo ako kay Mommy. Sabihin mo na miss na miss ko na siya. At saka yung mga earphones ko at yung promise mo na hindi mo ako isusumbong kay Mommy ha!"

Ngumiti siya. "I will. Be a good girl Mandy. Alright?" Bumitiw na siya sa pagkakayakap sa akin at kinuha na ang gamit niya.

Tumango ako.

"So, aalis na ako. Ingat kayong dalawa dito ha, Charles and Mandy. Bye!"

"Bye Max."

"Bye Ate."

She waved us goodbye. Hinatid na lang namin siya ng tingin. Nanatili lang kaming dalawa ni Charles yabang sa pwesto namin hanggang sa nawala na si ate sa paningin namin.

Pagkaraan ng 2083247124465346 years ng pagtunganga.....

"Let's go." Yaya ni Charles sa akin.

Tumango na lang ako. Aish! Nakakainis naman ito oh. Lumabas na kami ng airport at pumunta na doon sa kung saan naka-park ang kotse niya.

* * *

234195 years na kaming nandito sa kotse niya at tinatahak na namin ngayon ang kahabaan ng EDSA. 234195 years na rin na walang umiimik na kahit isa sa amin. Naglalaro lang ako ng Temple Run. Kung magsawa man ako sa kakalaro ng Temple Run, naglalaro naman ako ng Ant Smasher. Ayoko naman kasi siyang kausapin, and besides, ano naman pag-uusapan namin? Hmm. Pero nakakapagtataka ang pagiging tahimik nitong si Charles yabang. Ano kayang problema nitong mayabang na nilalang na ito?

Pero bahala nga siya diyan. Buti nga yun, atleast hindi ko masyadong nararamdaman ang presensya niya.

"Mandy, gusto mong kumain na muna tayo bago tayo pumunta sa bahay ko?"

O! Nagsalita na siya pagkaraan ng napakaraming taon!

"Okay lang." Sabi ko habang nakatuon pa rin sa iPhone ang tingin ko.

"Where do you want to eat?" Tanong niya.

Hmmm. Parang ayoko yatang kumain sa labas. Paglulutuin ko na lang siya.

"Sa bahay mo na lang."

"Huh? Walang pagkain sa bahay ko. Bumili na lang tayo tapos kainin natin sa bahay."

Hindi ba siya marunong magluto?! Tsk tsk tsk. Hindi pwede. Kailangan niyang magluto. Tapos kapag natikman ko na ang luto niya, lalait-laitin ko siya pati na ang niluto niya. Magsusumbong ako kay ate kasi hindi siya masarap magluto at pagkatapos nun, voila! Pababalikin niya ako sa bahay at hindi na ako papatirahin sa bahay ni Charles yabang!

"Huwag na! Gagastos ka pa niyan. Bakit? Hindi ka ba marunong magluto? Tsk tsk. Ang sabi ni ate masarap ka raw magluto. Hindi pala. Tsk tsk." Umiling-iling pa ako habang sinasabi yun. Syempre, hindi totoo yung mga sinabi ko. Wala naman sinabi si ate na magaling magluto itong si Charles yabang.

Lumingon siya sa akin at ningitian niya ako. "Sige na nga lang. Ikaw talaga." At bumalik ang tingin niya sa daan. Naging seryoso ang mukha niya. Mukhang namomoblema yata siya sa lulutuin niya mamaya. Mapapahiya ka ngayon.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na rin kami sa bahay niya. Tamang-tama lang ang laki ng bahay niya. May dalawang palapag ito.

Lumabas siya ng kotse para buksan ang gate. Bumalik ulit siya sa loob ng kotse at pinasok ito sa garahe. Nang maipasok na ito, lumabas na ako ng kotse.

"Welcome into my home!" Sabi niya with all smile and arms extended widely na parang nagha-hands sideward.

Gumanti lang ako ng isang napakaplastic na ngiti. Psh. Ipako kita sa krus niyan eh. Tinalikuran ko siya at pumunta sa compartment ng kotse niya para kunin ang mga gamit ko.

"Sandali, ako na." Nabuksan ko na ang compartment ng kotse niya at kinuha ko na ang maleta ko nang hinawakan din niya ang maleta ko dahilan para magdampi ang mga kamay namin. Kapwa kami natigilan nun.

*dug dug. dug dug. dug dug.*

Shet. Ano ba itong nararamdaman ko? May kuryente ba siya sa katawan?! Alam mo yung feeling na sa simpleng pagdampi ng mga kamay namin ay nakaramdam ako ng kuryente?! Ewww ang corny lang!

Agad naman akong nakabawi sa pagkagulat at binigay ko na lang sa kanya ang maleta. Yung hand bag ko na lang ang kinuha ko.

Tahimik lang siyang naglakad papasok sa loob ng bahay. Sumunod na lang ako sa kanya.

Charles' POV

Papunta ako sa magiging kwarto niya. I know na nakasunod lang siya sa akin. Pumasok kami sa isang kwarto,inilapag ko ang maleta niya sa sahig, at humarap sa kanya.

"Here's your room. Sorry if medyo maliit." Sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Nilibot niya lang ng tingin ang buong kwarto.

Ang lamig talaga ng pakikitungo niya sa akin. Tsk. I don't know how to handle her. Pero okay lang. This is for Maxene.

x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x

Maiksi lang ang POV ni Charles! Nauubusan kasi ako ng ideas!! Patawarin! T____T

 

 Vote and comment na!


Slowding ♥

Continue Reading

You'll Also Like

124K 3.1K 42
Akala ko, magpapanggap lang ako bilang fiance nya. Naging sekreto ito. Pero, hindi ko inaasahan na pati mga magulang ko, gustong pakasalan ko sya. Na...
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
199K 3.5K 43
Kababata ko si Jeremy. Lumaki kami sa probinsya: sabay nag-aral sa pampublikong paaralan, umakyat ng mga bakod at puno, at nangarap. Lumipas ang mara...
71.5K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...